Home / Romance / HIS PLEASURE FULFILLER / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng HIS PLEASURE FULFILLER: Kabanata 51 - Kabanata 60

113 Kabanata

Chapter 27.6

Hindi namalayan ni Serene na nakatulog na pala siya pagkatapos niyang mag- isip ng kung ano- ano habang umiiyak. Pagkagising nga niya ay tulog na tulog pa rin si Luther at hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatulog. Dahan- dahan niyang inangat ang kamay ni Luther na nakayakap sa kaniya.Kailangan na niyang bumangon mula doon para maghanda ng pagkain dahil baka mamaya ay bigla itong magutom ay wala pa siyang maipakain rito. Nang matanggal niya ang kamay nito ay nagdahan- dahan siyang tumayo mula sa kama. Medyo madilim na nga sa loob ng silid nito at may kaunting liwanag lamang na nagmumula sa labas kaya medyo may liwanag pa rin.Sumilip siya sa bintana at doon niya nakita na madilim na pala sa labas. Bigla siyang napahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Mukhang napatagal yata ang tulog niya, hindi niya naman kasi inasahan na makakatulog siya at buti sana kungidlip lang ngunit tulog talaga dahil madilim na nga.Dahan- dahan siyang naglaka papunta sa drawer kung sa
last updateHuling Na-update : 2023-12-08
Magbasa pa

Chapter 27.7

Huminga muna siya ng malalim at pagkatapos ay muling tumayo. Sa punto ngang iyon ay nakatayo na siya ng matuwid at pagkatapos ay inihanda na ang cup noodles na binanlian niya. Kumuha siya ng plato na pagpapatungan dahil alam niyang mainit iyon at pagkatapos ay kumuha rin siya ng baso at nilagyan niya ng tubig. Kinapa niya ang kaniyang bulsa dahil natatandaan niyang kanina ay naghanda siya ng gamot para ipainom rito at hindi niya naman iyon naipainom kaya nasisisguro niyang nasa bulsa niya pa rin ito hanggang sa mga oras na iyon. Kinapa nga niya sa knaiyang bulsa at tama nga siya, naroon pa rin ang gamot kanina at pagkatapos ay binitbit na niya ang mga inihanda niya at pagkatapos ay pumasok na sa silid muli ni Luther kahit pa nahihilo siya. Titiisin na lamang niya. Kailangan niya lang talagang painumin si Luther ng gamot at pakainin bago siya magpapahinga. Pagkalapag nga niya ng kaniyang dala sa ibabaw ng drawer ay kaagad niya itong nilapitan at pagkatapos ay mahinang niyugyog ang b
last updateHuling Na-update : 2023-12-08
Magbasa pa

Chapter 27.8

Nagising si Serene na kumakalam ang kaniyang sikmura. Mabuti na lamang at nang mga oras na iyon ay nawala na ng tuluyan ang sakit ng ulo niya. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at pagkatapos ay bumangon ngunit hindi pa siya bumaba ng kama.Anong oras na ba? Tanong niya sa kaniyang isip. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang nagising ng dahil sa gutom niya. Siguro ay dahil hindi siya nakakain ng maayos kanina.Masyado niya kasing inaalala ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pagbanggit ni Luther ng pangalan ng ex nito, lalo pa ngayon at ang sabi nito kanina sa kaniya ay nanaginip daw siya.Panaginip lang ang lahat rito. Napabuntung- hininga siya. Hindi na siya naglakas pa ng loob na sabihin rito na hindi panaginip iyon kundi totoong nangyari, na hindi rin si Lian ang naroon dahil walang iba kundi siya.Muli siyang nagpakawala ng isang malalim na buntung- hininga at pagkatapos ay tuluyang tumayo mula sa kaniyang kama. Kailangan niyang kumain dahil parang manghihina siya
last updateHuling Na-update : 2023-12-11
Magbasa pa

Chapter 28.1

Nang magising si Serene ay maliwanag na sa labas. Nang magmulat nga siya ng kaniyang mga mata ay kaagad siyang napabalikwas ng bangon mula sa kaniyang pagkakahiga at pagkatapos ay dali- daling lumabas ng kaniyang silid. Wala siyang ideya kung anong oras na, may pasyente pa nga pala siyang dapat asikasuhin.Paglabas niya sa kusina ay nagulat siya nang makita niya si Luther na nakaupo na sa counter habang kumakain ng pancit canton. Nag- angat ito ng tingin nang mapansin naroon siya at pagkatapos ay kitang- kita niya na bigla itong natigilan nang makita siya doon.Ilang segundo lang naman ang itinagal nito dahil nakabawi din naman ito kaagad at pagkatapos ay ibinaba nito ang hawak nitong tinidor at tumigil ito sa kaniyang pagkain. Tumingin ito sa kaniya.“Nagutom kasi ako bigla. Kaya nagluto na lang ako kaysa naman istorbohin pa kita.” nakangiting saad nito sa kaniya.Tila siya natuod mula sa kaniyang kinatatayuan ng mga oras na iyon nang makita niya ang klase ng pagkakangiti nito sa kan
last updateHuling Na-update : 2023-12-11
Magbasa pa

Chapter 28.2

PAGKATAPOS nga niyang kumain at iligpit ang kaniyang pinagkainan ay napagdesisyunan ni Serene na lalabas na muna siya at magpahangin. Hindi naman na umuulan ng mga oras na iyon at nagpapasalamat siya na tumigil na rin sa wakas ang malakas na ulan.Pagpunta nga niya sa sala ay doon niya lang napansin na bukas nga pala ang pintuan sa harap ng bahay. Hindi niya iyon napansin kanina, kanina pa kaya iyon bukas? Tanong niya sa kaniyang isip bago siya lumabas mula doon. Paglabas nga niya ay sumalubong kaagad sa kaniya ang preskong hangin na mula sa dagat.Napatingala siya sa kalangitan, hindi na umuulan ngunit nananatili pa ring makulimlim ang langit. Pero mas maganda na iyon kaysa naman umuulan ng malakas, aniya sa kaniyang isip at pagkatapos ay tuluyan na nga siyang lumabas. Sa hindi kalayuan ay nakita niyang nakatanaw sa karagatan si Luther habang nakasalampak sa buhanginan. Mukhang malalim na naman ang iniisio nito.Nagdadalawa tuloy ang isip niya kung lalapitan niya ba ito o hindi, ngun
last updateHuling Na-update : 2023-12-11
Magbasa pa

Chapter 28.3

Kahit hindi nito ituloy ang sinasabi nito ay alam naman na niya ang dahilan dahil nga naikwento na sa kaniya iyon ni Lily. Nanatili pa rin siyang tahimik hanggang sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung paano niya i- cocomfort ito dahil siya ng mga oras na iyon ay nag- umpisa na namang masaktan. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang nalanghap nito at nag- oopen up ito sa kaniya, wala siyang ideya. Alam niya na kapag tinagalan pa niya ang pakikinig rito ay mas masasaktan pa siya pero nanatili pa rin siya dahil alam niya na ang tagal nitong kinimkim ang lahat ng nararamdaman nito at ngayon ay tuluyan na nga itong nagkwento sa kaniya kahit pa hindi naman niya ito pinilit. Ibig sabihin lang ay may tiwala na ito sa kaniya kaya nasasabi na nito sa kaniya ang saloobin nito. “Nung paggising ko sa ospital alam mo? Nadismaya ako, kasi napatanong ako sa sarili ko kung bakit pa ako nabuhay.” natatawang saad nito. “At mas lalo pa akong nadismaya nang makita ko itong itsura ko.” bulong
last updateHuling Na-update : 2023-12-11
Magbasa pa

Chapter 29.1

Pagkamulat ng mata ni Serene ay nasa loob na siya ng silid niya. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Bakit ba sumasakit ang kaniyang ulo bigla- bigla? Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay dahan- dahang bumangon. Wala siyang ibang natatandaan kundi ang bigla na lamang siyang nahilo at hindi na niya alam ang mga sumunod pang nangyari pagkatapos ng sandaling iyon. Ibig lang sabihin ay baka nawalan siya ng malay kanina. Ilang sandali pa ay nabangon na siya at pagkatapos ay lumabas na siya ng silid. Hindi naman na siya nahihilo kaya lanag ay tila ba para siyang nakalutang lang siya. Yung pakiramdam niya ay parang ang gaan- gaan niya at parang isang tapak niya lang na mali ay matutumba na siya. Pagkalabas nga niya ng kaniyang silid ay napaupo na muna siya sa sala. Napabuga siya ng hangin, ano bang nangyayari sa kaniya? Nasa ganuon siyang sitwasyon ng bigla na lamang niyang narinig ang pagbukas ng pinto kung saan ay napalingon siya rito. Nakita niyan
last updateHuling Na-update : 2023-12-12
Magbasa pa

Chapter 29.2

Hindi alam ni Serene ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon pero isa lang ang sigurado niya, kumikirot ang puso niya. Kung nitong mga nakaraang araw ay naririnig niya lang ang pangalan nito sa bibig ni Luther ngayon ay nasa harapan na niya ito mismo kung saan mas maganda pa ito lalo kaysa sa larawang nakita niya sa silid ni Luther.Isang reyalisasyon ang nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon, wala siya kahit sa kalingkingan nito dahil sobrang ganda nito at halos mamula- mula pa ang kutis nito dahil sa sobrang kaputian. Habang nakatitig siya rito ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng panliliit sa kaniyang sarili dahil ganito pala ang mga tipo ni Luther.Hindi niya tuloy maiwasang mapatanong sa kaniyang isip kung ano ang masamang hangin na nagdala rito ito. Wala naman silang natanggap na tawag mula kay maam Minerva na may darating silang bisita. Lumipat ang kaniyang tingin sa lalaking nasa likod nito ng mga oras na iyon, kahawig ito ni Luther at hindi maitatangging magkamag- a
last updateHuling Na-update : 2023-12-13
Magbasa pa

Chapter 29.3

“I’m sorry Luther…” umiiyak na saad ni Lian sa kaniya.Nasa tabing dagat sila ng mga oras na iyon. Doon niya ito dinala sa paborito nitong parte ng dalampasigan. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta ni Lian doon dahil noong sila pa at may libre silang oras ay lagi sila doon dalawa at masasabi niya na malaki ang papel ng lugar na iyon sa kanilang relasyon.Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa mga oras na iyon. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang magiging reaksiyon niya sa paghingi nito ng tawag sa kaniya pagkatapos ng ilang taon. Nang magmulat nga siya ng kaniyang mga mata sa ospital ay inaasahan niya na naroon ito sa tabi niya at hihingi ng tawad sa kaniya ngunit wala ito.Hindi ito nagpakita sa kaniya hanggang sa makalabs siya ng ospital. Tinanong niya rin ang kaniyang ina noo kung sa tagal niya na- coma ay dumalaw man lang ba ito sa kaniya ngunit malungkot na umiling ang kaniyang ina. Kaya niya ikinulong ang kaniyang sarili sa kaniyang silid at paglipas lang ng isang buw
last updateHuling Na-update : 2023-12-13
Magbasa pa

Chapter 29.4

Hinawi ni Serene ang kurtina na tumatakip sa kaniyang bintana. Plano niyang silipin kung nasaan si Luther at ang ex nito dahil gusto niya lang namang makita kung ano ang ginagawa ng mga ito.Napahigpit ang hawak niya sa kurtina dahil sa kaniyang nakita. Pakiramdam niya ay ilang daang kutsilyo ang tumarak sa kaniyang dibdib ng mga oras na iyon. Gusto man niyang umalis na sa kaniyang kinatatayuan at isara ang bintana ngunit hindi makagalaw ang kaniyang mga paa. Ayaw gumalaw ng mga ito.Bakit? Hindi niya mapigilang magtanong habang nakatingin siya sa mga ito na magkahinang ang mga labi. Anong ibig sabihin ng nakikita niya? Dalawang taon siyang nagmukmok ng dahil rito pero ngayon ay mukhang okay na sila. Ganun na lang ba iyon kadaling kalimutan para rito?Pero ano nga ba ang pakialam niya? Ano nga ba ang karapatan niya na kwestyunin ito sa mga desisyon nito, wala. Wala siyang karapatan. Halos manghina siya dahil sa kaniyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Ang bigat ng dibdib niya. Dahan
last updateHuling Na-update : 2023-12-13
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
12
DMCA.com Protection Status