Kahit hindi nito ituloy ang sinasabi nito ay alam naman na niya ang dahilan dahil nga naikwento na sa kaniya iyon ni Lily. Nanatili pa rin siyang tahimik hanggang sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung paano niya i- cocomfort ito dahil siya ng mga oras na iyon ay nag- umpisa na namang masaktan. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang nalanghap nito at nag- oopen up ito sa kaniya, wala siyang ideya. Alam niya na kapag tinagalan pa niya ang pakikinig rito ay mas masasaktan pa siya pero nanatili pa rin siya dahil alam niya na ang tagal nitong kinimkim ang lahat ng nararamdaman nito at ngayon ay tuluyan na nga itong nagkwento sa kaniya kahit pa hindi naman niya ito pinilit. Ibig sabihin lang ay may tiwala na ito sa kaniya kaya nasasabi na nito sa kaniya ang saloobin nito. “Nung paggising ko sa ospital alam mo? Nadismaya ako, kasi napatanong ako sa sarili ko kung bakit pa ako nabuhay.” natatawang saad nito. “At mas lalo pa akong nadismaya nang makita ko itong itsura ko.” bulong
Pagkamulat ng mata ni Serene ay nasa loob na siya ng silid niya. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Bakit ba sumasakit ang kaniyang ulo bigla- bigla? Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay dahan- dahang bumangon. Wala siyang ibang natatandaan kundi ang bigla na lamang siyang nahilo at hindi na niya alam ang mga sumunod pang nangyari pagkatapos ng sandaling iyon. Ibig lang sabihin ay baka nawalan siya ng malay kanina. Ilang sandali pa ay nabangon na siya at pagkatapos ay lumabas na siya ng silid. Hindi naman na siya nahihilo kaya lanag ay tila ba para siyang nakalutang lang siya. Yung pakiramdam niya ay parang ang gaan- gaan niya at parang isang tapak niya lang na mali ay matutumba na siya. Pagkalabas nga niya ng kaniyang silid ay napaupo na muna siya sa sala. Napabuga siya ng hangin, ano bang nangyayari sa kaniya? Nasa ganuon siyang sitwasyon ng bigla na lamang niyang narinig ang pagbukas ng pinto kung saan ay napalingon siya rito. Nakita niyan
Hindi alam ni Serene ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon pero isa lang ang sigurado niya, kumikirot ang puso niya. Kung nitong mga nakaraang araw ay naririnig niya lang ang pangalan nito sa bibig ni Luther ngayon ay nasa harapan na niya ito mismo kung saan mas maganda pa ito lalo kaysa sa larawang nakita niya sa silid ni Luther.Isang reyalisasyon ang nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon, wala siya kahit sa kalingkingan nito dahil sobrang ganda nito at halos mamula- mula pa ang kutis nito dahil sa sobrang kaputian. Habang nakatitig siya rito ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng panliliit sa kaniyang sarili dahil ganito pala ang mga tipo ni Luther.Hindi niya tuloy maiwasang mapatanong sa kaniyang isip kung ano ang masamang hangin na nagdala rito ito. Wala naman silang natanggap na tawag mula kay maam Minerva na may darating silang bisita. Lumipat ang kaniyang tingin sa lalaking nasa likod nito ng mga oras na iyon, kahawig ito ni Luther at hindi maitatangging magkamag- a
“I’m sorry Luther…” umiiyak na saad ni Lian sa kaniya.Nasa tabing dagat sila ng mga oras na iyon. Doon niya ito dinala sa paborito nitong parte ng dalampasigan. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta ni Lian doon dahil noong sila pa at may libre silang oras ay lagi sila doon dalawa at masasabi niya na malaki ang papel ng lugar na iyon sa kanilang relasyon.Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa mga oras na iyon. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang magiging reaksiyon niya sa paghingi nito ng tawag sa kaniya pagkatapos ng ilang taon. Nang magmulat nga siya ng kaniyang mga mata sa ospital ay inaasahan niya na naroon ito sa tabi niya at hihingi ng tawad sa kaniya ngunit wala ito.Hindi ito nagpakita sa kaniya hanggang sa makalabs siya ng ospital. Tinanong niya rin ang kaniyang ina noo kung sa tagal niya na- coma ay dumalaw man lang ba ito sa kaniya ngunit malungkot na umiling ang kaniyang ina. Kaya niya ikinulong ang kaniyang sarili sa kaniyang silid at paglipas lang ng isang buw
Hinawi ni Serene ang kurtina na tumatakip sa kaniyang bintana. Plano niyang silipin kung nasaan si Luther at ang ex nito dahil gusto niya lang namang makita kung ano ang ginagawa ng mga ito.Napahigpit ang hawak niya sa kurtina dahil sa kaniyang nakita. Pakiramdam niya ay ilang daang kutsilyo ang tumarak sa kaniyang dibdib ng mga oras na iyon. Gusto man niyang umalis na sa kaniyang kinatatayuan at isara ang bintana ngunit hindi makagalaw ang kaniyang mga paa. Ayaw gumalaw ng mga ito.Bakit? Hindi niya mapigilang magtanong habang nakatingin siya sa mga ito na magkahinang ang mga labi. Anong ibig sabihin ng nakikita niya? Dalawang taon siyang nagmukmok ng dahil rito pero ngayon ay mukhang okay na sila. Ganun na lang ba iyon kadaling kalimutan para rito?Pero ano nga ba ang pakialam niya? Ano nga ba ang karapatan niya na kwestyunin ito sa mga desisyon nito, wala. Wala siyang karapatan. Halos manghina siya dahil sa kaniyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Ang bigat ng dibdib niya. Dahan
Alas tres na ng madaling araw nang makarating sina Serene sa rancho Del Fuego. Sa buong byahe nila ni Sevi ay hindi siya umimik. Mabuti na lamang at hindi naman siya nito kinausap ng kinausap nakapag- isip isip siya. Hinayaan niyang isipin ang mga bagay na pinagsaluhan nila ni Luther simula sa umpisa.Hindi niya naman mapigilan ang sariling hindi ito isipin dahil ganun siguro talaga. Ganun siguro talaga kapag bago pa. Nang makarating sila sa rancho ay kating- kati na siyang umalis doon at umuwi na sa bahay nila. Pero hindi niya magawa dahil kailangan niya pang makipag- usap kay maam Minerva at pormal na magpaalam rito.Ayaw naman niyang umalis na lang siya ng basta- basta lalo pa at hindi naman siya nito pinakitaan ng masamang ugali, sa katotohanan nga ay sobrang bait nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Napakamaunawain nito dahil sa kabila ng ginawa ng kaniyang ama ay hindi pa rin nito ipinakulong ang kaniyang ama.Tahimik ang buong bahay nang dumating sila. Walang gising, maliban
“Maam hindi ko matatanggap ito.” nanlalaki ang matang sabi niya pagkatapos niyang buksan ang inilapag ni Mrs. Del Fuego sa harap ng lamesa kung nasaan siya. Sa mga oras na iyon ay nasa loob sila ng library dahil doon siya pinapunta nito para mag- usap ngunit nalula siya dahil sa laman ng sobre. Ang kapal kasi ng perang naroon na kahit minsan ay hindi pa siya nakakahawak ng ganuong halaga. Napailing siya. Kahit mahirap lamang sila ay hindi naman siya mukhang pera. Idagdag pa na napakabait nito dahil sa kabila ng nagawang kasalanan ng kaniyang ama ay sinahuran pa rin siya sa pag- aasikaso sa anak nito. “Para sayo talaga iyan Serene.” nakangiting sambit nito. Muli siyang umiling. Hinawakan niya ang sobre at pagkatapos ay iniasog sa harap nito. Sa mga oras na iyon ay dadalawa lang silang nag- uusap doon. “Serene—” “Maam hindi ko talaga matatanggap ito. Sobra- sobra na ang kabaitan na ipinakita niyo sa akin at sa pamilya ko. Sa totoo nga lang ay ako pa ang dapat magpasalamat sa inyo.
“Mama si Adam kinain na naman yung pagkain ko!” nagsusumbong na sigaw ni Lucas sa kaniya.Napabuntung- hininga si Serene bago niya bitawan ang kaniyang cellphone. Ilang sandali pa nga ay tuluyan ng nakalapit sa kaniya si Lucas habang maluha- luha. Sa araw- araw ay ganito lagi ang eksena ng buhay niya. Kahit abala siya sa pakikipag- negosasyon ng bago niyang itatayong branch ng kaniyang flower shop sa kabilang bayan.Agad siyang niyakap ni Lucas at kaagad niya rin naman itong niyakap pabalik. Ilang sandali pa ay sumusunod naman na doon si Adam na hawak- hawak ang isang cupcake sa kamay nito, bagamat sa labi nito ay may nakaguhit pang chocolate na naiwan mula sa kinain nito.“Hindi ko naman kinain e, tinago ko lang.” natatawang saad ni Adam.Muli na naman siyang napabuntung- hininga. Sa kanilang dalawa ay si Adam talaga ang masasabi niyang may pagkapilya. Si Lucas namay ay tahimik pero may kakulitan din naman. Napangiti na lamang siya at pagkatapos ay napailing. Nakalapit na rin sa kani
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni