Share

Chapter 30.1

“Mama si Adam kinain na naman yung pagkain ko!” nagsusumbong na sigaw ni Lucas sa kaniya.

Napabuntung- hininga si Serene bago niya bitawan ang kaniyang cellphone. Ilang sandali pa nga ay tuluyan ng nakalapit sa kaniya si Lucas habang maluha- luha. Sa araw- araw ay ganito lagi ang eksena ng buhay niya. Kahit abala siya sa pakikipag- negosasyon ng bago niyang itatayong branch ng kaniyang flower shop sa kabilang bayan.

Agad siyang niyakap ni Lucas at kaagad niya rin naman itong niyakap pabalik. Ilang sandali pa ay sumusunod naman na doon si Adam na hawak- hawak ang isang cupcake sa kamay nito, bagamat sa labi nito ay may nakaguhit pang chocolate na naiwan mula sa kinain nito.

“Hindi ko naman kinain e, tinago ko lang.” natatawang saad ni Adam.

Muli na naman siyang napabuntung- hininga. Sa kanilang dalawa ay si Adam talaga ang masasabi niyang may pagkapilya. Si Lucas namay ay tahimik pero may kakulitan din naman. Napangiti na lamang siya at pagkatapos ay napailing. Nakalapit na rin sa kani
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status