kung may martir na babae, may martir din na lalaki chariz hahahah
“Luther…” narinig niyaya ang tinig ng kaniyang ina mula sa kaniyang likuran.Hindi siya sumagot sa pagtawag nito sa kaniya, bagkus ay nagtuloy- tuloy lang siya sa kaniyang pagkain na akala mo ay walang naririnig. Alam niya kasi na sesermonan na naman siya nito dahil sa gulong kinasangkutan nga niya kagabi. Ganun naman ito lagi, simula pa noong bata siya.Kapag siya ang nakagawa ng mali ay napaka- big deal rito pero kapag ang dalawa niyang kapatid ang nagkaron ng kasalanan ay parang wala naman itong problema. Sadyang sa kaniya lang talaga ito ganuon. Tatayo na sana siya upang umalis na ngunit hindi pa niya nakakalahati ang kinakain niya.Hindi pa naman niya ugali ang mag- aksaya ng pagkain kaya wala siyang pagpipilian kundi ang ubusin iyon. Wala siyang choice kundi ang pakinggang kung ano man ang sasabihin ng kaniyang ina.Umupo ito sa tabi niya. Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy lamang siya sa kaniyang pagkain. “Luther ano bang nangyayari sayo?” malungkot na tanong sa kaniya ng k
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Serene nang bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay nila ang kambal. Kasalukuyan kasi siyang nasa kusina ng mga oras na iyon para maghanda ng almusal ng mga ito dahil nang araw nga na iyon ay umpisa na ng pasok ng dalawa sa day care.Kaagad na lumapit ang mga ito sa kaniya kaya agad niyang binitawan ang hawak niyang sandok. Maaga niya siyang gumising nang araw na iyon para personal na maipaghanda ng pagkain ang dalawa. Bilang isang ina ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng excitement lalo pa at iyon nga ang first time nilang pumasok.Umupo siya upang salubungin ng yakap ang dalawa na agad namang yumakap nga sa kaniya. Kagigising lamang ng mga ito nang oras na iyon dahil halos hindi pa maayos ang lakad ng mga ito medyo pasuray- suray pa. Mabuti na nga lang din at nasanay na ang mga itong bumaba ng hagdan dahil kung hindi ay baka nadulas na ang mga ito at nagpagulong- gulong.“Good morning sa mga pogi kong anak.” nakangiting bati niya sa
Napatingin si Sevi sa kaniyang suot na relo habang nagmamaneho. Alas nwebe na ng umaga at kakalabas niya lang mula sa ospital. Hindi niya maiwasan ang hindi mapabuntung- hininga dahil ilang araw na silang hindi nagkikita ng kaniyang girlfriend. Dahil nga lagi siyang busy sa ospital at halos sunod- sunod din ang operasyon na sinasalangan niya ay halos hindi na niya makuha pa ang gumamit ng cellphone.Palagi na lang niyang nakikita na napakarami na palang missed calls nito at hindi niya iyon nasasagot lagi dahil nga lagi siyang nasa operating room. Kapag nasa break naman siya at tinatawagan na niya ito ay hindi na nito sinasagot ang kaniyang tawag. Marahil ay nagtatampo na ito sa kaniya dahil sino ba naman ang hindi magtatampo kung hindi na niya ito natatawagan.Muli siyang napabuntung- hininga. Napakarami niyang iniisip ng mga oras na iyon idagdag pa na nararamdaman na niya ang knaiyang antok nang mga oras na iyon, pero ganun pa man ay kailangan niyang suyuin ang kaniyang girlfriend da
Napapailing si Sevi habang pasakay siya ng kaniyang sasakyan. Hindi niya akalaing itatanggi ng babaeng iyon na ito ang nag- alaga kay Luther ng hindi pa ito makalakad. Sigurado siyang siya iyon kahit pa isang beses lang silang nagkita. Hindi siya kaagad nakakalimot ng mga mukha ng mga taong nakakasalamuha niya. Nakakalimutan niya lang ang pangalan pero hindi ang mukha. Napalingon siyang muli sa flower shop ng maisara niya ang pinto ng sasakyan at pagkatapos ay napasingkit ang kaniyang mga mata. There is something he was sure. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at pagkatapos ay pinaandar na ang kaniyang kotse. NANGHIHINANG napasandal si Serene sa kaniyang upuan nang tuluyang makaalis ang kapatid ni Luther sa kaniyang shop. Tagaktak din ang pawis niya dahil sa sobrang kaba niya. Akala niya ay hindi ito titigil sa kakatanong sa kaniya. Mabuti na lamang at na- gets nito na hindi niya sasagutin ang mga tanong nito. Mabuti na lang din at naitaboy niya rin ito kaagad. Minadali na nga lang niya
Ilang araw na ang nakakalipas simula nang mahuli ni Sevi ang kaniyang nobya na may katabing ibang lalaki sa bahay nito at ilang beses din siya nitong sinubukang tawagan ngunit hindi na niya sinagot pa ang mga tawag nito. Wala ng rason pa para mag- usap silang dalawa lalo na kung magsisinungaling lang din naman ito sa kaniya at magdadahilan.Ayaw niyang maging tanga ng dahil lang rito. Hindi niya deserve ang babaeng katulad ng babaeng iyon at isa pa ay napakaraming babae pa sa mundo na pwede niya ulit maging nobya ngunit sa ngayon ay titigil muna siya sa paghahanap ng panibagong pag- ibig.May trauma pa siya sa nangyari at hindi niya tuloy maiwasang isipin na ang lahat ng mga babae ay baka maging kagaya nito lalo pa nga at lagi din naman siyang busy sa kaniyang trabaho, hindi niya mahaharap ang mga ito. Siguro ay darating din ang babaeng nararapat talaga sa kaniya balang- araw. Hindi siya dapat magmadali lalo pa at hindi pa naman siya ganun katanda kay ieenjoy na lamang muna niya ang
Kahit na nag- asawa si Luther ay pinatira nila sa bahay na iyon dahil gusto ng Mama niya na mabantayan niya pa rin ang kapatid niya kahit papano. Idagdag pa na bunso ito kaya ito talaga ang tagapagmana ng bahay na iyon. Kahit pa hindi na nila dapat pang pakialaman ang buhay ni Luther dahil nga may asawa na ito ay hindi pa rin nila maiwasan ang hindi mag- alala para nga sa ikabubuti nito.Isa pa ay may kasalanan din naman siya dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi sana sila magkikita kung hindi niya ito hinatid sa kanilang rest house.Rest house.Sa pagkaalala niya sa kanilang rest house ay doon niya naalala ang babaeng nakita niya sa flower shop ilang araw na ang nakakaraan. Nakakalimutan nga pala niya itong ikwento sa kaniyang ina dahil nga rin sa napakarami niyang iniisip.“Nga pala ‘Ma, did you remember that girl who babysit Luther years ago?” tanong niya rito dahil nga ngayon niya lang naalala.Bigla itong lumingon sa kaniya at tila nagka- interes ito sa sinasabi niya.“Who? S
—------- “Hay sa wakas natapos din.” sabi ni Serene at pagkatapos ay tumayo na mula sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay napainat. Ramdam na ramdam niya ang pangangalay niya dahil sa ilang oras na pagkakaupo. Mabuti na lang din at natapos nila kahit pa dadalawa lang sila. Napasipat siya sa suot niyang relo ng mga oras na iyon. Ala- una y medya na ng hapon at may tatlumpong minuto pa siya para magpahinga. Pagkatayo nga niya mula sa kaniyang kinauupuan ay sumunod din naman si Sheila. Nagtawanan pa nga sila dahil halos sabay pa silang mag- inat na dalawa. Ilang sandali pa nga ay pumasok na siya sa loob ng kaniyang opisina kung saan nasa mahabang sofa ang dalawa at busy sa kani- kanilang mga tablet. Wala siyang nagawa kundi ang mapabuntung- hininga. Hindi niya akalaing iiwanan ng kaniyang ama ang mga ito sa shop niya dahil may biglang lakad daw ito kasama ang mga kaibigan nito. May dadaluha daw ang mga itong birthday party ng isa sa mga kumpare niya na taliwas sa daan pauwi sa kani
Inis na inis si Luther habang naglalakad papunta sa kaniyang sasakyan. Nasa manggahan siya ng mga oras na iyon dahil kasalukuyan siyang nagpapapitas ngunit ilang beses na siyang binalikan ng isa sa mga tauhan nila at pinapabalik daw sa mansiyon dahil may importante daw na sasabihin sa kaniya ang kaniyang ina.Ayaw niya sana talagang pumunta kaso ay hindi lamang yata limang beses siyang pinuntahan doon kaya napilitan siyang pumunta.“Pwede naman kasing sabihin mamaya ay kailangang ngayon pa.” inis na sambit niya nago tuluyang sumakay sa kaniyang kotse.—--“Uminom ka muna ng tubig sweetheart.” sabi ng kaniyang ama sa kaniyang ina.Halos kalahating oras na mula nang makauwi ito sa bahay nila at hanggang sa mga oras na iyon ay maging siya ay hindi makapaniwala sa dala nitong balita. Sa una nga ay ayaw niya pang maniwala ngunit nang ipakita nito ang isang larawan na kuha mula sa cellphone nito ay doon na siya naniwala.Hindi lang isa kundi dalawa ang batang nasa picture at tama nga ang ka
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni