Napapailing si Sevi habang pasakay siya ng kaniyang sasakyan. Hindi niya akalaing itatanggi ng babaeng iyon na ito ang nag- alaga kay Luther ng hindi pa ito makalakad. Sigurado siyang siya iyon kahit pa isang beses lang silang nagkita. Hindi siya kaagad nakakalimot ng mga mukha ng mga taong nakakasalamuha niya. Nakakalimutan niya lang ang pangalan pero hindi ang mukha. Napalingon siyang muli sa flower shop ng maisara niya ang pinto ng sasakyan at pagkatapos ay napasingkit ang kaniyang mga mata. There is something he was sure. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at pagkatapos ay pinaandar na ang kaniyang kotse. NANGHIHINANG napasandal si Serene sa kaniyang upuan nang tuluyang makaalis ang kapatid ni Luther sa kaniyang shop. Tagaktak din ang pawis niya dahil sa sobrang kaba niya. Akala niya ay hindi ito titigil sa kakatanong sa kaniya. Mabuti na lamang at na- gets nito na hindi niya sasagutin ang mga tanong nito. Mabuti na lang din at naitaboy niya rin ito kaagad. Minadali na nga lang niya
Ilang araw na ang nakakalipas simula nang mahuli ni Sevi ang kaniyang nobya na may katabing ibang lalaki sa bahay nito at ilang beses din siya nitong sinubukang tawagan ngunit hindi na niya sinagot pa ang mga tawag nito. Wala ng rason pa para mag- usap silang dalawa lalo na kung magsisinungaling lang din naman ito sa kaniya at magdadahilan.Ayaw niyang maging tanga ng dahil lang rito. Hindi niya deserve ang babaeng katulad ng babaeng iyon at isa pa ay napakaraming babae pa sa mundo na pwede niya ulit maging nobya ngunit sa ngayon ay titigil muna siya sa paghahanap ng panibagong pag- ibig.May trauma pa siya sa nangyari at hindi niya tuloy maiwasang isipin na ang lahat ng mga babae ay baka maging kagaya nito lalo pa nga at lagi din naman siyang busy sa kaniyang trabaho, hindi niya mahaharap ang mga ito. Siguro ay darating din ang babaeng nararapat talaga sa kaniya balang- araw. Hindi siya dapat magmadali lalo pa at hindi pa naman siya ganun katanda kay ieenjoy na lamang muna niya ang
Kahit na nag- asawa si Luther ay pinatira nila sa bahay na iyon dahil gusto ng Mama niya na mabantayan niya pa rin ang kapatid niya kahit papano. Idagdag pa na bunso ito kaya ito talaga ang tagapagmana ng bahay na iyon. Kahit pa hindi na nila dapat pang pakialaman ang buhay ni Luther dahil nga may asawa na ito ay hindi pa rin nila maiwasan ang hindi mag- alala para nga sa ikabubuti nito.Isa pa ay may kasalanan din naman siya dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi sana sila magkikita kung hindi niya ito hinatid sa kanilang rest house.Rest house.Sa pagkaalala niya sa kanilang rest house ay doon niya naalala ang babaeng nakita niya sa flower shop ilang araw na ang nakakaraan. Nakakalimutan nga pala niya itong ikwento sa kaniyang ina dahil nga rin sa napakarami niyang iniisip.“Nga pala ‘Ma, did you remember that girl who babysit Luther years ago?” tanong niya rito dahil nga ngayon niya lang naalala.Bigla itong lumingon sa kaniya at tila nagka- interes ito sa sinasabi niya.“Who? S
—------- “Hay sa wakas natapos din.” sabi ni Serene at pagkatapos ay tumayo na mula sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay napainat. Ramdam na ramdam niya ang pangangalay niya dahil sa ilang oras na pagkakaupo. Mabuti na lang din at natapos nila kahit pa dadalawa lang sila. Napasipat siya sa suot niyang relo ng mga oras na iyon. Ala- una y medya na ng hapon at may tatlumpong minuto pa siya para magpahinga. Pagkatayo nga niya mula sa kaniyang kinauupuan ay sumunod din naman si Sheila. Nagtawanan pa nga sila dahil halos sabay pa silang mag- inat na dalawa. Ilang sandali pa nga ay pumasok na siya sa loob ng kaniyang opisina kung saan nasa mahabang sofa ang dalawa at busy sa kani- kanilang mga tablet. Wala siyang nagawa kundi ang mapabuntung- hininga. Hindi niya akalaing iiwanan ng kaniyang ama ang mga ito sa shop niya dahil may biglang lakad daw ito kasama ang mga kaibigan nito. May dadaluha daw ang mga itong birthday party ng isa sa mga kumpare niya na taliwas sa daan pauwi sa kani
Inis na inis si Luther habang naglalakad papunta sa kaniyang sasakyan. Nasa manggahan siya ng mga oras na iyon dahil kasalukuyan siyang nagpapapitas ngunit ilang beses na siyang binalikan ng isa sa mga tauhan nila at pinapabalik daw sa mansiyon dahil may importante daw na sasabihin sa kaniya ang kaniyang ina.Ayaw niya sana talagang pumunta kaso ay hindi lamang yata limang beses siyang pinuntahan doon kaya napilitan siyang pumunta.“Pwede naman kasing sabihin mamaya ay kailangang ngayon pa.” inis na sambit niya nago tuluyang sumakay sa kaniyang kotse.—--“Uminom ka muna ng tubig sweetheart.” sabi ng kaniyang ama sa kaniyang ina.Halos kalahating oras na mula nang makauwi ito sa bahay nila at hanggang sa mga oras na iyon ay maging siya ay hindi makapaniwala sa dala nitong balita. Sa una nga ay ayaw niya pang maniwala ngunit nang ipakita nito ang isang larawan na kuha mula sa cellphone nito ay doon na siya naniwala.Hindi lang isa kundi dalawa ang batang nasa picture at tama nga ang ka
Habang nakasakay sa kaniyang kotse ay malakas ang tibok ng puso niya. Ayaw man niyang aminin ngunit excited siyang makita ang mga anak niya. Napakatagal na niyang pangarap ang magkaroon ng anak at ngayon ay matutupad na nga iyon. Kasama niya sa kotse niya si Sevi.Sa unang pagkakataon ay nagkasama silang dalawa sa iisang kotse ng hindi nag- aaway. Wala siya sa mood para mikapg= diskusyon rito dahil nga loaded ang kaniyang utak sa isiping makikita niya ang mga anak niya na hindi niya inaasahan.“Looks you’re excited.” komento ni Sevi na umabot sa pandinig niya.Whou would not? Baka kung ito ang nasa kalagayan niya ay parehas lang sila ng mararamdaman.“Inggit ka lang.” iyon ang naibulalas niya bilang sagot rito.Narinig niya ang biglang pagtawa nito at pagkatapos ay napangiti rin. Sa tinatagal- tagal ng panahon ay ngayon lamang sila ulit nag- usap ng hindi nagbabangayan. Halos hindi na nga niya maalala kung kailan yung huling pag- uusap nila ng matino. Lagi na lang kasi silang nag- aaw
“Serene…” mahinang tawag sa kaniya ni Mrs. Del Fuego. Nakayuko siya ng mga oras na iyon at nasa harap siya ng mga ito. Pakiramdam niya ay tila siya isang bata na pinapagalitan at pinagkakampi- kampihan ng mga oras na iyon. Wala siyang kakampi doon kundi sarili lang niya. Hindi siya makatingin sa mga mata ng mga ito dahil nahihiya siya sa kaniyang ginawa. Hindi lamang kay Luther niya itinago ang anak nila kundi pati sa pamilya ng mga ito, alam niya na may karapatan din ang mga ito na malaman ang kalagayan niya noon. “What now Serene? Wala ka man lang bang sasabihin?” narinig niyang sabi ni Luther na dahilan kung bakit napakagat siya ng kaniyang labi. Napa- angat siya ng kaniyang ulo at napatitig rito. Naghihintay ito ng paliwanag niya. Ibinuka niya ang kaniyang bibig ngunit hindi niya makuhang magsalita ng mga oras na iyon. Ano ba ang dapat niyang sabihin rito? Sa mga ito? Dapat pa ba siyang magpaliwanag rito? May mababago pa ba kung magpapaliwanag siya? Wala naman na diba? Muli si
“What?!” histeryang sigaw ni Lian.Nasa silid na sila ni Luther at kasalukuyan niyang ibinabalita rito ang natuklasan nila. Hindi niya maiwasan ang hindi mapigilang hindi maging excited na ibalita rito ang natuklasan niya dahil akala niya ay magiging masaya ito sa dala niyang balita, ngunit ngayon ay parang nagkamali yata siya.Sa reaksiyon pa lamang ng mukha nito ay halata ng hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Halos lumuwa ang mga mata nito sa pagkabigla at halata sa mukha nito ang galit. Napahilot ito sa sentido at pagkatapos ay napaupo sa kanilang kama.Kadarating lang nito at talagang hinintay niya itong dumating upang ibalita iyon kahit pa inabot na naman ito ng madaling araw.“Lian, look. Hindi ka ba masaya? May anak ako at kambal pa.” saad niya na may halong saya.Ngunit mas lalo lamang umasim ang mukha nito sa sinabi niya. Napakunot ang kanyang noo dahil sa reaksiyon nito. Alam nitong napakatagal na niyang pinapangarap ang magkaroon ng anak ngunit sa tagal ng panahon na na