So dumating na po tayo sa exciting part. Ang tanong, ano po kaya ang magiging reaksiyon ni Luther? maging masaya kaya siya? salamat po sa pagbabasa~
Inis na inis si Luther habang naglalakad papunta sa kaniyang sasakyan. Nasa manggahan siya ng mga oras na iyon dahil kasalukuyan siyang nagpapapitas ngunit ilang beses na siyang binalikan ng isa sa mga tauhan nila at pinapabalik daw sa mansiyon dahil may importante daw na sasabihin sa kaniya ang kaniyang ina.Ayaw niya sana talagang pumunta kaso ay hindi lamang yata limang beses siyang pinuntahan doon kaya napilitan siyang pumunta.“Pwede naman kasing sabihin mamaya ay kailangang ngayon pa.” inis na sambit niya nago tuluyang sumakay sa kaniyang kotse.—--“Uminom ka muna ng tubig sweetheart.” sabi ng kaniyang ama sa kaniyang ina.Halos kalahating oras na mula nang makauwi ito sa bahay nila at hanggang sa mga oras na iyon ay maging siya ay hindi makapaniwala sa dala nitong balita. Sa una nga ay ayaw niya pang maniwala ngunit nang ipakita nito ang isang larawan na kuha mula sa cellphone nito ay doon na siya naniwala.Hindi lang isa kundi dalawa ang batang nasa picture at tama nga ang ka
Habang nakasakay sa kaniyang kotse ay malakas ang tibok ng puso niya. Ayaw man niyang aminin ngunit excited siyang makita ang mga anak niya. Napakatagal na niyang pangarap ang magkaroon ng anak at ngayon ay matutupad na nga iyon. Kasama niya sa kotse niya si Sevi.Sa unang pagkakataon ay nagkasama silang dalawa sa iisang kotse ng hindi nag- aaway. Wala siya sa mood para mikapg= diskusyon rito dahil nga loaded ang kaniyang utak sa isiping makikita niya ang mga anak niya na hindi niya inaasahan.“Looks you’re excited.” komento ni Sevi na umabot sa pandinig niya.Whou would not? Baka kung ito ang nasa kalagayan niya ay parehas lang sila ng mararamdaman.“Inggit ka lang.” iyon ang naibulalas niya bilang sagot rito.Narinig niya ang biglang pagtawa nito at pagkatapos ay napangiti rin. Sa tinatagal- tagal ng panahon ay ngayon lamang sila ulit nag- usap ng hindi nagbabangayan. Halos hindi na nga niya maalala kung kailan yung huling pag- uusap nila ng matino. Lagi na lang kasi silang nag- aaw
“Serene…” mahinang tawag sa kaniya ni Mrs. Del Fuego. Nakayuko siya ng mga oras na iyon at nasa harap siya ng mga ito. Pakiramdam niya ay tila siya isang bata na pinapagalitan at pinagkakampi- kampihan ng mga oras na iyon. Wala siyang kakampi doon kundi sarili lang niya. Hindi siya makatingin sa mga mata ng mga ito dahil nahihiya siya sa kaniyang ginawa. Hindi lamang kay Luther niya itinago ang anak nila kundi pati sa pamilya ng mga ito, alam niya na may karapatan din ang mga ito na malaman ang kalagayan niya noon. “What now Serene? Wala ka man lang bang sasabihin?” narinig niyang sabi ni Luther na dahilan kung bakit napakagat siya ng kaniyang labi. Napa- angat siya ng kaniyang ulo at napatitig rito. Naghihintay ito ng paliwanag niya. Ibinuka niya ang kaniyang bibig ngunit hindi niya makuhang magsalita ng mga oras na iyon. Ano ba ang dapat niyang sabihin rito? Sa mga ito? Dapat pa ba siyang magpaliwanag rito? May mababago pa ba kung magpapaliwanag siya? Wala naman na diba? Muli si
“What?!” histeryang sigaw ni Lian.Nasa silid na sila ni Luther at kasalukuyan niyang ibinabalita rito ang natuklasan nila. Hindi niya maiwasan ang hindi mapigilang hindi maging excited na ibalita rito ang natuklasan niya dahil akala niya ay magiging masaya ito sa dala niyang balita, ngunit ngayon ay parang nagkamali yata siya.Sa reaksiyon pa lamang ng mukha nito ay halata ng hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Halos lumuwa ang mga mata nito sa pagkabigla at halata sa mukha nito ang galit. Napahilot ito sa sentido at pagkatapos ay napaupo sa kanilang kama.Kadarating lang nito at talagang hinintay niya itong dumating upang ibalita iyon kahit pa inabot na naman ito ng madaling araw.“Lian, look. Hindi ka ba masaya? May anak ako at kambal pa.” saad niya na may halong saya.Ngunit mas lalo lamang umasim ang mukha nito sa sinabi niya. Napakunot ang kanyang noo dahil sa reaksiyon nito. Alam nitong napakatagal na niyang pinapangarap ang magkaroon ng anak ngunit sa tagal ng panahon na na
—------ Napatingala si Serene sa bahay ng mga Del Fuego. Personal niyang inihatid na ang kaniyang mga anak sa bahay ng mga ito dahil hindi dumating si Luther na nangakong susunduin sila ng maaga. Ang mga anak niya lang ang mananatili roon, dahil ng araw na iyon ay sabado naman. Pansamantala ay doon muna ang mga ito ng dalawang araw dahil para makasama naman daw ng mga pamilya Del Fuego ang kaniyang mga anak. Habang nakatingala siya sa bahay ay napakaraming alaala ang pilit na nagbabalik sa kaniyang isip. Simula sa unang pagtapak niya doon hanggang sa pag- alis niya. Hindi niya inasahang muli siyang tatapak sa lugar na iyon dahil ni minsan ay hindi na niya muling inisip pa ang lugar na iyon. Doon siya naging masaya, doon siya natutong magmahal at doon din siya labis na nasaktan kaya kung tutuusin sana ay ayaw na niyang bumalik pa doon pero wala siyang pagpipilian. Hindi niya sana ihahatid ang kaniyang mga anak doon ngunit baka totohanin ni Luther ang banta nito sa kaniya na kakasuha
Biglang napabalikwas sa kaniyang higaan si Luther nang magising siya. Paano ba naman ay mataas na ang sikat ng araw at may pupuntahan pa naman siya. Dali- dali siyang nagpunta s abanyo upang maghilamos at magmumog pagkatapos ay nagbihis. Doon niya napansin na hindi pa rin pala umuuwi si Lian hanggang sa mga oras na iyon dahil wala pa ito sa tabi niya. Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi mapabununtung- hininga. Pilit niya mang isipin kung bakit ganun na lamang ang reaksiyon nito sa sinabi niyang may anak siya kay Serene ay hindi niya alam. Dali- dali siyang lumabas ng kaniyang silid upang bumaba sa sala. Nasalubong niya sa hagdan si Mavic ang kasambahay nila at tatanungin na sana niya ito kung nasaan ang kaniyang ina nang marinig niya ang munting tinig na nanggagaling sa kanilang sala kaya dali- dali siyang naglakad patungo doon at… Nakita niya ang mga anak niya na naglalaro kasama ang Mama niya. Agad siyang nakaramdam ng kakaibang saya habang nakatitig sa mga ito. Nanatili muna siy
Nagbibihis na si Luther dahil katatapos niya lang maligo. Naligo talaga siya dahil nga napag- usapan nila ng kaniyang ina na pupunta sila sa mall at ipapasyal nila si Adam at si Lucas. Kahit madami siyang trabaho sa manggahan ay pinili niya ang makasama ang kaniyang mga anak, isa pa ay nagpresinta naman si Sevi na ito na lamang ang magpupunta doon upang tingnan ang mga namimitas ng mangga.Hindi pa kasi sila tapos magpapitas dahil hindi naman natapos kahapon dahil may kaluwangan ang kanilang manggahan. Mabuti na nga lang at pumayag si Sevi na ito ang pumunta sa manggahan upang mag- superbisa doon.Pagkatapos nga niyang nagbihis ay kaagad din siyang bumaba sa sala kung saan na naghihintay na ang kaniyang mga anak at maging ang kaniyang mga ina. “Oh ayan na pala ang Daddy niyo.” sabi ng kaniyang ina at pagkatapos ay tumayo na ito at inakay ang dalawa.Kitang- kita sa mga mukha ng mga anak niya na excited ang mga ito. Gusto niya tuloy isipin na hindi man lang sila ipinapasyal ni Serene.
—----- Kitang- kita ni Luther ang saya sa mukha ng kaniyang mga anak habang naglalaro ang mga ito sa mall. Kanina pa naglalaro ang mga ito at tila ba walang kasawa- sawa ang mga ito. Maging ang kaniyang ina ay tila ba hindi napapagod sa kakahabol sa mga ito. Ngayon niya lang kinakitaan ang kaniyang ina ng saya pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi ito mukhang napapagod sa pag- aalaga sa dalawa dahil mukhang mas nag- eenjoy pa nga ito. Siya ay tahimik lang sa isang tabi habang pinapanuod ang mga ito. Hindi pa rin kasi natatanggal sa kaniyang isip ang mga sinabi sa kaniya ni Lian. Paano ba naman ay handa itong hiwalayan siya dahil sa mga anak niya. Hindi niya na tuloy alam kung saan na siya lulugar ngayon. Gusto niyang makasama ang mga anak niya pero ayaw ni Lian at kung ipipilit niya naman ay baka totohanin nga nito ang banta nito, alam niya sa sarili niya na hindi niya kakayanin kapag nagkataon ngang iwanan siya nito. Mahal na mahal niya ito ng higit pa sa buhay niya kahit pa ganu
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni