hello po, I can't guarantee po na makakapag- update ako tomorrow baka sa jan.1 napo ako mag- resume mag update. HAPPY NEW YEAR po in advance!:)
Ilang araw na ang nakakaraan nang huling mag- usap si Luther at ang kaniyang ina ngunit nasa baba ito ng umagang iyon upang hintayin si Luther na bumaba mula sa silid nito. Gusto niya itong makusap at kailangan na talaga nilang mag- usap.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang pababang mga yabag na nasisiguro niyang si Luther iyon dahil maagang umalis si Sevi sa bahay nila. Nag- resume na kasi ito ulit sa ospital na pinapasukan nito. Mula nga sa baba ay natanaw na niya si Luther na nasa kalagitnaan na ng hagdan at bago pa man siya makababa sa pinakahuling baitang ng hagdan ay tumayo na siya at pagkatapos ay dinampot ang isang envelop na kagabi pa sana niya iaabot rito.“Luther.” tawag niya rito na akmang lalagpasan na naman sana siya.Hindi siya nito pinapansin ilang araw na dahil nga sa hindi nila pagkakaunawaan nitong nakaraang araw. Masyado na talaga itong nagdadamdam sa kaniya nang dahil lang sa asawa nito. Sana pagkatapos nang araw na ito ay tuluyan na itong matauhan sa gina
“Papaanong—” hindi nito maituloy- tuloy ang sasabihin.“Up until now ay hindi ka pa rin nagbabago.” walang emosyong saad niya rito.Nang mga oras na iyon ay wala siyang maramdaman kundi galit dahil sa ginawa nito sa kaniya sa pangalawang pagkakataon. Hindi niya akalaing yung babaeng tinaggap niya ulit ng buong- buo ay sisirain ulit ng basta- basta ang tiwala niya. “Luther hindi totoo ito at—”“Huwag ka ng gumawa ng dahilan mo Lian! Tama na yang ebidensiya para sa panloloko mo! Tinanggap kita ulit sa buhay ko dahil mahal kita, pero ganito lang pala ulit ang gagawin mo? I don’t need someone like you in my life. Get out!” sigaw niya rito at pagkatapos ay itinuro niya ang pinto.Hindi niya maatim makisama pa sa ganitong klase ng babae na kung kani- kanino nagpapakama. Hindi nito deserve ang katulad niya.“Damn!” mahinang mura niya at pagkatapos ay napasabunot sa kaniyang buhok nang mga oras na iyon.Hindi siya lubos na makapaniwala na mangyayari na naman ito sa kaniya, na maatim na naman
Pagbaba niya sa sala ay nananatili pa rin doon ang kaniyang ina at nakaupo. Nang makita siya nito ay tinignan siya nito at alam niyang naghihintay ito ng sasabihin niya. Ang plano niya pagpunta kanina sa kanilang manggahan ay hindi na niya nagawa pa dahil alam niyang hindi rin siya makakapag- trabaho ng maayos dahil sa sitwasyon niya. Nanghihina siyang napaupo sa isa sa mga upuan doon at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido. Wala siyang alam sabihin sa kaniyang ina nang mga oras na iyon dahil alam niya na sisisihin lang siya nito dahil hindi siya rito naniwala kaagad. Wala kasi talaga sa isip niya na magagawa iyon muli sa kaniya ni Lian. Hindi niya tuloy maiwasang hindi isipin kung gaano na ito katagal nakikipagkita sa lalaki nito. Masyado kasi siyang nakatuon sa pagpapatakbo sa manggahan nila, isa pa ay umiiwas din siyang makipag- argumento rito dahil ayaw niya na lagi silang nag- aaway tapos ay ganito na pala ang ginagawa nito. “Luther—” “Ma please. Huwag niyo na akong sis
Walang emosyong pinanuod ni Luther si Lian habang pababa ng hagdan. Hila- hila nito ang isang maleta na nasisiguro niyang mga damit nito. Wala siyang maramdaman na kahit ano habang nakatitig rito, siguro ay dahil nasanay na siya sa ugali nitong napaka- toxic kaya mabilis na lang din niyang natanggap ang lahat.Sa katunayan nga ay nasaktan ang kaniyang ego dahil sa panlolokong ginawa sa kaniya ni Lian. hindi niya kasi akalain na naging bulag na naman siya sa panloloko nito. Taas noo itong naglakad pababa ng hagdan. Gusto niyang matawa nang mga oras na iyon dahil sa inaasal nito dahil sino ba naman ang hindi matatawa, ito na nga ang may kasalanan ay ito pa ang may ganang umasta ng ganuon.Parang siya pa ang galit na nahuli niya ito samantalang ito naman ang gumawa ng kasalanan. Ngayon niya lang na- realize na napaka kapal pala ng mukha ni Lian masyado, ngayon niya masasabi na ang laki na pala talaga ng pagbabago nito dahil noon ay hindi naman ito ganuon. Hindi niya tuloy matukoy kung an
Alas singko pa lamang ng umaga ay dilat na ang mga mata ni Serene. Hindi niya nga alam kung nakatulog nga ba siya sa sobrang niyang pag- iisip. Simula pa kasi kagabi ay iniisip na niya ang mga pwedeng mangyari kapag itinuloy niya ang pagtulog sa mansiyon ng mga Del Fuego.Hindi talaga mawala sa kaniyang isip ang hindi mangamba lalo pa at sa kwento ng anak niyang si Lucas ay ang sama daw makatingin nito sa kanila noong unang beses silang nagpunta sa bahay nila Luther. Kung sa mga anak pa nga lamang niya ay ang sama na ng tingin nito ay paano na lamang sa siya? Baka kaladkarin na siya nito palabas ng bahay.Napapikit siyang muli at pagkatapos ay napahugot ng malalim na buntung hininga. Ang aga- aga ay mga negatibong bagay ang naiisip niya dahil sino ba naman ang hindi mag- iisip ng ganuon kung sakali. Pero tapos na siyang makapagpaalam sa kaniyang mga magulang.Sinabi na rin niya sa kaniyang mga anak na sasama siya sa mga ito at kagabi pa nga lang ay naihanda na nila ang kanilang mga da
—------Sinalubong si Serene ng mga ilang kasambahay at ng mag- asawang Del Fuego. May ngiti sa mga labi na sinalubong ng mga ito ang kaniyang mga anak na agad na rin namang yumakap sina Adam at Lucas sa mga ito. Habang nakamasid sa mga ito ay alam niyang masayang- masaya talaga ito na makita ang mag anak niya.Halata din sa mukha ng mga ito ang saya. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung hindi man lang ba nagkaroon si Luther at ang asawa nito ng anak. Iyon ang pangalawang beses na makapunta siya ulit sa bahay ng mga ito at ito pa lamang ulit ang pagkakataon na muli siyang papasok doon.“Serene mabuti naman at sumama ka. Halika pasok muna tayo sa loob.” nakangiting wika ni Maam Minerva sa kaniya na nginitian niya at tinanguan.Nginitian din siya ng asawa nito na sinuklian niya rin naman ng ngiti. Ang mga kasambahay naman ay kinuha na ang mga gamit nla sa sasakyan. Halos ayaw nga sana niyang ipabitbit sa mga ito ang mga gamit nila ngunit nagpumilit ang mga ito na sila na lamang daw
Binabantayan ni Serene ang kaniyang mga anak habang naglalaro sa tabi ng pool. Kailangan niyang bantayan ang mga ito dahil baka mamaya ay mahulog ang mga ito sa pool at baka malunod ang mga ito. Hapon na ng mga oras na iyon at wala siyang ginawa kundi humiga at tumunganga. Ngayon nga lang niya binantayan ang kaniyang mga anak dahil naging busy na si Maam Minerva. Maghapon na siya sa bahay ng mga ito ngunit hindi niya nakita si Luther at maging ang asawa nito. Ayaw niya namang magtanong kay Maam Minerva kung bakit hindi pa rin umuuwi ang asawa ni Luther hanggang sa mga oras na iyon, baka sabihin nito ay napaka- tsismosa nga niya. Pinapanuod niya lang na naglalaro ang dalawa hanggang sa dumilim na nga ang paligid at inaya na niya itong pumasok. Sinabi niya sa mga ito na bukas na lamang nila ipagpatuloy ang kanilang paglalaro. Pagkapasok nga nila ay nakahanda na pala ang pagkain at eksakto namang natapos na sa ginagawa si Maam Minerva kaya kumain na sila. Bale lima lang silang nagsabay
Nagulat si Serene nang bigla na lamang itong sumampa sa kama kaya napahiga siya at nanlalaki ang mga matang napatitig rito. Halos pigil na pigil niya rin ang kaniyang paghinga dahil ikinulong siya nito sa mga kamay nito. Itinukod nito ang magkabilang kamay sa bawat side niya kaya nakulong siya at pagkatapos ay napatitig ito sa kaniya.Naningkit ang mga mata nito at halata sa mukha nito na inaalisa ang kaniyang mukha ng mga oras na iyon. Hindi niya napigilan ang sariling hindi mapalunok dahil halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa kaniya at halos ang paghinga nito ay tumatama na rin sa kaniyang mukha kung saan amoy na amoy niya ang alak mula sa hininga nito.Tila ba may kabayong nag- uunahang tumakbo sa dibdib ni Serene ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng tibok ng kaniyang puso. Sa tagal ng panahon na lumipas ay ngayon lamang sila ulit nagkalapit ni Luther ng ganito kalapit. Napakatagal na ng huling beses ngunit ganun pa rin ang epekto nito sa buo niyang sistema.Hindi
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni