Hindi niya naiiwas doon ang kaniyang paningin at napansing pansamatala itong tumigil kaya napatingin siya sa mukha nito at pagkatapos ay napahikab ito. Ilang sandali pa ang ay muli itong pumatong sa kaniya ngunit bago ito gumalaw ay muli na naman itong humikab.Napalunok siyang muli dahil sa pagkakataong iyon ay alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari at hindi niya maiwasang kabahan. Sa ilang taong lumipas ay ngayon lamang siya ulit makikipagtalik dahil hindi naman siya naghanap.Napatitig siya sa mukha nito habang unti- unting pumikit at unti- unti ring pagbaba ng mukha nito sa kaniya ngunit laking gulat niya nang hindi dumampi ang mga labi nito sa kaniya kundi tumama lamang ang labi nito sa kaniyang pisngi at hindi na gumalaw pa.Nagpalipas siya ng ilang sandali bago niya ito galawin, niyugyug niya ang balikat nito ngunit hindi ito gumalaw. Humihinga pa naman ito kaya bakit bigla na lamang itong hindi gumalaw hanggang sa isang reyalisasyon ang nagpalaki ng mata niya. Nakatul
------- “You two will get married soon.” Nanlalaki ang mga mata ni Serene na napatingin kay Maam Minerva. Nasa library na siya ng mga oras na iyon at naroon si Luther kasama ang magulang nito, maging ang kapatid nitong si Sevi at ang isa pa nitong kapatid na hindi niya pa alam kung ano ang pangalan. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang naririnig ng mga oras na iyon. Ano ang sinasabi nito? Hindi ba at kasal na si Luther? Paanong magpapakasal sila? May asawa na ito kaya hindi na pwede silang magpakasal. Isa pa ay walang dahilan para magpakasal silang dalawa. Iginala niya ang kaniyang paningin sa loob, sa kanilang lahat na naroon. Tahimik ang lahat na nakatingin sa kaniya, pwera na lamang kay Luther na hindi niya alam kung saan nakatingin. Hinihintay niya itong tumutol sa kung ano ang sinasabi ng ina nito ngunit wala siyang narinig. Wala ni kahit anong salita. “Maam hindi po. Mali po ang iniisip niyo, wala pong—-” “This is final Serene. Ihanda mo na ang sarili mo dahil sa mga susuno
Nakatulala si Serene habang nakatitig sa kaniyang laptop. May pinapanuod siyang video kung paano gumawa ng nauusong satin flowers at gusto niya iyong pasukin ngunit wala doon ang kaniyang isip.Ilang araw na ang nakakaraan simula nang makauwi sila ng mga anak niya galing sa bahay ng mga Del Fuego. Hindi pa rin nawawala sa kaniyang isip hanggang sa mga oras na iyon ang nangyari. Nang bago sila umalis ay wala naman nang binanggit ang mga ito sa kaniay tungkol sa kung ano ang napag- usapan nila.Simula din nang araw na iyon ay hindi niya pa nakakausap si Luther muli. Hindi niya tuloy maiwasan na isipin na baka nagalit ito sa kaniya dahil sa nangyari. Hindi niya naman iyon ginusto at mas lalong hindi niya iyon sinadya. Napabuntung- hininga na lamang siya at pagkatapos ay tuluyan nang itiniklop ang kaniyang laptop.Napatingin siya sa kaniyang orasan na nakapatong lamang sa kaniyang lamesa, alas singko na pala ng hapon. Hindi niya namamalayan ang oras dahil masyado siyang naging busy sa kan
Kasalukuyan silang nakaharap sa hapag kainan ng mga oras na iyon. Hindi nila kasama sa hapag ang kaniyang mga anak dahil kasama ng mga ito ang dalawa niyang kapatid. Nagkulong na muna sila sa kwarto upang maglaro kaya sila- sila ang magkakaharap nang mga oras na iyon at katabi pa nga niya si Luther. “So kaya kami nandito ngayon ay para pormal ng mamanhikan.” masayang saad ni Maam Minerva at pagkatapos ay sumulyap sa kanila ni Luther. “Ngayong gabi ay pag- uusapan na natin ang tungkol sa kasal na magaganap sa susunod na buwan.” dagdag nito na dahilan kung bakit bigla na lamang siyang napaubo. Kumakain sila ng mga oras na iyon kaya nasamid siya sa sobrang gulat. Napatakip siya sa kaniyang bibig at pagkatapos ay ilang beses na napaubo. Mas lalo lamang siyang nagulat nang maramdaman niya ang kamay ni Luther na humahaplos sa kaniyang likod ng mga oras na iyon. Dahil sa pagkakadikit ng kamay nito sa kaniya ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng kilabot sa buo niyang katawan at p
Halos isang oras nang nakakaalis ang pamilya Del Fuego ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay nananatili pa ring nakatulala si Serene habang nasa harap ng hapag. Halos matapos na ngang iligpit ng kaniyang ina ang mga ginamit nilang pinagkainan. Tulala pa rin siya dahil hind pa rin siya makapaniwala sa mga nagyari.Paano ba naman ay nai- set na ang kanilang kasal at sa susunod na buwan na iyon, katapusan na ngayon kaya halos ilang linggo na lamang ang hihintayin nila.Napapikit na lamang siya at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido dahil pakiramdam niya ay tila ba sasabog ang ulo niya sa dami ng iniisip niya. Idagdag pa na hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Luther na sumabay na lamang sila sa gusto ng mga magulang nila dahil wala naman silang magagawa na kung tutuusin ay magagawa naman sila kung ayaw talaga nila.Hindi naman pwedeng magpakasal sila dahil lang sa gusto ng mga magulang nila na labag sa kalooban nila, pero si Luther ay hindi man lang niya kinakitaan ng kahit k
“Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo?” tanong ng asawa ni Minerva sa kaniya.Hindi niya ito nilingon at nagtuloy- tuloy siyang pumasok sa kanilang silid at pagkatapos ay ibinaba ang dala niyang bag. Kararating lang nila ng mga oras na iyon galing sa bahay nila Serene.Napabuntung hininga siya kasabay nang pag- upo niya sa kanilang kama.“Ito ang tama para sa kanila.” sabi niya habang pinanuod ang asawa na nagtatanggal ng mga damit upang magbihis.Tumigil ito sa kaniyang ginagawa at pagkatapos ay hinarap siya.“Matanda na sila Minerva, hindi na sila bata. May sarili na silang isip kaya hindi na natin—”“Ginagawan ko na nga ng paraan dahil alam kong hindi naman sila gagawa ng hakbang. Mananatili silang ganuon, isa pa kitang- kita ko sa mga mata ni Serene na mahal niya ang anak natin. Alam kong hindi niya pababayaan si Luther.” halos pabulong na saad niya rito.Isang buntung hininga ang pinakawalan nito at pagkatapos ay naglakad upang umupo sa tabi nito. Hinawakan niya ang kamay nito.
“For my brother’s upcoming wedding, cheers.” sabi nito kaya wala silang nagawa ni Sevi kundi ang itaas din ang mga hawak nilang baso. Napailing na lamang si Sevi bago nito ibinaba ang kamay at lumagok. “I’m so glad hiniwalayan mo na si Lian.” out of nowhere na sabi ni Sevi habang iniikot ikot nito ang yelo sa baso nito. Nilingon niya ito. “Para kang si Mama. Dapat sayo naging babae e.” seryosong sabi niya na ikinangiti lamang nito. Napalingon naman siya kay Kenneth ng bigla na lamang itong tumawa. “Yeah, heard from Mama na wala daw ginawa ang asawa mong yun kundi lumayas rito sa bahay at pag umuwi ay late na.” naiiling na saad nito at pagkatapos ay uminom. Napailing na lamang siya. Kahit wala ito sa bahay nila ay nakakasagap pa rin ito ng balita at bilib siya rito. “Dating asawa.” pagtatama niya sa sinabi nito at ipinagdiinan niya talaga ang salitang dating. Natawa lang ito sa sinabi niya at pagkatapos ay itinuloy na ang pag- inom. “E kayong dalawa, kailan niyo balak mag- asa
Kasusundo lamang ni Serene sa dalawa niyang anak ng mga oras na iyon. Hindi kasi naharap ng kaniyang ama na sunduin ito kaya siya na lamang ang sumundo sa mga ito. Isa pa ay nandoon naman si Shiela at alam niyang maasahan naman ito kaya pumayag siya. Isa pa ay hindi naman niya maaatim na pabayaan doon ang mga anak niya. Bago siya bumalik sa kanilang shop ay ihahatid na niya muna ang mga ito sa bahay nila. Medyo may kalayuan din ang kailangan niyang lakbayin hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa bahay nila. Tahimik naman ang kanilang byahe, tinitingnan- tingnan niya ang dalawa mula sa rearview mirrow ng sasakyan at tahimik lang naman ang mga ito na naglalaro sa kanilang bagong tablet. Hindi niya naiwasan ang mapailing. Halos ilang beses pa lamang ng mga itong nakakasama ang pamilya Del Fuego ngunit spoiled na ang mga ito rito. Lahat ng gusto ng mga ito ay nakukuha na ng mga ito kaya si Adam ay tuwang- tuwa kapag alam niyang biyernes na. Hindi naman siya nagagalit ng dahil doon