“Sigurado ka ba talaga sa desisyon mo?” tanong ng asawa ni Minerva sa kaniya.Hindi niya ito nilingon at nagtuloy- tuloy siyang pumasok sa kanilang silid at pagkatapos ay ibinaba ang dala niyang bag. Kararating lang nila ng mga oras na iyon galing sa bahay nila Serene.Napabuntung hininga siya kasabay nang pag- upo niya sa kanilang kama.“Ito ang tama para sa kanila.” sabi niya habang pinanuod ang asawa na nagtatanggal ng mga damit upang magbihis.Tumigil ito sa kaniyang ginagawa at pagkatapos ay hinarap siya.“Matanda na sila Minerva, hindi na sila bata. May sarili na silang isip kaya hindi na natin—”“Ginagawan ko na nga ng paraan dahil alam kong hindi naman sila gagawa ng hakbang. Mananatili silang ganuon, isa pa kitang- kita ko sa mga mata ni Serene na mahal niya ang anak natin. Alam kong hindi niya pababayaan si Luther.” halos pabulong na saad niya rito.Isang buntung hininga ang pinakawalan nito at pagkatapos ay naglakad upang umupo sa tabi nito. Hinawakan niya ang kamay nito.
“For my brother’s upcoming wedding, cheers.” sabi nito kaya wala silang nagawa ni Sevi kundi ang itaas din ang mga hawak nilang baso. Napailing na lamang si Sevi bago nito ibinaba ang kamay at lumagok. “I’m so glad hiniwalayan mo na si Lian.” out of nowhere na sabi ni Sevi habang iniikot ikot nito ang yelo sa baso nito. Nilingon niya ito. “Para kang si Mama. Dapat sayo naging babae e.” seryosong sabi niya na ikinangiti lamang nito. Napalingon naman siya kay Kenneth ng bigla na lamang itong tumawa. “Yeah, heard from Mama na wala daw ginawa ang asawa mong yun kundi lumayas rito sa bahay at pag umuwi ay late na.” naiiling na saad nito at pagkatapos ay uminom. Napailing na lamang siya. Kahit wala ito sa bahay nila ay nakakasagap pa rin ito ng balita at bilib siya rito. “Dating asawa.” pagtatama niya sa sinabi nito at ipinagdiinan niya talaga ang salitang dating. Natawa lang ito sa sinabi niya at pagkatapos ay itinuloy na ang pag- inom. “E kayong dalawa, kailan niyo balak mag- asa
Kasusundo lamang ni Serene sa dalawa niyang anak ng mga oras na iyon. Hindi kasi naharap ng kaniyang ama na sunduin ito kaya siya na lamang ang sumundo sa mga ito. Isa pa ay nandoon naman si Shiela at alam niyang maasahan naman ito kaya pumayag siya. Isa pa ay hindi naman niya maaatim na pabayaan doon ang mga anak niya. Bago siya bumalik sa kanilang shop ay ihahatid na niya muna ang mga ito sa bahay nila. Medyo may kalayuan din ang kailangan niyang lakbayin hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa bahay nila. Tahimik naman ang kanilang byahe, tinitingnan- tingnan niya ang dalawa mula sa rearview mirrow ng sasakyan at tahimik lang naman ang mga ito na naglalaro sa kanilang bagong tablet. Hindi niya naiwasan ang mapailing. Halos ilang beses pa lamang ng mga itong nakakasama ang pamilya Del Fuego ngunit spoiled na ang mga ito rito. Lahat ng gusto ng mga ito ay nakukuha na ng mga ito kaya si Adam ay tuwang- tuwa kapag alam niyang biyernes na. Hindi naman siya nagagalit ng dahil doon
Tagaktak ang pawis ni Sevi sa loob ng operating room habang isinasagawa ang operasyon. Halos isang oras na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin tapos ang operasyong isinasagawa nila kay Serene.—------“Ano ba! Magsitahimik kayo!” sigaw ni Lian sa dalawang batang kanina pa iyak ng iyak.Ang sakit na ng tenga niyang nakakarinig sa mga ito. Kanina pa niya sinasabihan ang mga itong tumahimik ngunit walang silbi iyon dahil iyak pa rin ng iyak ang mga ito.Biglang natawa si Bill dahil sa pagsigaw niya at pagkatapos ay nilapitan ito. Hinaplos niya ang braso nito at pagkatapos ay niyakap niya ito mula sa likod ngunit mabilis itong nagpumiglas at pagkatapos ay lumayo sa kaniya.“Patahimikin mo ang mga iyan kung hindi ay baka pasabugin ko ang mga bibig ng mga iyan pag ako ang nainis.” inis na saad niya at pagkatapos ay lumabas mula sa silid kung nasaan ang dalawang bata.Napailing na lamang si Bill habang sinusundan ito ng tingin at pagkatapos ay hinarap sa wakas ang dalawang bata. Kitang- kita
Napamura si Bill nang tangka niyang bubuksan ang pinto ng silid kung saan sila naroon ngunit naka- lock na iyon. Inutusan siya ni Lian na bigyan ng pagkain ang dalawang bata at natagalan siya sa pagpapakain sa mga ito dahil nga nakatali ang mga ito ay kinailangan niya pang subuan ang mga ito.Ayaw niya namang kalagan ang pagkakatali ng mga ito dahil baka mamaya ay makatakas ang mga ito mahirap na. Ayaw niyang makipagsapalaran.Kaagad niyang pinukpok ang pinto at pagkatapos ay sumigaw.“Lian buksan mo itong pinto!” sigaw niya habang pauulit- ulit na pinupukpok ang pinto.“Lian ano ba!” ulit niya nang makalipas na ang ilang minuto ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nito iyon binubuksan.“Lian!” ulit niyang tawag rito ngunit hindi ito sumagot.Hindi niya tuloy maiwasan ang magtanong kung anong nasa utak nito ng mga oras na iyon at pati siya ay ini- lock nito sa loob.“Alam kong babaliktad ka Bill.” narinig niyang sambit nito.Agad na nagsaubong ang kaniyang mga kilay sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito