Share

Chapter 33.8

—------

Napatingala si Serene sa bahay ng mga Del Fuego. Personal niyang inihatid na ang kaniyang mga anak sa bahay ng mga ito dahil hindi dumating si Luther na nangakong susunduin sila ng maaga. Ang mga anak niya lang ang mananatili roon, dahil ng araw na iyon ay sabado naman.

Pansamantala ay doon muna ang mga ito ng dalawang araw dahil para makasama naman daw ng mga pamilya Del Fuego ang kaniyang mga anak. Habang nakatingala siya sa bahay ay napakaraming alaala ang pilit na nagbabalik sa kaniyang isip. Simula sa unang pagtapak niya doon hanggang sa pag- alis niya.

Hindi niya inasahang muli siyang tatapak sa lugar na iyon dahil ni minsan ay hindi na niya muling inisip pa ang lugar na iyon. Doon siya naging masaya, doon siya natutong magmahal at doon din siya labis na nasaktan kaya kung tutuusin sana ay ayaw na niyang bumalik pa doon pero wala siyang pagpipilian.

Hindi niya sana ihahatid ang kaniyang mga anak doon ngunit baka totohanin ni Luther ang banta nito sa kaniya na kakasuha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status