Sorry po sa character ni Lian HUHU ganyan po talaga siya. Happy reading po~
Nagbibihis na si Luther dahil katatapos niya lang maligo. Naligo talaga siya dahil nga napag- usapan nila ng kaniyang ina na pupunta sila sa mall at ipapasyal nila si Adam at si Lucas. Kahit madami siyang trabaho sa manggahan ay pinili niya ang makasama ang kaniyang mga anak, isa pa ay nagpresinta naman si Sevi na ito na lamang ang magpupunta doon upang tingnan ang mga namimitas ng mangga.Hindi pa kasi sila tapos magpapitas dahil hindi naman natapos kahapon dahil may kaluwangan ang kanilang manggahan. Mabuti na nga lang at pumayag si Sevi na ito ang pumunta sa manggahan upang mag- superbisa doon.Pagkatapos nga niyang nagbihis ay kaagad din siyang bumaba sa sala kung saan na naghihintay na ang kaniyang mga anak at maging ang kaniyang mga ina. “Oh ayan na pala ang Daddy niyo.” sabi ng kaniyang ina at pagkatapos ay tumayo na ito at inakay ang dalawa.Kitang- kita sa mga mukha ng mga anak niya na excited ang mga ito. Gusto niya tuloy isipin na hindi man lang sila ipinapasyal ni Serene.
—----- Kitang- kita ni Luther ang saya sa mukha ng kaniyang mga anak habang naglalaro ang mga ito sa mall. Kanina pa naglalaro ang mga ito at tila ba walang kasawa- sawa ang mga ito. Maging ang kaniyang ina ay tila ba hindi napapagod sa kakahabol sa mga ito. Ngayon niya lang kinakitaan ang kaniyang ina ng saya pagkatapos ng mahabang panahon. Hindi ito mukhang napapagod sa pag- aalaga sa dalawa dahil mukhang mas nag- eenjoy pa nga ito. Siya ay tahimik lang sa isang tabi habang pinapanuod ang mga ito. Hindi pa rin kasi natatanggal sa kaniyang isip ang mga sinabi sa kaniya ni Lian. Paano ba naman ay handa itong hiwalayan siya dahil sa mga anak niya. Hindi niya na tuloy alam kung saan na siya lulugar ngayon. Gusto niyang makasama ang mga anak niya pero ayaw ni Lian at kung ipipilit niya naman ay baka totohanin nga nito ang banta nito, alam niya sa sarili niya na hindi niya kakayanin kapag nagkataon ngang iwanan siya nito. Mahal na mahal niya ito ng higit pa sa buhay niya kahit pa ganu
Ilang araw na ang nakakaraan nang huling mag- usap si Luther at ang kaniyang ina ngunit nasa baba ito ng umagang iyon upang hintayin si Luther na bumaba mula sa silid nito. Gusto niya itong makusap at kailangan na talaga nilang mag- usap.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang pababang mga yabag na nasisiguro niyang si Luther iyon dahil maagang umalis si Sevi sa bahay nila. Nag- resume na kasi ito ulit sa ospital na pinapasukan nito. Mula nga sa baba ay natanaw na niya si Luther na nasa kalagitnaan na ng hagdan at bago pa man siya makababa sa pinakahuling baitang ng hagdan ay tumayo na siya at pagkatapos ay dinampot ang isang envelop na kagabi pa sana niya iaabot rito.“Luther.” tawag niya rito na akmang lalagpasan na naman sana siya.Hindi siya nito pinapansin ilang araw na dahil nga sa hindi nila pagkakaunawaan nitong nakaraang araw. Masyado na talaga itong nagdadamdam sa kaniya nang dahil lang sa asawa nito. Sana pagkatapos nang araw na ito ay tuluyan na itong matauhan sa gina
“Papaanong—” hindi nito maituloy- tuloy ang sasabihin.“Up until now ay hindi ka pa rin nagbabago.” walang emosyong saad niya rito.Nang mga oras na iyon ay wala siyang maramdaman kundi galit dahil sa ginawa nito sa kaniya sa pangalawang pagkakataon. Hindi niya akalaing yung babaeng tinaggap niya ulit ng buong- buo ay sisirain ulit ng basta- basta ang tiwala niya. “Luther hindi totoo ito at—”“Huwag ka ng gumawa ng dahilan mo Lian! Tama na yang ebidensiya para sa panloloko mo! Tinanggap kita ulit sa buhay ko dahil mahal kita, pero ganito lang pala ulit ang gagawin mo? I don’t need someone like you in my life. Get out!” sigaw niya rito at pagkatapos ay itinuro niya ang pinto.Hindi niya maatim makisama pa sa ganitong klase ng babae na kung kani- kanino nagpapakama. Hindi nito deserve ang katulad niya.“Damn!” mahinang mura niya at pagkatapos ay napasabunot sa kaniyang buhok nang mga oras na iyon.Hindi siya lubos na makapaniwala na mangyayari na naman ito sa kaniya, na maatim na naman
Pagbaba niya sa sala ay nananatili pa rin doon ang kaniyang ina at nakaupo. Nang makita siya nito ay tinignan siya nito at alam niyang naghihintay ito ng sasabihin niya. Ang plano niya pagpunta kanina sa kanilang manggahan ay hindi na niya nagawa pa dahil alam niyang hindi rin siya makakapag- trabaho ng maayos dahil sa sitwasyon niya. Nanghihina siyang napaupo sa isa sa mga upuan doon at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido. Wala siyang alam sabihin sa kaniyang ina nang mga oras na iyon dahil alam niya na sisisihin lang siya nito dahil hindi siya rito naniwala kaagad. Wala kasi talaga sa isip niya na magagawa iyon muli sa kaniya ni Lian. Hindi niya tuloy maiwasang hindi isipin kung gaano na ito katagal nakikipagkita sa lalaki nito. Masyado kasi siyang nakatuon sa pagpapatakbo sa manggahan nila, isa pa ay umiiwas din siyang makipag- argumento rito dahil ayaw niya na lagi silang nag- aaway tapos ay ganito na pala ang ginagawa nito. “Luther—” “Ma please. Huwag niyo na akong sis
Walang emosyong pinanuod ni Luther si Lian habang pababa ng hagdan. Hila- hila nito ang isang maleta na nasisiguro niyang mga damit nito. Wala siyang maramdaman na kahit ano habang nakatitig rito, siguro ay dahil nasanay na siya sa ugali nitong napaka- toxic kaya mabilis na lang din niyang natanggap ang lahat.Sa katunayan nga ay nasaktan ang kaniyang ego dahil sa panlolokong ginawa sa kaniya ni Lian. hindi niya kasi akalain na naging bulag na naman siya sa panloloko nito. Taas noo itong naglakad pababa ng hagdan. Gusto niyang matawa nang mga oras na iyon dahil sa inaasal nito dahil sino ba naman ang hindi matatawa, ito na nga ang may kasalanan ay ito pa ang may ganang umasta ng ganuon.Parang siya pa ang galit na nahuli niya ito samantalang ito naman ang gumawa ng kasalanan. Ngayon niya lang na- realize na napaka kapal pala ng mukha ni Lian masyado, ngayon niya masasabi na ang laki na pala talaga ng pagbabago nito dahil noon ay hindi naman ito ganuon. Hindi niya tuloy matukoy kung an
Alas singko pa lamang ng umaga ay dilat na ang mga mata ni Serene. Hindi niya nga alam kung nakatulog nga ba siya sa sobrang niyang pag- iisip. Simula pa kasi kagabi ay iniisip na niya ang mga pwedeng mangyari kapag itinuloy niya ang pagtulog sa mansiyon ng mga Del Fuego.Hindi talaga mawala sa kaniyang isip ang hindi mangamba lalo pa at sa kwento ng anak niyang si Lucas ay ang sama daw makatingin nito sa kanila noong unang beses silang nagpunta sa bahay nila Luther. Kung sa mga anak pa nga lamang niya ay ang sama na ng tingin nito ay paano na lamang sa siya? Baka kaladkarin na siya nito palabas ng bahay.Napapikit siyang muli at pagkatapos ay napahugot ng malalim na buntung hininga. Ang aga- aga ay mga negatibong bagay ang naiisip niya dahil sino ba naman ang hindi mag- iisip ng ganuon kung sakali. Pero tapos na siyang makapagpaalam sa kaniyang mga magulang.Sinabi na rin niya sa kaniyang mga anak na sasama siya sa mga ito at kagabi pa nga lang ay naihanda na nila ang kanilang mga da
—------Sinalubong si Serene ng mga ilang kasambahay at ng mag- asawang Del Fuego. May ngiti sa mga labi na sinalubong ng mga ito ang kaniyang mga anak na agad na rin namang yumakap sina Adam at Lucas sa mga ito. Habang nakamasid sa mga ito ay alam niyang masayang- masaya talaga ito na makita ang mag anak niya.Halata din sa mukha ng mga ito ang saya. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip kung hindi man lang ba nagkaroon si Luther at ang asawa nito ng anak. Iyon ang pangalawang beses na makapunta siya ulit sa bahay ng mga ito at ito pa lamang ulit ang pagkakataon na muli siyang papasok doon.“Serene mabuti naman at sumama ka. Halika pasok muna tayo sa loob.” nakangiting wika ni Maam Minerva sa kaniya na nginitian niya at tinanguan.Nginitian din siya ng asawa nito na sinuklian niya rin naman ng ngiti. Ang mga kasambahay naman ay kinuha na ang mga gamit nla sa sasakyan. Halos ayaw nga sana niyang ipabitbit sa mga ito ang mga gamit nila ngunit nagpumilit ang mga ito na sila na lamang daw