Panibagong yugto ng buhay ni Serene<3 paano kaya sila magkikita? any guess po? hahahaha pero anyways salamat po sa suporta ninyo<3 ginawa ko na pong parehas na lalaki para masaya;)
Mabilis na bumaba si Luther mula sa kaniyang kotse. Mabuti na lamang at may malapit na bar mula sa kanila dahil kung wala ay kailangan pa niyang lumuwas sa kabilang bayan para makapag- inom. Kailangan niyang gawin iyon para kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya. Gusto niyang sa pamamagitan ng pag- inom ay mabawasan ang nararadaman niya.Pagkapasok niya sa loob ng bar ay sumalubong kaagad sa kaniya ang usok na mula sa loob ng bar. Maging ang nakakabinging ingay. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng bar kung saan ay maraming kabataan ang nagsasaya habang nagsasayawan. Halos hindi niya maintindihan ang mga ito kung bakit nagsasaya ang mga ito gayung ang dapat ginagawa ng mga ito ay magsipag aral. Naipilig niya ang kaniyang ulo at binawi ang tingin sa mga nagkakasiyahang kabataan at dumiretso siya sa counter ng bar at umupo sa isang stool doon.Kaagad siyang umorder ng kaniyang iinumin at whiskey ang napili niya. Sa totoo lang ay may alak naman sila sa bahay nila pero ma
Badtrip na nga siyang umalis sa bahay nila at nagpunta siya rito para magpahupa ng kaniyang inis pero mukhang mas maiinis pa yata siya ngayon dahil sa babaeng kaharap niya. Bakit kasi hindi na lamang nito sabihin sa kaniya kung sino ito hindi yung tatanungin pa siya nito kung hindi niya ba ito nakikilala. Sayang lang ang oras. Kung nagpakilala na sana ito sa kaniya e di tapos na ang usapan nila.“Luther ako si Aemie nakalimutan mo na ba? Ang bilis mo naman yatang nakalimot.” may himig na pagtatampo ang boses nito.Napakunot ang kaniyang noo dahil sa binanggit nitong pangalan. Napaisip siya, pakiramdam niya ay pamilyar ang pangalan nito. Kilala niya ito, pero hindi niya maalala kung saan na nga ba niya narinig ang pangalang iyon. Napapikit siya. Parang pumupurol ang kaniyang utak dahil sa nainom niya.Aemie… Aemie…Ilang beses niyang inulit ang pangalan nito hanggang sa isang alaala ang lumitaw sa isipan niya. Tyaka luminaw sa kaniya ang lahat kung sino ang babaeng nasa harapan niya n
—-------------Nagising si Luther dahil sa tawag sa pangalan niya. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay nanlaki kaagad ang kaniyang mga mata at napabalikwas siya ng bangon. Paglingon niya ay ang nakasimangot na mukha ni Sevi ang sumalubong sa kaniya. Sa likod nito ay ang wala ring emosyon na mukha ng kaniyang ina.Halos hindi niya maimulat ang kanang mata niya ng oras na iyon dahil namamaga siguro. Ramdam niya rin ang kirot ng kaniyang labi. Medyo nahihilo pa siya hanggang sa mga oras na iyon at wala siyang ideya kung gaano na siya katagal na nasa loob ng seldang iyon. Wala siyang natatandaan na pumasok siya sa selda dahil bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Ni mukhaan nga ang nakasuntunkan niya ay hindi na niya nagawa kaya wala siyang ideya kung sino ang taong iyon.Ilang sandali pa ay may lumapit na pulis mula sa selda at sinusian iyon.“Lumabas ka na.” sabi nito kaya agad siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.Pagkalabas niya mula doon ay nauna ng naglakad si Sevi kasuno
“Ma’am kailangan po ng pirma ninyo.” sabi ng cashier kay Serene. Kasalukuyan siyang nasa hardware dahil may mga kailangan pa siyang bilhin na bagong materyales para sa ipinapagawa niyang bago niyang branch. Patapos naman na ito at may ilang pintura na lang na ipinabili sa kaniya kaya naroon siya. “Ah asan?” medyo nangingiting sambit niya. Itinuro naman sa kaniya ng kahera kung saan siya pipirma na agad niya namang pinirmahan at pagkatapos ay ibinigay na ang resibo sa kaniya. Binuksan niya rin ang compartment ng kaniyang kotse dahil doon niya ipapakarga ang binili niya. Pagkabukas nga niya ay mabilis din naman sumunod ang isang tauhan ng hardware at inilagay na nga doon ang pinamili niya, “Salamat.” sabi niya bago niya tuluyang isinara iyon at pumasok na sa loob ng kotse. Napabuntung- hininga siya. Sa totoo lang ay kanina pa siya tila nawawala sa kaniyang sarili. Masyado kasing madaming tumatakbo sa kaniyang isipan ng mga oras na iyon at halos hindi niya alam kung ano ang uunahin n
Napasandal si Sevi sa pinto at hindi makapaniwalang napatitig kay Lian na papalapit na sa kaniya. Sa mga oras na iyon ay tuluyan nang nawala ang pagnanasa sa katawan niya habang tinititigan rito. Nakaramdam siya ng pandidiri rito at labis na galit.Naisip niya ang kaniyang kapatid ng mga oras na iyon at napasabi siya sa kaniyang isip na kawawa naman ito dahil mukhang nagkamali ito ng babaeng pinakasalan nito. Sinamaan niya ng tingin si Lian at pagkatapos ay tumayo siya ng maayos.“Enough Lian. tama na yang kahibangan mo, hinding- hindi kita papatulan. I will not lower my standard para sa isang babaeng kagaya mo.” saad niya at pagkatapos ay tinapunan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa.“Look at yourself,” tinuro niya ang buong katawan nito simula ulo. “Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo?” mahina niyang tanong rito dahil baka may ibang makarinig sa kanila.Kitang- kita naman niya ang gulat nito dahil sa sinabi niya. Napatigil ito sa paglapit sa kaniya. Sa ilang beses siya nitong
“Lalabas ka na naman?” tanong ni Luther sa asawa. Katatapos niya lang maligo ng mga oras na iyon dahil halos kagigising niya lang. Natulog kasi siya kaagad kanina pagdating nila mula sa presinto at ngayon lang siya nagising. Alas- tres na nga ng hapo nang tingnan niya ang oras. Kailangan niyang makuha ang kaniyang kotse sa bar kung saan siya uminom kagabi dahil wala siyang gagamitin kung hindi niya iyon makukuha. Naningkit ang mata ni Lian na nilingon siya at itinigil muna ang paglalagay ng maskara sa mata. “Ano naman ngayon Luther? Ano magmumokmok ako dito sa kwarto?” pabalang nitong sagot sa kaniya at pagkatapos ay muling humarap sa salamin at itinuloy ang ginagawa. Hindi pa siya nakakabihis ng mga oras na iyon at tanging ang suot niya lang ay ang tuwalyang nakatakip sa pang- ibabang bahgai ng kaniyang katawan. Nilapitan niya ito at pagkatapos ay inilihis ang buhok nito sa isang side at pagkatapos ay yumukod siya upang halikan ang leeg nito. Hindi pa man niya naidadampi ang kani
“Luther…” narinig niyaya ang tinig ng kaniyang ina mula sa kaniyang likuran.Hindi siya sumagot sa pagtawag nito sa kaniya, bagkus ay nagtuloy- tuloy lang siya sa kaniyang pagkain na akala mo ay walang naririnig. Alam niya kasi na sesermonan na naman siya nito dahil sa gulong kinasangkutan nga niya kagabi. Ganun naman ito lagi, simula pa noong bata siya.Kapag siya ang nakagawa ng mali ay napaka- big deal rito pero kapag ang dalawa niyang kapatid ang nagkaron ng kasalanan ay parang wala naman itong problema. Sadyang sa kaniya lang talaga ito ganuon. Tatayo na sana siya upang umalis na ngunit hindi pa niya nakakalahati ang kinakain niya.Hindi pa naman niya ugali ang mag- aksaya ng pagkain kaya wala siyang pagpipilian kundi ang ubusin iyon. Wala siyang choice kundi ang pakinggang kung ano man ang sasabihin ng kaniyang ina.Umupo ito sa tabi niya. Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy lamang siya sa kaniyang pagkain. “Luther ano bang nangyayari sayo?” malungkot na tanong sa kaniya ng k
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Serene nang bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay nila ang kambal. Kasalukuyan kasi siyang nasa kusina ng mga oras na iyon para maghanda ng almusal ng mga ito dahil nang araw nga na iyon ay umpisa na ng pasok ng dalawa sa day care.Kaagad na lumapit ang mga ito sa kaniya kaya agad niyang binitawan ang hawak niyang sandok. Maaga niya siyang gumising nang araw na iyon para personal na maipaghanda ng pagkain ang dalawa. Bilang isang ina ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng excitement lalo pa at iyon nga ang first time nilang pumasok.Umupo siya upang salubungin ng yakap ang dalawa na agad namang yumakap nga sa kaniya. Kagigising lamang ng mga ito nang oras na iyon dahil halos hindi pa maayos ang lakad ng mga ito medyo pasuray- suray pa. Mabuti na nga lang din at nasanay na ang mga itong bumaba ng hagdan dahil kung hindi ay baka nadulas na ang mga ito at nagpagulong- gulong.“Good morning sa mga pogi kong anak.” nakangiting bati niya sa