Share

Chapter 30.5

Badtrip na nga siyang umalis sa bahay nila at nagpunta siya rito para magpahupa ng kaniyang inis pero mukhang mas maiinis pa yata siya ngayon dahil sa babaeng kaharap niya. Bakit kasi hindi na lamang nito sabihin sa kaniya kung sino ito hindi yung tatanungin pa siya nito kung hindi niya ba ito nakikilala. Sayang lang ang oras. Kung nagpakilala na sana ito sa kaniya e di tapos na ang usapan nila.

“Luther ako si Aemie nakalimutan mo na ba? Ang bilis mo naman yatang nakalimot.” may himig na pagtatampo ang boses nito.

Napakunot ang kaniyang noo dahil sa binanggit nitong pangalan. Napaisip siya, pakiramdam niya ay pamilyar ang pangalan nito. Kilala niya ito, pero hindi niya maalala kung saan na nga ba niya narinig ang pangalang iyon. Napapikit siya. Parang pumupurol ang kaniyang utak dahil sa nainom niya.

Aemie…

Aemie…

Ilang beses niyang inulit ang pangalan nito hanggang sa isang alaala ang lumitaw sa isipan niya. Tyaka luminaw sa kaniya ang lahat kung sino ang babaeng nasa harapan niya n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status