“Maam hindi ko matatanggap ito.” nanlalaki ang matang sabi niya pagkatapos niyang buksan ang inilapag ni Mrs. Del Fuego sa harap ng lamesa kung nasaan siya. Sa mga oras na iyon ay nasa loob sila ng library dahil doon siya pinapunta nito para mag- usap ngunit nalula siya dahil sa laman ng sobre. Ang kapal kasi ng perang naroon na kahit minsan ay hindi pa siya nakakahawak ng ganuong halaga. Napailing siya. Kahit mahirap lamang sila ay hindi naman siya mukhang pera. Idagdag pa na napakabait nito dahil sa kabila ng nagawang kasalanan ng kaniyang ama ay sinahuran pa rin siya sa pag- aasikaso sa anak nito. “Para sayo talaga iyan Serene.” nakangiting sambit nito. Muli siyang umiling. Hinawakan niya ang sobre at pagkatapos ay iniasog sa harap nito. Sa mga oras na iyon ay dadalawa lang silang nag- uusap doon. “Serene—” “Maam hindi ko talaga matatanggap ito. Sobra- sobra na ang kabaitan na ipinakita niyo sa akin at sa pamilya ko. Sa totoo nga lang ay ako pa ang dapat magpasalamat sa inyo.
“Mama si Adam kinain na naman yung pagkain ko!” nagsusumbong na sigaw ni Lucas sa kaniya.Napabuntung- hininga si Serene bago niya bitawan ang kaniyang cellphone. Ilang sandali pa nga ay tuluyan ng nakalapit sa kaniya si Lucas habang maluha- luha. Sa araw- araw ay ganito lagi ang eksena ng buhay niya. Kahit abala siya sa pakikipag- negosasyon ng bago niyang itatayong branch ng kaniyang flower shop sa kabilang bayan.Agad siyang niyakap ni Lucas at kaagad niya rin naman itong niyakap pabalik. Ilang sandali pa ay sumusunod naman na doon si Adam na hawak- hawak ang isang cupcake sa kamay nito, bagamat sa labi nito ay may nakaguhit pang chocolate na naiwan mula sa kinain nito.“Hindi ko naman kinain e, tinago ko lang.” natatawang saad ni Adam.Muli na naman siyang napabuntung- hininga. Sa kanilang dalawa ay si Adam talaga ang masasabi niyang may pagkapilya. Si Lucas namay ay tahimik pero may kakulitan din naman. Napangiti na lamang siya at pagkatapos ay napailing. Nakalapit na rin sa kani
Walang kasalanan ang mga ito sa sinapit niya. Ito ang bunga ng pagiging inosente niya sa mga bagay- bagay.“Kailangang panindigan ng kung sino man yang dinadala mo Serene…” saad ng kaniyang ama.Nang marinig niya ang sinabi nito ay dahan- dahan siyang napailing. Alam niyang mahirap ang lumaking walang ama ngunit wala siyang intensiyon na ipaalam kay Luther ang dinadala niya. Ayaw niyang maging balakid sa kasiyahan nito lalo pa ngayon at masaya na ito. Hindi naman siguro siya mahihirapan sa pagpapalaki sa magiging anak niya kung saka- sakali.“Anong ibig mong sabihin Serene?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ng kaniyang ina.“Bubuhayin kong mag- isa ang anak ko…” matapang na sagot niya at pagkatapos ay napahaplos sa kaniyang tiyan.—---------------------Hindi siy napilit ng mga magulang niya na papanindigan ang dinadala niya. Dahil nga sa binigyan siya ng malaki- laking halaga ni Maam Minerva ay naisip na lamang niyang gagamitin niya iyon para sa pagbuhay ng anak niya. Nagdesisy
Hindi dalawin ng antok si Serene ng gabing iyon. Kanina ay hindi siya maksagot sa kaniyang ina nang tinatanong siya nito. Halos hindi niya alam kung ano ang gagawin niyang pakiusap rito para hindi ito bumyahe at pumunta sa rancho Del Fuego para sabihin na may anak silang dalawa ni Luther. Ayaw na niya ng eskandalo. Isa pa ay maayos naman na ang buhay nila. Naibibigay niya ang mga kailangan ng mga anak niya. Sobra- sobra pang pagmamahal ang ibinibigay niya rito kaya bakit pa? “Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang lumaking walang ama Serene? Kahit anong gawin mo ay hindi mo mapupunan ang paghahanap nila ng ama.” Naalala niyang sabi sa kaniya kanina ng kaniyang ina. Napamulat niya ng kaniyang mga mata at pagkatapos ay tinitigan ang kaniyang mga anak na nasa magkabilang panig niya na mahimbing ng natutulog. Selfish nga ba siyang matatawag dahil ipinagkait niya sa mga ito na makilala ang tunay nilang ama? Ginawa niya lang iyon dahil gusto niyang protektahan ang mga ito. Ginawa niya i
Mabilis na bumaba si Luther mula sa kaniyang kotse. Mabuti na lamang at may malapit na bar mula sa kanila dahil kung wala ay kailangan pa niyang lumuwas sa kabilang bayan para makapag- inom. Kailangan niyang gawin iyon para kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya. Gusto niyang sa pamamagitan ng pag- inom ay mabawasan ang nararadaman niya.Pagkapasok niya sa loob ng bar ay sumalubong kaagad sa kaniya ang usok na mula sa loob ng bar. Maging ang nakakabinging ingay. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng bar kung saan ay maraming kabataan ang nagsasaya habang nagsasayawan. Halos hindi niya maintindihan ang mga ito kung bakit nagsasaya ang mga ito gayung ang dapat ginagawa ng mga ito ay magsipag aral. Naipilig niya ang kaniyang ulo at binawi ang tingin sa mga nagkakasiyahang kabataan at dumiretso siya sa counter ng bar at umupo sa isang stool doon.Kaagad siyang umorder ng kaniyang iinumin at whiskey ang napili niya. Sa totoo lang ay may alak naman sila sa bahay nila pero ma
Badtrip na nga siyang umalis sa bahay nila at nagpunta siya rito para magpahupa ng kaniyang inis pero mukhang mas maiinis pa yata siya ngayon dahil sa babaeng kaharap niya. Bakit kasi hindi na lamang nito sabihin sa kaniya kung sino ito hindi yung tatanungin pa siya nito kung hindi niya ba ito nakikilala. Sayang lang ang oras. Kung nagpakilala na sana ito sa kaniya e di tapos na ang usapan nila.“Luther ako si Aemie nakalimutan mo na ba? Ang bilis mo naman yatang nakalimot.” may himig na pagtatampo ang boses nito.Napakunot ang kaniyang noo dahil sa binanggit nitong pangalan. Napaisip siya, pakiramdam niya ay pamilyar ang pangalan nito. Kilala niya ito, pero hindi niya maalala kung saan na nga ba niya narinig ang pangalang iyon. Napapikit siya. Parang pumupurol ang kaniyang utak dahil sa nainom niya.Aemie… Aemie…Ilang beses niyang inulit ang pangalan nito hanggang sa isang alaala ang lumitaw sa isipan niya. Tyaka luminaw sa kaniya ang lahat kung sino ang babaeng nasa harapan niya n
—-------------Nagising si Luther dahil sa tawag sa pangalan niya. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay nanlaki kaagad ang kaniyang mga mata at napabalikwas siya ng bangon. Paglingon niya ay ang nakasimangot na mukha ni Sevi ang sumalubong sa kaniya. Sa likod nito ay ang wala ring emosyon na mukha ng kaniyang ina.Halos hindi niya maimulat ang kanang mata niya ng oras na iyon dahil namamaga siguro. Ramdam niya rin ang kirot ng kaniyang labi. Medyo nahihilo pa siya hanggang sa mga oras na iyon at wala siyang ideya kung gaano na siya katagal na nasa loob ng seldang iyon. Wala siyang natatandaan na pumasok siya sa selda dahil bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Ni mukhaan nga ang nakasuntunkan niya ay hindi na niya nagawa kaya wala siyang ideya kung sino ang taong iyon.Ilang sandali pa ay may lumapit na pulis mula sa selda at sinusian iyon.“Lumabas ka na.” sabi nito kaya agad siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.Pagkalabas niya mula doon ay nauna ng naglakad si Sevi kasuno
“Ma’am kailangan po ng pirma ninyo.” sabi ng cashier kay Serene. Kasalukuyan siyang nasa hardware dahil may mga kailangan pa siyang bilhin na bagong materyales para sa ipinapagawa niyang bago niyang branch. Patapos naman na ito at may ilang pintura na lang na ipinabili sa kaniya kaya naroon siya. “Ah asan?” medyo nangingiting sambit niya. Itinuro naman sa kaniya ng kahera kung saan siya pipirma na agad niya namang pinirmahan at pagkatapos ay ibinigay na ang resibo sa kaniya. Binuksan niya rin ang compartment ng kaniyang kotse dahil doon niya ipapakarga ang binili niya. Pagkabukas nga niya ay mabilis din naman sumunod ang isang tauhan ng hardware at inilagay na nga doon ang pinamili niya, “Salamat.” sabi niya bago niya tuluyang isinara iyon at pumasok na sa loob ng kotse. Napabuntung- hininga siya. Sa totoo lang ay kanina pa siya tila nawawala sa kaniyang sarili. Masyado kasing madaming tumatakbo sa kaniyang isipan ng mga oras na iyon at halos hindi niya alam kung ano ang uunahin n
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni