Nang magising si Serene ay maliwanag na sa labas. Nang magmulat nga siya ng kaniyang mga mata ay kaagad siyang napabalikwas ng bangon mula sa kaniyang pagkakahiga at pagkatapos ay dali- daling lumabas ng kaniyang silid. Wala siyang ideya kung anong oras na, may pasyente pa nga pala siyang dapat asikasuhin.Paglabas niya sa kusina ay nagulat siya nang makita niya si Luther na nakaupo na sa counter habang kumakain ng pancit canton. Nag- angat ito ng tingin nang mapansin naroon siya at pagkatapos ay kitang- kita niya na bigla itong natigilan nang makita siya doon.Ilang segundo lang naman ang itinagal nito dahil nakabawi din naman ito kaagad at pagkatapos ay ibinaba nito ang hawak nitong tinidor at tumigil ito sa kaniyang pagkain. Tumingin ito sa kaniya.“Nagutom kasi ako bigla. Kaya nagluto na lang ako kaysa naman istorbohin pa kita.” nakangiting saad nito sa kaniya.Tila siya natuod mula sa kaniyang kinatatayuan ng mga oras na iyon nang makita niya ang klase ng pagkakangiti nito sa kan
PAGKATAPOS nga niyang kumain at iligpit ang kaniyang pinagkainan ay napagdesisyunan ni Serene na lalabas na muna siya at magpahangin. Hindi naman na umuulan ng mga oras na iyon at nagpapasalamat siya na tumigil na rin sa wakas ang malakas na ulan.Pagpunta nga niya sa sala ay doon niya lang napansin na bukas nga pala ang pintuan sa harap ng bahay. Hindi niya iyon napansin kanina, kanina pa kaya iyon bukas? Tanong niya sa kaniyang isip bago siya lumabas mula doon. Paglabas nga niya ay sumalubong kaagad sa kaniya ang preskong hangin na mula sa dagat.Napatingala siya sa kalangitan, hindi na umuulan ngunit nananatili pa ring makulimlim ang langit. Pero mas maganda na iyon kaysa naman umuulan ng malakas, aniya sa kaniyang isip at pagkatapos ay tuluyan na nga siyang lumabas. Sa hindi kalayuan ay nakita niyang nakatanaw sa karagatan si Luther habang nakasalampak sa buhanginan. Mukhang malalim na naman ang iniisio nito.Nagdadalawa tuloy ang isip niya kung lalapitan niya ba ito o hindi, ngun
Kahit hindi nito ituloy ang sinasabi nito ay alam naman na niya ang dahilan dahil nga naikwento na sa kaniya iyon ni Lily. Nanatili pa rin siyang tahimik hanggang sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung paano niya i- cocomfort ito dahil siya ng mga oras na iyon ay nag- umpisa na namang masaktan. Hindi niya alam kung anong masamang hangin ang nalanghap nito at nag- oopen up ito sa kaniya, wala siyang ideya. Alam niya na kapag tinagalan pa niya ang pakikinig rito ay mas masasaktan pa siya pero nanatili pa rin siya dahil alam niya na ang tagal nitong kinimkim ang lahat ng nararamdaman nito at ngayon ay tuluyan na nga itong nagkwento sa kaniya kahit pa hindi naman niya ito pinilit. Ibig sabihin lang ay may tiwala na ito sa kaniya kaya nasasabi na nito sa kaniya ang saloobin nito. “Nung paggising ko sa ospital alam mo? Nadismaya ako, kasi napatanong ako sa sarili ko kung bakit pa ako nabuhay.” natatawang saad nito. “At mas lalo pa akong nadismaya nang makita ko itong itsura ko.” bulong
Pagkamulat ng mata ni Serene ay nasa loob na siya ng silid niya. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Bakit ba sumasakit ang kaniyang ulo bigla- bigla? Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay dahan- dahang bumangon. Wala siyang ibang natatandaan kundi ang bigla na lamang siyang nahilo at hindi na niya alam ang mga sumunod pang nangyari pagkatapos ng sandaling iyon. Ibig lang sabihin ay baka nawalan siya ng malay kanina. Ilang sandali pa ay nabangon na siya at pagkatapos ay lumabas na siya ng silid. Hindi naman na siya nahihilo kaya lanag ay tila ba para siyang nakalutang lang siya. Yung pakiramdam niya ay parang ang gaan- gaan niya at parang isang tapak niya lang na mali ay matutumba na siya. Pagkalabas nga niya ng kaniyang silid ay napaupo na muna siya sa sala. Napabuga siya ng hangin, ano bang nangyayari sa kaniya? Nasa ganuon siyang sitwasyon ng bigla na lamang niyang narinig ang pagbukas ng pinto kung saan ay napalingon siya rito. Nakita niyan
Hindi alam ni Serene ang mararamdaman niya ng mga oras na iyon pero isa lang ang sigurado niya, kumikirot ang puso niya. Kung nitong mga nakaraang araw ay naririnig niya lang ang pangalan nito sa bibig ni Luther ngayon ay nasa harapan na niya ito mismo kung saan mas maganda pa ito lalo kaysa sa larawang nakita niya sa silid ni Luther.Isang reyalisasyon ang nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon, wala siya kahit sa kalingkingan nito dahil sobrang ganda nito at halos mamula- mula pa ang kutis nito dahil sa sobrang kaputian. Habang nakatitig siya rito ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng panliliit sa kaniyang sarili dahil ganito pala ang mga tipo ni Luther.Hindi niya tuloy maiwasang mapatanong sa kaniyang isip kung ano ang masamang hangin na nagdala rito ito. Wala naman silang natanggap na tawag mula kay maam Minerva na may darating silang bisita. Lumipat ang kaniyang tingin sa lalaking nasa likod nito ng mga oras na iyon, kahawig ito ni Luther at hindi maitatangging magkamag- a
“I’m sorry Luther…” umiiyak na saad ni Lian sa kaniya.Nasa tabing dagat sila ng mga oras na iyon. Doon niya ito dinala sa paborito nitong parte ng dalampasigan. Hindi naman ito ang unang beses na pumunta ni Lian doon dahil noong sila pa at may libre silang oras ay lagi sila doon dalawa at masasabi niya na malaki ang papel ng lugar na iyon sa kanilang relasyon.Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa mga oras na iyon. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang magiging reaksiyon niya sa paghingi nito ng tawag sa kaniya pagkatapos ng ilang taon. Nang magmulat nga siya ng kaniyang mga mata sa ospital ay inaasahan niya na naroon ito sa tabi niya at hihingi ng tawad sa kaniya ngunit wala ito.Hindi ito nagpakita sa kaniya hanggang sa makalabs siya ng ospital. Tinanong niya rin ang kaniyang ina noo kung sa tagal niya na- coma ay dumalaw man lang ba ito sa kaniya ngunit malungkot na umiling ang kaniyang ina. Kaya niya ikinulong ang kaniyang sarili sa kaniyang silid at paglipas lang ng isang buw
Hinawi ni Serene ang kurtina na tumatakip sa kaniyang bintana. Plano niyang silipin kung nasaan si Luther at ang ex nito dahil gusto niya lang namang makita kung ano ang ginagawa ng mga ito.Napahigpit ang hawak niya sa kurtina dahil sa kaniyang nakita. Pakiramdam niya ay ilang daang kutsilyo ang tumarak sa kaniyang dibdib ng mga oras na iyon. Gusto man niyang umalis na sa kaniyang kinatatayuan at isara ang bintana ngunit hindi makagalaw ang kaniyang mga paa. Ayaw gumalaw ng mga ito.Bakit? Hindi niya mapigilang magtanong habang nakatingin siya sa mga ito na magkahinang ang mga labi. Anong ibig sabihin ng nakikita niya? Dalawang taon siyang nagmukmok ng dahil rito pero ngayon ay mukhang okay na sila. Ganun na lang ba iyon kadaling kalimutan para rito?Pero ano nga ba ang pakialam niya? Ano nga ba ang karapatan niya na kwestyunin ito sa mga desisyon nito, wala. Wala siyang karapatan. Halos manghina siya dahil sa kaniyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Ang bigat ng dibdib niya. Dahan
Alas tres na ng madaling araw nang makarating sina Serene sa rancho Del Fuego. Sa buong byahe nila ni Sevi ay hindi siya umimik. Mabuti na lamang at hindi naman siya nito kinausap ng kinausap nakapag- isip isip siya. Hinayaan niyang isipin ang mga bagay na pinagsaluhan nila ni Luther simula sa umpisa.Hindi niya naman mapigilan ang sariling hindi ito isipin dahil ganun siguro talaga. Ganun siguro talaga kapag bago pa. Nang makarating sila sa rancho ay kating- kati na siyang umalis doon at umuwi na sa bahay nila. Pero hindi niya magawa dahil kailangan niya pang makipag- usap kay maam Minerva at pormal na magpaalam rito.Ayaw naman niyang umalis na lang siya ng basta- basta lalo pa at hindi naman siya nito pinakitaan ng masamang ugali, sa katotohanan nga ay sobrang bait nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Napakamaunawain nito dahil sa kabila ng ginawa ng kaniyang ama ay hindi pa rin nito ipinakulong ang kaniyang ama.Tahimik ang buong bahay nang dumating sila. Walang gising, maliban