Gabi na ng mga oras na iyon at kasalukuyan pa rin siyang nagre- review para sa exam niya bukas. Gusto niyang i- perfect ang score.
Isa na siyang graduating student sa kaniyang kursong edukasyon. Ilang buwan na nga lamang ay internship na nila. Napabuntung- hininga siya ng mga oras na iyon.Kaunting panahon na lamang at tiyak niyang makakatulong na siya sa kaniyang mga magulang. Maaga ngang lumabas ang kaniyang ama kanina dahil maghahanap daw ito ng pera para sa mga gagamitin niya sa internship niya.Ni uniform nga ay wala pa siya kahit isa. Iyon din ang dahilan kung bakit siya nagsusumikap sa kaniyang pag- aaral. Nakikita niya kase ang kahirapang dinaranas nila. Nakikita niya ang pagod sa kaniyang mga magulang sa maghapon nilang paggawa.Ang kaniyang nanay ay nakikilaba lamang samantalang ang kaniyang tatay naman ay nakikisaka lamang.Habang naiisip ang kanilang kalagayan ay mas lalo niyang gustong magpursige sa kaniyang pangarap. Hindi lang para sa kaniyang mga magulang kundi para na rin sa dalawa niyang kapatid pa.Napatingala siya sa orasang nasa kanilang sala kung nasaan siya. Mag- aalas onse na ng gabi at hindi pa rin dumarating ang kaniyang ama.Maaga pa ito umalis at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito dumarating. Kanina nga ay hindi pa sana matutulog ang kaniyang ina ngunit dahil nga sa alam niyang pagod ito ay sinabi na lamang niyang siya na lang ang mag- aantay rito upang makapagpahinga naman ito.Bigla niyang naisip ang tagpo kanina nang kakain na sila ng hapunan. Halos maiyak ang bunso niyang kapatid nang makita ang isang maliit na pirasong galunggong na ulam nila. Ang kinita kase ng kaniyang ina sa paglalabada at ipinambili pa nila ng bigas at isang galunggong lamang ang nakayanan ng tira nitong pera."Pasensiya na kayo mga anak, alam niyo namang ibinili ko pa ng bigas ang iba kong sinahod." Sabi ng kanilang ina.Hindi na lamang umimik ang kaniyang mga kapatid, alam niyang naiintindihan ng mga ito ang kanilang ina. Ginagawa naman nito ang lahat ng pagsusumikap para matustusan lamang ang pagkain nila sa araw- araw.Ngunit sa loob niya ay umiiyak ang damdamin niya lagi. Nasasaktan siya para sa mga kapatid niya at ramdam na ramdam niya ang awa sa kaniyang ina dahil alam niya na hindi nito gustong ganun lamang ang maibigay na pagkain sa kanilang mga anak niya.Bigla na lamang kumawala mula sa kaniyang mga mata ang isang butil ng luha. Lagi niyang tinatanong sa hangin kung bakit napaka- unfair ng mundo.Kung bakit hindi na lamang sila naging mayaman kahit kaunti man lang. Hindi yung dalawa na ang kumakayod para sa kanilang pamilya ay wala pa ring nangyayari.Gusto na nga niyang sumuko noon, gusto na niyang tumigil sa kaniyang pag- aaral at magtrabaho na lamang upang makatulong siya sa pang- araw araw nilang pangangailan ngunit pinigilan siya ng kaniya ina. Isang tao na lamang naman daw at ga- graduate na siya kaya kaunting panahon na lamang daw ang kailangan nilang pagtiisan.Dahil dito ay nagpatuloy siya sa kaniyang pangarap para sa mga ito. Gusto niyang kahit papano ay makabayad man lang sa mga pagod at sakripisyo ng mga ito sa kaniya at sa kaniyang pag- aaral.Pinunasan niya ang kaniyang luha. Balang araw ay maiiahon niya rin ang kaniyang pamilya sa hirap balang araw.Ilang sandali pa ay napabalikwas siya mula sa kinauupuan niyang upuang gawa sa kawayan may kaluskos kase siyang narinig mula sa labas.Baka ang tatay na niya iyon kaya dali- dali siyang tumayo at pagkatapos ay binuksan ang pinto. Pagbukas niya nga ng pinto ay may ilang kalalakihang paalis na at sa kanilang pinto ay naroon naman ang kaniyang ama kung saan ay nakadapa ito."Tay!" Mabilis siyang lumabas at pagkatapos ay dinaluhan ito sa lapag."Tatay!" Iyak niyang tawag rito.Nakadapa ito sa lupa at ilang sandali pa ay pinilit niyang itihaya ito."Tatay!" Sabi niya at pagkatapos ay tinapik- tapik ang mukha nito ngunit hindi ito gumigising at nananatiling nakahiga lamang ito at nakapikit."Tatay!" Sabi niya na may mga luha na sa kaniyang mga mata.Paano ba naman nang tumama ang ilaw sa mukha nito ay nakita niyang maga ang parte ng mata nito at pagkatapos at putok ang labi nito.Maging ang pisngi nito ay may gasgas ito at ang damit nito ay madumi.Dahil na rin sa kaniyang ingay ay lumabas ang kaniyang inang naalimpungatan.Humahangos itong lumapit sa kanila."Anong nangyari?" Tanong nito at pagkatapos ay umupo na rin at niyugyug din ang kaniyang ama."Jusko po! Anong nangyari?" Tanong nito at tinapik- tapik ang pisngi nito. Pilit nila itong ginigising."Ano bang nangyari Serene?" Tanong ng kaniyang ina na halos magsalubong na ang mga kilay dahil sa labis na pag- aalala."Hindi ko alam Nay." Sabi niya habang humihikbi."Buhatin natin siya." Sabi ng kaniyang ina at pagkatapos ay binuhat nga nila ito.Kahit nga payat ito ay hindi rin naman ito ganun kagaan para mabuhat nila at talaga namang nahirapan sila sa pagbubuhat.Habol- habol nila pareho ang kanilang paghinga ng maibaba na nila ito sa kinauupuan niya kanina."Kumuha ka ng tubig!" Utos sa kaniya ng kaniyang ina na agad niya namang sinunod.Dali- dali siyang kumuha nang tubig at pagbalik niya sa mga ito ay mabuti na lamang at gising na ito.Kaagad niyang inabot ang tubig sa kaniyang ina at mabilis din naman nitong pinainom sa kaniyang ama."Ano ba ang nangyari Berto? Sino ba ang gumawa sayo nito?" Punong- puno ng pag- aalalang tanong ng kaniyang ina rito.Siya ay tahimik lamang na nakatayo harap ng mga ito habang hinahaplos niya ang likod ng kaniyang ina.Hindi sumagot ang kaniyang ama bagkus ay umiling lang."Anong wala Berto? Sumagot ka? Tingnan mo nga ang nangyari sayo." Salubong ang kilay nitong tanong rito at pagkatapos ay napahilamos."Kahit sana naghihirap tayo kung walang nangyayaring ganito." Sabi ng kaniyang ina na alam niyang punong- puno na ng stress.Siya naman ang napabuntung- hininga at pagkatapos ay dinampot na ang kaniyang libro.Papasok na siya sa kanilang silid. Ayaw niyang makita ng mga ito na maging siya ay nai- stress na. Ayaw niyang ipakita sa mga ito ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata niya.Pagkapasok na pagkapasok niya sa silid nila ay mabilis na pumatak ang kaniyang mga luha. Awa ang nararamdaman niya para sa kaniyang ama ng mga oras na iyon.Hindi niya rin alam kung sino ang mga lalaking nakita niya na tila naghatid sa kaniyang ama sa bahay nila. Mabuti na lang at humihinga pa ito na inihatid sa harap ng pinto nila, paano na lamang kapag tuluyan na itong pinatay?Sino ang mga posibleng gumawa nito rito?Nagpunas siya ng kaniyang mata at tahimik na nahiga sa tabi ng kaniyang mga kapatid. Dahil nga maliit lamang ang kanilang bahay ay dadalawa lamang ang silid at magkakatabi silang magkakapatid na natutulog sa kanilang papag.Ilang sandali pa ay unti- unti na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya dahil sa pag- iisip niya.----------Tanghali na nang magising siya ng umagang iyon dahil na rin siguro sa kaniyang pag- iisip.Wala na nga ang kaniyang mga kapatid sa higaan ng mga oras na iyon at tanging siya na lamang ang natira doon kaya agad na siyang bumangon.Ngunit nagulat siya nang paglabas niya ng silid ay may mga boses siyang naririnig sa labas ng bahay nila. Akala niya ay mga kapitbahay lang nila na nakiki- usyoso sa nangyari kagabi sa tatay niya ngunit ang sumilip siya sa bintana ay nanlaki ang mga mata niya.May ilang kalalakihang nakatayo doon at nakasuot sila pare- pareho ng kulay itim na polo- shirt. Ang kaniyang ama at ina ay naroon don ngunit bakas ang pag- aalala sa kani- kanilang mga mukha.May isang medyo katandaan na ang naroon at may hawak na isang piraso ng papel."Kung ayaw mong pirmahan ito, ay mapipilitan akong sampahan ka ng kaso." Narinig niyang sabi nito sa kaniyang ama.Nanlaki ang kaniya mga mata dahil sa kaniyang narinig. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng may usapan ngunit hindi niya iyon naiwasan.Kusang gumalaw ang kaniyang mga paa at lumabas sa labas ng kanilang bahay upang harapin ang lalaking iyon. Kahit magmukha na siyang bastos ay hindi niya hahayaang ganunin na lamang ang kaniyang ama. Isa pa ay anong ginawa ng kaniyang ama para kasuhan nito.Wala itong karapatang gawin iyon sa kaniyang ama.Lumabas siya. Wala siyang pakialam kung gulo- gulo pa ang buhok niya at kung may muta pa siya sa gilid ng kaniyang mga mata o ni may lamat ng natuyon laway sa kaniyang pisngi.Dahil sa pagbalagbag ng pinto ay nagdulot iyon ng malakas na tunog na naging sanhi upang ang atensiyon nilang lahat ay mapunta sa kaniya."Serene..." Mahina ngunit punong- puno ng pag- aalalang sambit ng kaniyang ina.Tiningnan niya ang mga ito, punong- puno ng pag- aalala ang mga mata ng mga ito. Pagkatapos ay hinarap niya ang lalaking may hawak ng papel at pilit na pinapapirmahan sa mga magulang niya."Anong kasuhan ang sinasabi ninyo?" Nakataas ang noong tanong niya rito.Inayos nito ang suot nitong salamin at pagkatapos ay tiningnan siya sa kaniyang mga mata at pagkatapos ay ngumiti ng bahagya."Matapang ka hija." Komento nito.Ano namang pakialam niya sa opinyon nito?"Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng pulis. Tresspassing ang ginagawa ninyo." Banta niya sa taong kaharap niya ng mga oras na iyon.Biglang natawa ang matandang kaharap niya at pagkatapos ay napailing."Baka ako ang dapat tumawag ng pulis." Sagot nito at sumeryoso ang mukha na tumitig sa kaniya.Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Napaka- antipatiko. Komento niya sa kaniyang isip. Tiningnan niya ang pustura nito mula ulo hanggang paa at doon niya napagtanto na mukhang may kaya o mas magandang sabihin na mayaman ito dahil sobrang kintab ng suot nitong sapatos. Idagdag pa na mukhang mga bodyguard nito ang mga lalaking nakatayo doon kasama nila.Porque mayaman nang aapak na ng kapwa tao. Pwe. Bulong niyang muli sa kaniyang isip."Umalis na kayo." Ulit niya ngunit naramdaman niya ang paghawak ng kaniyang ina sa kamay niya.Nilingon niya ito. Nanlalaki ang mga mata nito na halos hindi makapaniwala dahil sa inaasal niya.Wala siyang pakialam kung magmukha siyang bastos sa harap ng matanda, ang mahalaga ay maipagtanggol niya ang kaniyang mga magulang. Hindi porket mahirap lang sila ay aapihin na sila ng mga ito kahit pa hindi niya alam kung ano ang dahil kung bakit ito naroon."Huwag niyong hintaying ulitin ko ang sinabi ko." Muli niyang banta sa matandang nasa harap niya.Hindi naman itong mukhang natitinag dahil nakataas pa rin ang noo nitong nakatingin sa kaniya. Ang kaniyang ina ay kanina pa hila ng hila sa kaniya at paulit- ulit na bumubulong na tumigil na siya, ngunit hindi pa rin siya tumitigil. Sino ba ito sa inaakala nito? Na akala mo kung sinong pupunta sa bahay nila at pagbabantaan ang mga magulang niya na tatawag ng pulis kapag hindi nila pinirmahan ang inaabot nitong papel.Ilang sandali itong nakipagtitigan sa kaniya at pagkatapos ay ibinigay sa isa nitong kasamang lalaki ang papel na hawak nito."Sisiguruhin kong mabubulok sa kulungan yang ama mo!" Sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay walang lingong tumalikod at naglakad paalis sa kanilang bakuran.Bago ito tuluyang makalayo sa kanila ay tumigil pa ito ngunit hindi na ito lumingon pa kundi nakatalikod lang ito. Sila naman ay nakasunod lang ng tingin rito."Kayo na nga ang binibigyan ng cho
Katatapos niya lang maligo nang oras na iyon. Alas syete na iyon ng umaga at may pasok pa siya. Nagbihis na siya ng kaniyang pang pasok ngunit wala siyang balak na pumasok sa eskwelahan sa araw na iyon.Kanina habang umiiyak ang kaniyang ama sa kaniyang balikat ay nakapagdesisyon na siya. Hindi niya hahayaang makulong ang kaniyang ama dahil hindi niya din naman ito kayang makitang nahihirapan lalo na kung meron naman siyang magagawa doon.Paglabas niya ng kanilang silid ay naroon sa sala ang kaniyang ina at hinihintay siya, nang makita nitong lumabas na siya ay tumayo ito at pagkatapos ay nginitian siya, ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito.Inabot nito sa kaniya ang dalawang daang piso na alam niyang pagkatago- tago pa nito at pagkatipid- tipid. Inabot niya iyon at pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit at punong- puno ng pagmamahal. Ayaw niyang maging malungkot ito dahil mahal na mahal niya ito.Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya rito at lumabas na ng bahay. Ni ang kumai
Chapter 6Katulad nga ng nasabi niya kanina kay Mrs. Del Fuego ay hindi na siya umuwi pa. Nasisisguro niya kase talagang hindi papayag ang kaniyang am sa desisyon niya.Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang pag- aaral at onting- onti na lamang ay magtatapos na siya. Alam niya rin na bilang panganay ay siya na ang magpapaaral sa kapatid kapag natapos na siya.Ngunit hindi niya rin naman makakaya na ang kaniyang ama ay makita niyang humihimas ng rehas. Lalo ng hindi iyon kaya ng kaniyang ina kaya mas magandang siya na lamang ang mag- sakripisiyo para sa pamilya nila.Nasa garden siya ng mga oras na iyon dahil nagpapalipas siya ng oras, isa pa ay ang sabi sa kaniya ni Mrs. Del Fuego ay mamayang hapon pa daw niya ipapakilala sa kaniya ang anak nito dahil panigurado daw na tulog pa ito sa mga oras na iyon.Hindi naman na siya nag- usisa pa tungkol sa anak nito dahil ayaw niya namang magmukha siyang hindi sigurado. Isa pa ay iniisip niya ang kaniyang mga magulang
Chapter 5 Pagkapasok nga niya sa silid ay mabilis siyang nagbihis ng kaniyang damit upang maging komportable siya sa kaniyang paggalaw- galaw. Naka uniform pa rin kasi siya hanggang sa mga oras na iyon at hindi siya makagalaw ng maayos. Jogging pants ang naroon at ilang pirasong t- shirt na halos eksaktong- eksakto lamang talaga sa kaniya. Pagkatapos niyang nagbihis ay naupo siya sa kama at inilibot ang paningin niya sa kabuuan ng silid. Maluwang ang silid na iyon na halos kalahati na ng bahay nila. Nagyon lamang siya makakapagsarili ng silid dahil simula noong bata pa siya ay laging ang kapatid niya ang katabi niya at sa iisang silid lamang sila natutulog. Dahil maaga pa naman ay napagpasyahan niya na lamang mahiga muna sa kama. Mag- iisip isip na muna siya ng mga dapat niyang gawin. Hindi niya pa pala nasabi kay Mrs. Del Fuego kanina na huwag sanang saktan ang kaniyang ama kung sakali mang magpunta ito doon. Nawala na kase iyon sa isip niya kanina. Nang lumapat ang kaniyang liko
Malakas ang tibok ng kaniyang puso ng mga oras na iyon. Halos doblehin niya ang kaniyang hakbang pababa ng hagdan. Halos takbuhin niya rin kanina ang paglabas ng pinto sa sobrang takot niya. Ngayon niya napatunayan na nagsasabi nga ang kasambahay ng totoo kanina. Akala pa naman niya ay tinatakot lang siya nito pero totoo pala. Mukhang mahihirapan siya sa pinasok niya. Hindi niya tuloy alam kung magtatagal siya doon. “Oh, mukhang nakakita ka yata ng multo?” Nagulat pa siya ng bigla na lamang may nagsalita at nang lingunin niya ito ay ang kasambahay na nagsabi sa kaniya. Bigla na lamang itong napatango- tango kahit hindi pa siya nakakasagot, paano ba naman kasi ay medyo humihingal pa siya dahil sa kaniyang ginawang pagtakbo. Isa pa ay sino ba naman ang hindi mapapatakbo sa takot kapag sinigawan ka na. “Napatunayan mo na? Sabi ko kasi sayo e medyo may pagka- demonyo talaga ang lalaking iyon.” Sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakn siya sa kamay at bigla na lamang siyang hinila
Pagkatapos nga nilang mag- usap ni Mrs. Del Fuego ay kaagad namang gumaan ang pakiramdam niya dahil nga sa oras na iyon ay alam na ng mga magulang niya na naroon siya. Hindi man siya pormal na nakapagpaalam sa mga ito ay mainam na rin iyon dahil hindi na ito magagalit sa kaniya. Isa pa ay siniguro naman ng amo niya na magiging maayos siya doon. Masaya rin siya dahil sa mga oras na iyon ay natanggap na ng mga magulang niya ang sahod niya bagamat kaka- umpisa pa lamang ay sinahuran na siya kaagad. Kung kanina ay gusto na niyang mag- back out, ngayon ay nagbago na ang isip niya dahil doon. Sadyang napakabait talaga nito hindi lang sa kaniya kundi maging sa kaniyang pamilya. Ngayon pa lamang ay bilib na talaga siya rito mabait talaga ito. Hindi pa siya umalis sa sala ng mga oras na iyon nang pumasok si Lily galing sa labas at may dalang bag. Mukhang hirap na hirap nga ito sa pagdadala hanggang sa nilapitan na niya ito at tutulungan na lamang niya ito. Humihingal nitong ibinaba ang dal
Mag aalas otso na ng gabi ng oras na iyon. Tapos na silang kumain ng hapunan. Gusto pa nga sana niyang makipagkwentuhan muna kay Lily ngunit nahiya siya sa matandang kasambahay. Baka isipin nito na puro pakikipag- tsismisan lang ang alam niyang gawin. Sa hapunan nga ay hindi niya nakita si maam Minerva, nalaman niya ang pangalan nito kay Lily. Isa pa ay ang mga ito ang naging kasabay niya sa pagkain dahil hindi naman niya nakita itong bumaba simula nang dumating ito kaninang galing sa bahay nila. Nakatulala siya habang nakahiga, wala na naman siyang magawa kaya manunuod na lang muna siguro siya ng korean drama. Itutuloy na lang niya muna siguro yung pinapanuod niya kanina. Nakalimutan nga pala niyang patayin ang tv at nang pumasok sila doon ni Lily sa silid niya ay nakaandar pa rin iyon na wala namang nanunuod. Nanghinayang tuloy siya sa kuryente. Tumayo na nga siya at akmang isasaksak na sana niya ang tv nang bigla na lamang siyang may narinig na tumunog. Kaagad siyang napalingon s
Habang nakahiga siya sa kanyang kama ay hindi pa rin matanggal sa kaniyang isipan ang nakita niya kanina. Hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang nakita. Kitang- kita ng dalawang mata niya na nakatayo talaga ito at hindi siya basta namamalikmata lang. Lumapit talaga ito sa kaniya ng naglalakad. Narinig pa nga niya ang mga yabag nitong papalapit sa kaniya kanina. Ngunit ang hindi niya talaga maintindihan ay kung bakit noong pagbalik na niya na may dalang kutsara ay naka- wheel chair na ito. Sadya kayang namamalikmata lang siya? Kahit siya sa sarili niya ay hindi niya makumbinsi. Napahilamos na nga lang siya ng kaniyang mukha, sa dami ba naman kasi ng iniisip niya ay dadagdag pa talaga ito. Natigil siya sa kanyang pag- iisip ng bigla na lang na naman tumunog ang intercom, kanina niya pa iyon inaalala kung ano ang tawag doon. “Tapos na ako, ilabas mo na itong pinagkainan ko.” sabi nito at pagkatapos ay pinatay na nito iyon. Napairap na lamang siya sa hangin ng mga oras na iyon. Nakaka
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni