Katatapos niya lang maligo nang oras na iyon. Alas syete na iyon ng umaga at may pasok pa siya. Nagbihis na siya ng kaniyang pang pasok ngunit wala siyang balak na pumasok sa eskwelahan sa araw na iyon.
Kanina habang umiiyak ang kaniyang ama sa kaniyang balikat ay nakapagdesisyon na siya. Hindi niya hahayaang makulong ang kaniyang ama dahil hindi niya din naman ito kayang makitang nahihirapan lalo na kung meron naman siyang magagawa doon.Paglabas niya ng kanilang silid ay naroon sa sala ang kaniyang ina at hinihintay siya, nang makita nitong lumabas na siya ay tumayo ito at pagkatapos ay nginitian siya, ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito.Inabot nito sa kaniya ang dalawang daang piso na alam niyang pagkatago- tago pa nito at pagkatipid- tipid. Inabot niya iyon at pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit at punong- puno ng pagmamahal. Ayaw niyang maging malungkot ito dahil mahal na mahal niya ito.Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya rito at lumabas na ng bahay. Ni ang kumain ng umagahan ay hindi niya na nagawa dahil sa kaniyang pag- aapura.Paglabas niya sa kanilang bahay ay nagtitinginan ang kanilang mga kapitbahay. Paniguradong kalat na sa mga ito ang mga pangyayari, may pagka- tsismosa pa naman ang mga ito.Hindi naman sa nagagalit siya na pinag uusapan siya dahil sa nabalitaan ng mga ito pero kung tingnan siya ng mga ito ay akala mo ang lilinis nila. Hindi naman sa nagmamalinis siya pero sana naman ay huwag sila masyadong mapanghusga.Lahat naman ng tao ay may dahilan kung bakit nila nagagawa ang isang bagay at hindi naman sa pinagtatanggol niya ang kaniyang ama sa ginawa nito kundi sana ay huwag lang silang sumobra.Ang isa pa nga ay sinadya pa talagang iparinig sa kaniya ang lantarang pag- uusap tungkol sa ginawa ng kaniyang ama."Ganyan talaga, masyado kasing nagmamaganda ang anak nila kaya siguro ginawa iyon ng tatay niya." Sabi ng isa na ikinakuyom ng kaniyang mga kamay.Pagkasabi nito ay narinig niya ang pagtawa nila na mas lalo lamang ikinainis niya. Ang aga- aga ay walang ginawa kundi mag- usap ang mga ito ng tungkol sa buhay ng may buhay. Idagdag pa na puro paninira lang naman ang lahat ng mga iyon at walang katotohanan.Pumikit na lamang siya at pagkatapos huminga ng malalim. Mas masisira lang ang umaga niya kung papatulan niya ang mga kagaya ng mga ito. Isa pa ay wala din naman siyang mapapala kung pupuntahan niya ang mga ito at tatanungin.Pag- aaksaya lang iyon ng panahon. Ilang sandali pa nga ay nagpatuloy na lamang siya sa kaniyang paglalakad. Hindi siya tumingin sa kaniyang paligid at nakayuko lamang siya sa kaniyang dinaraanan. Alam niya rin naman kaseng ang bawat mata ng mga taong madadaanan niya ay nasa kaniya at nagbubulungan.Normal na sa kaniya ang mga bagay na iyon, dahil sa kanilang lugar ay nagkalat ang mga katulad nila.Nang makarating siya sa labasan ay kaagad siyang pumara ng tricycle at dali- daling sumakay."Saan ka Miss?" Tanong ng driver."Sa Rancho Del Fuego po." Sagot niya sa driver.Buong- buo na talaga ang desisyon niya. Sigurado siya na may magagawa pa siya sa oras na iyon at hindi pa huli ang lahat.Medyo may kalayuan ang Rancho Del Fuego sa kanila, sa tantiya niya ay sa limandaang metro din ang layo mula sa kanila. Isa pa ay ang balita niya ay napasungit daw ng nagmamay- ari ng lupang iyon.Natatanaw lang iyon sa daan dahil sa mga bakod na nakapalibot sa buong rancho. Ang hindi niya lang alam ay kung gaano kalawak ang ranchong iyon.Napa- buntung hininga na lamang siya. Paniguradong magugulat ang kaniyang mga magulang at isa pa ay baka magalit ang mga ito sa kaniya pero mas pipiliin na lamang niya iyon kesa makitang ang ama niya ang nahihirapan at nagdudusa.Matanda na ito para pumasok pa sa selda, sa edad nito ay alam niyang mahina na rin ang katawan nito lalo pa at maaga itong nagbanat ng buto. Kaya nga siya nagsusumikap sa kaniyang pag- aaral ay para masuklian niya ang mga paghihirap ng mga ito at para rin sana hindi na kailangan ng mga itong magtrabaho at manatili na lamang sa kanilang bahay.Pero nangyari na nga ang nangyari, malabo na niyang matapos ang kaniyang pag- aaral dahil nga kailangan na niyang magtrabaho sa ranchong iyon. Wala pa siyang ideya kung ano ang magiging trabaho niya pero makikipag- usap siya ng maayos sa mga ito na dapat ay sahuran siya para kahit papano ay may maiabot siya sa kaniyang mga magulang.Ilang sandali pa nga ay nakarating na siya sa harap ng gate ng rancho kung saan ay nakapaskil sa taas ng gate na may arko ang napakalaking Rancho Del Fuego.Walang bantay ang gate at nakabukas ang isang bahagi ng gate, ngunit napansin niya ang dalawang cctv cameras na nakakabit sa magkabilang panig ng gate.Nasisiguro niyang gumagana ang mga iyon. Ganun pa man ay wala siyang intensiyong masama at gusto lamang niyang makipag- areglo dahil sa ginawa ng kaniyang ama.Hindi niya din alam kung tatanggapin pa ba nila ang pakikipag- areglo nila sa kabila ng pagiging matapang niya kanina. Nahihiya siya sa kaniyang inasal ngunit wala na siyang magagawa pa kundi ang magpakumbaba dahil totoo naman nagkamali siya at mas lalo na ang kaniyang ama.Papasok na sana siya sa loob ng gate nang bigla na lamang may bumusina sa kaniyang likod kung saan ay halos mapatalon siya sa sobrang gulat.Napamura na lamang siya ng mahina dahil dito at pagkatapos ay napakuyom ang kaniyang mga kamay. Hindi naman siya nasa gitna ng daan para businahan nila ng ganuon kaya hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang ginawa ng mga ito sa kaniya.Ilang sandali pa ay dahan- dahan siyang umikot para harapin ang sasakyang bigla- bigla na lamang bumusina.Nakita niya kaagad ang itim na SUV na nakahinto na ng mga oras na iyon at tila ba hinihintay talaga nito na lumapit siya. Nagmartsa siya patungo doon na hindi maipinta ang mukha.Ilang hakbang nga lang ay nagawa na niyang makalapit sa sasakyan at handa na ang kaniyang bibig na bumuka at kwestyunin ang may ari ng sasakyan nang bigla na lamang bumukas ang bintana nito at sumilip doon ang may ngiti sa mga labing matanda.Hindi niya inaasahang makikita niya doon ang matanda at nang makita nga niya ang mukha niyo ay bigla niyang naalala ang ginawa niya kanina sa kanilang bahay kung saan ay talaga namang naging bastos siya.Ilang sandali pa nga ay itinikom niya ang kaniyang bibig at napalunok. Sa kabila ng kahihiyan na nararamdaman niya ay kailangan niyang harapin ito at humingi ng tawad sa inasal niya."Anong ginagawa mo rito hija?" Tanong nito sa malambing na tinig.Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa tono ng boses nito. Gulat na gulat talaga siya. Sa kabila ng inasal niya kanina ay ganuon pa rin ang pakikipag- usap nito, hindi katulad ng iba na alam niya na mayayaman na mapagmataas.Hindi niya iyon inaasahan. Nasisiguro naman niyang mayaman ito dahil sa postura nito kaya bakit?Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan niya, napakabait pala nito para bastusin niya."Hija?" Tanong nitong muli sa kaniya at pagkatapos ay binuksan na pinto ng sasakyan at pagkatapos ay bumaba ito rito para mas lalo itong makalapit sa kaniya.Bigla siyang nanliit sa sarili niya. Ano ba itong ginawa niya?Napayuko siya."Gusto, gusto ko pong humingi ng tawad sa inasal ko kanina." Nakayukong paghingi niya ng paumanhin rito.Hindi niya kayang iangat ang kaniyang ulo dahil nahihiya siya.Ilang sandali pa ay naramdaman na lamang niya ang paghawak nito sa kamay niya."Normal lang sa isang anak na ipagtanggol ang magulang niya." Sabi nito. Napakabait nito, hindi niya mapigilang mangilid ang luha dahil sa mga sinasabi nito sa kaniya."Siguro ay alam mo na ang totoo kaya ka narito?" Dagdag nitong tanong sa kaniya.Napatango lamang siya dahil hindi niya magawang magsalita dahil kagat- kagat niya ang kaniyang labi ng mga oras na iyon."Pasensiya ka na rin hija kung kailangan kong gawin iyon alam mo naman sigurong mali talaga ang ginawa ng iyong ama." Sabi pa nito.Doon ay bigla siyang nag- angat ng kaniyang ulo at pagkatapos ay siya naman ang humawak sa kamay nito."Alam ko pong mali po talaga ang ginawa ng tatay ko, pero handa ko pong tanggapin ay pagpipilian na sinasabi niyo kanina huwag niyo lang pong ipakulong ang tatay ko."Tuluyan ng bumagsak ang kaniyang mga pinipigil na mga luha sa kaniyang mga mata ng oras na iyon. Handa siyang gawin ang lahat huwag niya lang makitang nahihirapan ang kaniyang ama lalo na sa kulungan.Bigla naman itong natahimik at tinitigan siya. Siguro ay naaawa ito sa kaniya pero wala siyang ibang choice kung hindi ang sundin ang gusto ng mga ito para sa kalayaan ng kaniyang ama.Tila nag- isip muna ito bago ito pumikit at tinanggal ang kaniyang suot na salamin."Okay, sige. Sumakay ka dito sa kotse at mag- usap tayo sa bahay." Sabi nito at pagkatapos ay inalalayan siya nito pasakay sa loob ng sasakyan.Kaagad din naman siyang sumakay, nandito na siya at kailangan na niya iyong panindigan.Pagkasakay nga ay mabilis niyang pinunasan ang mga luha niyang kumawala mula sa kaniyang mga mata at tahimik na naupo lamang sa sasakyan.Sa harap siya pinasakay kung saan ay wala siyang katabi at tanging ang driver lamang. Puro kase sila mga lalaki kaya mas maganda na rin siyang sa harap sumakay.Hindi niya nagawang tingnan ang kaniyang paligid sahil naging abala siya sa pagpikit, nananalangin na sana ay walang masamang mangyari sa kaniya.Ilang sandali pa nga ay tuluyan ng tumigil ang sinasakyan nila kaya bigla siyang napamulat. Tumigil sila sa isang bahay na medyo may kalakihan. Bumaba siya mula sa sasakyan at iginala ang kaniyang paningin.Isang ancestral house ang kanilang tinigilan na medyo may kalumaan na ngunit napapanatili naman ang kaayusan nito, siguro ay sadyang hindi pa binago ang disensyo ng bahay na tila nagmula pa sa sinaunang panahon.Ilang sandali pa ay nakababa na rin ang matanda, hindi niya alam kung sino ito o kung siya ba ang may ari ng Ranchong iyon. Wala siyang kaalam- alam."Pumasok na tayo sa loob hija." Sabi nito at nauna ng naglakad papasok sa kaniya. Tahimik naman siyang sumunod rito na patingin- tingin sa kaniyang paligid.Kung anong disensyo sa labas ay ganun din sa loob. Ang interior design ay tila ba nasa sinaunang panahon at ang mga kagamitan simula sa mga upuan ay puro mga kahoy na nasisiguro niyang mga narra.Ilang sandali pa ng ay nakarating na sila sa sala at pinaupo na muna siya doon. Umupo naman siya at tahimik lang na nagmasid sa kaniyan paligid.Pansamantala muna siya nitong iniwan doon upamg tawagin daw ang kaniyang asawa. Doon niya naisip na ito nga ang may - ari ng ranchong iyon.Ilang sandali pa ay may narinig na siyang mga yabag na nagmumula sa ikalawang palapag kung saan ay rinig na rinig dahil nga sa kahoy ang sahig. Ilang sandali pa ay pababa na ng hagdan ang mga yabag at ilang sandali pa ay nakarating na ang mga ito sa harap niya.Agad siyang tumayo ng makita niya ang kasama ng matanda. Isa itong magandang babae na hindi pa naman gaano katanda at ng makita siya ay kaagad siyang ngumiti."Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko hija. Maupo ka." Sabi nito at itinuro ang upuan.Umupo naman ang mga ito sa harap niya."Hindi na kami magpapaligoy- ligoy pa hija. Kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso ay gusto naming peronal mong alagaan ang aming nakakabatang anak. Magiging personal ka niyang tagasilbi." Sabi nito na nakatingin sa kaniyang mga mata.Natahimik siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya."Tatanggapin mo ba?" Tanong nito.Wala siyang oras para pag- isipan iyon kaya wala siyang ibang pagpipilian."Opo." Sagot niya na may kasamang kaba.Ilang sandali pa ay kaagad namang nilapitan ng babae at hinawakan ang kaniyang mga kamay."Hindi iyon magiging madali pero sana ay pagtyagaan mo siya." Nakangiting sambit nito at pagkatapos ay niyakap siya.Chapter 6Katulad nga ng nasabi niya kanina kay Mrs. Del Fuego ay hindi na siya umuwi pa. Nasisisguro niya kase talagang hindi papayag ang kaniyang am sa desisyon niya.Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang pag- aaral at onting- onti na lamang ay magtatapos na siya. Alam niya rin na bilang panganay ay siya na ang magpapaaral sa kapatid kapag natapos na siya.Ngunit hindi niya rin naman makakaya na ang kaniyang ama ay makita niyang humihimas ng rehas. Lalo ng hindi iyon kaya ng kaniyang ina kaya mas magandang siya na lamang ang mag- sakripisiyo para sa pamilya nila.Nasa garden siya ng mga oras na iyon dahil nagpapalipas siya ng oras, isa pa ay ang sabi sa kaniya ni Mrs. Del Fuego ay mamayang hapon pa daw niya ipapakilala sa kaniya ang anak nito dahil panigurado daw na tulog pa ito sa mga oras na iyon.Hindi naman na siya nag- usisa pa tungkol sa anak nito dahil ayaw niya namang magmukha siyang hindi sigurado. Isa pa ay iniisip niya ang kaniyang mga magulang
Chapter 5 Pagkapasok nga niya sa silid ay mabilis siyang nagbihis ng kaniyang damit upang maging komportable siya sa kaniyang paggalaw- galaw. Naka uniform pa rin kasi siya hanggang sa mga oras na iyon at hindi siya makagalaw ng maayos. Jogging pants ang naroon at ilang pirasong t- shirt na halos eksaktong- eksakto lamang talaga sa kaniya. Pagkatapos niyang nagbihis ay naupo siya sa kama at inilibot ang paningin niya sa kabuuan ng silid. Maluwang ang silid na iyon na halos kalahati na ng bahay nila. Nagyon lamang siya makakapagsarili ng silid dahil simula noong bata pa siya ay laging ang kapatid niya ang katabi niya at sa iisang silid lamang sila natutulog. Dahil maaga pa naman ay napagpasyahan niya na lamang mahiga muna sa kama. Mag- iisip isip na muna siya ng mga dapat niyang gawin. Hindi niya pa pala nasabi kay Mrs. Del Fuego kanina na huwag sanang saktan ang kaniyang ama kung sakali mang magpunta ito doon. Nawala na kase iyon sa isip niya kanina. Nang lumapat ang kaniyang liko
Malakas ang tibok ng kaniyang puso ng mga oras na iyon. Halos doblehin niya ang kaniyang hakbang pababa ng hagdan. Halos takbuhin niya rin kanina ang paglabas ng pinto sa sobrang takot niya. Ngayon niya napatunayan na nagsasabi nga ang kasambahay ng totoo kanina. Akala pa naman niya ay tinatakot lang siya nito pero totoo pala. Mukhang mahihirapan siya sa pinasok niya. Hindi niya tuloy alam kung magtatagal siya doon. “Oh, mukhang nakakita ka yata ng multo?” Nagulat pa siya ng bigla na lamang may nagsalita at nang lingunin niya ito ay ang kasambahay na nagsabi sa kaniya. Bigla na lamang itong napatango- tango kahit hindi pa siya nakakasagot, paano ba naman kasi ay medyo humihingal pa siya dahil sa kaniyang ginawang pagtakbo. Isa pa ay sino ba naman ang hindi mapapatakbo sa takot kapag sinigawan ka na. “Napatunayan mo na? Sabi ko kasi sayo e medyo may pagka- demonyo talaga ang lalaking iyon.” Sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakn siya sa kamay at bigla na lamang siyang hinila
Pagkatapos nga nilang mag- usap ni Mrs. Del Fuego ay kaagad namang gumaan ang pakiramdam niya dahil nga sa oras na iyon ay alam na ng mga magulang niya na naroon siya. Hindi man siya pormal na nakapagpaalam sa mga ito ay mainam na rin iyon dahil hindi na ito magagalit sa kaniya. Isa pa ay siniguro naman ng amo niya na magiging maayos siya doon. Masaya rin siya dahil sa mga oras na iyon ay natanggap na ng mga magulang niya ang sahod niya bagamat kaka- umpisa pa lamang ay sinahuran na siya kaagad. Kung kanina ay gusto na niyang mag- back out, ngayon ay nagbago na ang isip niya dahil doon. Sadyang napakabait talaga nito hindi lang sa kaniya kundi maging sa kaniyang pamilya. Ngayon pa lamang ay bilib na talaga siya rito mabait talaga ito. Hindi pa siya umalis sa sala ng mga oras na iyon nang pumasok si Lily galing sa labas at may dalang bag. Mukhang hirap na hirap nga ito sa pagdadala hanggang sa nilapitan na niya ito at tutulungan na lamang niya ito. Humihingal nitong ibinaba ang dal
Mag aalas otso na ng gabi ng oras na iyon. Tapos na silang kumain ng hapunan. Gusto pa nga sana niyang makipagkwentuhan muna kay Lily ngunit nahiya siya sa matandang kasambahay. Baka isipin nito na puro pakikipag- tsismisan lang ang alam niyang gawin. Sa hapunan nga ay hindi niya nakita si maam Minerva, nalaman niya ang pangalan nito kay Lily. Isa pa ay ang mga ito ang naging kasabay niya sa pagkain dahil hindi naman niya nakita itong bumaba simula nang dumating ito kaninang galing sa bahay nila. Nakatulala siya habang nakahiga, wala na naman siyang magawa kaya manunuod na lang muna siguro siya ng korean drama. Itutuloy na lang niya muna siguro yung pinapanuod niya kanina. Nakalimutan nga pala niyang patayin ang tv at nang pumasok sila doon ni Lily sa silid niya ay nakaandar pa rin iyon na wala namang nanunuod. Nanghinayang tuloy siya sa kuryente. Tumayo na nga siya at akmang isasaksak na sana niya ang tv nang bigla na lamang siyang may narinig na tumunog. Kaagad siyang napalingon s
Habang nakahiga siya sa kanyang kama ay hindi pa rin matanggal sa kaniyang isipan ang nakita niya kanina. Hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang nakita. Kitang- kita ng dalawang mata niya na nakatayo talaga ito at hindi siya basta namamalikmata lang. Lumapit talaga ito sa kaniya ng naglalakad. Narinig pa nga niya ang mga yabag nitong papalapit sa kaniya kanina. Ngunit ang hindi niya talaga maintindihan ay kung bakit noong pagbalik na niya na may dalang kutsara ay naka- wheel chair na ito. Sadya kayang namamalikmata lang siya? Kahit siya sa sarili niya ay hindi niya makumbinsi. Napahilamos na nga lang siya ng kaniyang mukha, sa dami ba naman kasi ng iniisip niya ay dadagdag pa talaga ito. Natigil siya sa kanyang pag- iisip ng bigla na lang na naman tumunog ang intercom, kanina niya pa iyon inaalala kung ano ang tawag doon. “Tapos na ako, ilabas mo na itong pinagkainan ko.” sabi nito at pagkatapos ay pinatay na nito iyon. Napairap na lamang siya sa hangin ng mga oras na iyon. Nakaka
Halos malaglag ang panga niya sa sahig ng mga oras na iyon dahil sa kanyang narinig. Sa dami ba naman ng iuutos nito sa kanya ay ang maghubad pa. Napayakap siya ng wala sa oras sa kanyang sarili. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mukha nito. “Ano hindi mo magawa?” Tanong nito. “Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo, leave now.” Walang emosyong sabi nito at pagkatapos ay itinuro na ang pinto. “Ngayon pa lang ay iligpit mo ang mga gamit mo—---” “Wala ka bang ibang iuutos sir? Bakit kailangang iyon pa ang iutos niyo?” Hindi makapaniwalang tanong niya rito. “E yun nga ang gusto ko.” SAbi nito at pagkatapos ay humalukipkip pa ito sa harap niya. Hindi siya makapaniwala, hindi lang pala ito may masamang ugali kundi may pagka- manyak din ito. “Ayaw ko sir.” Tanggi niya. Hinding - hindi siya maghuhubad sa harap nito. “Okay then tapos na ag usapan. Makukulong ang tatay mo dahil sa katigasan mo.” Sabi nito sa kanya. “Lumabas ka na.” Ulit nito at muling itinuro ang pinto. Napapaisip t
Gustuhin niya mang umiyak ng mga oras na iyon ay wala na siyang luha. Naubos na ang kanyang luha kanina pa. Katatapos lang siyang pagsamantalahan ng lalaking nasa tabi niya. Sa mga oras din na iyon ay halos mandiri siya sa sarili niya dahil kababuyang ginawa sa kanya. Ramdam na ramdam nga rin niya sa mga oras na iyon ang hapdi sa pagitan ng kanyang mga hita. Iyon ang unang beses na nagalaw siya at sa ganitong paraan pa niya nawala ang pagka- birhen niya. Sa dami- dami ba naman ng pwede niyang pagbigyan nito ay sa demonyong lalaki pa napunta. Hindi niya tuloy alam kung may mapapala siya kapag nagsumbong siya. “From now on ay dito ka na matutulog sa silid ko.” Sabi sa kanya ng walang hiyang lalaki. Wala siyang lakas na sumagot ng mga oras na iyon isa pa ay kailangan niya ba talagang sundin lahat ng utos nito kapalit ng kalayaan ng kanyang ama? Bakit tila sobra naman na yata? Ang usapan nila ng ina nito ay magiging tagasilbi siya nito pero wal sa usapan nila na magiging parausan siya n
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi
Hindi napigil ng mga pulis na hindi lumapit si Luther sa bahay. Kahit nagpapalitan ng mga putok ang mga ito ay wala siyang pakialam. Handa siyang isugala ng buhay niya mailigtas lamang ang mga anak niya.Rinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Kenneth ngunit tuloy- tuloy siya sa ginagawa niyang paggapang. Malapit na siya sa bahay. Mas lalo pang tumindi ang pagnanasa niyang makalapit sa bahay dahil mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya ang pag- iyak ng mga anak niya.Hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng matinding galit. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat.Nang ilang metro na lamang ang layo niya mula sa bahay ay nakita niya ang pagbukas ng pinto kung saan ay lumabas ay may nakikipagbuno sa isang lalaki habang nakatali ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung sino iyon. Si Bill, ngunit bakit nakatali ang mga kamay nito?Nakita niya kung paano nito tinadtyakan ang ari nito kaya bigla itong napahiga at mabilis na pinulot ang baril nito. Kasunod nito
—----Nasa gitna ng bukid ang address na ibinigay sa kanila ni Bill. mula sa daan ay kita nila ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas. Sa unang tingin talaga ay wala siyang pagdududa na doon nga talaga dinala ni Lian ang mga anak niya. Pagbaba pa nga lamang niya ng sasakyan ay halos gusto na niya kaagad tumakbo patungo doon pero syempre ay hindi niya naman pwedeng gawin iyon dahil unang- una ay wala siyang dalang baril.Baka salubungin siya ng mga ito ng putok ng baril, wala pa naman pwedeng pagkublihan sa parteng iyon. Ayon sa mg pulis ay kailangan nila ang pagdodoble- ingat dahil baka mamaya ay isa pala iyong patibong. Baka mamaya ay naghihintay na pala ang mga ito sa kanila at nagkalat na sa paligid nang wala silang kaalam- alam.Kapag ganun nga ang nangyari, posible na wala silang magiging laban dahil hindi sa pamilyar sa kanila ang lugar. Idagdag pa nga na walang pwedeng pagtaguan dahil nga puro kabukiran ang nakapaligid sa bahay.“Sir, mauuna muna kami. Dito lang muna kayo sa
Mabilis nga niyang sinagot ito at pagkatapos ay itinapat kaagad ang kaniyang cellphone sa kaniyang tenga.“Hello?” isang baritonong tinig ang sumalubong sa kaniya at hindi pamilyar iyon sa kaniyang pandinig. Sino kaya ito? At ano ang kailangan nito sa kaniya.“Sino to?” walang emosyong tanong niya rito.Unti- unti nang bumibilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung bakit.“Ito ba ang anak ni Maam Minerva Del Fuego?” tanong ng nasa kabilang linya.Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa tanong nito ng mga oras na iyon. Siya ba ang hinahanap nito o iba? Pero anak ni Minerva Del Fuego? Siya iyon, pero hindi lang naman siya ang anak nito.“Ako nga.” iyon na lamang ang naisagot niya at mas lalong naging curious pa siya lalo kung sino ba ito.“Ako ang imbestigador na kinuha noon ng iyong ina, may isang text message akong ipapasa sayo galing kay Bill at tungkol sa mga anak mo.” sabi nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.Umahon ang galit sa dibdib ni