“I’m Paolo.”Napatitig si Rey Jhon sa mga mata ni Paolo na parang hinihigop ang kaniyang kalandian, isang daang porsyento ng kalandian. Ang sarap tingnan ng maiitim nitong mata na nakatitig din sa kaniya, diretsong-diretso sa kaluluwa niya. Idagdag pa ang medyo may kakapalan nitong kilay na ang gandang tingnan, nakaaakit. Inaakit talaga ang natitirang katinuan niya.“What’s your name again?” tanong ni Paolo sa kaniya.Ano nga ulit ang pangalan niya?He cleared his throat and released a smile. Hindi naman siya naaksidente pero bakit nakalimutan niya yata ang pangalan niya? Pinilit niyang hindi ngumiwi at inilahad niya ang kaniyang kanang kamay bago nagpakilala.“Rey Jhon. My name is Rey Jhon.”Kung sana matagal na siyang nagladlad baka kinindatan na niya si Paolo at tatanungin kung anong gusto nito.You want juice, water, tea or me? Choose wisely, choose me, malanding sabi ng utak niya.Palihim niyang kinagat ang dila, kung ano-ano na lang talaga ang naiisip niya. Delikado, baka masabi
Magbasa pa