Sa loob ng isang oras na patayo-tayo si Rey Jhon ay ngayon pa lang siya muling nakaupo. Hindi niya kasi mahanap ang libro na kailangan niya sa major subject niya na pinuntahan pa niya talaga sa library.Isinandig niya ang likod sa upuan habang hawak ang libro na napili niya. Mabuti na lang ay nakakita siya ng libro na puwede niyang magamit, pamalit doon sa libro na siyang pakay niya. Medyo sumakit ang bangs niya kanina, nilibot niya talaga ang buong library.“Uy, nandito ka pala, Rey. What a coincidence!” Agad siyang napadilat nang marinig ang pamilyar na boses. Nakita niya ang nakangiting si Paolo. Ang tamis ng ngiti nito na siyang hinahanap-hanap niya dati, parang advertisment lang ng isang brand ng toothpaste. Pero para ding TV series na kusang nag-play sa utak niya ang conversation ng kapatid niya at ni Paolo. Hindi siya makapaniwalang kalahi niya pala ito.Oh, hala! Ibandera ang flag ng LGBT, girl! Laban! Sigaw ng utak niya na pilit siyang chini-chair up. Medyo hindi pa rin mata
Read more