All Chapters of THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID: Chapter 61 - Chapter 70

109 Chapters

61. TLBAHM

[Amelia]GUTOM na gutom siya, kaya agad n'yang nilantakan ang binigay ni Miss Neil na sandwich. Katulad ni Miss Neil ay nakatingin din sa kanya si Aling Martha ng may awa sa mata."Pumasok ka muna at maligo, Amelia. Aba, ang baho mo na." Hindi mapigilang sabi ni Miss Neil.Hinila niya pabalik ang kamay ng hawakan siya ng matanda sa kamay. "Ayoko po, Miss Neil, baka mamaya ay magalit si Damon sa inyo at madamay kayo sa galit niya sa akin." "Naku, Neil, ilang beses ko ng sinabihan 'yang si Amelia na pumasok pero ang tigas ng ulo." Ani ni Aling Martha."Paano ka kakausapin ni Sir kung ang baho mo?" Napayuko nalang siya ng ulo sa sinabi nito. "Tayo na." Wala siyang nagawa ng hilahin siya ni Miss Neil papasok, pero hindi pa man siya nakakapasok ng makaramdam siya ng pagkirot ng tiyan at matinding pagkahilo.Huminto siya sa paghakbang at humawak siya sa tiyan. "M-Masakit..." D***g niya bago bumagsak ang katawan."Diyos ko!" Naibulalas ni Aling Martha.Boses ng dalawang matanda ang narinig
Read more

62. TLBAHM

[Amelia]"A-ANO?" Dinadaya lang siya ng pandinig niya.Tama!Hindi totoo ang narinig niya! Hindi magagawang sabihin ni Damon ang bagay na 'yon!"I don't care if you're pregnant, Amelia. Get rid of that child and your problem is solve." Umawang ang labi niya na ngayon ay nanginginig na dahil sa labis na pag iyak. "P-Problema lang ang tingin mo sa anak natin?" Lumapit siya sa binata at kumapit sa damit nito. "Hindi mo yata naiintindihan ang sinabi ko, Damon. Ang sabi ko buntis ako—""So what? Do you really think that you can use that child to fool me even more?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Damon, sa lamig no'n ay tila nanagad 'yon sa kanyang kalamnan. "Hindi ko gustong magkaanak sa isang may dugong kriminal kaya ipalaglag mo ang batang 'yan—"Malakas n'ya itong sinampal. Hilam ng luha ang kanyang mukha sa sobrang sakit at galit."N-Napakasama mo..." Pinagsusuntok niya ito sa dibdib. "P-Paano mo 'yan nasasabi sa anak natin, Damon? Paano?" Alam niya na anak siya ng kriminal, pero bak
Read more

63. TLBAHM

[Amelia]"ATE! ATE! ATE!" Mahigpit na yumakap sa leeg niya si Amon ng dumating ito kasama ang nanay niya. "A-Ate, kiliti-kiliti ako!" Nakabungisngis si Amon kaya naglalabasan ang bulok nitong mga ngipin dahil sa palaging pagkain ng chocolate. Apat na taon na si Amon at hanggang ngayon ay bulol pa rin ito."Bakit ngayon lang kayo, nay?" Tanong niya sa nanay niya matapos paghahalikan si Amon sa buong mukha at leeg."Hinintay namin si Arjo sa labas ng Cake Shop dahil bumili siya ng cake para kay Amy. Eh, 'yang si Amon bigla nalang nawala. Hinanap pa namin 'yan ni Arjo! Ang kulit-kulit naman kasi ng batang 'yan! Palagi nalang akong hinihingal kakahabol d'yan!" Palatak ng kanyang ina na tinawanan lang niya."Ayaw mo no'n, nay? Palagi kang nakakapag-exercise dahil d'yan kay Amon?" Singit ni Arjo na tumatawa din.Umingos nalang ang nanay nila kaya lalo silang natawa—pero agad na napangiti ito ng yumakap sa bewang nito si Amon na naglalambing."Yab yow po, nay! Wag ka iinis sa aken, ha?" Pini
Read more

64. TLBAHM

[Amelia]ABALA siya sa pagcheck ng mga bagong dating na Salon Products. Aalis siya mamaya para magsukat ng kanyang wedding dress kasama si Frederick. Si Frederick ang doctor na nakilala niya no'n sa hospital, at ito rin ang tumulong sa kanila ni Aling Martha ng mawalan siya ng malay sa daan limang taon na ang nakakaraan. Mahigit dalawang taon siyang niligawan nito, at dahil mabuting tao at nakita niya na mahal siya nito sa kabila ng kalagayan niya ay sinagot niya ito. Wala na siyang mahihiling sa buhay na mayro'n siya ngayon. Nag aaral ang mga kapatid niya at nasa mabuting kalagayan ang pamilya niya kaya naman nagpasya na siya na pumayag ng magpakasal sa nobyo niya."Amelia, ako na ri'yan. Mag ayos ka na dahil baka biglang dumating si Frederick." Ani Aling Martha, na kahapon na dumating galing probinsya. Sinundo nila ito nina Arjo at nanay niya, syempre kasama si Amon.Hindi pa man siya nakakasagot ay nakita na niya ang nobyo na nakatayo sa entrance door. Nakangiti ito ro'n habang may
Read more

65. TLBAHM

[Amelia]MATAPOS pumili ng ibang design ng wedding dress ay pumili naman sila ng wedding ring. Ang gusto niya sana ay isang simpleng wedding ring lang, pero hindi pumayag ang nobyo niya."Ano?! Two million?!" Nanlalaki ang mata at butas ng ilong na tanong niya. Singsing lang pero kasing presyo na ng isang bahay at lupa ito!"Love, ayoko n'yan. Ayos na sa akin ang simple lang. Sabi ko kasi sa'yo ay sa ongpìn na tayo sa binondo bumili!" Hindi naman mahalaga sa kanya kung mahal o mura. Ang mahalaga ay maikasal sila.Mariin na umiling si Frederick sa kanya. "Ako ang masusunod this time, Love." Sinuot nito ang singsing sa daliri niya. "Bagay na bagay sa kamay niyo, Ma'am." Singit ng sales lady, habang kilig na kilig na nakatingin sa kanila.Tumango-tango si Frederick. "Yeah, it really suits to your finger.""Pero, Love-""Shh." Mabilis na tinakpan ni Frederick ng labi nito ang labi niya para hindi na siya makatanggi bago bumaling sa sales lady. "We'll take this one, and this one." Tinuro
Read more

66. TLBAHM

[Amelia]IMPOSIBLE!!!Iyon ang pilit na sinasaksak niya sa isip niya. Ano naman ang gagawin ng lalaking 'yon sa tapat ng salon niya? Magpapaayos ng ugali—este ng buhok?Umiling-iling siya.Nagkataon lang 'yon, sigurado siya. Naalala niya ang mukha nito. Limang taon na ang lumipas pero wala itong pagbabago. sobrang gwapo pa rin—Malakas n'yang kinutusan ang sarili—napatingin tuloy sa kanya ang mga costumers ng salon. Akala siguro ay nababaliw na siya dahil kanina pa niya kausap ang sarili niya.'Gwapo? Really, Amelia?' Kastigo ng utak niya.Gwapo nga—ubod naman ng sama ng ugali!Hiling niya na sana ay huwag na silang magkita pang dalawa. Hindi niya masikmura na makita pa ang mukha ng lalaking 'yon—sarap hampasin ng blower sa mukha."Ate!" Agad na tumayo siya ng makita si Amon, lumuhod siya para pantayan ito at niyakap ito. Katulad ng palagi n'yang ginagawa ay pinugpog niya ng halik sa mukha at leeg ang paslit."Ate, tingin mo kamay ko!" Itinaas ni Amon ang kamay at pinakita sa kanya an
Read more

67. TLBAHM

[Amelia]TUMIKHIM si Aling Nena at saglit na tumingin kay nanay. "Ang sabi-sabi kasi ay baka madaan sa pakiusap ang nakabili. Eh, si Amelia ang pinakamaganda dito sa lugar natin. Baka magamit natin ang kagandahan niya para mapakiusapan ang nakabili ng lote natin—""Aba, Nena, nakalimutan mo yata na ikakasal na itong anak ko." Putol ni nanay rito.Napakamot sa ulo ang matanda. "Pasensya na ha, wala lang talaga kaming maisip na paraan. Mahalaga para sa ating lahat ang lugar natin. Saka sinabi din kasi no'ng tauhan no'ng nakabili na ang gusto daw ng amo niya na makikiusap ay 'yong pinakamaganda, eh, ikaw lang naman ang pinakamaganda sa lugar natin."Natigilan siya."Ayoko ho, Aling Nena." Tanggi niya agad ng marinig ang sinabi nito. "Halatang manyak 'yang nakabili. Aba, namimili pa ng maganda!" Agad na sumang-ayon ang nanay niya sa sinabi niya."Tama ka, anak." Tumingin si nanay kay Aling Nena. "Ang anak nalang ni Alfonso ang ipakiusap niyo. Sigurado na papayag 'yon dahil gustong-gusto no
Read more

68. TLBAHM

[Amelia]KATULAD ng dati ay wala itong pinagbago. Gwapo pa rin, matangkad, at mas lalo yatang lumaki ang pangangatawan nito—pinilig niya ang ulo.Bakit ba puro papuri ang nasa utak niya para dito? Samantalang mas dapat na magtaka siya kung bakit ito ang nasa harapan niya ngayon at hindi ang taong nakabili ng lote ni Aling Lucia."Pasensya na. Mali yata ako ng kwartong napasukan." Ani niya bago nagmamadaling pumihit paalis.Napahinto siya ng magsalita si Damon."How are you, Amelia?" Kumuyom ang kamay niya. Bakit kung mangamusta ito ay parang in-good terms sila ng huling magkita?Hindi siya sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad—pero hindi pa man siya nakakalabas ng silid ay hinawakan siya nito sa kamay ng madiin at saka siya isinandal sa pader sa gilid ng pinto habang nakataas sa ulunan niya ang isa n'yang kamay."Let me go!" Pilit n'yang hinila ang kamay, pero hindi niya 'yon magawang mahila. Pakiramdam niya ay nasasaktan lang siya sa tuwing gagalaw siya. "Ano ba?!" Gamit ang isa pa
Read more

69. TLBAHM

[Amelia]"DON'T you dare!" Malakas niya itong itinulak sa kanya palayo at idinuro ang dibdib nito. "Stay out of our lives at sana ito na ang huling pagkikita natin!" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Huling pagkikita? Hindi ba kaya ka narito ay dahil para makiusap sa akin?"Natigilan siya."Makiusap sa'yo? Ano bang pinagsasabi mo?" Mahina siyang natawa, pero agad na napatigil ng ma-realized ang sinabi nito. Oo, nagpunta siya rito para makiusap sa nakabili ng lupa ni Aling Lucia—Unti-unting nanlaki ang kanyang mata. "Don't tell me..." No! Umiling-iling siya. Puno ng katanungan ang utak niya. Binili ba ni Damon ang lupa ni Aling Lucia dahil gusto nitong mahirapan siya? Sila ng pamilya niya?Hinawakan ni Damon ang mukha niya at ini-angat. "Yes, babe. Magsisimula ngayon ang bangungot mo... at sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka makakaalis sa bangungot na 'to.""ANAK, ayos ka lang ba?" Napukaw siya sa malalim na iniisip ng marinig ang boses ng nanay niya. Agad na tumango siya at pilit
Read more

70. TLBAHM

[Amelia]Habang naglalakad siya ay ramdam niya na mayro'ng mga mata ang nakasunod sa kanya. Huminto siya at lumingon. Pero katulad kanina ay wala naman siyang nakitang tao.Hinilot niya ang sintido. Masama ang pakiramdam niya ngayon pero tumuloy pa rin siya sa condo ni Frederick. May susi siya ng condo nito kaya naman nakakapasok at nakakalabas siya kahit wala ito. May pahintulot naman siya sa nobyo kaya ayos lang.Her fiance was tired for almost ten hours of operation today. Gusto n'yang mapaghandaan ito ng lutong bahay ngayon para pagdating nito ay makakakain pa ito bago makatulog. Naaawa siya kay Frederick. Sa sobrang pagmamahal kasi nito sa trabaho ay napapabayaan na nito ang sarili. Kaya pinangako niya sa oras na ma-ikasal sila ay ipa-priority niya ito at si Amon. Ang Salon ay ipapaasikaso nalang niya kina Aling Martha at sa Nanay niya. Magiging mabuti siyang asawa kay Frederick at mabuting ina sa anak niya, o magiging anak nila.Napailing siya.Nakapasok na siya sa condo ng noby
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status