Thanks sa GEMS 💎 ✨️ Rate niyo ang STORY ko kung nagustuhan niyo 🥰
[Amelia]IMPOSIBLE!!!Iyon ang pilit na sinasaksak niya sa isip niya. Ano naman ang gagawin ng lalaking 'yon sa tapat ng salon niya? Magpapaayos ng ugali—este ng buhok?Umiling-iling siya.Nagkataon lang 'yon, sigurado siya. Naalala niya ang mukha nito. Limang taon na ang lumipas pero wala itong pagbabago. sobrang gwapo pa rin—Malakas n'yang kinutusan ang sarili—napatingin tuloy sa kanya ang mga costumers ng salon. Akala siguro ay nababaliw na siya dahil kanina pa niya kausap ang sarili niya.'Gwapo? Really, Amelia?' Kastigo ng utak niya.Gwapo nga—ubod naman ng sama ng ugali!Hiling niya na sana ay huwag na silang magkita pang dalawa. Hindi niya masikmura na makita pa ang mukha ng lalaking 'yon—sarap hampasin ng blower sa mukha."Ate!" Agad na tumayo siya ng makita si Amon, lumuhod siya para pantayan ito at niyakap ito. Katulad ng palagi n'yang ginagawa ay pinugpog niya ng halik sa mukha at leeg ang paslit."Ate, tingin mo kamay ko!" Itinaas ni Amon ang kamay at pinakita sa kanya an
[Amelia]TUMIKHIM si Aling Nena at saglit na tumingin kay nanay. "Ang sabi-sabi kasi ay baka madaan sa pakiusap ang nakabili. Eh, si Amelia ang pinakamaganda dito sa lugar natin. Baka magamit natin ang kagandahan niya para mapakiusapan ang nakabili ng lote natin—""Aba, Nena, nakalimutan mo yata na ikakasal na itong anak ko." Putol ni nanay rito.Napakamot sa ulo ang matanda. "Pasensya na ha, wala lang talaga kaming maisip na paraan. Mahalaga para sa ating lahat ang lugar natin. Saka sinabi din kasi no'ng tauhan no'ng nakabili na ang gusto daw ng amo niya na makikiusap ay 'yong pinakamaganda, eh, ikaw lang naman ang pinakamaganda sa lugar natin."Natigilan siya."Ayoko ho, Aling Nena." Tanggi niya agad ng marinig ang sinabi nito. "Halatang manyak 'yang nakabili. Aba, namimili pa ng maganda!" Agad na sumang-ayon ang nanay niya sa sinabi niya."Tama ka, anak." Tumingin si nanay kay Aling Nena. "Ang anak nalang ni Alfonso ang ipakiusap niyo. Sigurado na papayag 'yon dahil gustong-gusto no
[Amelia]KATULAD ng dati ay wala itong pinagbago. Gwapo pa rin, matangkad, at mas lalo yatang lumaki ang pangangatawan nito—pinilig niya ang ulo.Bakit ba puro papuri ang nasa utak niya para dito? Samantalang mas dapat na magtaka siya kung bakit ito ang nasa harapan niya ngayon at hindi ang taong nakabili ng lote ni Aling Lucia."Pasensya na. Mali yata ako ng kwartong napasukan." Ani niya bago nagmamadaling pumihit paalis.Napahinto siya ng magsalita si Damon."How are you, Amelia?" Kumuyom ang kamay niya. Bakit kung mangamusta ito ay parang in-good terms sila ng huling magkita?Hindi siya sumagot at nagpatuloy na sa paglalakad—pero hindi pa man siya nakakalabas ng silid ay hinawakan siya nito sa kamay ng madiin at saka siya isinandal sa pader sa gilid ng pinto habang nakataas sa ulunan niya ang isa n'yang kamay."Let me go!" Pilit n'yang hinila ang kamay, pero hindi niya 'yon magawang mahila. Pakiramdam niya ay nasasaktan lang siya sa tuwing gagalaw siya. "Ano ba?!" Gamit ang isa pa
[Amelia]"DON'T you dare!" Malakas niya itong itinulak sa kanya palayo at idinuro ang dibdib nito. "Stay out of our lives at sana ito na ang huling pagkikita natin!" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Huling pagkikita? Hindi ba kaya ka narito ay dahil para makiusap sa akin?"Natigilan siya."Makiusap sa'yo? Ano bang pinagsasabi mo?" Mahina siyang natawa, pero agad na napatigil ng ma-realized ang sinabi nito. Oo, nagpunta siya rito para makiusap sa nakabili ng lupa ni Aling Lucia—Unti-unting nanlaki ang kanyang mata. "Don't tell me..." No! Umiling-iling siya. Puno ng katanungan ang utak niya. Binili ba ni Damon ang lupa ni Aling Lucia dahil gusto nitong mahirapan siya? Sila ng pamilya niya?Hinawakan ni Damon ang mukha niya at ini-angat. "Yes, babe. Magsisimula ngayon ang bangungot mo... at sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka makakaalis sa bangungot na 'to.""ANAK, ayos ka lang ba?" Napukaw siya sa malalim na iniisip ng marinig ang boses ng nanay niya. Agad na tumango siya at pilit
[Amelia]Habang naglalakad siya ay ramdam niya na mayro'ng mga mata ang nakasunod sa kanya. Huminto siya at lumingon. Pero katulad kanina ay wala naman siyang nakitang tao.Hinilot niya ang sintido. Masama ang pakiramdam niya ngayon pero tumuloy pa rin siya sa condo ni Frederick. May susi siya ng condo nito kaya naman nakakapasok at nakakalabas siya kahit wala ito. May pahintulot naman siya sa nobyo kaya ayos lang.Her fiance was tired for almost ten hours of operation today. Gusto n'yang mapaghandaan ito ng lutong bahay ngayon para pagdating nito ay makakakain pa ito bago makatulog. Naaawa siya kay Frederick. Sa sobrang pagmamahal kasi nito sa trabaho ay napapabayaan na nito ang sarili. Kaya pinangako niya sa oras na ma-ikasal sila ay ipa-priority niya ito at si Amon. Ang Salon ay ipapaasikaso nalang niya kina Aling Martha at sa Nanay niya. Magiging mabuti siyang asawa kay Frederick at mabuting ina sa anak niya, o magiging anak nila.Napailing siya.Nakapasok na siya sa condo ng noby
[Amelia]Sa mesa ay magkakaharap silang lahat. Ang nanay niya, si Arjo, si Andy, si Alex, si Amy, at siya.At silang anim ay parehong mga tulala. Maging ang mga ito pala ay hindi alam kung saan galing ang mga laruan.Eh, kung pagsasamahin lahat ng presyo ng mga laruan ba pinadala sa bahay nila ay tiyak na makakabili sila ng bahay!"Anak, hindi kaya padala ito no'ng manyakis na nakabili nitong lote?" "Manyakis?!" Magkapanabay na tanong ng apat n'yang kapatid."Shh. Hinaan niyo nga ang boses niyo. Baka marinig kayo ni Amon." Sita niya sa mga ito. Kinuwento niya sa mga 'to ang tungkol sa balak n'yang pagpunta sa matanda."Ate, baka naman mapahamak ka." Ani Arjo."Oo nga, Ate." Segunda ni Andy. "Hindi naman magbibigay 'yon ng walang kapalit, di'ba?" Nanlamig tuloy ang katawan niya sa sinabi ni Andy. Pinagpawisan din siya ng malamig.Mabilis siyang tumayo at niligpit ang lahat ng laruan."Nay! Si Ate, kuha niya mga new toys ko!" Umiiyak na sumbong ni Amon sa nanay niya. Naaawa man siya
[Amelia]PINAHID niya ang luha. Gusto n'yang pigilin ang luha pero hindi niya magawa. Lalo na ngayon na nakikita niya kung gaano kagalit si Arjo kay Damon.Narito sila ngayon sa pinakamalapit na fast food chain sa lugar nila. Hindi naman sila pwedeng umuwi na ganito ang kalagayan niya—siya, iyak ng iyak, samantalang si Arjo ay galit na galit.Mabuti nalang at hindi ito pinatulan ni Damon. Naku, kundi ay baka ang kapatid pa niya ang nabugbog."Bakit hindi natin pwedeng sabihin kay nanay?" Bumuntong-hininga siya. "Arjo, alam kong galit ka. Ako din naman ay galit kay Damon. Pero ayaw ko naman na mag alala si nanay. Matanda na 'yon kaya ayaw kong bigyan siya ng problema na iisipin niya sa gabi bago siya matulog. Tama na 'yong problema na binigay ko sa kanya dati ng hindi ako nakinig sa kanya."Kung nakinig lang sana siya dati sa nanay niya ay wala siya sa ganitong kalagayan ngayon... Sa kabilang banda ay masaya pa rin siya dahil dumating sa buhay niya si Amon."Paano ka?" Nag aalalang tan
[Amelia]Wala siya sa sarili habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nasasaktan siya ng husto ngayon sa mga nangyayari at walang ibang dapat sisihin kundi si Damon Castagners!Sobrang pahirap ang ginawa nito sa kanya! Hindi niya mapigilan ang mapaghagulholWala siyang pakialam kahit na pagtinginan pa siya ng mga tao. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat sa oras na itago niya ang anak nila, pero hindi pala!Mahal niya si Frederick! Pero kung siya naman ang magiging dahilan ng paghihirap nito ay papakawalan nalang niya ang binata. Hindi niya maaatim na mawalan ito ng lisensya bilang doktor dahil sa kanya.Nakilala niya si Frederick na isa ng doktor. Alam niya kung gaano nito kamahal ang trabaho nito. Marami pa itong matutulungan na tao kaya hindi dapat siya maging hadlang sa mga dapat nitong magawa.Kasalanan itong lahat ni Damon!Sigurado siya na masasaktan si Frederick sa gagawin niya. Marami pa naman silang pangarap para sa pamilya na bubuohin nila. Nangako siya na hindi niya ito
[Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay
[Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak
[Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka
HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito.Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita.Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito.Parang bata na napahagulhol siya ng iyak. Ma
DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.
[Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak
[Amelia]HINAWAKAN niya mukha ni Amon at hinalikan ito sa tungki ng ilong. Kailangan na niyang kumilos. Marahan ang kilos na lumabas sila sa ilalim ng mesa. Sumagap muna siya ng hangin bago nagpasya na sumilip, pero agad na bumalik siya sa pagkakatago ng makita ang isa sa hinihinala niyang tauhan ni Cassandra."Hanapin niyo ang dalawa. Tiyak na hindi pa nakakalayo ang mga 'yon—putanģ ina! Ano 'yon?!" Malakas na mura ng lalaki ng makarinig ng sunod-sunod na pagputok.Tinakpan niya ang tenga ng anak. Nanlaki ang mata niya ng makarinig ng mga yabag. Mabilis na hinila niya si Amon upang bumalik sa ilalim ng mesa.Sobra ang kaba niya ng makita ang anim na pares ng paa na nakatayo malapit sa pwesto nila. Mabuti nalang at may kahabaan ang mantel ng mesa kaya hindi sila nakikita ng mga ito. Halos takpan niya ng maigi ang bibig ni Amon huwag lang itong makapag ingay.Nanlaki ang mata niya ng marinig ang pamilyar na boses."Dennis, nasaan na sila Mando?!" Tanong ni Cassandra sa tauhan."Wala na
NANG makaalis si Frederick ay agad na binuksan niya ang pinto ng kwarto para alamin kung naka-lock ito o hindi.Halos maiyak siya sa tuwa ng malaman na hindi ito naka-lock.Nakapagtataka.Hindi ba natatakot si Frederick na tumakas sila? O kampante na ito dahil kasal sila? Inis na tinanggal niya ang singsing sa kamay at binalik ang singsing na binigay sa kanya ni Damon."Amon, tara na. Aalis na tayo sa lugar na 'to." Kahit kasal na sila ay hindi siya sasama kay Frederick sa ibang bansa.Hindi niya ito mahal at natatakot na siya rito. Ibang-iba na ito sa dating Frederick na nakilala niya.Hawak ang kamay ni Amon ay lumabas sila ng kwarto. Malawak ang bahay at wala siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanila ng kanyang anak.Dahan-dahan ang bawat hakbang na ginawa niya para hindi makalikha ng ingay."Ate mommy—" Agad na tinakpan niya ang bibig ng anak at inilagay ang hintuturo sa gitna ng labi niya, tumango naman ito na parang naiintindihan ang nais niyang iparating.Nang nasa kalagitna
LULAN ng puting van ay muli silang bumyahe ni Frederick pagkatapos nilang ikasal. Tulala siya habang nakatingin sa labas ng sasakyan habang tahimik na umiiyak."Tumahimik ka nga!" Malakas na singhal ni Frederick na tila nabibingi sa pag iyak niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Tanggapin mo nalang, Love. Kasal kana sa akin at wala ng magagawa ang pag iyak mo." Masama siyang tumingin rito. "Kasal na nga ako sa walang hiyang tulad mo, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinapakita sa akin ang anak ko!" Muling binalik nito ang tingin sa daan. "Maghintay ka lang, Amelia, makikita mo rin siya." Inabot ng limang oras ang biyahe nila kaya inihinto nito ang sasakyan sa isang fast food chain para mag-drive thru lang. Hindi niya pinansin ang pagkain na inabot nito sa kanya kaya naman muli na naman itong nainis sa kanya. Sapilitan na nilagay nito ang pagkain sa kamay niya."Kumain ka, Love. Hindi ko gustong magutom ka. Alam ko na dapat ay nasa isang hotel tayo o magarang restaurant