Basahin niyo ang [HIS ISLAND GIRL] Punta kayo sa profile ko para mabasa niyo. I'm sure na magugustuhan niyo ang story na 'yon.
[Amelia]"DON'T you dare!" Malakas niya itong itinulak sa kanya palayo at idinuro ang dibdib nito. "Stay out of our lives at sana ito na ang huling pagkikita natin!" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Huling pagkikita? Hindi ba kaya ka narito ay dahil para makiusap sa akin?"Natigilan siya."Makiusap sa'yo? Ano bang pinagsasabi mo?" Mahina siyang natawa, pero agad na napatigil ng ma-realized ang sinabi nito. Oo, nagpunta siya rito para makiusap sa nakabili ng lupa ni Aling Lucia—Unti-unting nanlaki ang kanyang mata. "Don't tell me..." No! Umiling-iling siya. Puno ng katanungan ang utak niya. Binili ba ni Damon ang lupa ni Aling Lucia dahil gusto nitong mahirapan siya? Sila ng pamilya niya?Hinawakan ni Damon ang mukha niya at ini-angat. "Yes, babe. Magsisimula ngayon ang bangungot mo... at sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka makakaalis sa bangungot na 'to.""ANAK, ayos ka lang ba?" Napukaw siya sa malalim na iniisip ng marinig ang boses ng nanay niya. Agad na tumango siya at pilit
[Amelia]Habang naglalakad siya ay ramdam niya na mayro'ng mga mata ang nakasunod sa kanya. Huminto siya at lumingon. Pero katulad kanina ay wala naman siyang nakitang tao.Hinilot niya ang sintido. Masama ang pakiramdam niya ngayon pero tumuloy pa rin siya sa condo ni Frederick. May susi siya ng condo nito kaya naman nakakapasok at nakakalabas siya kahit wala ito. May pahintulot naman siya sa nobyo kaya ayos lang.Her fiance was tired for almost ten hours of operation today. Gusto n'yang mapaghandaan ito ng lutong bahay ngayon para pagdating nito ay makakakain pa ito bago makatulog. Naaawa siya kay Frederick. Sa sobrang pagmamahal kasi nito sa trabaho ay napapabayaan na nito ang sarili. Kaya pinangako niya sa oras na ma-ikasal sila ay ipa-priority niya ito at si Amon. Ang Salon ay ipapaasikaso nalang niya kina Aling Martha at sa Nanay niya. Magiging mabuti siyang asawa kay Frederick at mabuting ina sa anak niya, o magiging anak nila.Napailing siya.Nakapasok na siya sa condo ng noby
[Amelia]Sa mesa ay magkakaharap silang lahat. Ang nanay niya, si Arjo, si Andy, si Alex, si Amy, at siya.At silang anim ay parehong mga tulala. Maging ang mga ito pala ay hindi alam kung saan galing ang mga laruan.Eh, kung pagsasamahin lahat ng presyo ng mga laruan ba pinadala sa bahay nila ay tiyak na makakabili sila ng bahay!"Anak, hindi kaya padala ito no'ng manyakis na nakabili nitong lote?" "Manyakis?!" Magkapanabay na tanong ng apat n'yang kapatid."Shh. Hinaan niyo nga ang boses niyo. Baka marinig kayo ni Amon." Sita niya sa mga ito. Kinuwento niya sa mga 'to ang tungkol sa balak n'yang pagpunta sa matanda."Ate, baka naman mapahamak ka." Ani Arjo."Oo nga, Ate." Segunda ni Andy. "Hindi naman magbibigay 'yon ng walang kapalit, di'ba?" Nanlamig tuloy ang katawan niya sa sinabi ni Andy. Pinagpawisan din siya ng malamig.Mabilis siyang tumayo at niligpit ang lahat ng laruan."Nay! Si Ate, kuha niya mga new toys ko!" Umiiyak na sumbong ni Amon sa nanay niya. Naaawa man siya
[Amelia]PINAHID niya ang luha. Gusto n'yang pigilin ang luha pero hindi niya magawa. Lalo na ngayon na nakikita niya kung gaano kagalit si Arjo kay Damon.Narito sila ngayon sa pinakamalapit na fast food chain sa lugar nila. Hindi naman sila pwedeng umuwi na ganito ang kalagayan niya—siya, iyak ng iyak, samantalang si Arjo ay galit na galit.Mabuti nalang at hindi ito pinatulan ni Damon. Naku, kundi ay baka ang kapatid pa niya ang nabugbog."Bakit hindi natin pwedeng sabihin kay nanay?" Bumuntong-hininga siya. "Arjo, alam kong galit ka. Ako din naman ay galit kay Damon. Pero ayaw ko naman na mag alala si nanay. Matanda na 'yon kaya ayaw kong bigyan siya ng problema na iisipin niya sa gabi bago siya matulog. Tama na 'yong problema na binigay ko sa kanya dati ng hindi ako nakinig sa kanya."Kung nakinig lang sana siya dati sa nanay niya ay wala siya sa ganitong kalagayan ngayon... Sa kabilang banda ay masaya pa rin siya dahil dumating sa buhay niya si Amon."Paano ka?" Nag aalalang tan
[Amelia]Wala siya sa sarili habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nasasaktan siya ng husto ngayon sa mga nangyayari at walang ibang dapat sisihin kundi si Damon Castagners!Sobrang pahirap ang ginawa nito sa kanya! Hindi niya mapigilan ang mapaghagulholWala siyang pakialam kahit na pagtinginan pa siya ng mga tao. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat sa oras na itago niya ang anak nila, pero hindi pala!Mahal niya si Frederick! Pero kung siya naman ang magiging dahilan ng paghihirap nito ay papakawalan nalang niya ang binata. Hindi niya maaatim na mawalan ito ng lisensya bilang doktor dahil sa kanya.Nakilala niya si Frederick na isa ng doktor. Alam niya kung gaano nito kamahal ang trabaho nito. Marami pa itong matutulungan na tao kaya hindi dapat siya maging hadlang sa mga dapat nitong magawa.Kasalanan itong lahat ni Damon!Sigurado siya na masasaktan si Frederick sa gagawin niya. Marami pa naman silang pangarap para sa pamilya na bubuohin nila. Nangako siya na hindi niya ito
[Amelia]DUMILAT SIYA. Unang bumungad sa kanya ang kulay pulang kisame. Nanlaki ang mata niya ng maalala ang nangyari kagabi. Sa pagkakatanda niya ay nasa loob siya ng sasakyan ni Damon.Nakatulog siya!Kailangan n'yang makauwi! Dahil tiyak na nag aalala na sa kanya ang nanay at mga kapatid niya!Bumangon siya-pero agad na nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang matigas na brasong nakayakap sa bewang niya.Ang walang hiya! Ang sarap ng tulog habang nakayakap sa kanya! Ang kapal ng mukha!Dahan-dahan n'yang inalis ang pagkakayakap ni Damon sa kanya. Halos hindi na siya huminga para kahit isang maliit na ingay ay hindi siya makalikha.Mahinang napabuga siya ng hangin ng makaalis siya sa tabi nito.Marahan ang bawat hakbang na tinungo niya ang pinto. Akala niya ay makakalabas na siya. Pero ng subukan n'yang buksan ang pinto ay naka-lock 'yon! "You can't escape in this room, babe. Come back here." Tinapik ni Damon ang kama, kung saan siya naka-pwesto kanina.Hindi niya 'to pinansin at sin
[Amelia]'ANG tangà ko!'Iyon ang paulit-ulit n'yang sinasabi habang narito sa loob ng malaking bathroom ni Damon. Kahit ano ang gawin n'yang pagsisisi ay huli na! Bumigay na siya!Bakit ang bilis n'yang bumigay rito? Samantalang kay Frederick ay hindi niya nagawang ibigay ang sarili niya? Kasabay ng tubig sa shower ang pagdaloy ng luha niya sa mata. Hindi na dapat ito mangyari ulit! Hindi na siya bibigay ulit at sisiguraduhin niya ang bagay na iyon!Niyakap niya ang sarili niya at patuloy na umiyak. Sigurado siya na pinagtatawanan siya ngayon ni Damon dahil nagawa nito ang gusto sa katawan niya.Nanigas ang katawan niya ng maramdaman ang pagyakap ni Damon mula sa likuran niya-mayamaya pa ay umakyat na ang dalawang kamay nito sa dalawa n'yang dibdib para himasin 'yon.Hinayaan niya ito. Sisiguraduhin niya na ito na ang huli nilang pagkikita. Lalayo sila ng pamilya niya, kasama ang anak niya. Ngayon na nagawa na nito ang gusto sa kanya, siguro naman ay titigilan na siya nito.Pinatay
[Amelia]HALOS lahat ng matatanda sa kanilang lugar at nag iiyakan—at syempre ay kasama na roon ang nanay niya."H-Hindi ko gustong iwan ang lugar nating ito. Pero wala naman akong magagawa kundi ang umalis dito." Umiiyak na wika ni Mang Fe. Ang isa sa matatanda nilang kapitbahay.Agad na sumang-ayon si Manang Angge na katulad ng iba ay umiiyak din. "Dito na nagsilaki ang aking mga anak at mga apo. Sa lugar na ito rin namatay ang aking asawa. Marami kaming alaala ng pamilya ko rito. Pero wala kaming magagawa kundi ang lisanin ang lugar na ito." Lalong lumakas ang panaghoy ng matanda.Ang ilan naman ay walang malilipatan at baka daw matulog na lamang sa kalsada. Kaya mas lalo lang bumigat ang dibdib niya dahil sa awa sa mga ito.Sabay-sabay na nag iyak ang lahat. Kaya naman pumasok siya sa loob ng bahay nila. Para do'n ilabas ang luha.Naiiyak na naman siya at kasalanan itong lahat ni Damon!Isang linggo nalang ang palugit na binigay ng binata sa kanilang lahat na nakatira dito. Sila ng