Home / Romance / THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID / Kabanata 71 - Kabanata 80

Lahat ng Kabanata ng THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID: Kabanata 71 - Kabanata 80

109 Kabanata

71. TLBAHM

[Amelia]Sa mesa ay magkakaharap silang lahat. Ang nanay niya, si Arjo, si Andy, si Alex, si Amy, at siya.At silang anim ay parehong mga tulala. Maging ang mga ito pala ay hindi alam kung saan galing ang mga laruan.Eh, kung pagsasamahin lahat ng presyo ng mga laruan ba pinadala sa bahay nila ay tiyak na makakabili sila ng bahay!"Anak, hindi kaya padala ito no'ng manyakis na nakabili nitong lote?" "Manyakis?!" Magkapanabay na tanong ng apat n'yang kapatid."Shh. Hinaan niyo nga ang boses niyo. Baka marinig kayo ni Amon." Sita niya sa mga ito. Kinuwento niya sa mga 'to ang tungkol sa balak n'yang pagpunta sa matanda."Ate, baka naman mapahamak ka." Ani Arjo."Oo nga, Ate." Segunda ni Andy. "Hindi naman magbibigay 'yon ng walang kapalit, di'ba?" Nanlamig tuloy ang katawan niya sa sinabi ni Andy. Pinagpawisan din siya ng malamig.Mabilis siyang tumayo at niligpit ang lahat ng laruan."Nay! Si Ate, kuha niya mga new toys ko!" Umiiyak na sumbong ni Amon sa nanay niya. Naaawa man siya
Magbasa pa

72. TLBAHM

[Amelia]PINAHID niya ang luha. Gusto n'yang pigilin ang luha pero hindi niya magawa. Lalo na ngayon na nakikita niya kung gaano kagalit si Arjo kay Damon.Narito sila ngayon sa pinakamalapit na fast food chain sa lugar nila. Hindi naman sila pwedeng umuwi na ganito ang kalagayan niya—siya, iyak ng iyak, samantalang si Arjo ay galit na galit.Mabuti nalang at hindi ito pinatulan ni Damon. Naku, kundi ay baka ang kapatid pa niya ang nabugbog."Bakit hindi natin pwedeng sabihin kay nanay?" Bumuntong-hininga siya. "Arjo, alam kong galit ka. Ako din naman ay galit kay Damon. Pero ayaw ko naman na mag alala si nanay. Matanda na 'yon kaya ayaw kong bigyan siya ng problema na iisipin niya sa gabi bago siya matulog. Tama na 'yong problema na binigay ko sa kanya dati ng hindi ako nakinig sa kanya."Kung nakinig lang sana siya dati sa nanay niya ay wala siya sa ganitong kalagayan ngayon... Sa kabilang banda ay masaya pa rin siya dahil dumating sa buhay niya si Amon."Paano ka?" Nag aalalang tan
Magbasa pa

73. TLBAHM

[Amelia]Wala siya sa sarili habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Nasasaktan siya ng husto ngayon sa mga nangyayari at walang ibang dapat sisihin kundi si Damon Castagners!Sobrang pahirap ang ginawa nito sa kanya! Hindi niya mapigilan ang mapaghagulholWala siyang pakialam kahit na pagtinginan pa siya ng mga tao. Akala niya ay magiging ayos na ang lahat sa oras na itago niya ang anak nila, pero hindi pala!Mahal niya si Frederick! Pero kung siya naman ang magiging dahilan ng paghihirap nito ay papakawalan nalang niya ang binata. Hindi niya maaatim na mawalan ito ng lisensya bilang doktor dahil sa kanya.Nakilala niya si Frederick na isa ng doktor. Alam niya kung gaano nito kamahal ang trabaho nito. Marami pa itong matutulungan na tao kaya hindi dapat siya maging hadlang sa mga dapat nitong magawa.Kasalanan itong lahat ni Damon!Sigurado siya na masasaktan si Frederick sa gagawin niya. Marami pa naman silang pangarap para sa pamilya na bubuohin nila. Nangako siya na hindi niya ito
Magbasa pa

74. TLBAHM

[Amelia]DUMILAT SIYA. Unang bumungad sa kanya ang kulay pulang kisame. Nanlaki ang mata niya ng maalala ang nangyari kagabi. Sa pagkakatanda niya ay nasa loob siya ng sasakyan ni Damon.Nakatulog siya!Kailangan n'yang makauwi! Dahil tiyak na nag aalala na sa kanya ang nanay at mga kapatid niya!Bumangon siya-pero agad na nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang matigas na brasong nakayakap sa bewang niya.Ang walang hiya! Ang sarap ng tulog habang nakayakap sa kanya! Ang kapal ng mukha!Dahan-dahan n'yang inalis ang pagkakayakap ni Damon sa kanya. Halos hindi na siya huminga para kahit isang maliit na ingay ay hindi siya makalikha.Mahinang napabuga siya ng hangin ng makaalis siya sa tabi nito.Marahan ang bawat hakbang na tinungo niya ang pinto. Akala niya ay makakalabas na siya. Pero ng subukan n'yang buksan ang pinto ay naka-lock 'yon! "You can't escape in this room, babe. Come back here." Tinapik ni Damon ang kama, kung saan siya naka-pwesto kanina.Hindi niya 'to pinansin at sin
Magbasa pa

75. TLBAHM

[Amelia]'ANG tangà ko!'Iyon ang paulit-ulit n'yang sinasabi habang narito sa loob ng malaking bathroom ni Damon. Kahit ano ang gawin n'yang pagsisisi ay huli na! Bumigay na siya!Bakit ang bilis n'yang bumigay rito? Samantalang kay Frederick ay hindi niya nagawang ibigay ang sarili niya? Kasabay ng tubig sa shower ang pagdaloy ng luha niya sa mata. Hindi na dapat ito mangyari ulit! Hindi na siya bibigay ulit at sisiguraduhin niya ang bagay na iyon!Niyakap niya ang sarili niya at patuloy na umiyak. Sigurado siya na pinagtatawanan siya ngayon ni Damon dahil nagawa nito ang gusto sa katawan niya.Nanigas ang katawan niya ng maramdaman ang pagyakap ni Damon mula sa likuran niya-mayamaya pa ay umakyat na ang dalawang kamay nito sa dalawa n'yang dibdib para himasin 'yon.Hinayaan niya ito. Sisiguraduhin niya na ito na ang huli nilang pagkikita. Lalayo sila ng pamilya niya, kasama ang anak niya. Ngayon na nagawa na nito ang gusto sa kanya, siguro naman ay titigilan na siya nito.Pinatay
Magbasa pa

76. TLBAHM

[Amelia]HALOS lahat ng matatanda sa kanilang lugar at nag iiyakan—at syempre ay kasama na roon ang nanay niya."H-Hindi ko gustong iwan ang lugar nating ito. Pero wala naman akong magagawa kundi ang umalis dito." Umiiyak na wika ni Mang Fe. Ang isa sa matatanda nilang kapitbahay.Agad na sumang-ayon si Manang Angge na katulad ng iba ay umiiyak din. "Dito na nagsilaki ang aking mga anak at mga apo. Sa lugar na ito rin namatay ang aking asawa. Marami kaming alaala ng pamilya ko rito. Pero wala kaming magagawa kundi ang lisanin ang lugar na ito." Lalong lumakas ang panaghoy ng matanda.Ang ilan naman ay walang malilipatan at baka daw matulog na lamang sa kalsada. Kaya mas lalo lang bumigat ang dibdib niya dahil sa awa sa mga ito.Sabay-sabay na nag iyak ang lahat. Kaya naman pumasok siya sa loob ng bahay nila. Para do'n ilabas ang luha.Naiiyak na naman siya at kasalanan itong lahat ni Damon!Isang linggo nalang ang palugit na binigay ng binata sa kanilang lahat na nakatira dito. Sila ng
Magbasa pa

77. TLBAHM

[Amelia]DAHIL kay Frederick ay mapapadali ang operation ng nanay niya. At katulad nga ng sinabi nito ay ito ang magsasagawa no'n.Nakakahiya man dahil sa kabila ng tulong nito ay nagawa n'yang wasakin ang puso ni Frederick, ay wala naman siyang ibang pagpipilian. Baka kasi hindi lang bugbog ang sunod na matamo nito sa mga tauhan ni Damon. Tama. Malakas ang hinala n'yang si Damon ang mga tao na nanakit dito. At hindi niya inaasahan na magagawa ni Damon ang mga 'yon—sabagay, ano ang nakapagtataka? Eh, wala namang itong puso.Hawak niya ang kamay ng nanay niya habang tulak ito sakay ng stretcher. Ngayon ang operation ng nanay niya.Huminto sila, kasama ang dalawang nurse na nagtutulak sa nanay niya. Lumapit ang doktor sa kanila habang balisa ang mukha."The operation was canceled, Ms. Conrado." Imporma ng may katandaan na doktor."Ano ang ibig mong sabihin, doc?" Puno ng kalituhan n'yang tanong. Hinanap ng mata niya si Frederick pero hindi niya ito nakita."Doc. Frederick was had an acc
Magbasa pa

78. TLBAHM

[Amelia]MABILIS na naisagawa ang operation ng nanay niya dahil kay Damon. Sa ngayon ay nagpapagaling nalang ng tuluyan ang nanay niya bago sila umuwi sa kanila.Malalim na napabuntong-hininga siya.Alam niya na sa ginawa n'yang pagpayag sa gusto ni Damon ay magugulo na naman ang buhay niya—at iyon ang hindi niya hahayaan na mangyari.Katawan lang niya ang makukuha nito—hindi ang puso niya. Hinding-hindi na siya papayag na pumasok ito sa puso niya at saktan siya. Tama na 'yong minsan na hinayaan n'yang saktan siya nito. Napukaw siya ng hawakan ng kanyang nanay ang kamay niya. Nagising na ito makalipas ang dalawang linggo mula ng matapos ang operasyon. Hindi pa man bumabalik ang lakas at pangangatawan nito ay nakikita naman nila ng mga kapatid niya na bumubuti na ang lagay nito."S-Salamat, anak. P-Palagi ka nalang nari'yan sa tuwing kailangan ka namin." Lumuluhang sambit nito habang nasa mukha ang labis na pasasalamat. "N-Napakaswerte ko dahil nagkaro'n ako ng anak na katulad mo." Ag
Magbasa pa

79. TLBAHM

[Amelia]PAGDATING ng mansion ay agad na bumaba siya ng sasakyan. Iniiwasan niya ang tumingin kay Damon. Tanging oo at hindi lang ang mga sinasagot niya sa tuwing kakausapin siya nito.Tumingin siya sa kamay ni Damon ng hawakan nito ang kamay niya. Hindi na siya tumutol ng kunin nito ang mga dala para ipasok."Sandali." Pigil niya rito. "Bakit d'yan mo dadalhin ang gamit ko?" Ang daan kasi na tinahak nito ay paakyat sa itaas."You're staying in my room." Agad na umiling siya. "No, Damon. Do'n ako sa dating kwarto ko noong kasambahay mo palang ako." Kinuha niya sa kamay nito ang maleta niya, pero hindi ito binitiwan ng binata. "Don't be stubborn, babe. Sa kwarto ko ikaw matutulog—""Ayoko sabi, eh! Ano ba ang mahirap intindihin do'n—" Pinutol din siya nito."Gusto kong katabi ka matulog at gumising ng ikaw ang una kong makikita. Ano din ba ang mahirap intindihin do'n?!" Tila hirap na hirap ang boses na sambit nito.Ilang beses siyang napakurap at napalunok. Tapos heto pa ang dibdib ni
Magbasa pa

80. TLBAHM

[Amelia]NGAYON lang niya na-realized na sa loob ng limang taon na hindi lang galit ang laman ng puso niya—dahil ang totoo ay hindi naman talaga siya nakalimot.Sinubsob niya ang mukha sa unan at saka umiyak ng umiyak. Akala niya ay wala na at nabura na ang lahat ng nararamdaman niya, pero hindi pala.Natabunan lang ito ng galit.Akala niya ay pagmamahal ang nararamdaman niya kay Frederick, pero hindi pala. Gusto lang niya ng kumpletong pamilya at lalaking tatanggap at magpapaka-ama sa kanyang anak.Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang mga pictures ni Amon. Sa bawat kuha ng anak niya ay nakangiti ito ng malaki na para bang walang kulang sa buhay nito—pero alam niya na naghahanap ito ng ama.'Nay, saan ba ang tatay ko?' Tinakpan niya ang bibig at saka humagulhol ng iyak ng maalala ang tanong ni Amon sa nanay niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na tinanong ng anak niya 'yon.Araw 'yon ng ika-apat na kaarawan ni Amon. At ang hiling nito at makasama ang tatay nito.Agad
Magbasa pa
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status