Salamat sa pagbabasa ❤️
[Amelia]MABILIS na naisagawa ang operation ng nanay niya dahil kay Damon. Sa ngayon ay nagpapagaling nalang ng tuluyan ang nanay niya bago sila umuwi sa kanila.Malalim na napabuntong-hininga siya.Alam niya na sa ginawa n'yang pagpayag sa gusto ni Damon ay magugulo na naman ang buhay niya—at iyon ang hindi niya hahayaan na mangyari.Katawan lang niya ang makukuha nito—hindi ang puso niya. Hinding-hindi na siya papayag na pumasok ito sa puso niya at saktan siya. Tama na 'yong minsan na hinayaan n'yang saktan siya nito. Napukaw siya ng hawakan ng kanyang nanay ang kamay niya. Nagising na ito makalipas ang dalawang linggo mula ng matapos ang operasyon. Hindi pa man bumabalik ang lakas at pangangatawan nito ay nakikita naman nila ng mga kapatid niya na bumubuti na ang lagay nito."S-Salamat, anak. P-Palagi ka nalang nari'yan sa tuwing kailangan ka namin." Lumuluhang sambit nito habang nasa mukha ang labis na pasasalamat. "N-Napakaswerte ko dahil nagkaro'n ako ng anak na katulad mo." Ag
[Amelia]PAGDATING ng mansion ay agad na bumaba siya ng sasakyan. Iniiwasan niya ang tumingin kay Damon. Tanging oo at hindi lang ang mga sinasagot niya sa tuwing kakausapin siya nito.Tumingin siya sa kamay ni Damon ng hawakan nito ang kamay niya. Hindi na siya tumutol ng kunin nito ang mga dala para ipasok."Sandali." Pigil niya rito. "Bakit d'yan mo dadalhin ang gamit ko?" Ang daan kasi na tinahak nito ay paakyat sa itaas."You're staying in my room." Agad na umiling siya. "No, Damon. Do'n ako sa dating kwarto ko noong kasambahay mo palang ako." Kinuha niya sa kamay nito ang maleta niya, pero hindi ito binitiwan ng binata. "Don't be stubborn, babe. Sa kwarto ko ikaw matutulog—""Ayoko sabi, eh! Ano ba ang mahirap intindihin do'n—" Pinutol din siya nito."Gusto kong katabi ka matulog at gumising ng ikaw ang una kong makikita. Ano din ba ang mahirap intindihin do'n?!" Tila hirap na hirap ang boses na sambit nito.Ilang beses siyang napakurap at napalunok. Tapos heto pa ang dibdib ni
[Amelia]NGAYON lang niya na-realized na sa loob ng limang taon na hindi lang galit ang laman ng puso niya—dahil ang totoo ay hindi naman talaga siya nakalimot.Sinubsob niya ang mukha sa unan at saka umiyak ng umiyak. Akala niya ay wala na at nabura na ang lahat ng nararamdaman niya, pero hindi pala.Natabunan lang ito ng galit.Akala niya ay pagmamahal ang nararamdaman niya kay Frederick, pero hindi pala. Gusto lang niya ng kumpletong pamilya at lalaking tatanggap at magpapaka-ama sa kanyang anak.Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang mga pictures ni Amon. Sa bawat kuha ng anak niya ay nakangiti ito ng malaki na para bang walang kulang sa buhay nito—pero alam niya na naghahanap ito ng ama.'Nay, saan ba ang tatay ko?' Tinakpan niya ang bibig at saka humagulhol ng iyak ng maalala ang tanong ni Amon sa nanay niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na tinanong ng anak niya 'yon.Araw 'yon ng ika-apat na kaarawan ni Amon. At ang hiling nito at makasama ang tatay nito.Agad
PEARL almost fell.Labis ang pagsisisi niya ng mapantanto na tama si Damon. Hindi si Amelia ang may kasalanan. Wala itong kasalanan!Lumapit si Cassandra kay Pearl ng may ngisi sa labi na agad ding itinago. "Tama lang ang mga sinabi mo, Pearl. That bìtch deserve that—"Maang na tumingin si Cassandra kay Pearl ng sampalin siya nito."You lied to me! Ang sabi mo ay patuloy na ginagamit ni Amelia si Damon for money! You never told me about their break up!" "Pearl, your cousin was lying!" Giit ni Cassandra. "Masyado siyang baliw sa babaeng 'yon kaya siya nagkakaganyan! You have to stop him, Pearl! Kailangan mo akong tulungan na mapaghiwalay silang dalawa—""Shut up!" Singhal ni Pearl rito. "Kung may bìtch dito ay ikaw 'yon! My god! Bakit ba ako nakinig sa'yo!" Umiiyak na wika ni Pearl bago iniwan si Cassandra."Arghh!" Malakas na sumigaw si Cassandra sa sobrang galit. Ngayon ay nabawasan na ang tutulong sa kanya para sirain sina Damon at Amelia."Hindi ako papayag na maging masaya ka, Da
[Amelia]KANINA pa siya nagdo-doorbell subalit walang magbubukas. Mukhang walang tao sa mansion maliban sa mga guard na nagbabantay sa mga gate. "Manong, nasaan ang amo niyo?" Nagkibitbalikat ang gwardiya. "Naku, Ma'am, hindi po namin alam. Kahapon ay umalis siya para sundan kayo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik—" Huminto ito sa pagsasalita. "Iyan na pala si Sir!" Huminto ang sasakyan ni Damon, bumukas iyon at lumabas ito."Amelia!" Yumakap si Damon sa kanya ng mahigpit. Bakas ang labis na pag aalala sa boses. "Where have you been? I was looking for you simula kahapon pero walang nakakaalam kung nasaan ka—""We need to talk, Damon." Aniya sa seryosong tinig.Natigilan ang binata habang nakatingin kay Amelia. Wala siyang makapang emosyon sa mukha ng kaharap.Nilapag niya ang bag na dala sa harapan ni Damon. "Bayad ito sa lahat ng nagastos mo sa operasyon ng nanay ko. Simula ngayon ay... ay tapos na ang deal natin, Damon." "Where did you get this?" Bigla ang pagse
[Amelia]BAKIT gano'n, dati naman ay tuwang-tuwa siya kapag pinag-uupan o pinagpaplanuhan nila ni Frederick ang kanilang kasal. Subalit ngayon ay hindi niya magawang ngumiti man lang. Ang bigat ng dibdib niya at wala siyang pagkasabik na nararamdaman."Bye, Love." Hinalikan siya ni Frederick sa labi. "Magkita nalang tayo bukas." Bumaling ito sa nanay niya. "Alis na ho ako, nay. Bye, Amon." Paalam nito sa kanyang anak."Babay, Kuya!" Paalam ng kanyang anak sa binata.Pagkaalis ni Frederick ay agad na umupo ang nanay niya sa silyang kaharap niya."May problema ba kayo ni Frederick, anak? Bakit parang hindi mo siya kinikibo? Nag away ba kayong dalawa?" Usisa nito.Umiling siya. "Hindi lang maganda ang pakiramdam ko, nay." Umiwas siya ng tingin dahil may pagdududa sa mata ng kanyang nanay habang nakatingin sa kanya."Simula ng dumating ka ay palagi ka ng ganyan, tahimik at wala sa sarili. Hindi ba naging maayos ang seminar mo sa Cebu? Kaya ba umuwi ka agad?" "Hindi po, nay. Talagang masam
[Amelia]MASAKIT ang ulo niya, at medyo hilo pa ng magmulat siya ng mata. Agad na bumangon siya at nilibot ng tingin ang paligid—nanlaki ang mata niya."Nasaan ako? Anong lugar ito?" Bumaba siya ng kama, saka lang niya napagtanto na iba na ang suot niya, isang malaking shirt na iyon at hindi ang wedding gown na para sana sa kasal nila ni Frederick.Tama, kasal nila ni Frederick ngayon, kaya bakit narito siya? Ang huli niyang natandaan ay nasa loob siya ng bridal car.Dahil hindi naman naka-lock ang kwarto ay nakalabas siya. Mukhang ancestral house ang bahay na kinaroroonan niya ngayon base sa structure nito. Lumapit siya sa bintana at napa-wow sa nakita. Maraming ibon at iba't ibang kulay ng paroparo sa paligid. Nang ilibot niya ang tingin ay saka lang niya napansin na puro naglalakihang puno ang nakapalibot sa kinaroronan n'yang bahay.Bigla siyang pinagpawisan ng may ma-realized siya. Bakit nga pala nakalimot siya na hindi siya narito dahil sa kagustuhan niya! Narito siya dahil n
[Amelia]SUMUNOD siya rito. Nang makarating sa kusina ay halos tumulo ang laway niya. Paano ay maraming pagkain na nasa mesa."Ininit ko na ang lahat ng mga 'yan." Pinaghila siya ni Damon ng upuan at naupo naman siya."Di'ba umalis ka kanina. S-Saan ka nagpunta?" Aniya.Akala niya talaga ay iniwan na siya nito. Mabuti nalang at hindi pala. Tinakot lang niya ang sarili niya."Nagpalamig lang ako. Ang sakit kasi ng sinabi mo kanina." Ani Damon ng nakangiti na tila ba wala na dito ang nangyari kanina.Nasaktan nga ito... Tama nga siya...Hindi na siya nagsalita at kumain nalang matapos itong unang sumubo sa lahat ng pagkain sa mesa. Hindi talaga siya makapaniwala na marunong ng magluto ang lalaking 'to. Hindi lang basta marunong—masarap na rin ito magluto!"Salamat sa pagkain." Aniya at agad na tumayo, pero bago umalis ay nagsalita siya. "Pwede ba bukas ay ihatid mo ba ako sa amin? Hindi tama ang ginawa mo, Damon, alam mo iyan. Saka may usapan na tayo, di'ba? Dapat ay tumupad ka." Akmang