Salamat sa pagbabasa ❤️
[Amelia]SUMUNOD siya rito. Nang makarating sa kusina ay halos tumulo ang laway niya. Paano ay maraming pagkain na nasa mesa."Ininit ko na ang lahat ng mga 'yan." Pinaghila siya ni Damon ng upuan at naupo naman siya."Di'ba umalis ka kanina. S-Saan ka nagpunta?" Aniya.Akala niya talaga ay iniwan na siya nito. Mabuti nalang at hindi pala. Tinakot lang niya ang sarili niya."Nagpalamig lang ako. Ang sakit kasi ng sinabi mo kanina." Ani Damon ng nakangiti na tila ba wala na dito ang nangyari kanina.Nasaktan nga ito... Tama nga siya...Hindi na siya nagsalita at kumain nalang matapos itong unang sumubo sa lahat ng pagkain sa mesa. Hindi talaga siya makapaniwala na marunong ng magluto ang lalaking 'to. Hindi lang basta marunong—masarap na rin ito magluto!"Salamat sa pagkain." Aniya at agad na tumayo, pero bago umalis ay nagsalita siya. "Pwede ba bukas ay ihatid mo ba ako sa amin? Hindi tama ang ginawa mo, Damon, alam mo iyan. Saka may usapan na tayo, di'ba? Dapat ay tumupad ka." Akmang
[Amelia]PAGKAGISING ay agad na naghilamos siya at nagtoothbrush. Kumpleto ang kagamitan sa loob ng banyo, may bagong toothbrush, bagong sabon, shampoo, towel, at mga damit na may kalakihan—na alam n'yang kay Damon lahat.Napasimangot siya. Paano ay wala siyang suot na panty! Tanging malaking damit lang! Hindi niya alam kung sadya ba ni Damon na hindi bumili ng panty at damit niya, o baka dahil sa pagmamadali ay hindi na ito nakabili. Mabuti nalang at sila lang ang tao rito, kundi ay hindi talaga siya makakalabas ng kwarto. Nakakahiya naman kasi lumabas ng walang pang ibaba.Akala niya ay siya ang unang nagising sa kanila ni Damon, pero hindi pala, dahil gising na ito at nagluluto na ng kanilang almusal."Good morning, babe." Nakangiting bati ni Damon.Mukhang bagong ligo si Damon. Basa pa kasi ang buhok nito at tumutulo pa ang tubig na naggagaling ro'n."Morning." Simpleng tugon niya, pero hindi ng mata niya—nakatitig na pala siya rito, kaya naman ngingisi-ngisi ito.Inikutan niya it
[Amelia]SUMILIP muna siya sa labas ng kwarto. Dahan-dahan ang kilos na lumabas siya. Ayaw n'yang magkasalubong sila ni Damon. Kung maaari lang na hindi siya lumabas ng kwarto ay ginawa na niya.Wala kasi siyang tiwala sa sarili niya—tama, sa sarili niya at hindi kay Damon. Wala sa sala o maging sa kusina si Damon ng sumilip siya. Marahil ay nagpapahangin na naman ito sa kung saan.Walang ibang mapaglibangan kaya naisipan niya muna na maglakad-lakad. Hindi niya makita ang cellphone niya. Wala rin television man lang.Hindi lang pala basta kagubatan ang makikita sa paligid, marami ring iba't ibang klase ng bulaklak sa paligid, mga iba't ibang klase ng ibon.Hindi kaya marami ring wild animals sa lugar na 'to?Kinikilabutan siya sa naisip. Medyo malayo na siya sa pinanggalingan niya. Mas mabuti na bumalik nalang siya kesa maka-encounter ng wild animals.Natigilan siya ng makarinig ng malakas na lagaslas ng ng tubig. Nang tunguin niya kung saan nagmumula ang ingay ay halos mapanganga siy
[Amelia]SINABUNUTAN niya ang buhok. Pasabi-sabi pa siya na kokontrolin ang sarili pero halos bente-kwatro oras silang nagsex ni Damon!"Ang rupok mo, Amelia!" Aniya habang panay ang pagulong-gulong sa kama. 'Ngayon nagrereklamo ka kung kailan tapos na?" Kastigo ng utak niya.Ang hirap naman kasing pigilan ng nararamdaman! Lalo na't magkasama sila sa iisang bahay!Tapos ang hot pa ni Damon!Arghhh!Umupo siya."Sex lang naman iyon, Amelia." Tumango-tango siya. "Tama, sex lang naman 'yon!" Parang tanģa na kausap niya sa sarili.Napangiwi siya ng maalala ang sinabi niyang 'I love you' while they are having sex. Bwisit na lalaki 'yon, naisahan siya! Demonyo talaga!Mahinang katok ang pumukaw sa pag iisip niya. Mabilis na nagtalukbong siya ng kumot at nagtulog-tulugan—hindi niya alam, paano ba siya haharap sa lalaking 'to?!Bumukas ang pinto at pumasok si Damon. "Babe." 'Wag kang didilat, Amelia!' Aniya sa sarili ng halikan ni Damon ang balikat niya. Ang init ng hininga nito, nakakapaso
[Amelia]MATULIN na lumipas ang mga araw. Ang takot niya ay hindi na niya naisip dahil natabunan na iyon ng saya habang kasama niya si Damon."You looked happy." Natigilan siya at nilingon ang binata. Narito sila ngayon sa labas habang naglalakad - lakad para makasagap ng sariwang hangin."Masaya naman talaga ako." Nakangiting tiningnan niya ang kamay nilang magkahawak.Bagama't hindi pa siya nakakapag desisyon, sinusulit naman niya ang araw na kasama ito.Hindi niya kasi sigurado kung mauulit ang mga sandaling magkasama silang dalawa.Huminto si Damon at hinila siya saka niyakap. "Salamat dahil kasama kita ngayon." Puno ng galak ang boses na sabi nito."Hoy, baka nakakalimutan mo, no, hindi pa ako nagdedesisyon sa kasal na gusto mo." Aniya na dinaan sa tawa ang mga sinabi. "Kaya wag kang feeling d'yan." Bumitiw si Damon at hinawakan ang kanyang mukha. "Hindi ako nababahala, alam ko naman na magpapakasal ka sa akin sa ayaw at gusto mo." Anito.Nalukot ang mukha niya. "Ay wow, ha! Ang
[Amelia]MASAYA SIYA—no, hindi lang masaya, kundi napakasaya. Pinatawad niya si Damon at ito naman at tapos pusong humingi ng kapatawaran niya. Malinis na ang puso nilang dalawa at parehong mahal ang isa't isa.Mabubuo na ang pamilya nila.Pero paano niya sasabihin kay Damon ang tungkol sa anak nila? Hindi lang iyon!Paano niya rin sasabihin niya sa nanay niya ang tungkol sa kanilang dalawa? Tiyak na magagalit ito ng husto sa kanya."Are you ready?" Hinawakan ni Damon ang kamay niya at marahan na pinisil."Kinakabahan ako." Pagsasabi niya ng totoo.Ngayong araw ay babalik na sila sa Maynila. Balak nila ni Damon na dumiretso sa bahay nila para makilala nito ang nanay niya at mga kapatid—syempre pa ay gusto n'yang makilala nito si Amon.Nangunot ang noo niya ng mapansin ang tuhod ni Damon. "Ayos ka lang ba?" Hindi niya maiwasan ang matawa ng mahawakan niya ang tuhod nito. "Mukhang mas kabado ka pa kesa sa akin, hahaha." Aniya sabay tawa na ng malakas.Paano ay nanginginig ang tuhod nito!
[Amelia]MAGKAHAWAK kamay sila na bumaba sa sasakyan ni Damon. Katulad ng inaasahan niya, ang mga kapitbahay nila ay nagtataka dahil hindi si Frederick ang kasama niya. Sigurado na magiging laman siya ng tsismis, subalit hindi iyon ang inaalala niya kundi ang nanay niya na nakatayo sa tarangkahan ng bahay nila na tila ba hinihintay sila.Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Damon."Nay..."Masamang tumingin ang nanay niya sa kamay nila ni Damon na magkahawak. "Ano ang ibig sabihin nito, Amelia?" Bumagsik ang mukha ng ginang, may idea na ito kung bakit nasa harapan ang dalawa. Hindi maaari! "Makakaalis ka ng lalaki ka. Salamat sa paghatid mo sa aking anak, maaari ka ng umalis." Sumagap muna ng hangin ang dalaga bago lakas loob na nagsalita. "M-May gusto sana kaming sa inyo ni Damon, nay." Nagkatinginan sila ni Damon. "Tungkol ho sa amin ni Damon-""Pumasok ka sa loob, Amelia. Isang buwan kang nawala kaya marami tayong pag-uusapan." Hindi pinansin ng nanay niya ang kanyang sinabi."Ma'
[Amelia]TATLONG araw na mula ng huli silang magkita ni Damon. Daig pa niya ang preso na nakakulong sa kanyang kwarto. Talagang galit ang nanay niya sa kanya.Inulit na naman daw niya ang nagawa niya noon na siyang wawasak sa puso niya.Gusto n'yang lumabas pero nakabantay sa kanya ang mga kapatid niya. Maging sa pagkain ay hinahatiran pa siya ng mga ito.Paano siya makakatakas?Tatlong araw na rin pabalik-balik si Damon para magmakaawa sa nanay niya—subalit matigas ang nanay niya. Ayon pa kay Amy ay hindi na halos umuuwi si Damon at nasa labas lang ng kanilang bahay.Naaawa siya sa mahal niya—pero kailangan nitong magtiis. Sana lang talaga ay isa sa mga araw na ito ay lumambot ang puso ng nanay niya.Wala siyang cellphone para makausap man lang si Damon. Si Amon naman ay palaging kasama ng nanay niya saan man ito magpunta.Madilim at umuulan ng mahina.Tumingin siya sa labas ng bintana ng kwarto niya. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang lalaki na tila ninja kung tumatalon palap