My new story ➡️ HIS ISLAND GIRL 💙
[Amelia]MATULIN na lumipas ang mga araw. Ang takot niya ay hindi na niya naisip dahil natabunan na iyon ng saya habang kasama niya si Damon."You looked happy." Natigilan siya at nilingon ang binata. Narito sila ngayon sa labas habang naglalakad - lakad para makasagap ng sariwang hangin."Masaya naman talaga ako." Nakangiting tiningnan niya ang kamay nilang magkahawak.Bagama't hindi pa siya nakakapag desisyon, sinusulit naman niya ang araw na kasama ito.Hindi niya kasi sigurado kung mauulit ang mga sandaling magkasama silang dalawa.Huminto si Damon at hinila siya saka niyakap. "Salamat dahil kasama kita ngayon." Puno ng galak ang boses na sabi nito."Hoy, baka nakakalimutan mo, no, hindi pa ako nagdedesisyon sa kasal na gusto mo." Aniya na dinaan sa tawa ang mga sinabi. "Kaya wag kang feeling d'yan." Bumitiw si Damon at hinawakan ang kanyang mukha. "Hindi ako nababahala, alam ko naman na magpapakasal ka sa akin sa ayaw at gusto mo." Anito.Nalukot ang mukha niya. "Ay wow, ha! Ang
[Amelia]MASAYA SIYA—no, hindi lang masaya, kundi napakasaya. Pinatawad niya si Damon at ito naman at tapos pusong humingi ng kapatawaran niya. Malinis na ang puso nilang dalawa at parehong mahal ang isa't isa.Mabubuo na ang pamilya nila.Pero paano niya sasabihin kay Damon ang tungkol sa anak nila? Hindi lang iyon!Paano niya rin sasabihin niya sa nanay niya ang tungkol sa kanilang dalawa? Tiyak na magagalit ito ng husto sa kanya."Are you ready?" Hinawakan ni Damon ang kamay niya at marahan na pinisil."Kinakabahan ako." Pagsasabi niya ng totoo.Ngayong araw ay babalik na sila sa Maynila. Balak nila ni Damon na dumiretso sa bahay nila para makilala nito ang nanay niya at mga kapatid—syempre pa ay gusto n'yang makilala nito si Amon.Nangunot ang noo niya ng mapansin ang tuhod ni Damon. "Ayos ka lang ba?" Hindi niya maiwasan ang matawa ng mahawakan niya ang tuhod nito. "Mukhang mas kabado ka pa kesa sa akin, hahaha." Aniya sabay tawa na ng malakas.Paano ay nanginginig ang tuhod nito!
[Amelia]MAGKAHAWAK kamay sila na bumaba sa sasakyan ni Damon. Katulad ng inaasahan niya, ang mga kapitbahay nila ay nagtataka dahil hindi si Frederick ang kasama niya. Sigurado na magiging laman siya ng tsismis, subalit hindi iyon ang inaalala niya kundi ang nanay niya na nakatayo sa tarangkahan ng bahay nila na tila ba hinihintay sila.Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Damon."Nay..."Masamang tumingin ang nanay niya sa kamay nila ni Damon na magkahawak. "Ano ang ibig sabihin nito, Amelia?" Bumagsik ang mukha ng ginang, may idea na ito kung bakit nasa harapan ang dalawa. Hindi maaari! "Makakaalis ka ng lalaki ka. Salamat sa paghatid mo sa aking anak, maaari ka ng umalis." Sumagap muna ng hangin ang dalaga bago lakas loob na nagsalita. "M-May gusto sana kaming sa inyo ni Damon, nay." Nagkatinginan sila ni Damon. "Tungkol ho sa amin ni Damon-""Pumasok ka sa loob, Amelia. Isang buwan kang nawala kaya marami tayong pag-uusapan." Hindi pinansin ng nanay niya ang kanyang sinabi."Ma'
[Amelia]TATLONG araw na mula ng huli silang magkita ni Damon. Daig pa niya ang preso na nakakulong sa kanyang kwarto. Talagang galit ang nanay niya sa kanya.Inulit na naman daw niya ang nagawa niya noon na siyang wawasak sa puso niya.Gusto n'yang lumabas pero nakabantay sa kanya ang mga kapatid niya. Maging sa pagkain ay hinahatiran pa siya ng mga ito.Paano siya makakatakas?Tatlong araw na rin pabalik-balik si Damon para magmakaawa sa nanay niya—subalit matigas ang nanay niya. Ayon pa kay Amy ay hindi na halos umuuwi si Damon at nasa labas lang ng kanilang bahay.Naaawa siya sa mahal niya—pero kailangan nitong magtiis. Sana lang talaga ay isa sa mga araw na ito ay lumambot ang puso ng nanay niya.Wala siyang cellphone para makausap man lang si Damon. Si Amon naman ay palaging kasama ng nanay niya saan man ito magpunta.Madilim at umuulan ng mahina.Tumingin siya sa labas ng bintana ng kwarto niya. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang lalaki na tila ninja kung tumatalon palap
[Amelia]PILIT ang kanyang ngiti habang kaharap si Frederick. Pinapasok ito ng kanyang ina, samantalang si Damon ay hinayaan nito na mabasa ng ulan sa labas. Hindi lang iyon, panay din ang dikit nito sa kanya."I miss you, Love." Napapitlag siya ng halikan nito ang exposed niyang balat sa balikat. "Ngayong narito ka na maari na nating ituloy ang ating kasal."Hindi pa niya nababanggit dito ang tungkol sa kanila ni Damon. Bumuntong-hininga siya. "Frederick, I'm sorry... Pero hindi ko na gusto pang ituloy ang kasal natin." Alam niya masasaktan ito sa sasabihin niya, pero kailangan niyang sabihin dito ang totoo. "Alam mo naman na magkasama kami ni Damon ng one month, di'ba-""I understand, Love. Hindi ako galit sa'yo dahil alam kong dinukot ka lang niya at sapilitang dinala." Putol ni Frederick sa kanya. Tila ayaw nitong marinig ang nais niyang sabihin. "Nag-usap na kami ni nanay, Love. Magpapakasal tayo in the next four days-""Ano?!" "Ito ang makabubuti sa lahat, Love." Hinawakan siy
[Amelia]NANG magmulat siya ng mata ay agad na umupo siya ng kama, pero bigla nalang may lumapit sa kanya—si Frederick!Hindi na niya nagawa pang sumigaw ng may iturok ito sa ilalim ng baba niya at sa dalawang hita niya."T-T-Tulong..." Naluluha na tumingin siya kay Frederick na nakangisi sa kanya ngayon.Hindi niya maigalaw ang buong katawan niya!Tumulo ang luha niya ng lumapit si Frederick sa kanya. Gamit ang hintuturo ay itinulak nito pabalik sa pagkakahiga ang katawan niya. "Nay! Arjo!" Malakas at tarantang tawag ni Frederick sa pamilya niya. Agad na dumating ang nanay niya at ang iba pa niyang kapatid, kasama si Amon. "Kailangan madala natin sa hospital si Amelia, nay." Gusto niyang hilahin ang kamay kay Frederick ng hawakan nito ang kamay niya at halik-halikan. "I think she has a Paresthesia because of trauma, nay. Hindi siya makakagalaw at mananatiling manhid ang buong katawan. Sa case niya ay hindi ko tiyak kung hanggang kailan siya ganito, kaya kailangan ko siyang dalhin
MABIGAT na napapabuntong-hininga si Arjo habang nakasandal sa kotse at ninigarilyo. Ganito ang binata kapag maraming iniisip—lalo na ngayon na hindi maganda ang kalagayan ng kanyang nakatatandang kapatid. Ngayon nga ay nasa hospital ito kasama si Frederick at ang nanay niya.Natigilan ito ng lumapit sa kanya ang lalaki na siyang dahilan ng lahat.Napatiim-bagang bagang siya at saka itinapon ang upos ng sigarilyo sa lupa."Ano ang ginagawa mo ditong gagò ka?!" Agad na kinuwelyuhan ni Arjo si Damon at nangangalit ang ngipin na tumingin ng masama rito."I need your help. Help me to save your sister, Arjo." Natigilan si Arjo. Gusto niyang saktan ang kaharap dahil sa ginawa nito sa kanyang kapatid subalit hindi niya magawa. Ang mata ni Damon ay nakitaan niya ng desperasyon, gayon pa man ay mayro'n ding pagmamakaawa. Nakita na lamang ni Arjo na nakikinig siya sa mga sinasabi ng binata.[Amelia]PAGKAGALING sa hospital ay agad na umuwi na sila. Katulad ng plano ni Frederick ay nabilog nito
NAGTATAKA siya sa kinikilos ng kapatid niya. Binuksan nito ang bintana ng kwarto niya na may nakaharang na mga kahoy at nakapako. Hingal na dinukot ni Arjo ang cellphone sa bulsa matapos baklasin ang mga nakaharang sa bintana niya. "Hello. Ikaw nalang ang hinihintay namin." Nakaramdam siya ng takot ng lumabas si Arjo ng kwarto. Ayaw niyang mapag-isa. Natatakot siya na baka lumitaw si Frederick sa harap niya.Sobra ang takot niya ng makarinig ng kalabog sa bintana. Gusto niya man tingnan kung ano ito ay hindi niya magawa dahil hindi niya maigalaw ang ulo niya.Gusto niyang humingi ng tulong kay Arjo ng makarinig ng yabag, subalit tanging taglikot lang ng mata ang nagagawa niya."Babe." Nanigas ang katawan niya ng maramdaman ang pagyakap sa kanya at ang pamilyar na boses nito.Iyak siya ng iyak ng makilala kung sino ang nakayakap sa kanya. Parang tinangay lahat ng takot sa dibdib niya ngayong narito na si Damon."I'm sorry, babe, I came late." Pinahid nito ang luha niya sa mata. Kita