MABIGAT na napapabuntong-hininga si Arjo habang nakasandal sa kotse at ninigarilyo. Ganito ang binata kapag maraming iniisip—lalo na ngayon na hindi maganda ang kalagayan ng kanyang nakatatandang kapatid. Ngayon nga ay nasa hospital ito kasama si Frederick at ang nanay niya.Natigilan ito ng lumapit sa kanya ang lalaki na siyang dahilan ng lahat.Napatiim-bagang bagang siya at saka itinapon ang upos ng sigarilyo sa lupa."Ano ang ginagawa mo ditong gagò ka?!" Agad na kinuwelyuhan ni Arjo si Damon at nangangalit ang ngipin na tumingin ng masama rito."I need your help. Help me to save your sister, Arjo." Natigilan si Arjo. Gusto niyang saktan ang kaharap dahil sa ginawa nito sa kanyang kapatid subalit hindi niya magawa. Ang mata ni Damon ay nakitaan niya ng desperasyon, gayon pa man ay mayro'n ding pagmamakaawa. Nakita na lamang ni Arjo na nakikinig siya sa mga sinasabi ng binata.[Amelia]PAGKAGALING sa hospital ay agad na umuwi na sila. Katulad ng plano ni Frederick ay nabilog nito
NAGTATAKA siya sa kinikilos ng kapatid niya. Binuksan nito ang bintana ng kwarto niya na may nakaharang na mga kahoy at nakapako. Hingal na dinukot ni Arjo ang cellphone sa bulsa matapos baklasin ang mga nakaharang sa bintana niya. "Hello. Ikaw nalang ang hinihintay namin." Nakaramdam siya ng takot ng lumabas si Arjo ng kwarto. Ayaw niyang mapag-isa. Natatakot siya na baka lumitaw si Frederick sa harap niya.Sobra ang takot niya ng makarinig ng kalabog sa bintana. Gusto niya man tingnan kung ano ito ay hindi niya magawa dahil hindi niya maigalaw ang ulo niya.Gusto niyang humingi ng tulong kay Arjo ng makarinig ng yabag, subalit tanging taglikot lang ng mata ang nagagawa niya."Babe." Nanigas ang katawan niya ng maramdaman ang pagyakap sa kanya at ang pamilyar na boses nito.Iyak siya ng iyak ng makilala kung sino ang nakayakap sa kanya. Parang tinangay lahat ng takot sa dibdib niya ngayong narito na si Damon."I'm sorry, babe, I came late." Pinahid nito ang luha niya sa mata. Kita
HALOS ayaw bitiwan ni Damon ang kamay niya habang nasa loob sila ng sasakyan. Hindi rin ito tumigil sa kahihingi ng tawad sa kanya. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo.Nang makarating sila sa mansion ay agad na binuhat siya ni Damon papasok—and there was Red, waiting for them. Maingat siyang inilapag ni Damon sa kama at agad na sumunod ang kaibigan nito.While running some test from her blood, rinig niya ang pag uusap ng dalawa. Matapos makita ang resulta ng kanyang dugo ay bahagyang napailing si Red na may ngiti—ewan kung ngiti ba iyon, dahil mas tamang sabihin na nakakatakot ang ngiti na iyon na nasa labi nito. "Mautak ang gagò." Hinanda ni Red ang syringe na gagamitin. "He would prefer Amelia to be numb just to marry her. What a love!" Masamang tiningnan ni Damon si Red ng tumawa ito na tila baliw."Oh come on, Dude. I was trying to lighten up the mood here." Balik sa pagiging delikado at walang emosyon ang mukha ng doktor."Just do your job, fucker!" Banas ang mukha ni Damon
NANUNUYO ang lalamunan niya. Nagulat pa siya ng pagmulat niya ng mata ay ang napakalapit na mukha ni Miss Neil ang una niya nakita.Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang gulat."Miss Neil, naman! Bakit ka naman nanggugulat—" Natigilan siya at tumingin sa kanyang kamay na nakahawak sa dibdib niya. "N-Nakakagalaw na ako?"Umupo siya at inunat ang binti at braso, kaya naman si Miss Neil ay napapantastikuhang nakatingin sa kanya."Nakakagalaw na ako!" Aniya sabay iyak dahil sa tuwa. Humawak pa siya sa matanda at nagsisigaw sa tuwa."Masaya akong makita kang muli, Amelia." Nabigla siya ng yakapin siya ni Miss Neil ng mahigpit. "Masaya ako na makita kayo ni Sir na bumalik na sa dati. Makakapagpakasal na rin ako sa jowa ko sa wakas." Ani pa nito sabay iyak."Masaya din po akong makita ka ulit, Miss Neil. Si Nelson po?" Aniya ng maalala ang binata na naging kaibigan niya rin noon."Nagpapakabusy at nagpapayaman. Ewan ko ba sa batang iyon, hindi na nagpapahinga, puro nalang trabaho. Sabi k
MABILIS ang kilos ni Amelia. Hindi na siya nagpalit pa ng damit, o kumain man lang. Kumuha lang siya ng cash sa cabinet ni Damon sa kwarto nito para ipamasahe. "Amelia, saan ka pupunta?" Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Miss Neil sa kanya at nagmamadaling lumabas. Halos lakad-takbo ang ginawa niya para makalabas ng gate, subalit hinarang siya ng mga armadong kalalakihan. "Hindi kayo pwedeng lumabas ng mansion, ma'am, iyan ang bilin sa amin ni Mr. Castagners." Pinagpawisan siya ng malapot. Binigyan siya ng limang oras ni Frederick para puntahan ang anak niya. Sa oras na hindi siya makarating sa loob ng limang oras ay hindi na niya makikita pa ang anak."P-Please, nagmamakaawa ako, kailangan kong makaalis ngayon din." Sinubukan niyang dumaan ngunit hinarang ng mga ito ang naglalakihang katawan."Pasensya na ho, pero sumusunod lamang kami sa utos." Tila mga robot ang mga ito. Kahit anong gawin na pagmamakaawa niya ay hindi siya pinayagan na dumaan."Bakit hindi niyo tawagan si Damo
MASAKIT ang ulo niya ng magmulat siya. Nanghihina ang buo niyang katawan. Kinabahan siya kaya agad na umupo siya para malaman kung naigagalaw ba niya ang kanyang katawan.Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay inulit na naman ang ginawa ni Frederick sa kanya. Tumayo siya para buksan ang pinto, pero naka-lock ito. Nasa isang kwarto siya ngayon na walang kagamit-gamit maliban sa nag iisang kama na hinigaan niya. Sa bawat sulok ay mayro'n pang sapot ng mga gagamba, mga ipis na nagliliparan, at mga maliliit ba daga. Dahil sanay siyang makakita ng ganito ay hindi siya nakaramdam ng takot.Malakas na kinalampag niya ang pinto."Frederick! Nasaan ang anak ko!" Napangiwi siya ng tumama ang kamay niya sa pako na nakausli sa pinto kaya nagdugo ang kamay niya.Mukhang nasa isang luma silang bahay. Maging ang pinto na kinakalampag niya ay halatang luma na."Frederick! Amon!" Halos maubos ang boses niya sa kakasigaw, ngunit wala pa rin siyang naririnig na yabag.Nasaan na ba ang mga tao rito?!N
LULAN ng puting van ay muli silang bumyahe ni Frederick pagkatapos nilang ikasal. Tulala siya habang nakatingin sa labas ng sasakyan habang tahimik na umiiyak."Tumahimik ka nga!" Malakas na singhal ni Frederick na tila nabibingi sa pag iyak niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Tanggapin mo nalang, Love. Kasal kana sa akin at wala ng magagawa ang pag iyak mo." Masama siyang tumingin rito. "Kasal na nga ako sa walang hiyang tulad mo, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinapakita sa akin ang anak ko!" Muling binalik nito ang tingin sa daan. "Maghintay ka lang, Amelia, makikita mo rin siya." Inabot ng limang oras ang biyahe nila kaya inihinto nito ang sasakyan sa isang fast food chain para mag-drive thru lang. Hindi niya pinansin ang pagkain na inabot nito sa kanya kaya naman muli na naman itong nainis sa kanya. Sapilitan na nilagay nito ang pagkain sa kamay niya."Kumain ka, Love. Hindi ko gustong magutom ka. Alam ko na dapat ay nasa isang hotel tayo o magarang restaurant
NANG makaalis si Frederick ay agad na binuksan niya ang pinto ng kwarto para alamin kung naka-lock ito o hindi.Halos maiyak siya sa tuwa ng malaman na hindi ito naka-lock.Nakapagtataka.Hindi ba natatakot si Frederick na tumakas sila? O kampante na ito dahil kasal sila? Inis na tinanggal niya ang singsing sa kamay at binalik ang singsing na binigay sa kanya ni Damon."Amon, tara na. Aalis na tayo sa lugar na 'to." Kahit kasal na sila ay hindi siya sasama kay Frederick sa ibang bansa.Hindi niya ito mahal at natatakot na siya rito. Ibang-iba na ito sa dating Frederick na nakilala niya.Hawak ang kamay ni Amon ay lumabas sila ng kwarto. Malawak ang bahay at wala siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanila ng kanyang anak.Dahan-dahan ang bawat hakbang na ginawa niya para hindi makalikha ng ingay."Ate mommy—" Agad na tinakpan niya ang bibig ng anak at inilagay ang hintuturo sa gitna ng labi niya, tumango naman ito na parang naiintindihan ang nais niyang iparating.Nang nasa kalagitna
[Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay
[Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak
[Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka
HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito.Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita.Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito.Parang bata na napahagulhol siya ng iyak. Ma
DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.
[Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak
[Amelia]HINAWAKAN niya mukha ni Amon at hinalikan ito sa tungki ng ilong. Kailangan na niyang kumilos. Marahan ang kilos na lumabas sila sa ilalim ng mesa. Sumagap muna siya ng hangin bago nagpasya na sumilip, pero agad na bumalik siya sa pagkakatago ng makita ang isa sa hinihinala niyang tauhan ni Cassandra."Hanapin niyo ang dalawa. Tiyak na hindi pa nakakalayo ang mga 'yon—putanģ ina! Ano 'yon?!" Malakas na mura ng lalaki ng makarinig ng sunod-sunod na pagputok.Tinakpan niya ang tenga ng anak. Nanlaki ang mata niya ng makarinig ng mga yabag. Mabilis na hinila niya si Amon upang bumalik sa ilalim ng mesa.Sobra ang kaba niya ng makita ang anim na pares ng paa na nakatayo malapit sa pwesto nila. Mabuti nalang at may kahabaan ang mantel ng mesa kaya hindi sila nakikita ng mga ito. Halos takpan niya ng maigi ang bibig ni Amon huwag lang itong makapag ingay.Nanlaki ang mata niya ng marinig ang pamilyar na boses."Dennis, nasaan na sila Mando?!" Tanong ni Cassandra sa tauhan."Wala na
NANG makaalis si Frederick ay agad na binuksan niya ang pinto ng kwarto para alamin kung naka-lock ito o hindi.Halos maiyak siya sa tuwa ng malaman na hindi ito naka-lock.Nakapagtataka.Hindi ba natatakot si Frederick na tumakas sila? O kampante na ito dahil kasal sila? Inis na tinanggal niya ang singsing sa kamay at binalik ang singsing na binigay sa kanya ni Damon."Amon, tara na. Aalis na tayo sa lugar na 'to." Kahit kasal na sila ay hindi siya sasama kay Frederick sa ibang bansa.Hindi niya ito mahal at natatakot na siya rito. Ibang-iba na ito sa dating Frederick na nakilala niya.Hawak ang kamay ni Amon ay lumabas sila ng kwarto. Malawak ang bahay at wala siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanila ng kanyang anak.Dahan-dahan ang bawat hakbang na ginawa niya para hindi makalikha ng ingay."Ate mommy—" Agad na tinakpan niya ang bibig ng anak at inilagay ang hintuturo sa gitna ng labi niya, tumango naman ito na parang naiintindihan ang nais niyang iparating.Nang nasa kalagitna
LULAN ng puting van ay muli silang bumyahe ni Frederick pagkatapos nilang ikasal. Tulala siya habang nakatingin sa labas ng sasakyan habang tahimik na umiiyak."Tumahimik ka nga!" Malakas na singhal ni Frederick na tila nabibingi sa pag iyak niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Tanggapin mo nalang, Love. Kasal kana sa akin at wala ng magagawa ang pag iyak mo." Masama siyang tumingin rito. "Kasal na nga ako sa walang hiyang tulad mo, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinapakita sa akin ang anak ko!" Muling binalik nito ang tingin sa daan. "Maghintay ka lang, Amelia, makikita mo rin siya." Inabot ng limang oras ang biyahe nila kaya inihinto nito ang sasakyan sa isang fast food chain para mag-drive thru lang. Hindi niya pinansin ang pagkain na inabot nito sa kanya kaya naman muli na naman itong nainis sa kanya. Sapilitan na nilagay nito ang pagkain sa kamay niya."Kumain ka, Love. Hindi ko gustong magutom ka. Alam ko na dapat ay nasa isang hotel tayo o magarang restaurant