Share

90. TLBAHM

[Amelia]

MASAYA SIYA—no, hindi lang masaya, kundi napakasaya. Pinatawad niya si Damon at ito naman at tapos pusong humingi ng kapatawaran niya. Malinis na ang puso nilang dalawa at parehong mahal ang isa't isa.

Mabubuo na ang pamilya nila.

Pero paano niya sasabihin kay Damon ang tungkol sa anak nila? Hindi lang iyon!

Paano niya rin sasabihin niya sa nanay niya ang tungkol sa kanilang dalawa? Tiyak na magagalit ito ng husto sa kanya.

"Are you ready?" Hinawakan ni Damon ang kamay niya at marahan na pinisil.

"Kinakabahan ako." Pagsasabi niya ng totoo.

Ngayong araw ay babalik na sila sa Maynila. Balak nila ni Damon na dumiretso sa bahay nila para makilala nito ang nanay niya at mga kapatid—syempre pa ay gusto n'yang makilala nito si Amon.

Nangunot ang noo niya ng mapansin ang tuhod ni Damon. "Ayos ka lang ba?" Hindi niya maiwasan ang matawa ng mahawakan niya ang tuhod nito. "Mukhang mas kabado ka pa kesa sa akin, hahaha." Aniya sabay tawa na ng malakas.

Paano ay nanginginig ang tuhod nito!
SEENMORE

My new story ➡️ HIS ISLAND GIRL 💙

| 8
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status