Share

83. TLBAHM

[Amelia]

BAKIT gano'n, dati naman ay tuwang-tuwa siya kapag pinag-uupan o pinagpaplanuhan nila ni Frederick ang kanilang kasal. Subalit ngayon ay hindi niya magawang ngumiti man lang. Ang bigat ng dibdib niya at wala siyang pagkasabik na nararamdaman.

"Bye, Love." Hinalikan siya ni Frederick sa labi. "Magkita nalang tayo bukas." Bumaling ito sa nanay niya. "Alis na ho ako, nay. Bye, Amon." Paalam nito sa kanyang anak.

"Babay, Kuya!" Paalam ng kanyang anak sa binata.

Pagkaalis ni Frederick ay agad na umupo ang nanay niya sa silyang kaharap niya.

"May problema ba kayo ni Frederick, anak? Bakit parang hindi mo siya kinikibo? Nag away ba kayong dalawa?" Usisa nito.

Umiling siya. "Hindi lang maganda ang pakiramdam ko, nay." Umiwas siya ng tingin dahil may pagdududa sa mata ng kanyang nanay habang nakatingin sa kanya.

"Simula ng dumating ka ay palagi ka ng ganyan, tahimik at wala sa sarili. Hindi ba naging maayos ang seminar mo sa Cebu? Kaya ba umuwi ka agad?"

"Hindi po, nay. Talagang masam
SEENMORE

Thank you for reading đź“š

| 15
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status