Home / Romance / THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID: Chapter 91 - Chapter 100

109 Chapters

91. TLBAHM

[Amelia]MAGKAHAWAK kamay sila na bumaba sa sasakyan ni Damon. Katulad ng inaasahan niya, ang mga kapitbahay nila ay nagtataka dahil hindi si Frederick ang kasama niya. Sigurado na magiging laman siya ng tsismis, subalit hindi iyon ang inaalala niya kundi ang nanay niya na nakatayo sa tarangkahan ng bahay nila na tila ba hinihintay sila.Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Damon."Nay..."Masamang tumingin ang nanay niya sa kamay nila ni Damon na magkahawak. "Ano ang ibig sabihin nito, Amelia?" Bumagsik ang mukha ng ginang, may idea na ito kung bakit nasa harapan ang dalawa. Hindi maaari! "Makakaalis ka ng lalaki ka. Salamat sa paghatid mo sa aking anak, maaari ka ng umalis." Sumagap muna ng hangin ang dalaga bago lakas loob na nagsalita. "M-May gusto sana kaming sa inyo ni Damon, nay." Nagkatinginan sila ni Damon. "Tungkol ho sa amin ni Damon-""Pumasok ka sa loob, Amelia. Isang buwan kang nawala kaya marami tayong pag-uusapan." Hindi pinansin ng nanay niya ang kanyang sinabi."Ma'
Read more

92. TLBAHM

[Amelia]TATLONG araw na mula ng huli silang magkita ni Damon. Daig pa niya ang preso na nakakulong sa kanyang kwarto. Talagang galit ang nanay niya sa kanya.Inulit na naman daw niya ang nagawa niya noon na siyang wawasak sa puso niya.Gusto n'yang lumabas pero nakabantay sa kanya ang mga kapatid niya. Maging sa pagkain ay hinahatiran pa siya ng mga ito.Paano siya makakatakas?Tatlong araw na rin pabalik-balik si Damon para magmakaawa sa nanay niya—subalit matigas ang nanay niya. Ayon pa kay Amy ay hindi na halos umuuwi si Damon at nasa labas lang ng kanilang bahay.Naaawa siya sa mahal niya—pero kailangan nitong magtiis. Sana lang talaga ay isa sa mga araw na ito ay lumambot ang puso ng nanay niya.Wala siyang cellphone para makausap man lang si Damon. Si Amon naman ay palaging kasama ng nanay niya saan man ito magpunta.Madilim at umuulan ng mahina.Tumingin siya sa labas ng bintana ng kwarto niya. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang lalaki na tila ninja kung tumatalon palap
Read more

93. TLBAHM

[Amelia]PILIT ang kanyang ngiti habang kaharap si Frederick. Pinapasok ito ng kanyang ina, samantalang si Damon ay hinayaan nito na mabasa ng ulan sa labas. Hindi lang iyon, panay din ang dikit nito sa kanya."I miss you, Love." Napapitlag siya ng halikan nito ang exposed niyang balat sa balikat. "Ngayong narito ka na maari na nating ituloy ang ating kasal."Hindi pa niya nababanggit dito ang tungkol sa kanila ni Damon. Bumuntong-hininga siya. "Frederick, I'm sorry... Pero hindi ko na gusto pang ituloy ang kasal natin." Alam niya masasaktan ito sa sasabihin niya, pero kailangan niyang sabihin dito ang totoo. "Alam mo naman na magkasama kami ni Damon ng one month, di'ba-""I understand, Love. Hindi ako galit sa'yo dahil alam kong dinukot ka lang niya at sapilitang dinala." Putol ni Frederick sa kanya. Tila ayaw nitong marinig ang nais niyang sabihin. "Nag-usap na kami ni nanay, Love. Magpapakasal tayo in the next four days-""Ano?!" "Ito ang makabubuti sa lahat, Love." Hinawakan siy
Read more

94. TLBAHM

[Amelia]NANG magmulat siya ng mata ay agad na umupo siya ng kama, pero bigla nalang may lumapit sa kanya—si Frederick!Hindi na niya nagawa pang sumigaw ng may iturok ito sa ilalim ng baba niya at sa dalawang hita niya."T-T-Tulong..." Naluluha na tumingin siya kay Frederick na nakangisi sa kanya ngayon.Hindi niya maigalaw ang buong katawan niya!Tumulo ang luha niya ng lumapit si Frederick sa kanya. Gamit ang hintuturo ay itinulak nito pabalik sa pagkakahiga ang katawan niya. "Nay! Arjo!" Malakas at tarantang tawag ni Frederick sa pamilya niya. Agad na dumating ang nanay niya at ang iba pa niyang kapatid, kasama si Amon. "Kailangan madala natin sa hospital si Amelia, nay." Gusto niyang hilahin ang kamay kay Frederick ng hawakan nito ang kamay niya at halik-halikan. "I think she has a Paresthesia because of trauma, nay. Hindi siya makakagalaw at mananatiling manhid ang buong katawan. Sa case niya ay hindi ko tiyak kung hanggang kailan siya ganito, kaya kailangan ko siyang dalhin
Read more

95. TLBAHM

MABIGAT na napapabuntong-hininga si Arjo habang nakasandal sa kotse at ninigarilyo. Ganito ang binata kapag maraming iniisip—lalo na ngayon na hindi maganda ang kalagayan ng kanyang nakatatandang kapatid. Ngayon nga ay nasa hospital ito kasama si Frederick at ang nanay niya.Natigilan ito ng lumapit sa kanya ang lalaki na siyang dahilan ng lahat.Napatiim-bagang bagang siya at saka itinapon ang upos ng sigarilyo sa lupa."Ano ang ginagawa mo ditong gagò ka?!" Agad na kinuwelyuhan ni Arjo si Damon at nangangalit ang ngipin na tumingin ng masama rito."I need your help. Help me to save your sister, Arjo." Natigilan si Arjo. Gusto niyang saktan ang kaharap dahil sa ginawa nito sa kanyang kapatid subalit hindi niya magawa. Ang mata ni Damon ay nakitaan niya ng desperasyon, gayon pa man ay mayro'n ding pagmamakaawa. Nakita na lamang ni Arjo na nakikinig siya sa mga sinasabi ng binata.[Amelia]PAGKAGALING sa hospital ay agad na umuwi na sila. Katulad ng plano ni Frederick ay nabilog nito
Read more

96. TLBAHM

NAGTATAKA siya sa kinikilos ng kapatid niya. Binuksan nito ang bintana ng kwarto niya na may nakaharang na mga kahoy at nakapako. Hingal na dinukot ni Arjo ang cellphone sa bulsa matapos baklasin ang mga nakaharang sa bintana niya. "Hello. Ikaw nalang ang hinihintay namin." Nakaramdam siya ng takot ng lumabas si Arjo ng kwarto. Ayaw niyang mapag-isa. Natatakot siya na baka lumitaw si Frederick sa harap niya.Sobra ang takot niya ng makarinig ng kalabog sa bintana. Gusto niya man tingnan kung ano ito ay hindi niya magawa dahil hindi niya maigalaw ang ulo niya.Gusto niyang humingi ng tulong kay Arjo ng makarinig ng yabag, subalit tanging taglikot lang ng mata ang nagagawa niya."Babe." Nanigas ang katawan niya ng maramdaman ang pagyakap sa kanya at ang pamilyar na boses nito.Iyak siya ng iyak ng makilala kung sino ang nakayakap sa kanya. Parang tinangay lahat ng takot sa dibdib niya ngayong narito na si Damon."I'm sorry, babe, I came late." Pinahid nito ang luha niya sa mata. Kita
Read more

97. TLBAHM

HALOS ayaw bitiwan ni Damon ang kamay niya habang nasa loob sila ng sasakyan. Hindi rin ito tumigil sa kahihingi ng tawad sa kanya. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo.Nang makarating sila sa mansion ay agad na binuhat siya ni Damon papasok—and there was Red, waiting for them. Maingat siyang inilapag ni Damon sa kama at agad na sumunod ang kaibigan nito.While running some test from her blood, rinig niya ang pag uusap ng dalawa. Matapos makita ang resulta ng kanyang dugo ay bahagyang napailing si Red na may ngiti—ewan kung ngiti ba iyon, dahil mas tamang sabihin na nakakatakot ang ngiti na iyon na nasa labi nito. "Mautak ang gagò." Hinanda ni Red ang syringe na gagamitin. "He would prefer Amelia to be numb just to marry her. What a love!" Masamang tiningnan ni Damon si Red ng tumawa ito na tila baliw."Oh come on, Dude. I was trying to lighten up the mood here." Balik sa pagiging delikado at walang emosyon ang mukha ng doktor."Just do your job, fucker!" Banas ang mukha ni Damon
Read more

98. TLBAHM

NANUNUYO ang lalamunan niya. Nagulat pa siya ng pagmulat niya ng mata ay ang napakalapit na mukha ni Miss Neil ang una niya nakita.Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang gulat."Miss Neil, naman! Bakit ka naman nanggugulat—" Natigilan siya at tumingin sa kanyang kamay na nakahawak sa dibdib niya. "N-Nakakagalaw na ako?"Umupo siya at inunat ang binti at braso, kaya naman si Miss Neil ay napapantastikuhang nakatingin sa kanya."Nakakagalaw na ako!" Aniya sabay iyak dahil sa tuwa. Humawak pa siya sa matanda at nagsisigaw sa tuwa."Masaya akong makita kang muli, Amelia." Nabigla siya ng yakapin siya ni Miss Neil ng mahigpit. "Masaya ako na makita kayo ni Sir na bumalik na sa dati. Makakapagpakasal na rin ako sa jowa ko sa wakas." Ani pa nito sabay iyak."Masaya din po akong makita ka ulit, Miss Neil. Si Nelson po?" Aniya ng maalala ang binata na naging kaibigan niya rin noon."Nagpapakabusy at nagpapayaman. Ewan ko ba sa batang iyon, hindi na nagpapahinga, puro nalang trabaho. Sabi k
Read more

99. TLBAHM

MABILIS ang kilos ni Amelia. Hindi na siya nagpalit pa ng damit, o kumain man lang. Kumuha lang siya ng cash sa cabinet ni Damon sa kwarto nito para ipamasahe. "Amelia, saan ka pupunta?" Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Miss Neil sa kanya at nagmamadaling lumabas. Halos lakad-takbo ang ginawa niya para makalabas ng gate, subalit hinarang siya ng mga armadong kalalakihan. "Hindi kayo pwedeng lumabas ng mansion, ma'am, iyan ang bilin sa amin ni Mr. Castagners." Pinagpawisan siya ng malapot. Binigyan siya ng limang oras ni Frederick para puntahan ang anak niya. Sa oras na hindi siya makarating sa loob ng limang oras ay hindi na niya makikita pa ang anak."P-Please, nagmamakaawa ako, kailangan kong makaalis ngayon din." Sinubukan niyang dumaan ngunit hinarang ng mga ito ang naglalakihang katawan."Pasensya na ho, pero sumusunod lamang kami sa utos." Tila mga robot ang mga ito. Kahit anong gawin na pagmamakaawa niya ay hindi siya pinayagan na dumaan."Bakit hindi niyo tawagan si Damo
Read more

100. TLBAHM

MASAKIT ang ulo niya ng magmulat siya. Nanghihina ang buo niyang katawan. Kinabahan siya kaya agad na umupo siya para malaman kung naigagalaw ba niya ang kanyang katawan.Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay inulit na naman ang ginawa ni Frederick sa kanya. Tumayo siya para buksan ang pinto, pero naka-lock ito. Nasa isang kwarto siya ngayon na walang kagamit-gamit maliban sa nag iisang kama na hinigaan niya. Sa bawat sulok ay mayro'n pang sapot ng mga gagamba, mga ipis na nagliliparan, at mga maliliit ba daga. Dahil sanay siyang makakita ng ganito ay hindi siya nakaramdam ng takot.Malakas na kinalampag niya ang pinto."Frederick! Nasaan ang anak ko!" Napangiwi siya ng tumama ang kamay niya sa pako na nakausli sa pinto kaya nagdugo ang kamay niya.Mukhang nasa isang luma silang bahay. Maging ang pinto na kinakalampag niya ay halatang luma na."Frederick! Amon!" Halos maubos ang boses niya sa kakasigaw, ngunit wala pa rin siyang naririnig na yabag.Nasaan na ba ang mga tao rito?!N
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status