Home / Paranormal / The Tale of Nayagi / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Tale of Nayagi: Chapter 1 - Chapter 10

26 Chapters

Chapter 1-A Glimpse of Nayagi

[Devon Serrano]Ang mga chismosa, hindi lang makikita sa mga kapitbahay; nakikita din sila sa mismong tahanan.Pinaikot ko ang mga mata ko nang marinig ang malakas na boses ni Mama habang kausap ang mga kapitbahay namin sa baba.Sa araw-araw na ginawa ng Dios, hindi pa yata ako nagising sa isang umaga na walang ka-chismisan si Mama. Palibhasa ay wala siyang magawa rito sa bahay. Naghihintay lang siya sa gracia na dala ng asawa niyang nagtatrabaho sa isang advertising company. Inalis ko ang comforter na nakatakip sa katawan ko at dahan-dahang bumangon. Inabot ko rin ang specs sa side table at isinuot sa mga mata ko. Nang maging malinaw ang paningin ko ay dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Isang walang kwentang araw na naman ang uubusin ko. Minsan talaga ay tatamarin na lang akong bumangon sa umaga kapag naririnig ko ang nakakarinding boses ni Mama.Pumunta ako ng banyo para maghilamos. Tanghali na ako nagising kaya nakakaramdam na ako ng gutom. Pagbaba ko ng hagdan ay natanaw k
last updateLast Updated : 2022-07-15
Read more

Chapter 2-The Big Wall

[Devon Serrano]Gabi na nang makauwi kami ni Kuya Gab. Natagalan ako sa pamimili ng mga gamit ko sa school tapos bumili rin ako ng tatlong libro na may genre na Paranormal. Ipon ko 'yon galing sa mga allowance na bigay ni Tito Arthur. Hindi ko kasi kayang mabuhay nang wala akong librong binabasa.Bago kami makarating sa bahay ay nakiusap si Kuya Gab na huminto muna kami sa tindahan ni Aling Maritez. Bibili raw kasi siya ng sigarilyo. Habang hinihintay ko siya, binuksan ko nang kaunti ang katabi kong bintana para marinig ang pakikipag-usap ni Aling Maritez at Aling Cora kay Kuya Gab na ngayon ay humihithit ng sigarilyo. Kahit gabi na ay hindi pa rin sila nauubusan ng tsismis. Malay ko ba kung ako na ang pinag-uusapan nila. "Sinong pinag-drive mo? Si Deanna?" usisa ni Aling Cora."Si Devon ho," sagot ni Kuya Gab."Si Devon? 'Yong anak ni Digna na makinis nga pero hindi naman kagandahan?" Tumawa si Aling Maritez.Nahiya naman ako sa 'yo. Sabi na nga ba at marami silang nasasabi kapag
last updateLast Updated : 2022-07-15
Read more

Chapter 3-The Protector

[Damon Cahill]Ang buhay ng tao ay parang isang laro; Kapag mahina ka sa lahat ng aspeto, talo ka. At kapag natalo ka...Mamamatay ka.Iyon mismo ang nangyari sa isang babaeng nasa harap ko. Mahina siya at pinairal ang matinding emosyon kaya hindi siya nakaligtas sa tiyak na kamatayan. Pinanood ko kung paano siya pagtulungan na ibaba mula sa pagkakabigti sa taas ng kisame. Nakakabingi ang pag-iyak ng kapatid niyang babae na ngayon ay paulit-ulit na humihingi ng tawad na para bang maririnig pa siya nito. Tinitigan ko lang siya nang walang emosyon sa mukha."Bantayan mo si Devon, Mon. Huwag mong hayaan na may lumapit sa kaniya na isang Nayagi."Lumingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Bagama't ako ang kausap niya ay nakatuon ang mga mata niya sa kapatid ng babaeng nagpakamatay—kay Devon. Tumawa ako at umiling. "Kung makapagsalita ka parang hindi tayo Nayagi.""I just want to protect her." Tumingin siya sa akin. "Ngayong nawala ang kapatid niya, posibleng matibag ang pader na ginawa niy
last updateLast Updated : 2022-07-15
Read more

Chapter 4-Time

[Devon Serrano]Death is inevitable. Only God knows when or how we will die. Ang Dios lang ang may karapatan na bawiin ang buhay na binigay niya. Pero sa ginawa ni Ate Deanna, parang pinangunahan niya ang Dios. Kung totoong ang Dios lang ang may karapatan sa buhay ng mga nilalang sa mundo, bakit 'yon nagawa ni Ate Deanna? Kontrolado pa ba 'yon ng Dios? Hindi ako mahilig magbasa ng Bible pero alam kong pinagbabawal ng panginoon na kitilin ng mga tao ang sarili nilang buhay dahil matinding kasalanan iyon.Kung gano'n, sinong dapat sisisihin sa nangyari? Si Ate Deanna? Ang Dios? O ang mga tao sa paligid niya? Ako?Alam kong may problema siya noong gabing 'yon pero hindi ko binigyan ng pansin. Dapat pinilit ko siyang sabihin sa akin ang problema niya, hindi sana nangyari sa kaniya ito. Buhay pa sana siya ngayon."Anak ko!" Walang tigil sa pag-iyak si Mama habang nasa harap ng kabaong ni Ate Deanna. Inaalalayan siya ni Tito Arthur dahil mukhang mahihimatay na siya.Nanatili akong nakata
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Chapter 5-Tempting the Tempter

[Devon Serrano]"Papasok ka ng school, Ma'am Devon?" takang tanong ni Kuya Gab bago binuksan ang pinto ng kotseng sasakyan ko.Hindi ko siya sinagot at umupo lang ako sa backseat bitbit ang bag ko. Pangatlong beses ko nang narinig ang tanong na 'yan ngayong umaga. Unang nagtanong sa 'kin ay si Tito Arthur kanina, sunod ay si Manang Lydia na mayordoma namin. Hindi ko sila masisisi dahil nakaburol pa rin si Ate Deanna pero heto ako at gusto nang pumasok.Para sa 'kin, pwede akong magluksa habang may ginagawang hakbang sa pag-alam ng katotohanan. Kaya ko naman, eh. Kinakaya ko pa rin ang sakit. Hindi ako katulad ni Mama na halos ayaw nang umalis sa tabi ng kabaong ni Ate Deanna."Ma'am Devon, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mong pumasok kahit hindi ka pa okay," wika ni Kuya Gab. Umaandar na ang kotse pero pasulyap-sulyap siya sa akin sa rearview mirror. Halatang nag-aalala siya para sa akin. Naalala ko tuloy na sobrang lakas ng iyak niya kahapon nang malaman niya ang nangya
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Chapter 6-When Their Eyes Met

[Devon Serrano]"I know..."Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko.Umangat ang sulok ng labi ko at tuluyang inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya."Alam kong alam mo na ako si Devon Serrano, na kapatid ni Deanna Serrano na nagpakamatay dahil sa 'yo," matigas na wika ko.Umawang ang labi niya at mabilis akong tinulak. Bumaba siya mula sa kama at tiningan ako nang masama. Akala niya siguro ay siya ang panalo sa aming dalawa. "I saw you staring at my ID before we got here." Bumaba rin ako mula sa kama at isinuot ulit ang blouse ko. "Actually, I did it on purpose. I want you to show your true color to me kapag tayo na lang dalawa.""Ang lakas ng loob mo," wika niya sabay ngisi. "Anong ginagawa mo? Gusto mo bang malaman kung ako ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid mo? Hindi mo naman kailangan na gawin 'to para malaman ang totoo." Humakbang siya palapit sa akin at yumuko sa mukha ko kaya halos magdikit ang mga mukha namin. "Dahil papatunayan ko sa 'yo n
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Chapter 7.1-Arseo

[Damon Cahill]"Ang dapat mong itanong: Ano ang kaya naming gawin?"Gusto kong makita ang takot sa mukha ni Devon pero wala akong ibang nakita sa mga mata niya kundi ang matinding determinasyon na malaman kung anong klase akong nilalang.Ibang klaseng babae 'to. Marunong ba 'tong matakot? Sabagay, pa'no ba 'to matatakot kung pogi ang kaharap niya? Tss.Walang paalam na naglaho na lang ako bigla sa harap niya. Natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng condo ng kaibigan ko na palagi namang wala kaya halos ako na lang ang nakatira.Hinubad ko ang hood at mask ko at saka pinagpagan ang medyo mahaba kong buhok. Para 'kong may kuto, nangangati pati anit ko. Tagal ko ba naman nakasuot ng hood. Kung 'di ko lang talaga kailangang itago ang gwapo kong mukha, eh. Kaso 'di pwede."Hay, ako na naman mag-isa rito." Nag-inat ako ng katawan bago sumalampak sa couch."Where have you been?" "Ay, tangina mo!" Tinaas ko ang mga paa ko sa couch at niyakap ang mga tuhod ko nang lumitaw sa harap ko ang kaibiga
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Chapter 7.2-Arseo

Nang makabalik kami ng kaibigan ko sa condo, inutusan niya kaagad ako na magpalit ng suot dahil 'yon daw ang suot ko noong patayin ko ang kapatid ni Leon."Iniimbestigahan siya ng mga pulis," nakatulalang sabi ng kaibigan ko habang nakaharap sa laptop niya.Isinuot ko ang dilaw kong t-shirt at umupo sa tabi niya para sumilip sa laptop.Kumunot ang noo ko dahil Plants vs Zombies pala 'yon. Akala ko nagtatrabaho si gago."Stupid. Nasa diwa ako ni Devon," sabi niya nang tingnan ko siya nang masama. "The police officers were asking her about Yael's suicide case." Napatalon ako sa gulat nang suntukin niya ako sa braso. "Kasalanan mo 'to, eh. Hindi sana iimbestigahan si Devon kung hindi mo pinakialaman 'yong Yael na 'yon.""Talagang iiimbestigahan siya dahil nasa loob siya ng condo unit ng Yael na 'yon bago nagpakamatay. Saka huwag mo nga akong sisihin. Nabasa ko ang emosyon ni Yael. Puno ng pagsisisi ang puso niya dahil sa nangyari sa kapatid niya kaya inutusan ko siya na tapusin na lang a
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Chapter 8-What Are You?

[Devon Serrano]Bakit kasi siya pa ang nawala, eh! Bakit hindi na lang ikaw?! Bakit hindi na lang ikaw?!"Parang sirang plaka, paulit-ulit kong narinig ang masakit na salitang binitawan ni Mama sa akin kanina lang.Lumingon ako sa gilid kung saan nakapatong ang isang gunting sa side table. Gusto kong kunin 'yon at gamitin para saktan ang sarili ko, but somehow...my mind was telling me not to do it.Pero sana nga. Sana ako na lang ang nawala, para hindi ko nararamdaman 'to. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na mabuhay dahil sa sinabi niya, na mas deserve ko ang mamatay.Dapat hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil wala naman siyang ibang itinuturing na anak kundi si Ate Deanna. Pero masakit pa rin talagang marinig. Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko at iniwasan ng tingin ang gunting. Iiyak lang ako pero hindi ko gagawin ang ginawa ni Ate Deanna. Hindi ko sasaktan ang sarili ko. Hindi ako mahina. I won't let my emotions control me.Ilang ulit akong bumuntong-hininga para ma
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more

Chapter 9-That Smirk

[Devon Serrano]"Tell me what the fuck are you?!" I hissed out of frustration.He couldn't even talk. He was just looking at me with his lips parted a bit."Miss Serrano...I don't know what you're talking about." He let out a short laugh like I asked him a ridiculous question. "What am I? Hindi ba ako mukhang tao sa paningin mo?"Dumaan ang dalawang estudyante sa gilid namin at napatingin pa sila sa akin. Iniisip nila na inaaway ko si Sir Yuri pero wala akong pakialam. "Napapaligiran ka ng itim na usok..." nanlalaki ang mga matang sambit ko. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang timpla ng mukha niya. Binitawan niya ako at umatras palayo sa akin."I-Itim na usok?" tanong niya, parang naniniguro."What the hell are you?" I asked again, almost a whisper this time. He blinked twice. "M-Miss Serrano, calm down. I don't know what you're talking about."Lie.I could see fear in his eyes right now. He was swallowing hard like I caught him in the act of crime."What's happening here?" I w
last updateLast Updated : 2022-08-08
Read more
PREV
123
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status