Share

Chapter 4-Time

Author: TheChaserMe
last update Last Updated: 2022-08-08 21:47:27

[Devon Serrano]

Death is inevitable. Only God knows when or how we will die. 

Ang Dios lang ang may karapatan na bawiin ang buhay na binigay niya. Pero sa ginawa ni Ate Deanna, parang pinangunahan niya ang Dios. 

Kung totoong ang Dios lang ang may karapatan sa buhay ng mga nilalang sa mundo, bakit 'yon nagawa ni Ate Deanna? Kontrolado pa ba 'yon ng Dios? 

Hindi ako mahilig magbasa ng Bible pero alam kong pinagbabawal ng panginoon na kitilin ng mga tao ang sarili nilang buhay dahil matinding kasalanan iyon.

Kung gano'n, sinong dapat sisisihin sa nangyari? Si Ate Deanna? Ang Dios? O ang mga tao sa paligid niya? Ako?

Alam kong may problema siya noong gabing 'yon pero hindi ko binigyan ng pansin. Dapat pinilit ko siyang sabihin sa akin ang problema niya, hindi sana nangyari sa kaniya ito. Buhay pa sana siya ngayon.

"Anak ko!" Walang tigil sa pag-iyak si Mama habang nasa harap ng kabaong ni Ate Deanna. Inaalalayan siya ni Tito Arthur dahil mukhang mahihimatay na siya.

Nanatili akong nakatayo sa maluwang na pintuan ng arrangement room kung saan naroon ang gold casket ni Ate Deanna. Halos mapuno na ang silid ng mga nakikiramay pero hindi ko magawang tumapak papasok.

Nasa loob na ang mga kaibigan at blockmates ni Ate Deanna, mga kaibigan ni Mama at ni Tito Arthur. Puno ng iyakan sa loob, halatang nasasaktan sila sa pagkawala ni Ate Deanna. 

Tahimik na tumulo ang luha mula sa mga mata ko habang nakatanaw sa kabaong ni Ate. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pamamanhid ng buong katawan ko. Masakit na rin ang ulo at mga mata ko sa sobrang pag-iyak.

Gusto kong sumilip sa loob pero hindi ko kayang makita si Ate Deanna na nakahiga sa kabaong niya. Hindi ko kaya. Ayaw tanggapin ng puso ko na gano'n siya kabilis nawala. 

Magkausap pa kami kagabi. Humingi pa siya ng tawad. At ang masaklap, hindi ko siya nagawang patawarin kahit ang totoo ay wala naman talaga siyang kasalanan sa akin. Nadamay siya sa galit ko kay Mama. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang iparamdam sa akin na mahal niya ako. Napakasama kong kapatid sa kaniya. 

Inalis ko ang suot kong salamin at pinunasan ang luha sa mga mata ko gamit ang puting panyo. May humawak sa balikat ko kaya kaagad akong napalingon sa likod.

Nakasuot siya ng itim na polo na bukas ang tatlong botones. Wala sa ayos ang maikli niyang buhok at halatang nagmadali siyang pumunta rito.

"K-Kuya Jason?" Napakurap ako.

Hindi siya nagsalita pero kitang-kita sa namumula niyang mga mata na galing siya sa matinding pag-iyak. 

"I-I came as soon as I heard. Bakit hindi mo sa akin sinabi ang nangyari kay Deanna? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Cheska ay hindi ko pa malalaman." 

Nanatili ang titig ko sa mukha niya, naghahanap ng kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa utak ko ngayon.

"Nag-away kayo ni Ate Deanna kagabi." Bigla na lang iyon lumabas mula sa bibig ko, inaalala ang mga narinig ko kagabi nang bumaba ako ng kusina.

"Ano ba, Jason! Kaunting effort naman sa relasyon natin, oh!"

"Hindi mo naiintindihan, eh! Ngayon nga kita gustong makita!"

Kumunot ang noo ni Kuya Jason. "O-Oo, nag-away kami kagabi. Gusto niya kasi na puntahan ko siya sa bahay n'yo pero alam mo naman na hindi pa kami legal sa pamilya n'yo, 'di ba? Hindi ko siya nagawang suyuin kasi pagod ako galing ng OJT sa ospital. Tinawagan ko siya kaninang umaga pero hindi ko na siya ma-contact. Akala ko nagtatampo lang siya pero...nabalitaan ko na lang kay Cheska na patay na siya."

Sumilip siya sa loob. Halatang gusto niyang pumasok para tingnan si Ate Deanna.

"Hindi ka ba nagtaka kung bakit ka niya gustong papuntahin sa bahay namin kagabi?"

Napatingin siya ulit sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"Bakit ganyan ka makatanong sa 'kin? Iniisip mo ba na ako ang dahilan kung bakit ginawa 'yon ng ate mo?"

Nakipagtagisan ako ng tingin sa kaniya at hindi bumitaw. Bumuka ang bibig ko para magsalita pero biglang may nagsalita sa likod niya.

"Devs! Oh my God!" Niyakap ako ni Ate Cheska, ang close friend at blockmate ni Ate Deanna. 

Kahit nabigla ako sa pagsulpot niya ay niyakap ko na lang siya pabalik dahil nag-umpisa na siyang umiyak sa balikat ko. 

"I-I don't know what to feel." Binitawan niya ako kaya nakita ko ang namamasa niyang pisngi dahil sa luha. "Hindi ko in-expect na gagawin 'to ni Deanna. My God, may balak pa kaming pumunta sa salon next week. Bakit niya ginawa 'yon?"

"H-Hindi ko rin alam, Ate Cheska." Tumingin ako kay Kuya Jason. "Pero aalamin ko ang totoo."

Sa isang katulad ni Ate Deanna na masayahin, palaging positibo sa buhay at mapagmahal, hindi iisipin ng sinuman na kaya niyang kitilin ang sarili niyang buhay. 

Alam kong may matindi siyang dahilan. Hindi niya gagawin 'yon kung wala siyang mabigat na problema. At 'yon ang aalamin ko.

"Jason," tawag ni Ate Cheska kay Kuya Jason. "Let's go inside."

"Pero hindi nila ako kilala. Baka magtanong sila kung kaano-ano ko si Deanna," angil ni Kuya Jason.

Oo nga pala. Bukod sa akin ay alam din ni Ate Cheska ang relasyon ng kapatid ko at ni Kuya Jason.

"I will introduce you as Deanna's friend if that's what you want," Ate Cheska uttered before pulling his arm.

Sumunod ako sa kanilang dalawa at pinanood kung paano ipakilala ni Ate Cheska si Kuya Jason kay Mama at Tito Arthur. Kalmado na rin si Mama ngayon.

Habang nag-uusap sila ay naglakad ako papunta sa kabaong ni Ate Deanna.

My tears began to fall again as I saw her lying on her own casket. She looked beautiful in white dress. She was smiling peacefully.

Hinawakan ko ang salamin ng kabaong niya at tiningnan ang mga pangalan sa harap.

"If I only knew...sana sinamahan kita sa problema mo," I whispered, sobbing. "I would've treated you nicely. I'm sorry you have to go through that pain alone. I-I'm sorry, Ate..."

Pero gusto kong ipangako sa sarili ko na aalamin ko ang dahilan kung bakit niya ginawa 'to. Kahit patay na siya, gusto ko pa rin malaman ang dahilan. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman 'yon.

"I feel like I've lost my own daughter."

Lumingon ako sa gilid ko at naroon si Tito Arthur, nakatayo sa tabi ko at nakatingin kay Ate Deanna. Panay ang singhot niya at maga na rin ang mga mata.

"Mula nang ikasal kami ni Digna, minahal ko na rin kayo ni Deanna bilang tunay na anak. I gave everything to you and to your mom...para hindi kayo mawala sa akin. Dahil gusto ko ng isang pamilyang buo at masaya. Iyon lang naman ang gusto ko, eh." 

Parang piniga ang puso ko nang makita ang sakit sa mga mata niya. Alam ko at ramdam ko na tinuring niya talaga kami ni Ate Deanna bilang tunay na anak. Nakikita ko rin na mahal na mahal niya si Mama. 

"Pero kahit pala ibigay ko ang lahat, wala akong magagawa kung oras niya na." He looked at me, giving me a painful smile. "Ang ganda niya pa rin kahit natutulog, 'no?" A tear fell from his eye. "Pareho kayong maganda ng ate mo."

Napangiti ako. "I wish she was just sleeping, Tito Arthur. Pero tama ka, ang ganda niya pa rin."

Hinaplos niya ang likod ng ulo ko bago ako niyakap.  

"Alam kong mahirap, alam kong mabigat para sa 'yo at kay Digna...pero nandito lang ako para sa inyo," bulong niya.

Maya-maya ay lumapit na rin si Kuya Jason at Ate Cheska sa kabaong ni Ate Deanna. Si Tito Arthur naman ay umupo sa tabi ni Mama dahil nagsimula na naman itong umiyak. Hindi ko siya magawang lapitan dahil hindi ko naman maramdaman na kailangan niya ako. 

Tiningnan ko si Kuya Jason at nakatulala lang siya habang tahimik na umiiyak. Inalalayan ko naman si Ate Cheska dahil nagsimula na siyang humagulhol at halos matumba na. 

"W-Why did you do this, Deanna? Bakit hindi mo sa 'kin sinabi na may problema ka?" tanong ni Ate Cheska sa pagitan ng pag-iyak. "I-I thought you were okay. I-I didn't know na may pinagdadaanan ka na pala."

"Wala rin siyang sinabi sa akin," segunda ni Kuya Jason. "Basta ang alam ko lang, iyak siya nang iyak at gusto niyang puntahan ko siya kahit madaling-araw na." 

Napatingin ako sa kamao niya nang kumuyom ang mga iyon.

"Takot na takot siya," dagdag niya. "Tinatanong ko siya kung anong problema pero ayaw niyang sabihin. Kahit hindi ko siya kasama, ramdam ko ang panginginig niya. Kaya imbes na ako ang imbestigahan mo, tanungin mo muna ang sarili mo kung bakit nagkagano'n si Deanna. Nasa puder n'yo siya."

Umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko. He was talking to me...obviously.

"Sinasabi mo bang may kasalanan ako kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko?"  

"Devs," saway ni Ate Cheska, hinawakan pa ako sa braso. "Stop it. Nasa harap tayo ni Deanna."

"I guess we have a lot to talk about," I told him before I marched my way out of the room.

Sumunod naman si Kuya Jason at umupo kami sa puting bench na nasa labas. 

"Hindi ko sinasabing may kasalanan ka sa nangyari kay Deanna," panimula ni Kuya Jason. "Pero hindi  mo ba naisip na baka alam ng mama mo kung bakit ginawa 'yon ng kapatid mo? Nasa bahay n'yo siya kagabi bago siya nagpakamatay."

"I don't know. Hindi pa kami nag-usap ni Mama," sagot ko habang nakatulala sa harap. "At kung alam niya ang dahilan, hindi niya hahayaang gawin 'yon ni Ate Diana. Mahal na mahal niya ang panganay niya."

"Ang Tito Arthur mo?"

"Pwede ba?" Nilingon ko siya. "Tigilan mo ang pag-imbestiga sa kanila. Wala silang alam. Pumunta sila ng cruise party kagabi at imposibleng may alam sila. Ang sigurado lang ako ay may matinding problema si Ate Deanna na mag-isa niyang kinimkim. At kung meron man akong iiimbestigahan ay ikaw 'yon, Kuya Jason."

He let out a short, sarcastic laugh as he shook his head lightly. 

"Sinabi ko na sa 'yo, Devon. Wala akong alam. Kung may mga naging problema man kami ni Deanna nitong nakaraang linggo ay napag-uusapan namin iyon. Hindi umaabot sa puntong itinatago niya ang problema niya."

Napailing ako. "Kung hawak ko lang sana ang phone ni Ate Deanna." 

Hindi namin nakita ang phone ni Ate Deanna. Makakatulong sana iyon para malaman namin kung sino ang huli niyang nakausap bago siya nagpakamatay.

Napatingin ako sa phone ni Kuya Jason nang iabot niya sa akin iyon.

"Basahin mo ang conversation namin ng ate mo bago siya namatay. Wala akong binura diyan."

"Phone ni Ate Deanna ang kailangan ko—"

"Kung 'yan lang ang magpapatigil sa 'yo para paghinalaan ako, basahin mo."

Nakipagtagisan kami ng tingin sa isa't isa. Nasa mga mata niya ang pagiging determinado na linisin ang pangalan niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi kunin ang phone niya.

Kaagad kong binasa ang convo nilang dalawa ni Ate Deanna. Una kong nakita ang huling message ng kapatid ko sa kaniya bandang 4:33 a.m.

From: Love

I will always love you, Jason. I'm sorry for all the things that I've done. You've done nothing wrong. Lahat ginawa mo para mapasaya ako. I'm sorry kung hindi na kita maipapakilala kay Mama. Time is the only greatest enemy. 

Parang piniga ang puso ko nang basahin ko 'yon. I couldn't help but to feel jealous that my own sister left a short, farewell message to her boyfriend. Hindi niya nagawang magpaalam sa akin.

"Tulog na ako nang i-send niya sa akin 'yan. Kinabahan kaagad ako nang mabasa ko 'yan paggising ko," kwento ni Kuya Jason. Nang tingnan ko ang mukha niya ay nakatingala na siya sa kisame habang tahimik na umiiyak. "I tried calling her but to no avail. Gustuhin ko man na puntahan siya kanina, hindi ko na nagawa dahil may klase pa ako."

The fact that my sister clearly stated in her message that Jason did nothing wrong, I couldn't help but to feel ashamed. Hinusgahan ko siya kaagad.

"Ayos lang ako." Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. "Hindi kita masisisi kung pinaghinalaan mo ako." Tumingin siya sa akin at ngumiti—'yong ngiting puno ng sakit. "Alam mo kung saan ako mas nasasaktan ngayon? Iyong ang dami naming pangarap ng kapatid mo, pero naglaho lahat ng iyon. Alam mo bang may balak kaming magpakasal kapag naging stable na kami pareho?"

Parang binabayo nang malakas ang dibdib ko ngayon habang nakatingin sa kaniya. Alam kong magkaiba kami ni Kuya Jason: kapatid ako at boyfriend siya, pero alam ko na parehong sakit lang ang nararamdaman namin ngayon dahil sa pagkawala ng isang taong importante sa amin. 

"Gusto kong magwala. Gusto kong magalit. Pero anong magagawa ko, 'di ba? Hindi na mabubuhay ulit si Deanna. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay hanapin ang katotohanan sa pagpapakamatay niya."

"And how would you do that?" I asked him. 

"Tulungan mo ako." Dahan-dahan siyang lumingon sa akin.

"No," I replied, full of conviction. "I want to know the truth but I don't need your help."

"Pero kapag nagtulungan tayo, baka mahanap natin ang sagot."

Umiwas ako ng tingin at nag-scroll down sa convo nila ni Ate Deanna. 

"We have different ways to know the truth. You take yours..." I stopped scrolling through his phone when I saw a certain message sent by my sister two days ago. "I'll take mine..." 

From: Love

Love, kinukulit ako ni Yael. Please talk to him. He almost kissed me when I was alone inside our room.

Umangat ang sulok ng labi ko at tumingin ulit kay Kuya Jason. Confusion was written on his face.

"However, I think I'll need your little help on this one." 

"W-What kind of help?" tanong niya.

Related chapters

  • The Tale of Nayagi   Chapter 5-Tempting the Tempter

    [Devon Serrano]"Papasok ka ng school, Ma'am Devon?" takang tanong ni Kuya Gab bago binuksan ang pinto ng kotseng sasakyan ko.Hindi ko siya sinagot at umupo lang ako sa backseat bitbit ang bag ko. Pangatlong beses ko nang narinig ang tanong na 'yan ngayong umaga. Unang nagtanong sa 'kin ay si Tito Arthur kanina, sunod ay si Manang Lydia na mayordoma namin. Hindi ko sila masisisi dahil nakaburol pa rin si Ate Deanna pero heto ako at gusto nang pumasok.Para sa 'kin, pwede akong magluksa habang may ginagawang hakbang sa pag-alam ng katotohanan. Kaya ko naman, eh. Kinakaya ko pa rin ang sakit. Hindi ako katulad ni Mama na halos ayaw nang umalis sa tabi ng kabaong ni Ate Deanna."Ma'am Devon, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mong pumasok kahit hindi ka pa okay," wika ni Kuya Gab. Umaandar na ang kotse pero pasulyap-sulyap siya sa akin sa rearview mirror. Halatang nag-aalala siya para sa akin. Naalala ko tuloy na sobrang lakas ng iyak niya kahapon nang malaman niya ang nangya

    Last Updated : 2022-08-08
  • The Tale of Nayagi   Chapter 6-When Their Eyes Met

    [Devon Serrano]"I know..."Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko.Umangat ang sulok ng labi ko at tuluyang inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya."Alam kong alam mo na ako si Devon Serrano, na kapatid ni Deanna Serrano na nagpakamatay dahil sa 'yo," matigas na wika ko.Umawang ang labi niya at mabilis akong tinulak. Bumaba siya mula sa kama at tiningan ako nang masama. Akala niya siguro ay siya ang panalo sa aming dalawa. "I saw you staring at my ID before we got here." Bumaba rin ako mula sa kama at isinuot ulit ang blouse ko. "Actually, I did it on purpose. I want you to show your true color to me kapag tayo na lang dalawa.""Ang lakas ng loob mo," wika niya sabay ngisi. "Anong ginagawa mo? Gusto mo bang malaman kung ako ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid mo? Hindi mo naman kailangan na gawin 'to para malaman ang totoo." Humakbang siya palapit sa akin at yumuko sa mukha ko kaya halos magdikit ang mga mukha namin. "Dahil papatunayan ko sa 'yo n

    Last Updated : 2022-08-08
  • The Tale of Nayagi   Chapter 7.1-Arseo

    [Damon Cahill]"Ang dapat mong itanong: Ano ang kaya naming gawin?"Gusto kong makita ang takot sa mukha ni Devon pero wala akong ibang nakita sa mga mata niya kundi ang matinding determinasyon na malaman kung anong klase akong nilalang.Ibang klaseng babae 'to. Marunong ba 'tong matakot? Sabagay, pa'no ba 'to matatakot kung pogi ang kaharap niya? Tss.Walang paalam na naglaho na lang ako bigla sa harap niya. Natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng condo ng kaibigan ko na palagi namang wala kaya halos ako na lang ang nakatira.Hinubad ko ang hood at mask ko at saka pinagpagan ang medyo mahaba kong buhok. Para 'kong may kuto, nangangati pati anit ko. Tagal ko ba naman nakasuot ng hood. Kung 'di ko lang talaga kailangang itago ang gwapo kong mukha, eh. Kaso 'di pwede."Hay, ako na naman mag-isa rito." Nag-inat ako ng katawan bago sumalampak sa couch."Where have you been?" "Ay, tangina mo!" Tinaas ko ang mga paa ko sa couch at niyakap ang mga tuhod ko nang lumitaw sa harap ko ang kaibiga

    Last Updated : 2022-08-08
  • The Tale of Nayagi   Chapter 7.2-Arseo

    Nang makabalik kami ng kaibigan ko sa condo, inutusan niya kaagad ako na magpalit ng suot dahil 'yon daw ang suot ko noong patayin ko ang kapatid ni Leon."Iniimbestigahan siya ng mga pulis," nakatulalang sabi ng kaibigan ko habang nakaharap sa laptop niya.Isinuot ko ang dilaw kong t-shirt at umupo sa tabi niya para sumilip sa laptop.Kumunot ang noo ko dahil Plants vs Zombies pala 'yon. Akala ko nagtatrabaho si gago."Stupid. Nasa diwa ako ni Devon," sabi niya nang tingnan ko siya nang masama. "The police officers were asking her about Yael's suicide case." Napatalon ako sa gulat nang suntukin niya ako sa braso. "Kasalanan mo 'to, eh. Hindi sana iimbestigahan si Devon kung hindi mo pinakialaman 'yong Yael na 'yon.""Talagang iiimbestigahan siya dahil nasa loob siya ng condo unit ng Yael na 'yon bago nagpakamatay. Saka huwag mo nga akong sisihin. Nabasa ko ang emosyon ni Yael. Puno ng pagsisisi ang puso niya dahil sa nangyari sa kapatid niya kaya inutusan ko siya na tapusin na lang a

    Last Updated : 2022-08-08
  • The Tale of Nayagi   Chapter 8-What Are You?

    [Devon Serrano]Bakit kasi siya pa ang nawala, eh! Bakit hindi na lang ikaw?! Bakit hindi na lang ikaw?!"Parang sirang plaka, paulit-ulit kong narinig ang masakit na salitang binitawan ni Mama sa akin kanina lang.Lumingon ako sa gilid kung saan nakapatong ang isang gunting sa side table. Gusto kong kunin 'yon at gamitin para saktan ang sarili ko, but somehow...my mind was telling me not to do it.Pero sana nga. Sana ako na lang ang nawala, para hindi ko nararamdaman 'to. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na mabuhay dahil sa sinabi niya, na mas deserve ko ang mamatay.Dapat hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil wala naman siyang ibang itinuturing na anak kundi si Ate Deanna. Pero masakit pa rin talagang marinig. Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko at iniwasan ng tingin ang gunting. Iiyak lang ako pero hindi ko gagawin ang ginawa ni Ate Deanna. Hindi ko sasaktan ang sarili ko. Hindi ako mahina. I won't let my emotions control me.Ilang ulit akong bumuntong-hininga para ma

    Last Updated : 2022-08-08
  • The Tale of Nayagi   Chapter 9-That Smirk

    [Devon Serrano]"Tell me what the fuck are you?!" I hissed out of frustration.He couldn't even talk. He was just looking at me with his lips parted a bit."Miss Serrano...I don't know what you're talking about." He let out a short laugh like I asked him a ridiculous question. "What am I? Hindi ba ako mukhang tao sa paningin mo?"Dumaan ang dalawang estudyante sa gilid namin at napatingin pa sila sa akin. Iniisip nila na inaaway ko si Sir Yuri pero wala akong pakialam. "Napapaligiran ka ng itim na usok..." nanlalaki ang mga matang sambit ko. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang timpla ng mukha niya. Binitawan niya ako at umatras palayo sa akin."I-Itim na usok?" tanong niya, parang naniniguro."What the hell are you?" I asked again, almost a whisper this time. He blinked twice. "M-Miss Serrano, calm down. I don't know what you're talking about."Lie.I could see fear in his eyes right now. He was swallowing hard like I caught him in the act of crime."What's happening here?" I w

    Last Updated : 2022-08-08
  • The Tale of Nayagi   Chapter 10-The Heart of Nayagi

    [Damon Cahill]Mainipin akong tao pero para sa isang partikular na tao na sobrang importante sa akin, kaya kong maghintay nang matagal."Five-hundred six anak ng tupa, five-hundred seven anak ng tupa—Hay, salamat!" Umalis ako mula sa pagkakasandig sa gilid ng main gate ng Anderson University nang makita ko si Dylan na lumabas doon, sukbit sa isang balikat ang bag at may hawak na isang plastik ng potato chips.Inalis ko ang hood sa ulo ko at pumaswit para kunin ang atensyon niya. Napatigil siya sa pagsubo ng potato chips at luminga sa paligid, hinahanap ako.Para pa rin siyang bata na nawawala. Napailing ako sa naisip ko."Totoy!" tawag ko.Nang magtama ang paningin naming dalawa ay awtomatikong nangasim ang kaniyang mukha. Naglakad siya palapit sa akin at sumubo ng ilang pirasong potato chips."Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong niya, puno pa ang bibig habang ngumunguya.Tiningnan ko nang masama ang hawak niyang potato chips. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akin na nga 'yan."

    Last Updated : 2022-08-09
  • The Tale of Nayagi   Chapter 11-Right Place?

    [Devon Serrano]Bago pa lumingon sa direksyon namin si Sir Yuri ay hinatak ko na ang braso ni Kuya Jason para isama siya sa paglabas sa locker room."Miss Serrano!" habol ni Sir Yuri. Dire-diretso lang ang paglalakad namin ni Kuya Jason hanggang sa humarang siya sa dinaraanan namin. "Anong nakita n'yo?" Iyon kaagad ang tinanong niya. I tried so hard not to yell at him. "Frankly speaking, I saw you talking with that demon-like creature, Sir Yuri."He blinked. "Y-You saw...him?""And the black smokes around you," I added. "Ngayon, sigurado na ako na hindi ka tao. Sigurado rin ako na hindi ka dapat pagkatiwalaan.""Devon," he called my name for the first time. "I know it's hard to believe but I don't mean any harm...lalo na sa 'yo.""Kung totoo 'yan, bakit isa sa inyo ang pumatay sa girlfriend ko?" Kuya Jason joined the conversation. I turned my head to Kuya Jason, giving him a questioning look. Paano niya nasabing may kinalaman ang mga katulad ni Sir Yuri sa pagpapakamatay ni Ate De

    Last Updated : 2022-08-09

Latest chapter

  • The Tale of Nayagi   Chapter 20-Untold Secret

    [Devon Serrano]"Hindi mo naman sinabing may girlfriend ka na, anak."This is freaking awkward.I mentally cursed Dylan for introducing me to his mother as her girlfriend. Paalis na sana ako kanina sa bahay nila pero nakita nila ako. Kaya heto kami ngayon at nakaupo sa malawak nilang living room. Ayaw akong lubayan ng titig ng nanay ni Dylan. Panay pa ang ngiti sa akin na para bang nakakita siya ng dyosa."Aalis na po ako." Tumayo na ako bitbit ang bag ko pero hinatak ni Dylan ang likod ng damit ko para umupo ulit ako."Dito ka muna, Babe."Babe? What the fuck?Pinandilatan ko siya ng mata. Sa isip ko ay paulit-ulit ko na siyang sinasaksak. Ngumiti lang siya at nag-type sa cellphone niya. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko at nakitang nag-chat siya sa 'kin.Dylan Cahill:Makisama ka na lang. Hindi ko naman kasalanan na natulog ka pa sa kwarto ko kaya naabutan niya tuloy na may babae akong pinapasok sa kwarto ko. Animal ka.I gave him a deadly glare but he just made a face. I sighed

  • The Tale of Nayagi   Chapter 19.2-Find His Weakness

    "Iniisip mo siguro kung bakit hindi siya nakatira dito kasama namin ni Nanay," tanong ni Dylan maya-maya.Pinaikot ko ang mga mata ko. Maghuhula na lang siya tapos mali pa. Hindi na lang ako sumagot kahit pa interesado rin akong malaman."Hindi kasi pwedeng magpakita si Kuya kay Nanay...at hindi rin pwedeng malaman ng lahat na buhay pa siya. Halos lahat ng Nayagi ay nagtatago at hindi nagpapakita dahil nga alam ng mga tao na patay na sila. Pero may ilan sa kanila ang namumuhay nang normal katulad ni Sir Yuri. At si Kuya Damon...gustuhin niya man na makasama ako pero hindi pwede.""Bakit? Namatay ba siyang kriminal noon para magtago siya?" I asked him sarcastically. It was supposed to insult his brother but he looked at me seriously. Mukhang siya ang nainsulto."Tama ka. Nakakulong siya nang mamatay siya sa loob ng selda. Pero mali ka sa sinabi mong kriminal siya." Tumayo siya bitbit ang tray na may mga pagkain. Tapos na pala siya. "Alam mo...lahat ng tao ay may madilim na kwento. Mas

  • The Tale of Nayagi   Chapter 19.1-Find His Weakness

    [Devon Serrano]"Hindi mo ba siya dadalhin sa ospital?" tanong ko kay Dylan habang nakatitig kay Damon na ngayon ay nakahiga sa kama. Panay ang ungol niya. Wala siyang suot na damit kaya kitang-kita ko ang malaki at namumulang sugat niya sa dibdib. "Kayang pagalingin ng mga Nayagi ang sarili nila. Kung simpleng sugat lang, magaling na sana kaagad si Kuya. Pero dahil galing sa apoy ng kapwa niya Nayagi ang sugat na 'yan, mabagal ang paggaling niya."I turned my head to Dylan. He was standing beside me while looking at Damon. Mukhang nawala na ang lagnat niya. Kanina ko pa nahahalata na halos ayaw niya akong tingnan."Alam kong galit ka kay Kuya pero kung may balak kang masama sa kaniya, huwag mo nang ituloy," sabi niya habang hindi nakatingin sa akin.I stared at his side profile. He really looked like his brother. Magkaiba nga lang ng hairstyle."Galit ka ba?" tanong ko sa kaniya."Sinong hindi magagalit?" he shot back. "Pinuntahan mo 'ko rito at inakala kong concern ka sa akin kasi

  • The Tale of Nayagi   Chapter 18-True Damon

    [Devon Serrano]"Tama nga ako...ikaw ang may pakana nito." Nagulat na lang ako nang biglang sakalin ni Damon ang kausap niya at nawala silang dalawa sa paningin ko. Nangibabaw ang pagkabasag ng malaking vase sa likod ko at napalingon ako ro'n.Damon was locking his arm around the other Nayagi's neck but the latter was able to free himself by doing a backflip. They both landed drastically on the floor full of broken pieces of vase.Naunang tumayo ang Nayaging kalaban ni Damon at akmang susugod ulit pero humarang kaagad ako sa kaniya."Ginamit mo 'ko..." gigil na sabi ko sa kaniya.Nakikilala ko siya. Siya 'yong Nayagi na nagsabi sa akin na gamitin ko si Dylan para makilala kung sino ang admin ng Alpas Confession Files. Obviously, he used me to lure out Damon."Ano naman ngayon kung ginamit kita?" nakangising tanong niya. "Hindi ikaw ang pakay ko kaya tumabi ka!"Bago niya pa ako matabig pagilid ay naunahan na siya ni Damon na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa likod ko. He purpos

  • The Tale of Nayagi   Chapter 17-Face-off

    [Devon Serrano]Pinagmasdan ko ang itsura niya. Nakasuot pa siya ng puting t-shirt at blue pajama na may design ng cartoon characters. Gulong-gulo ang buhok niya at putlang-putla ang mukha."Papasukin mo 'ko." Nilampasan ko siya para makapasok sa kwarto niya."Wow. Hindi pa nga ako nakakasagot pero pumasok ka na."I made a disgusted face as I roamed my eyes around his room. Damit dito, damit doon. Controller dito, potato chips doon. Ano ba 'to? Plates niya lang yata ang maayos na nakalagay sa study table."Mas lalo kang magkakasakit dahil sa itsura ng kwarto mo," napapailing na sabi ko.I heard his lazy sigh before he went back to his bed. Patalon ang ginawa niya, una ang mukha. "Pumunta ka ba rito para punain ang kwarto ko? Para ka namang si Mama," reklamo niya habang nakasubsob ang mukha sa unan."Do not compare me to your mother. Kung anak kita, hindi kita iiwan dito kung alam kong may sakit ka.""Nakalimutan ko na Nursing student ka pala. Paranas namang alagaan, oh. Marunong ka b

  • The Tale of Nayagi   Chapter 16.2-Take the Bait

    [Devon Serrano]"Nayagi..." bulong ko kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamao.Posibleng ang admin ng Alpas at ang Nayagi na pumatay sa kapatid ko ay iisa.Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang maramdaman ko ang presensya ng isang nilalang sa likod ko.Tumayo kaagad ako para harapin kung sinuman ang nilalang na 'yon."Sino ka?!" tanong ko sa Nayagi na kaharap ko.Hindi ko siya kilala. Ibang Nayagi ang kaharap ko ngayon. Nakasuot siya ng itim na muscle tee shirt kaya kitang-kita ko ang mga braso niyang puno ng tattoo. Spiky ang buhok niya at may lip ring sa labi. Nakangisi siya sa akin ngayon.I could feel the shivers in my spine as I stared at his full, black eyes."Gusto mong malaman kung sino ang admin ng grupe page na 'yan?" tanong niya habang humahakbang palapit sa akin. Napaatras ako pero hindi ako nagpakita ng takot."Anong alam mo?" I tried so hard not to stutter. I had to look feisty in front of him.He took another step forward, forcing me to take a step back."Kaya mo bang g

  • The Tale of Nayagi   Chapter 16.1-Take the Bait

    [Damon Cahill]"Buhay pa ba 'yan?""Buhay pa, boss. Gumagalaw pa, eh.""Tirahin na natin 'yan. Ang angas, eh.""H-Huwag..." Umubo ako nang may kasamang dugo, pilit kong hinahabol ang aking paghinga. "M-May kapatid ako...""Pa'no 'yan? Wala kaming pakialam!" Nangibabaw ang mala-demonyong pagtawa ng lalake."Tapusin na natin 'yan!"Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa sikmura ko. Paulit-ulit 'yon at wala akong ibang nagawa kundi ang sumigaw sa sakit.Biglaan ang pagbangon ko habang naghahabol ng hininga. Tumutulo pa ang pawis mula sa noo ko.Luminga ako sa buong paligid at kaagad akong nasilaw sa liwanag ng araw na sumisilip sa bintana ng sala. Unti-unti kong naalala ang nangyari kagabi: ang pagsugod ni Leon, ang pagpapakain niya ng bulaklak kay Yuri at ang pagsaksak niya sa akin.Kaagad kong tiningnan ang sugat sa hita ko at nakitang magaling na 'yon."Yuri?" tawag ko sa kaniya nang makitang nakahandusay siya sa sahig, hindi gumagalaw.Gumapang ako palapi

  • The Tale of Nayagi   Chapter 15.2-The Confession

    [Rayver Cahill] "Ang dadrama naman ng mga 'to," nakasimangot na bulong ko habang binabasa ang confession ng mga sender ko. "Puro drama wala namang silbi." Tumunog ang phone ko na nakalagay sa gilid ng laptop. Napabuga ako ng hangin nang makitang si Dylan 'yon. Ano na naman kayang nagawa ko? Palagi naman siyang galit tuwing tumatawag siya. "Napatawag ka?" bungad ko nang sagutin ko ang tawag. "Umamin ka nga sa akin, ikaw ba ang pumatay do'n sa kapatid ni Devon?" Halatang galit siya dahil ang taas ng boses niya, makasigaw wagas. "Saan mo nakuha 'yan?" kalmadong tanong ko. "Sagutin mo na lang! Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang Nayagi na iha-hunting namin at papatayin?! Hindi ka nag-iingat! Hindi mo ba alam na nakakakita ng Nayagi si Devon?!" Kinamot ko ang aking sentido at humikab. "Hayaan mo na. Sinadya ko naman na magpa-hunting sa kaniya. Hindi ko lang inasahan na sasali siya sa grupo n'yo. Ano, kaya mo ba ako tinawagan para ipapatay sa grupo mo?" "Tanga ka ba? Magtago ka

  • The Tale of Nayagi   Chapter 15.1-The Confession

    [Devon Serrano] "Matangos ang ilong... medyo singkit na mga mata...manipis na labi...matulis ang panga...saka makapal na kilay...okay na ba 'to?" Ipinakita ni Dylan sa akin ang isang sketch ng mukha ng Nayaging nakaharap ko. Kaming dalawa lang ngayon ang magkaharap habang nasa kabilang dulo ng mesa si Scarlet at Wayne, nakikipag-usap sa mga sender nila via chat. "Kapalan mo pa nang kaunti ang kilay," wika ko sa kaniya. "At 'yong bangs niya, nakaharang sa kanang mata...parang ganito." Dumukwang ako sa mesa para abutin ang buhok niya. "O-Oy! Anong ginagawa mo?!" Inilag kaagad niya ang ulo niya kaya umupo na ulit ako nang maayos at pinagmasdan ang mukha niya. "B-Bakit ganyan ka makatingin? Crush mo ba 'ko, ha?!" "Tangina, Dylan, nasa kabilang dulo kami ng mesa pero rinig na rinig ko 'yang boses mo!" angil ni Scarlet habang nakaharap sa isang laptop. "Ito kasi si Devonyo, eh!" Tinuro niya ako na parang batang nagsusumbong. "Ngayon ko lang kasi napansin..." wika ko nang hindi ina

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status