Share

Chapter 10-The Heart of Nayagi

[Damon Cahill]

Mainipin akong tao pero para sa isang partikular na tao na sobrang importante sa akin, kaya kong maghintay nang matagal.

"Five-hundred six anak ng tupa, five-hundred seven anak ng tupa—Hay, salamat!"

Umalis ako mula sa pagkakasandig sa gilid ng main gate ng Anderson University nang makita ko si Dylan na lumabas doon, sukbit sa isang balikat ang bag at may hawak na isang plastik ng potato chips.

Inalis ko ang hood sa ulo ko at pumaswit para kunin ang atensyon niya. Napatigil siya sa pagsubo ng potato chips at luminga sa paligid, hinahanap ako.

Para pa rin siyang bata na nawawala. Napailing ako sa naisip ko.

"Totoy!" tawag ko.

Nang magtama ang paningin naming dalawa ay awtomatikong nangasim ang kaniyang mukha. Naglakad siya palapit sa akin at sumubo ng ilang pirasong potato chips.

"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong niya, puno pa ang bibig habang ngumunguya.

Tiningnan ko nang masama ang hawak niyang potato chips. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akin na nga 'yan."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status