[Damon Cahill]"Sigurado kang magre-resign ka na?" tanong ko kay Yuri habang pinapanood ko siyang salinan ng alak ang shot glass. Kumukuyakoy lang ako sa tabi niya at kumakain ng potato chips."If that's the only way para hindi ma-involve sa atin si Devon, gagawin ko." Tinungga niya nang isahan ang laman ng shot glass. "Bakit kasi hindi ka na lang magpakilala sa kaniya? Hindi 'yong magtatago ka. Para ka naman kasing ewan.""Matatanggap niya ba ako kapag nagpakilala 'ko sa kaniya?" Napailing siya. "Imposible.""Iyon lang." Kinuha ko ang shot glass, sinalinan iyon ng alak, at tinungga. "Noong malaman niya nga na hindi ako tao, kitang-kita ko sa mga mata niya na diring-diri siya sa 'kin. Kaya...mas mabuting hindi niya na lang alam kung sino ako."Pabagsak kong ibinaba ang shot glass sa mesa. "Tanga mo talaga, brad. Ang talino mo, professor ka tapos nagpapakatanga ka sa babaeng 'yon.""That's love," natatawang sabi niya sabay suntok sa braso ko. "Malabo, eh. Ang tanong: Nararapat ba si
"Magpakita ka. Mas swerte ka nga kasi mag pamilya ka pa," sabi niya maya-maya.Tiningnan ko siya. "Wala ka nang pamilya?"Umiling siya bilang sagot. "Patay na ang mga magulang ko. Wala rin akong naging asawa noong normal na tao pa lang ako. Kahit ngayon, wala akong balak na mag-asawa kasi...sino namang tatanggap sa katulad natin, 'di ba? Sa totoo lang, kaya kita dinala rito para naman may makasama ako. Mahirap din mag-isa, 'no?"Napaismid ako. "Anong akala mo? Titira ako rito kasama mo?""May mauuwian ka ba?" Tinaasan niya ako ng kilay."W-Wala." Umiwas ako ng tingin."Dito ka na lang." Sumandig siya sa upuan at nilagay ang mga kamay sa likod ng ulo. "Kahit huwag ka nang magtrabaho basta may kasama ako rito. Tuturuan pa kitang maging magaling na Nayagi.""Bakit hindi ka na lang kasi maghanap ng babaeng ibabahay mo? Ah, alam ko na. Wala ka pa sigurong nagugustuhang babae."Napatingala siya sa kisame, nakangiti na parang tanga. "Actually, meron. Matagal ko na siyang mahal.""Sino naman?
[Devon Serrano] Tatlong katok mula sa labas ng pinto ang nagpatigil sa akin sa pag-iyak. Wala na siya sa harap ko. Pagkatapos niyang aminin sa akin na siya ang pumatay sa kapatid ko ay naglaho na lang siya bigla. Gustong-gusto ko siyang patayin! Pero paano?! Paano ko gagawin 'yon kung ang kakayahan ko lang ay makita siya?! Wala akong alam sa mga katulad niya at hindi ko rin alam kung ano ang mga kahinaan niya! Narinig ko ulit ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ko kaya inayos ko ang sarili ko bago ko binuksan 'yon. It was Manang Lydia. She was holding an eight-inches panda stuffed toy. "What is it?" I asked her with my voice broken. "Devon, naglinis ako ng dating kwarto ng Ate Deanna mo. Nakita ko 'to." Inabot niya sa akin ang panda pero tiningnan ko lang 'yon. "Anong gagawin ko riyan, Manang Lydia?" The old woman smiled at me. "May voice recorder 'to. Aksidente kong napindot nang pulutin ko sa ilalim ng kama niya. May mensahe siya para sa 'yo." Tiningnan ko ang stuffed toy
"Anonymous Secret Files?" basa ko sa pangalan ng group page na pinakita ni Wayne sa akin sa laptop niya.The group page has more than a million members. Karamihan sa mga post na nakita ko ay tungkol sa depression, anxiety at social issues na nararanasan at napapanahon ngayon, at galing iyon sa mga anonymous sender. "Hindi lang pino-post sa page ang mga confessions ng members namin, dahil bago pa 'yon ilabas, nabigyan na namin ng advice at motivational message ang sender, so they wouldn't do anything that could harm themselves."Napatingin ako kay Wayne nang marinig ang sinabi niya. "So, you spend a lot of time motivating your senders and giving them a piece of advice?""Not really. We use automated response feature to ask the sender first if they need a person to talk to, and then if they replied 'yes', we take the action of motivating them. You know, some of them merely want to share their problems and our group page serves as a breather to them."Wow. Just...wow. Hindi na lang ako
[Devon Serrano] "Matangos ang ilong... medyo singkit na mga mata...manipis na labi...matulis ang panga...saka makapal na kilay...okay na ba 'to?" Ipinakita ni Dylan sa akin ang isang sketch ng mukha ng Nayaging nakaharap ko. Kaming dalawa lang ngayon ang magkaharap habang nasa kabilang dulo ng mesa si Scarlet at Wayne, nakikipag-usap sa mga sender nila via chat. "Kapalan mo pa nang kaunti ang kilay," wika ko sa kaniya. "At 'yong bangs niya, nakaharang sa kanang mata...parang ganito." Dumukwang ako sa mesa para abutin ang buhok niya. "O-Oy! Anong ginagawa mo?!" Inilag kaagad niya ang ulo niya kaya umupo na ulit ako nang maayos at pinagmasdan ang mukha niya. "B-Bakit ganyan ka makatingin? Crush mo ba 'ko, ha?!" "Tangina, Dylan, nasa kabilang dulo kami ng mesa pero rinig na rinig ko 'yang boses mo!" angil ni Scarlet habang nakaharap sa isang laptop. "Ito kasi si Devonyo, eh!" Tinuro niya ako na parang batang nagsusumbong. "Ngayon ko lang kasi napansin..." wika ko nang hindi ina
[Rayver Cahill] "Ang dadrama naman ng mga 'to," nakasimangot na bulong ko habang binabasa ang confession ng mga sender ko. "Puro drama wala namang silbi." Tumunog ang phone ko na nakalagay sa gilid ng laptop. Napabuga ako ng hangin nang makitang si Dylan 'yon. Ano na naman kayang nagawa ko? Palagi naman siyang galit tuwing tumatawag siya. "Napatawag ka?" bungad ko nang sagutin ko ang tawag. "Umamin ka nga sa akin, ikaw ba ang pumatay do'n sa kapatid ni Devon?" Halatang galit siya dahil ang taas ng boses niya, makasigaw wagas. "Saan mo nakuha 'yan?" kalmadong tanong ko. "Sagutin mo na lang! Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang Nayagi na iha-hunting namin at papatayin?! Hindi ka nag-iingat! Hindi mo ba alam na nakakakita ng Nayagi si Devon?!" Kinamot ko ang aking sentido at humikab. "Hayaan mo na. Sinadya ko naman na magpa-hunting sa kaniya. Hindi ko lang inasahan na sasali siya sa grupo n'yo. Ano, kaya mo ba ako tinawagan para ipapatay sa grupo mo?" "Tanga ka ba? Magtago ka
[Damon Cahill]"Buhay pa ba 'yan?""Buhay pa, boss. Gumagalaw pa, eh.""Tirahin na natin 'yan. Ang angas, eh.""H-Huwag..." Umubo ako nang may kasamang dugo, pilit kong hinahabol ang aking paghinga. "M-May kapatid ako...""Pa'no 'yan? Wala kaming pakialam!" Nangibabaw ang mala-demonyong pagtawa ng lalake."Tapusin na natin 'yan!"Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang pagbaon ng matulis na bagay sa sikmura ko. Paulit-ulit 'yon at wala akong ibang nagawa kundi ang sumigaw sa sakit.Biglaan ang pagbangon ko habang naghahabol ng hininga. Tumutulo pa ang pawis mula sa noo ko.Luminga ako sa buong paligid at kaagad akong nasilaw sa liwanag ng araw na sumisilip sa bintana ng sala. Unti-unti kong naalala ang nangyari kagabi: ang pagsugod ni Leon, ang pagpapakain niya ng bulaklak kay Yuri at ang pagsaksak niya sa akin.Kaagad kong tiningnan ang sugat sa hita ko at nakitang magaling na 'yon."Yuri?" tawag ko sa kaniya nang makitang nakahandusay siya sa sahig, hindi gumagalaw.Gumapang ako palapi
[Devon Serrano]"Nayagi..." bulong ko kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamao.Posibleng ang admin ng Alpas at ang Nayagi na pumatay sa kapatid ko ay iisa.Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang maramdaman ko ang presensya ng isang nilalang sa likod ko.Tumayo kaagad ako para harapin kung sinuman ang nilalang na 'yon."Sino ka?!" tanong ko sa Nayagi na kaharap ko.Hindi ko siya kilala. Ibang Nayagi ang kaharap ko ngayon. Nakasuot siya ng itim na muscle tee shirt kaya kitang-kita ko ang mga braso niyang puno ng tattoo. Spiky ang buhok niya at may lip ring sa labi. Nakangisi siya sa akin ngayon.I could feel the shivers in my spine as I stared at his full, black eyes."Gusto mong malaman kung sino ang admin ng grupe page na 'yan?" tanong niya habang humahakbang palapit sa akin. Napaatras ako pero hindi ako nagpakita ng takot."Anong alam mo?" I tried so hard not to stutter. I had to look feisty in front of him.He took another step forward, forcing me to take a step back."Kaya mo bang g