[Devon Serrano]"Nayagi..." bulong ko kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamao.Posibleng ang admin ng Alpas at ang Nayagi na pumatay sa kapatid ko ay iisa.Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang maramdaman ko ang presensya ng isang nilalang sa likod ko.Tumayo kaagad ako para harapin kung sinuman ang nilalang na 'yon."Sino ka?!" tanong ko sa Nayagi na kaharap ko.Hindi ko siya kilala. Ibang Nayagi ang kaharap ko ngayon. Nakasuot siya ng itim na muscle tee shirt kaya kitang-kita ko ang mga braso niyang puno ng tattoo. Spiky ang buhok niya at may lip ring sa labi. Nakangisi siya sa akin ngayon.I could feel the shivers in my spine as I stared at his full, black eyes."Gusto mong malaman kung sino ang admin ng grupe page na 'yan?" tanong niya habang humahakbang palapit sa akin. Napaatras ako pero hindi ako nagpakita ng takot."Anong alam mo?" I tried so hard not to stutter. I had to look feisty in front of him.He took another step forward, forcing me to take a step back."Kaya mo bang g
[Devon Serrano]Pinagmasdan ko ang itsura niya. Nakasuot pa siya ng puting t-shirt at blue pajama na may design ng cartoon characters. Gulong-gulo ang buhok niya at putlang-putla ang mukha."Papasukin mo 'ko." Nilampasan ko siya para makapasok sa kwarto niya."Wow. Hindi pa nga ako nakakasagot pero pumasok ka na."I made a disgusted face as I roamed my eyes around his room. Damit dito, damit doon. Controller dito, potato chips doon. Ano ba 'to? Plates niya lang yata ang maayos na nakalagay sa study table."Mas lalo kang magkakasakit dahil sa itsura ng kwarto mo," napapailing na sabi ko.I heard his lazy sigh before he went back to his bed. Patalon ang ginawa niya, una ang mukha. "Pumunta ka ba rito para punain ang kwarto ko? Para ka namang si Mama," reklamo niya habang nakasubsob ang mukha sa unan."Do not compare me to your mother. Kung anak kita, hindi kita iiwan dito kung alam kong may sakit ka.""Nakalimutan ko na Nursing student ka pala. Paranas namang alagaan, oh. Marunong ka b
[Devon Serrano]"Tama nga ako...ikaw ang may pakana nito." Nagulat na lang ako nang biglang sakalin ni Damon ang kausap niya at nawala silang dalawa sa paningin ko. Nangibabaw ang pagkabasag ng malaking vase sa likod ko at napalingon ako ro'n.Damon was locking his arm around the other Nayagi's neck but the latter was able to free himself by doing a backflip. They both landed drastically on the floor full of broken pieces of vase.Naunang tumayo ang Nayaging kalaban ni Damon at akmang susugod ulit pero humarang kaagad ako sa kaniya."Ginamit mo 'ko..." gigil na sabi ko sa kaniya.Nakikilala ko siya. Siya 'yong Nayagi na nagsabi sa akin na gamitin ko si Dylan para makilala kung sino ang admin ng Alpas Confession Files. Obviously, he used me to lure out Damon."Ano naman ngayon kung ginamit kita?" nakangising tanong niya. "Hindi ikaw ang pakay ko kaya tumabi ka!"Bago niya pa ako matabig pagilid ay naunahan na siya ni Damon na hindi ko namalayang nakatayo na pala sa likod ko. He purpos
[Devon Serrano]"Hindi mo ba siya dadalhin sa ospital?" tanong ko kay Dylan habang nakatitig kay Damon na ngayon ay nakahiga sa kama. Panay ang ungol niya. Wala siyang suot na damit kaya kitang-kita ko ang malaki at namumulang sugat niya sa dibdib. "Kayang pagalingin ng mga Nayagi ang sarili nila. Kung simpleng sugat lang, magaling na sana kaagad si Kuya. Pero dahil galing sa apoy ng kapwa niya Nayagi ang sugat na 'yan, mabagal ang paggaling niya."I turned my head to Dylan. He was standing beside me while looking at Damon. Mukhang nawala na ang lagnat niya. Kanina ko pa nahahalata na halos ayaw niya akong tingnan."Alam kong galit ka kay Kuya pero kung may balak kang masama sa kaniya, huwag mo nang ituloy," sabi niya habang hindi nakatingin sa akin.I stared at his side profile. He really looked like his brother. Magkaiba nga lang ng hairstyle."Galit ka ba?" tanong ko sa kaniya."Sinong hindi magagalit?" he shot back. "Pinuntahan mo 'ko rito at inakala kong concern ka sa akin kasi
"Iniisip mo siguro kung bakit hindi siya nakatira dito kasama namin ni Nanay," tanong ni Dylan maya-maya.Pinaikot ko ang mga mata ko. Maghuhula na lang siya tapos mali pa. Hindi na lang ako sumagot kahit pa interesado rin akong malaman."Hindi kasi pwedeng magpakita si Kuya kay Nanay...at hindi rin pwedeng malaman ng lahat na buhay pa siya. Halos lahat ng Nayagi ay nagtatago at hindi nagpapakita dahil nga alam ng mga tao na patay na sila. Pero may ilan sa kanila ang namumuhay nang normal katulad ni Sir Yuri. At si Kuya Damon...gustuhin niya man na makasama ako pero hindi pwede.""Bakit? Namatay ba siyang kriminal noon para magtago siya?" I asked him sarcastically. It was supposed to insult his brother but he looked at me seriously. Mukhang siya ang nainsulto."Tama ka. Nakakulong siya nang mamatay siya sa loob ng selda. Pero mali ka sa sinabi mong kriminal siya." Tumayo siya bitbit ang tray na may mga pagkain. Tapos na pala siya. "Alam mo...lahat ng tao ay may madilim na kwento. Mas
[Devon Serrano]"Hindi mo naman sinabing may girlfriend ka na, anak."This is freaking awkward.I mentally cursed Dylan for introducing me to his mother as her girlfriend. Paalis na sana ako kanina sa bahay nila pero nakita nila ako. Kaya heto kami ngayon at nakaupo sa malawak nilang living room. Ayaw akong lubayan ng titig ng nanay ni Dylan. Panay pa ang ngiti sa akin na para bang nakakita siya ng dyosa."Aalis na po ako." Tumayo na ako bitbit ang bag ko pero hinatak ni Dylan ang likod ng damit ko para umupo ulit ako."Dito ka muna, Babe."Babe? What the fuck?Pinandilatan ko siya ng mata. Sa isip ko ay paulit-ulit ko na siyang sinasaksak. Ngumiti lang siya at nag-type sa cellphone niya. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko at nakitang nag-chat siya sa 'kin.Dylan Cahill:Makisama ka na lang. Hindi ko naman kasalanan na natulog ka pa sa kwarto ko kaya naabutan niya tuloy na may babae akong pinapasok sa kwarto ko. Animal ka.I gave him a deadly glare but he just made a face. I sighed
[Devon Serrano]Ang mga chismosa, hindi lang makikita sa mga kapitbahay; nakikita din sila sa mismong tahanan.Pinaikot ko ang mga mata ko nang marinig ang malakas na boses ni Mama habang kausap ang mga kapitbahay namin sa baba.Sa araw-araw na ginawa ng Dios, hindi pa yata ako nagising sa isang umaga na walang ka-chismisan si Mama. Palibhasa ay wala siyang magawa rito sa bahay. Naghihintay lang siya sa gracia na dala ng asawa niyang nagtatrabaho sa isang advertising company. Inalis ko ang comforter na nakatakip sa katawan ko at dahan-dahang bumangon. Inabot ko rin ang specs sa side table at isinuot sa mga mata ko. Nang maging malinaw ang paningin ko ay dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Isang walang kwentang araw na naman ang uubusin ko. Minsan talaga ay tatamarin na lang akong bumangon sa umaga kapag naririnig ko ang nakakarinding boses ni Mama.Pumunta ako ng banyo para maghilamos. Tanghali na ako nagising kaya nakakaramdam na ako ng gutom. Pagbaba ko ng hagdan ay natanaw k
[Devon Serrano]Gabi na nang makauwi kami ni Kuya Gab. Natagalan ako sa pamimili ng mga gamit ko sa school tapos bumili rin ako ng tatlong libro na may genre na Paranormal. Ipon ko 'yon galing sa mga allowance na bigay ni Tito Arthur. Hindi ko kasi kayang mabuhay nang wala akong librong binabasa.Bago kami makarating sa bahay ay nakiusap si Kuya Gab na huminto muna kami sa tindahan ni Aling Maritez. Bibili raw kasi siya ng sigarilyo. Habang hinihintay ko siya, binuksan ko nang kaunti ang katabi kong bintana para marinig ang pakikipag-usap ni Aling Maritez at Aling Cora kay Kuya Gab na ngayon ay humihithit ng sigarilyo. Kahit gabi na ay hindi pa rin sila nauubusan ng tsismis. Malay ko ba kung ako na ang pinag-uusapan nila. "Sinong pinag-drive mo? Si Deanna?" usisa ni Aling Cora."Si Devon ho," sagot ni Kuya Gab."Si Devon? 'Yong anak ni Digna na makinis nga pero hindi naman kagandahan?" Tumawa si Aling Maritez.Nahiya naman ako sa 'yo. Sabi na nga ba at marami silang nasasabi kapag