"Iniisip mo siguro kung bakit hindi siya nakatira dito kasama namin ni Nanay," tanong ni Dylan maya-maya.Pinaikot ko ang mga mata ko. Maghuhula na lang siya tapos mali pa. Hindi na lang ako sumagot kahit pa interesado rin akong malaman."Hindi kasi pwedeng magpakita si Kuya kay Nanay...at hindi rin pwedeng malaman ng lahat na buhay pa siya. Halos lahat ng Nayagi ay nagtatago at hindi nagpapakita dahil nga alam ng mga tao na patay na sila. Pero may ilan sa kanila ang namumuhay nang normal katulad ni Sir Yuri. At si Kuya Damon...gustuhin niya man na makasama ako pero hindi pwede.""Bakit? Namatay ba siyang kriminal noon para magtago siya?" I asked him sarcastically. It was supposed to insult his brother but he looked at me seriously. Mukhang siya ang nainsulto."Tama ka. Nakakulong siya nang mamatay siya sa loob ng selda. Pero mali ka sa sinabi mong kriminal siya." Tumayo siya bitbit ang tray na may mga pagkain. Tapos na pala siya. "Alam mo...lahat ng tao ay may madilim na kwento. Mas
[Devon Serrano]"Hindi mo naman sinabing may girlfriend ka na, anak."This is freaking awkward.I mentally cursed Dylan for introducing me to his mother as her girlfriend. Paalis na sana ako kanina sa bahay nila pero nakita nila ako. Kaya heto kami ngayon at nakaupo sa malawak nilang living room. Ayaw akong lubayan ng titig ng nanay ni Dylan. Panay pa ang ngiti sa akin na para bang nakakita siya ng dyosa."Aalis na po ako." Tumayo na ako bitbit ang bag ko pero hinatak ni Dylan ang likod ng damit ko para umupo ulit ako."Dito ka muna, Babe."Babe? What the fuck?Pinandilatan ko siya ng mata. Sa isip ko ay paulit-ulit ko na siyang sinasaksak. Ngumiti lang siya at nag-type sa cellphone niya. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko at nakitang nag-chat siya sa 'kin.Dylan Cahill:Makisama ka na lang. Hindi ko naman kasalanan na natulog ka pa sa kwarto ko kaya naabutan niya tuloy na may babae akong pinapasok sa kwarto ko. Animal ka.I gave him a deadly glare but he just made a face. I sighed
[Devon Serrano]Ang mga chismosa, hindi lang makikita sa mga kapitbahay; nakikita din sila sa mismong tahanan.Pinaikot ko ang mga mata ko nang marinig ang malakas na boses ni Mama habang kausap ang mga kapitbahay namin sa baba.Sa araw-araw na ginawa ng Dios, hindi pa yata ako nagising sa isang umaga na walang ka-chismisan si Mama. Palibhasa ay wala siyang magawa rito sa bahay. Naghihintay lang siya sa gracia na dala ng asawa niyang nagtatrabaho sa isang advertising company. Inalis ko ang comforter na nakatakip sa katawan ko at dahan-dahang bumangon. Inabot ko rin ang specs sa side table at isinuot sa mga mata ko. Nang maging malinaw ang paningin ko ay dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Isang walang kwentang araw na naman ang uubusin ko. Minsan talaga ay tatamarin na lang akong bumangon sa umaga kapag naririnig ko ang nakakarinding boses ni Mama.Pumunta ako ng banyo para maghilamos. Tanghali na ako nagising kaya nakakaramdam na ako ng gutom. Pagbaba ko ng hagdan ay natanaw k
[Devon Serrano]Gabi na nang makauwi kami ni Kuya Gab. Natagalan ako sa pamimili ng mga gamit ko sa school tapos bumili rin ako ng tatlong libro na may genre na Paranormal. Ipon ko 'yon galing sa mga allowance na bigay ni Tito Arthur. Hindi ko kasi kayang mabuhay nang wala akong librong binabasa.Bago kami makarating sa bahay ay nakiusap si Kuya Gab na huminto muna kami sa tindahan ni Aling Maritez. Bibili raw kasi siya ng sigarilyo. Habang hinihintay ko siya, binuksan ko nang kaunti ang katabi kong bintana para marinig ang pakikipag-usap ni Aling Maritez at Aling Cora kay Kuya Gab na ngayon ay humihithit ng sigarilyo. Kahit gabi na ay hindi pa rin sila nauubusan ng tsismis. Malay ko ba kung ako na ang pinag-uusapan nila. "Sinong pinag-drive mo? Si Deanna?" usisa ni Aling Cora."Si Devon ho," sagot ni Kuya Gab."Si Devon? 'Yong anak ni Digna na makinis nga pero hindi naman kagandahan?" Tumawa si Aling Maritez.Nahiya naman ako sa 'yo. Sabi na nga ba at marami silang nasasabi kapag
[Damon Cahill]Ang buhay ng tao ay parang isang laro; Kapag mahina ka sa lahat ng aspeto, talo ka. At kapag natalo ka...Mamamatay ka.Iyon mismo ang nangyari sa isang babaeng nasa harap ko. Mahina siya at pinairal ang matinding emosyon kaya hindi siya nakaligtas sa tiyak na kamatayan. Pinanood ko kung paano siya pagtulungan na ibaba mula sa pagkakabigti sa taas ng kisame. Nakakabingi ang pag-iyak ng kapatid niyang babae na ngayon ay paulit-ulit na humihingi ng tawad na para bang maririnig pa siya nito. Tinitigan ko lang siya nang walang emosyon sa mukha."Bantayan mo si Devon, Mon. Huwag mong hayaan na may lumapit sa kaniya na isang Nayagi."Lumingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Bagama't ako ang kausap niya ay nakatuon ang mga mata niya sa kapatid ng babaeng nagpakamatay—kay Devon. Tumawa ako at umiling. "Kung makapagsalita ka parang hindi tayo Nayagi.""I just want to protect her." Tumingin siya sa akin. "Ngayong nawala ang kapatid niya, posibleng matibag ang pader na ginawa niy
[Devon Serrano]Death is inevitable. Only God knows when or how we will die. Ang Dios lang ang may karapatan na bawiin ang buhay na binigay niya. Pero sa ginawa ni Ate Deanna, parang pinangunahan niya ang Dios. Kung totoong ang Dios lang ang may karapatan sa buhay ng mga nilalang sa mundo, bakit 'yon nagawa ni Ate Deanna? Kontrolado pa ba 'yon ng Dios? Hindi ako mahilig magbasa ng Bible pero alam kong pinagbabawal ng panginoon na kitilin ng mga tao ang sarili nilang buhay dahil matinding kasalanan iyon.Kung gano'n, sinong dapat sisisihin sa nangyari? Si Ate Deanna? Ang Dios? O ang mga tao sa paligid niya? Ako?Alam kong may problema siya noong gabing 'yon pero hindi ko binigyan ng pansin. Dapat pinilit ko siyang sabihin sa akin ang problema niya, hindi sana nangyari sa kaniya ito. Buhay pa sana siya ngayon."Anak ko!" Walang tigil sa pag-iyak si Mama habang nasa harap ng kabaong ni Ate Deanna. Inaalalayan siya ni Tito Arthur dahil mukhang mahihimatay na siya.Nanatili akong nakata
[Devon Serrano]"Papasok ka ng school, Ma'am Devon?" takang tanong ni Kuya Gab bago binuksan ang pinto ng kotseng sasakyan ko.Hindi ko siya sinagot at umupo lang ako sa backseat bitbit ang bag ko. Pangatlong beses ko nang narinig ang tanong na 'yan ngayong umaga. Unang nagtanong sa 'kin ay si Tito Arthur kanina, sunod ay si Manang Lydia na mayordoma namin. Hindi ko sila masisisi dahil nakaburol pa rin si Ate Deanna pero heto ako at gusto nang pumasok.Para sa 'kin, pwede akong magluksa habang may ginagawang hakbang sa pag-alam ng katotohanan. Kaya ko naman, eh. Kinakaya ko pa rin ang sakit. Hindi ako katulad ni Mama na halos ayaw nang umalis sa tabi ng kabaong ni Ate Deanna."Ma'am Devon, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mong pumasok kahit hindi ka pa okay," wika ni Kuya Gab. Umaandar na ang kotse pero pasulyap-sulyap siya sa akin sa rearview mirror. Halatang nag-aalala siya para sa akin. Naalala ko tuloy na sobrang lakas ng iyak niya kahapon nang malaman niya ang nangya
[Devon Serrano]"I know..."Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko.Umangat ang sulok ng labi ko at tuluyang inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya."Alam kong alam mo na ako si Devon Serrano, na kapatid ni Deanna Serrano na nagpakamatay dahil sa 'yo," matigas na wika ko.Umawang ang labi niya at mabilis akong tinulak. Bumaba siya mula sa kama at tiningan ako nang masama. Akala niya siguro ay siya ang panalo sa aming dalawa. "I saw you staring at my ID before we got here." Bumaba rin ako mula sa kama at isinuot ulit ang blouse ko. "Actually, I did it on purpose. I want you to show your true color to me kapag tayo na lang dalawa.""Ang lakas ng loob mo," wika niya sabay ngisi. "Anong ginagawa mo? Gusto mo bang malaman kung ako ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid mo? Hindi mo naman kailangan na gawin 'to para malaman ang totoo." Humakbang siya palapit sa akin at yumuko sa mukha ko kaya halos magdikit ang mga mukha namin. "Dahil papatunayan ko sa 'yo n