Share

Chapter 2-The Big Wall

[Devon Serrano]

Gabi na nang makauwi kami ni Kuya Gab. Natagalan ako sa pamimili ng mga gamit ko sa school tapos bumili rin ako ng tatlong libro na may genre na Paranormal. Ipon ko 'yon galing sa mga allowance na bigay ni Tito Arthur. Hindi ko kasi kayang mabuhay nang wala akong librong binabasa.

Bago kami makarating sa bahay ay nakiusap si Kuya Gab na huminto muna kami sa tindahan ni Aling Maritez. Bibili raw kasi siya ng sigarilyo. 

Habang hinihintay ko siya, binuksan ko nang kaunti ang katabi kong bintana para marinig ang pakikipag-usap ni Aling Maritez at Aling Cora kay Kuya Gab na ngayon ay humihithit ng sigarilyo. 

Kahit gabi na ay hindi pa rin sila nauubusan ng tsismis. Malay ko ba kung ako na ang pinag-uusapan nila. 

"Sinong pinag-drive mo? Si Deanna?" usisa ni Aling Cora.

"Si Devon ho," sagot ni Kuya Gab.

"Si Devon? 'Yong anak ni Digna na makinis nga pero hindi naman kagandahan?" Tumawa si Aling Maritez.

Nahiya naman ako sa 'yo. 

Sabi na nga ba at marami silang nasasabi kapag hindi nila kaharap ang isang tao. 

"Huwag naman kayong ganyan kay Devon," saway ni Kuya Gab sabay tingin sa direksyon ko. Tinted ang salamin ng bintana ko kaya hindi ko alam kung alam niyang nakikinig ako sa usapan nila.

"Bakit? Totoo naman, 'di ba? Mas maganda pa nga sa kaniya 'yong kapatid niyang si Deanna. Ang ganda-ganda ng batang 'yon. Pwedeng maging artista! Napakaamo ng mukha!" dagdag ni Aling Cora.

"Hindi ko rin gusto ugali ni Devon kasi ang sabi sa kwento ni Digna, bastos daw sumagot ang batang 'yon. Kanina nga pinaringgan kami, eh. Kesyo mga bubuyog daw kami. Hala, nahiya naman kami sa kaniya na kutis lang ang maganda."

"Huwag n'yo naman pong laitin si Devon. Kayo nga mukhang baboy at stick, sinabi ko ba? Ay, joke lang po!" Binawi kaagad ni Kuya Gab ang sinabi nang hampasin siya sa braso ni Aling Cora.

"Hindi bale sana kahit hindi kagandahan basta hindi magaspang ang ugali!" Talagang pinaglalaban ni Aling Maritez na masama ang ugali ko. "Naku, kung gano'n pala kabastos ang batang 'yon, sana hindi na lang siya hinanap noong nawala siya."

It felt like a huge rock hit my heart. My fists clenched tightly, trying to calm myself. Huminga pa ako nang malalim pero pinanganak yata ako na sobrang ikli ng pasensya kaya tuluyan kong binuksan ang bintana. Gulat silang tatlo na napatingin sa direksyon ko. 

Kahit gusto kong umiyak ay nagawa ko pa ring ngitian sila Aling Cora at Aling Maritez.

"Pasensya na po kayong dalawa, ha? Magaspang po talaga ang ugali ko lalo na sa mga taong ginagawang laman ng tsismisan ang misfortunes ng iba. Matutuwa pa kayo na sana hindi na lang ako hinanap nila Mama sa kalsada? Correction—hindi nila ako hinanap. Ako—Ako ang nakahanap sa kanila. Ako ang naghanap ng paraan para makauwi ako sa pamilya ko."

Memories flooded my mind. Naramdaman ko na lang ang pagdaloy ng mainit na likido sa magkabila kong pisngi. I've always been so sensitive when someone pokes at my terrible past. It wasn't just something light that I could always carry. May hangganan din ang maskara ko. 

"Gusto n'yo pa po ba ng detailed na kwento kung bakit ako nawala o kung paano ako nakauwi? Willing akong magkwento. Baka kasi mali-mali 'yong mga kwento sa inyo ni Mama, eh. Mahilig pa naman magpabango 'yon ng pangalan niya."

Hindi nakasagot ang dalawa. Nakayuko lang sila at hindi magawang tumingin sa akin. Napaismid na lang ako. 

Ang lala ng mundo. Hindi ko akalain na hihilingin nila na sana hindi na lang ako nakauwi sa pamilya ko. Bata pa ako noon. Hindi ko pa kayang harapin ang hamon ng mundo. Hindi ko nga alam kung paano ko nalampasan 'yon. 

Ilang buwan akong naging palaboy sa kalsada. Wala akong mauwian, wala akong makain. Wala akong kahit ano. At nang mahanap ko ang pamilya ko, mas masakit pa pala na malamang hindi nila ako hinanap. Iyon ang dumurog sa bata kong puso.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko bago binalingan si Kuya Gab.

"K-Kuya, iuwi mo na ako please..." 

"Huwag ka nang umiyak," wika ni Kuya Gab pagpasok niya ng driver's seat. "Alam kong mahirap hindi pansinin 'yong mga sinabi nila pero huwag mong hayaang lumiit ang tingin mo sa sarili mo."

Hindi ako sumagot. Bumuntong-hininga ako nang paulit-ulit pero hindi katulad dati, hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko. Pabigat iyon nang pabigat na para bang sasabog anumang oras.

Pagdating namin sa bahay, nagpaalam si Kuya Gab na uuwi siya sa bahay ng lola niya ngayon. Hindi ko na siya nakausap nang maayos at dumiretso na ako ng kwarto. 

Binasa ko ang text ni Mama. Nasa cruise party pala sila ngayon ni Tito Arthur, kaya pala wala 'yong isa pang kotse sa garahe. Nag-text pa siya ulit na asikasuhin ko raw si Ate Deanna dahil nilalagnat sa loob ng kwarto.

"Ate Deanna na naman!" Ibinato ko ang phone ko sa kama dahil sa panggigigil. Sinabunutan ko ang sarili ko at napaupo na lang sa sahig.

Kahit pagkamusta lang sa lakad ko, hindi mo magawa, Ma? Nanay ba talaga kita? Buti pa kay Ate Diana palagi kang may pakialam. Sa akin, wala. Palaging wala.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon ko sinubsob ang mukha ko. Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako—'yong iyak na may tunog, puno ng hinanakit at sama ng loob.

"B-Bakit, Ma?" tanong ko sa gitna ng paghagulhol. "B-Bakit?"

Ngayon lang ulit ako umiyak nang ganito. Dati, dalawang patak lang ng luha ay okay na ako. Pero ngayong naalala ko ang mga pinagdaanan ko noong bata pa ako, parang wala nang balak tumigil ang pagluha ng mga mata ko. Hindi ko na ulit alam kung paano tumahan.

"M-Mama, nakauwi na po ako." 

"Paano ka nakapunta rito?"

"Mama, bakit parang hindi ka masaya? Nagugutom po ako. Nakita po ako ng isang nurse at sinabi ko po pangalan n'yo sa kaniya. Tinulungan niya po akong hanapin kayo ni Ate Deanna."

"Dapat hindi ka na lang bumalik!"

"H-Hindi mo ako hinanap, Mama?"

"Bakit ko hahanapin ang isang batang sinadya kong iwan sa gitna ng nasusunog na bahay?! Bakit ka pa bumalik?!"

Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko, pinipilit alisin sa utak ko ang mga alaala noong nakabalik ako. Pero kahit anong gawin ko ay paulit-ulit kong naririnig ang boses ko at boses ni Mama sa loob ng isip ko.

"Ayoko na!" malakas na sigaw ko. "Tama na!"

"B-Bakit n'yo po ako hindi hinanap, Mama?"

"Dahil hindi ka mahalaga sa 'kin."

Paulit-ulit akong sumigaw habang walang tigil ang mga boses na naririnig ko. 

"D-Devon!" Narinig ko ang malakas na pagkatok ni Ate Deanna. "A-Ayos ka lang ba? Pabukas naman ng pinto, oh!"

"Umalis ka na! Hayaan mo ako!" umiiyak na sigaw ko. "Kapag hindi ka umalis, sasaktan ko ang sarili ko!"

Hindi ko gagawin 'yon. Gusto ko lang na umalis siya. Mas gusto kong sarilihin ang nararamdaman ko dahil walang ibang makaintindi sa akin kundi sarili ko.

"D-Devon, please!"

Tumayo ako at inilabas ang maliit na bluetooth speaker para magpatugtog nang malakas. Ayokong marinig ang boses niya. Nilakasan ko ang pagpapatugtog ng rock music para hindi siya marinig. Pagkatapos ay dumapa ako sa kama at nagpatuloy sa pag-iyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***

Nagising ako nang madaling araw. Wala na ang bigat na nararamdaman ko, nakatulong ang pagtulog ko.

Malakas pa rin ang tugtog kaya hininaan ko na iyon. Lumabas ako at wala na si Ate Deanna. Napagod na rin siguro siya sa kakakatok.

Bumaba ako para maghanap ng makakain sa kusina pero natigilan ako nang marinig ang boses ni Ate Diana sa sala.

"Ano ba, Jason! Kaunting effort naman sa relasyon natin, oh!" sigaw niya sa kausap sa cellphone. Nakatalikod siya mula sa kinaroroonan ko kaya hindi niya ako nakikita.

Ngayon ko lang naalala na may boyfriend nga pala siya na isa ring Nursing student katulad ko pero graduating na. Hindi niya pa naipapakilala si Kuya Jason dahil mapili si Mama. 

"Hindi mo naiintindihan, eh! Ngayon nga kita gustong makita!" naiiyak na sigaw ni Ate Deanna sa kausap. Ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganyan.

"Ate..." tawag ko. 

Bigla siyang lumingon sa akin at nanlaki ang mga mata niya. Kaagad niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi.

"D-Devon, gising ka pa pala."

"Bakit kayo nag-aaway ni Kuya Jason?" tanong ko. 

"W-Wala 'yon. Uh, ano nga pala..." Naging mailap ang mga mata niya kaya napakunot ang noo ko. "Dumating na sila Mama at si Tito Arthur kanina pa. Pagod na pagod nga sila sa party, eh. Hinanap ka nila pero sabi ko tulog ka. Ano, nagugutom ka ba?"

"P-Paano mo nalaman?" Masyado bang halata na nagugutom ako?

She smiled sweetly, revealing her pearl-white teeth. "Kilalang-kilala na kita. Tara sa kusina." Hinatak niya ang braso ko.

Pagdating namin ng kusina ay pinaupo niya ako sa harap ng dining table. Pinagmasdan ko siya hanggang sa umupo siya sa tabi ko. 

"Ayokong kumain ng kanin, Ate. Gusto ko 'yong...cupcake na ginawa mo kanina." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yon. Basta ang alam ko, ayokong masayang ang effort niya sa pagbi-bake dahil lang sa kadramahan ko.

Kitang-kita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko. 

"S-Sure! Mabuti na lang at nilagay ko sa ref! Ipamimigay ko na sana sa mga maid natin kanina."

Pinanood ko siya nang pumunta siya sa malaking refrigerator at hinanap ang cupcake na ginawa niya. 

Ang ganda ng buhok niya na hanggang bewang ang haba, makintab at pinong-pino. Pagharap niya ay para akong nakakita ng nakangiting anghel. Walang mapipintas sa mukha niya. Kung maputi ako, mas maputi siya. Kung gaano katamlay ang mga mata ko, gano'n naman kaningning ang mga mata niya.

"Ayan. Ubusin mo 'yan, ah." Inilapag niya ang tatlong pirasong cupcake sa harap ko bago umupo ulit sa tabi ko. "Bakit ka nga pala umiiyak kanina sa loob ng kwarto? Ayaw mo pa akong pagbuksan ng pinto."

Hindi ako sumagot at kinagatan lang ang isang piraso ng cupcake.

"Eh, ikaw, Ate? Akala ko may lagnat ka kanina? Bakit gising ka pa at nakikipag-away sa boyfriend mo?" balik ko.

"Mawawala talaga ang lagnat mo kapag napunta ka sa sitwasyon ko."

"Bakit? Ano bang problema n'yo ni Kuya Jason?" Hindi ko alam kung bakit ako tanong nang tanong sa kaniya. Basta nararamdaman ko lang na may kakaiba sa mga ikinikilos niya 

"Sasabihin ko lang kapag sinabi mo sa 'kin kung bakit ka nagwawala sa kwarto mo kanina."

Natigil ako sa pagnguya at napatingin sa kaniya. Nginitian niya ako na para bang nanalo siya sa isang argumento.

Bumuntong-hininga ako. "Wala namang mangyayari kahit sabihin ko sa 'yo."

"Mayroon. Gagaan ang pakiramdam mo."

"Iisa lang naman ang palaging dahilan kung bakit ako umiiyak."

Nabura ang ngiti sa mga labi niya at napuno ng pag-aalala ang mga mata.

"D-Devon..."

Tumawa ako nang mapakla at tumingin sa mga cupcakes sa harap ko. "Naalala ko noon na kung hindi ka pa dumating at kung hindi mo ako nakita no'ng pinagtatabuyan ako ni Mama, wala sana ako rito ngayon. Umiyak ka at nagmakaawa kay Mama na papasukin ako sa bahay."

"Dahil 'yon ang tamang gawin ng isang kapatid." Ipinatong ni Ate Deanna ang kamay niya sa isa kong kamay na nakapatong sa mesa. "Nabigla lang siguro si Mama noon. Hindi niya sinasadyang ipagtabuyan ka. Lasing siya no'n."

"Pero hindi n'yo ako hinanap, 'di ba?" Tumingin ako sa kaniya, naghihinanakit. "P-Paano n'yo natiis na hindi ako hanapin? Halos mamatay ako sa gutom, wala akong mauwian na bahay, tiniis ko 'yong lamig tuwing gabi pero wala akong magawa. A-Ate ang bata ko pa noon."

Napayuko si Ate Deanna, halatang gustong iwasan ang tingin ko. "A-Ang sabi sa akin ni Mama noon, hinahanap ka raw niya. Naniwala ako. Saka ko napagtanto na dapat kumilos ako noon. Dapat ako mismo ang naghanap sa 'yo."

"Pero hindi mo ginawa," panunumbat ko.

I couldn't blame myself either. Ilang buwan akong tumira sa lansangan, tapos pagbalik ko, maraming nagbago. 

"I was just a kid that time." Nabasag ang boses niya. "Alam kong nasaktan ka. Alam kong nahirapan ka noong malayo ka sa amin pero maniwala ka, ginusto kong mahanap ka."

"Anong magagawa ng paliwanag mo kung nangyari na ang lahat, Ate? In the end, it doesn't change the fact that you broke my heart. Kayo ni Mama. Kaya masisisi n'yo ba ako kung bakit ako ganito?"

Pinisil niya ang kamay ko at tumingin sa akin. Doon ko lang nalaman na lumuluha na pala siya. 

"I-I'm sorry. I'm sorry that you have to experience that kind of pain. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon, sana ako na lang ang nawala."

Hindi ako sumagot. My heart was crying in pain that it prevented my mouth from uttering a word.

Lumipas ang limang minuto at pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko sa isang cupcake. Nawalan na ako ng gana kaya hindi ko na ginalaw ang dalawang natira. Tumayo na ako.

"Matutulog na ako ulit. Magpahinga ka na rin, Ate." Tumalikod na ako pero natigilan ako nang may mga brasong pumulupot sa tiyan ko. Niyakap niya ako nang mahigpit patalikod. 

"I-I pray that someday, you will find a reason to forgive and forget the pain we've caused you. Hindi ka makakausad kapag hindi mo pinakawalan 'yan. And hopefully you will learn to trust again. You might end up hurting the people around you, for trying to break down the wall you've built in your heart. I love you. I just want you to be happy."

Namalayan ko na lang na tumulo na ang mga luha ko. Gusto ko siyang yakapin pabalik pero ayokong isipin niya na okay na sa akin ang lahat. Alam kong hindi pa. Galit pa rin ako kay Mama. 

Paano ako magpapatawad sa isang taong hindi naman humihingi ng kapatawaran?

That experience shaped the person I am today. I built a big wall and made sure that no one would dare climbing it. Because I'm afraid to put my trust in those people around me. My own family disappointed me.

Inalis ko ang mga braso ni Ate Deanna sa bewang ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"P-Pabayaan mo muna ako, Ate." Iyon ang huling sinabi ko bago ako tuluyang umalis.

Pero sana hindi ko ginagawa. 

Sana kinausap ko pa siya. Sana yumakap ako pabalik. Sana tinanong ko kung anong problema niya. Baka sakaling...hindi nangyari ang lahat ng ito.

Nagising na lang ako sa malakas na pag-iyak ni Mama kinabukasan. 

Nang lumabas ako ng kwarto ko, nakita ko si Mama sa labas ng kwarto ni Ate Deanna na  nakasalampak sa sahig, umiiyak habang paulit-ulit na umiiling. Nasa likod niya ang dalawang maid na umiiyak na rin habang nakatingin sa loob ng kwarto ni Ate Deanna.

"D-Deanna, anak ko!!!" malakas na palahaw ni Mama. "Bakit mo ginawa 'to?!"

Binundol ng matinding kaba ang dibdib ko habang dahan-dahang naglalakad palapit kay Mama. Kahit wala pa akong nakikita, alam kong hindi ko magugustuhan ang makikita ko sa loob ng kwarto ni Ate Deanna.

Isang hakbang pa ang ginawa ko at dahan-dahan akong tumingin sa loob ng kwarto ni Ate Deanna. Sa isang iglap ay nawalan ako ng pandinig. Hindi ko na narinig ang malakas na pag-iyak ni Mama. Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko kasabay ng pagtigil ng pag-ikot ng mundo ko.

Nakatuon na lang ang buong atensyon ko sa babaeng nakabigti sa loob ng kwarto—kay Ate Deanna.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status