[Devon Serrano]Bakit kasi siya pa ang nawala, eh! Bakit hindi na lang ikaw?! Bakit hindi na lang ikaw?!"Parang sirang plaka, paulit-ulit kong narinig ang masakit na salitang binitawan ni Mama sa akin kanina lang.Lumingon ako sa gilid kung saan nakapatong ang isang gunting sa side table. Gusto kong kunin 'yon at gamitin para saktan ang sarili ko, but somehow...my mind was telling me not to do it.Pero sana nga. Sana ako na lang ang nawala, para hindi ko nararamdaman 'to. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na mabuhay dahil sa sinabi niya, na mas deserve ko ang mamatay.Dapat hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil wala naman siyang ibang itinuturing na anak kundi si Ate Deanna. Pero masakit pa rin talagang marinig. Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko at iniwasan ng tingin ang gunting. Iiyak lang ako pero hindi ko gagawin ang ginawa ni Ate Deanna. Hindi ko sasaktan ang sarili ko. Hindi ako mahina. I won't let my emotions control me.Ilang ulit akong bumuntong-hininga para ma
[Devon Serrano]"Tell me what the fuck are you?!" I hissed out of frustration.He couldn't even talk. He was just looking at me with his lips parted a bit."Miss Serrano...I don't know what you're talking about." He let out a short laugh like I asked him a ridiculous question. "What am I? Hindi ba ako mukhang tao sa paningin mo?"Dumaan ang dalawang estudyante sa gilid namin at napatingin pa sila sa akin. Iniisip nila na inaaway ko si Sir Yuri pero wala akong pakialam. "Napapaligiran ka ng itim na usok..." nanlalaki ang mga matang sambit ko. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang timpla ng mukha niya. Binitawan niya ako at umatras palayo sa akin."I-Itim na usok?" tanong niya, parang naniniguro."What the hell are you?" I asked again, almost a whisper this time. He blinked twice. "M-Miss Serrano, calm down. I don't know what you're talking about."Lie.I could see fear in his eyes right now. He was swallowing hard like I caught him in the act of crime."What's happening here?" I w
[Damon Cahill]Mainipin akong tao pero para sa isang partikular na tao na sobrang importante sa akin, kaya kong maghintay nang matagal."Five-hundred six anak ng tupa, five-hundred seven anak ng tupa—Hay, salamat!" Umalis ako mula sa pagkakasandig sa gilid ng main gate ng Anderson University nang makita ko si Dylan na lumabas doon, sukbit sa isang balikat ang bag at may hawak na isang plastik ng potato chips.Inalis ko ang hood sa ulo ko at pumaswit para kunin ang atensyon niya. Napatigil siya sa pagsubo ng potato chips at luminga sa paligid, hinahanap ako.Para pa rin siyang bata na nawawala. Napailing ako sa naisip ko."Totoy!" tawag ko.Nang magtama ang paningin naming dalawa ay awtomatikong nangasim ang kaniyang mukha. Naglakad siya palapit sa akin at sumubo ng ilang pirasong potato chips."Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong niya, puno pa ang bibig habang ngumunguya.Tiningnan ko nang masama ang hawak niyang potato chips. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akin na nga 'yan."
[Devon Serrano]Bago pa lumingon sa direksyon namin si Sir Yuri ay hinatak ko na ang braso ni Kuya Jason para isama siya sa paglabas sa locker room."Miss Serrano!" habol ni Sir Yuri. Dire-diretso lang ang paglalakad namin ni Kuya Jason hanggang sa humarang siya sa dinaraanan namin. "Anong nakita n'yo?" Iyon kaagad ang tinanong niya. I tried so hard not to yell at him. "Frankly speaking, I saw you talking with that demon-like creature, Sir Yuri."He blinked. "Y-You saw...him?""And the black smokes around you," I added. "Ngayon, sigurado na ako na hindi ka tao. Sigurado rin ako na hindi ka dapat pagkatiwalaan.""Devon," he called my name for the first time. "I know it's hard to believe but I don't mean any harm...lalo na sa 'yo.""Kung totoo 'yan, bakit isa sa inyo ang pumatay sa girlfriend ko?" Kuya Jason joined the conversation. I turned my head to Kuya Jason, giving him a questioning look. Paano niya nasabing may kinalaman ang mga katulad ni Sir Yuri sa pagpapakamatay ni Ate De
[Devon Serrano]Ilang segundo na ang lumipas pero walang nagsasalita sa aming lima. Nakaupo kami sa harap ng mahabang mesa. Nasa pinakadulo si Wayne, ang sinasabing lider ng grupo. Nasa kaliwang bahagi si Dylan at ang babaeng naka-crop top habang kami naman ni Kuya Jason sa kanang bahagi. May dalawang tasa ng kape ang nakalagay sa harap namin. "Why don't you introduce yourselves to us first?" Wayne broke the silence. He put his fingers together while he was staring at us."I'm—""Siya si Devon, 'yong nakakita ng mga Nayagi sa totoong anyo nila," sabad ni Dylan sa sasabihin ko. Muntik na tuloy akong mapairap. "Tapos si Kuya Jason naman 'yang kasama niya. Hindi nga ako makapaniwala na naniwala kaagad siya sa akin."Tss. Bakit ba siya ang sumasagot? Sinamaan ko siya nang tingin at nakita niya iyon kaya kinagat niya ang pang-ibabang labi, naghahamon."Bakit ba ikaw ang sumasagot? Ikaw ba ang kausap ni Wayne?" asik ng babaeng katabi niya."Inunahan ko na! Kilala ko 'yang si Devon, eh! M
[Damon Cahill]"Sigurado kang magre-resign ka na?" tanong ko kay Yuri habang pinapanood ko siyang salinan ng alak ang shot glass. Kumukuyakoy lang ako sa tabi niya at kumakain ng potato chips."If that's the only way para hindi ma-involve sa atin si Devon, gagawin ko." Tinungga niya nang isahan ang laman ng shot glass. "Bakit kasi hindi ka na lang magpakilala sa kaniya? Hindi 'yong magtatago ka. Para ka naman kasing ewan.""Matatanggap niya ba ako kapag nagpakilala 'ko sa kaniya?" Napailing siya. "Imposible.""Iyon lang." Kinuha ko ang shot glass, sinalinan iyon ng alak, at tinungga. "Noong malaman niya nga na hindi ako tao, kitang-kita ko sa mga mata niya na diring-diri siya sa 'kin. Kaya...mas mabuting hindi niya na lang alam kung sino ako."Pabagsak kong ibinaba ang shot glass sa mesa. "Tanga mo talaga, brad. Ang talino mo, professor ka tapos nagpapakatanga ka sa babaeng 'yon.""That's love," natatawang sabi niya sabay suntok sa braso ko. "Malabo, eh. Ang tanong: Nararapat ba si
"Magpakita ka. Mas swerte ka nga kasi mag pamilya ka pa," sabi niya maya-maya.Tiningnan ko siya. "Wala ka nang pamilya?"Umiling siya bilang sagot. "Patay na ang mga magulang ko. Wala rin akong naging asawa noong normal na tao pa lang ako. Kahit ngayon, wala akong balak na mag-asawa kasi...sino namang tatanggap sa katulad natin, 'di ba? Sa totoo lang, kaya kita dinala rito para naman may makasama ako. Mahirap din mag-isa, 'no?"Napaismid ako. "Anong akala mo? Titira ako rito kasama mo?""May mauuwian ka ba?" Tinaasan niya ako ng kilay."W-Wala." Umiwas ako ng tingin."Dito ka na lang." Sumandig siya sa upuan at nilagay ang mga kamay sa likod ng ulo. "Kahit huwag ka nang magtrabaho basta may kasama ako rito. Tuturuan pa kitang maging magaling na Nayagi.""Bakit hindi ka na lang kasi maghanap ng babaeng ibabahay mo? Ah, alam ko na. Wala ka pa sigurong nagugustuhang babae."Napatingala siya sa kisame, nakangiti na parang tanga. "Actually, meron. Matagal ko na siyang mahal.""Sino naman?
[Devon Serrano] Tatlong katok mula sa labas ng pinto ang nagpatigil sa akin sa pag-iyak. Wala na siya sa harap ko. Pagkatapos niyang aminin sa akin na siya ang pumatay sa kapatid ko ay naglaho na lang siya bigla. Gustong-gusto ko siyang patayin! Pero paano?! Paano ko gagawin 'yon kung ang kakayahan ko lang ay makita siya?! Wala akong alam sa mga katulad niya at hindi ko rin alam kung ano ang mga kahinaan niya! Narinig ko ulit ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ko kaya inayos ko ang sarili ko bago ko binuksan 'yon. It was Manang Lydia. She was holding an eight-inches panda stuffed toy. "What is it?" I asked her with my voice broken. "Devon, naglinis ako ng dating kwarto ng Ate Deanna mo. Nakita ko 'to." Inabot niya sa akin ang panda pero tiningnan ko lang 'yon. "Anong gagawin ko riyan, Manang Lydia?" The old woman smiled at me. "May voice recorder 'to. Aksidente kong napindot nang pulutin ko sa ilalim ng kama niya. May mensahe siya para sa 'yo." Tiningnan ko ang stuffed toy