[Devon Serrano]
"Papasok ka ng school, Ma'am Devon?" takang tanong ni Kuya Gab bago binuksan ang pinto ng kotseng sasakyan ko.
Hindi ko siya sinagot at umupo lang ako sa backseat bitbit ang bag ko.
Pangatlong beses ko nang narinig ang tanong na 'yan ngayong umaga. Unang nagtanong sa 'kin ay si Tito Arthur kanina, sunod ay si Manang Lydia na mayordoma namin. Hindi ko sila masisisi dahil nakaburol pa rin si Ate Deanna pero heto ako at gusto nang pumasok.
Para sa 'kin, pwede akong magluksa habang may ginagawang hakbang sa pag-alam ng katotohanan. Kaya ko naman, eh. Kinakaya ko pa rin ang sakit. Hindi ako katulad ni Mama na halos ayaw nang umalis sa tabi ng kabaong ni Ate Deanna.
"Ma'am Devon, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mong pumasok kahit hindi ka pa okay," wika ni Kuya Gab.
Umaandar na ang kotse pero pasulyap-sulyap siya sa akin sa rearview mirror. Halatang nag-aalala siya para sa akin. Naalala ko tuloy na sobrang lakas ng iyak niya kahapon nang malaman niya ang nangyari kay Ate Deanna.
"I'm not okay but that doesn't mean I'll let myself cry all the time. Kilala mo 'ko: hindi ako 'yong tipong—"
"Hindi ka 'yong tipo ng babaeng maraming beses na umiiyak dahil sa iisang dahilan. Kapag nailabas mo na, hindi ka na iiyak ulit. Alam ko na 'yan, Ma'am Devon. Hindi mo 'ko kailangan ingles-in." Umismid siya bago bumuntong-hininga nang napakalalim. "Alam mo, sana kagaya mo na lang si Ma'am Deanna saka 'yong anak ni Aling Salome na si Piyang."
Mula sa pagtingin sa labas ng bintana ay lumipat ang tingin ko kay Kuya Gab. Nakita ko sa rearview mirror ang lungkot na bumalatay sa mukha niya habang nasa daan ang tingin.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi kahit namatayan ka ng kapatid, hindi ka nagmukmok. Nakaya mong lampasan ang sakit. Bilib nga ako sa 'yo kasi kung sa akin nangyari 'yon, baka isang buwan akong magkulong sa kwarto."
"Mataas lang ang pain tolerance ko, Kuya Gab. Hindi pare-pareho ang mga tao pagdating sa pag-cope up sa mga problema."
"Kaya nga sana kasingtatag mo si Piyang at Ma'am Deanna. Sana noong mga panahong may problema sila, hindi nila dapat sinarili."
"Paano mo nasabing ayaw nilang sabihin ang problema nila? Sure, lahat tayo ay gustong may mapagsabihan ng mga problema natin. It's just that some people won't bother listening to them kaya mas pinipili nilang sarilihin na lang. So, sino sa tingin mo ang may kasalanan?"
"Iyong mga tao sa paligid nila?" patanong na sagot niya sabay tingin sa akin sa rearview mirror. "Ibig sabihin, dapat ka rin sisisihin sa nangyari kay Ma'am Deanna?"
Nagbaba ako ng tingin nang marinig ang tanong niyang 'yon. Kaya nga determinado akong matuklasan kung bakit siya nagpakamatay dahil alam ko na sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari sa kapatid ko.
"Wala ka namang kasalanan, Ma'am Devon. Hindi kasi kayo close ng kapatid mo pero hindi ibig sabihin na dapat mo nang sisihin ang sarili mo."
Hindi ako nakaimik. Pakiramdam ko, kahit anong sabihin niya ay may kasalanan pa rin ako kung bakit mas pinili ni Ate Deanna na tapusin ang buhay niya kaysa sabihin sa akin kung anong problema.
Muntik na akong mapaiyak kung hindi lang nag-vibrate ang phone ko. Nag-text si Kuya Jason.
From: Kuya Jason
I saw him. Gymnasium.
Napangisi ako nang mabasa ko ang message niya.
"Nga pala, bakit ang aga mo pumasok ngayon? At saka bakit wala kang suot na salamin? Naka-contact lens ka ba? Parang nag-iba ang aura mo ngayon," sunod-sunod na tanong ni Kuya Gab.
Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang lipstick at maliit na salamin na bigay sa akin noon ni Ate Deanna pero hindi ko naman ginamit. Nilagyan ko ng kaunting lipstick ang labi ko.
"Wow! First time 'yan, ah! Maglalagay ka ng lipstick?!" Pasulyap-sulyap sa akin si Kuya Gab mula sa rearview mirror.
"Don't ask the obvious, Kuya Gab. Focus your eyes on the road."
I pressed my lips together before I put back the lipstick inside my bag. Inayos ko rin ang pagkakaarko ng kilay ko at naglagay ng mascara sa pilik-mata. Hindi ko gustong gawin 'to pero kailangan.
"Infairness, ang ganda mo kapag ganyan ang ayos mo, Ma'am Devon." Tumawa si Kuya Gab para asarin ako. "Dalaga na siya."
"Shut up. Ngayon lang 'to. You know I hate make-ups."
"Pero bakit ka naglagay niyan?"
"I have a mission to do."
***
"Sigurado ka ba na magpapakilala ka sa kaniya?" nag-aalalang tanong ni Kuya Jason.
Pinanood ko ang mga basketball players na naglalaro sa court. Nangingibabaw ang tunog ng bola at mga sapatos nila na naglilikha ng ingay sa tuwing tumatama sa sahig.
Sa dami ng mga lalakeng naglalaro ay sa isang tao lang nakatutok ang mga mata ko: kay Yael Gomez, ang lalakeng nambastos kay Ate Deanna.
"Devon, nakikinig ka ba?" untag ni Kuya Jason.
Tumingin ako sa kaniya at bakas ang pagdadalawang-isip sa mukha niya.
Tulad ng napag-usapan ay inagahan niya rin ang pagpasok niya kahit mamayang 10 a.m pa ang klase niya. Nakasuot siya ng Nursing student uniform katulad ko.
"Bakit ganyan ang itsura mo? Bawal ang makapal ang make-up, saka 'yang buhok mo hindi nakatali," puna niya habang sinisipat ang itsura ko.
I smiled as I flipped my hair. "Ang sabi mo kasi sa akin, mahilig siya sa mga babaeng pula ang tuka kaya ganito ang ayos ko ngayon. Sa tingin mo ba, makukuha ko ang atensyon niya kung hindi ako nag-ayos nang ganito?"
"Bakit kasi kailangan mo pang gawin 'to? Baka mapahamak ka pa. Baka makilala ka niya na kapatid ka ni Deanna. Paniguradong magtataka 'yon kung bakit mo siya nilalapitan."
"You told me that he doesn't know that Ate Deanna has a sister. He probably won't recognize me if I introduce myself to him."
"Ako na lang kaya ang mag-imbestiga sa kaniya?" Mukhang ayaw niya talaga akong payagan sa gusto kong gawin.
As if naman magpapapigil ako sa kaniya.
I let out a heavy sigh. "Look, Kuya Jason. Hindi ka pwedeng lumapit sa kaniya dahil kilala ka niya. You punched him right after he tried to kiss Ate Deanna, right?"
Iyon ang kwento niya sa akin kahapon. Nang malaman niyang binastos ni Yael si Ate Deanna ay inabangan niya ito sa likod ng school. No wonder kung bakit kitang-kita ko ang maliit na pasa sa sentido ni Yael kahit malayo siya sa kinaroroonan ko.
"Oo nga pero..." He let out a frustrated sigh. "Bahala ka na nga. Basta mag-iingat ka."
"I can take care of myself," I assured him. "Now, leave."
"If something happens—"
"I don't need a bodyguard, okay? In case you forgot, wala na si Ate Deanna kaya wala ka na ring responsibilidad sa akin. To be honest, I cringe whenever someone treats me as if I'm a damsel in distress who needs to be rescued by a prince. That's not my personality."
"Tigas talaga ng ulo mo." Napailing siya, hindi kinakaya ang ugali ko.
Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad na papunta sa bleachers. Hindi ko pinansin ang mga pares ng mata na nakatingin sa akin. Karamihan sa kanila ay mga fans ng basketball players na naglalaro sa gitna.
Umupo ako sa pinakaunang row, malayo sa mga nanonood. Mas mabibigyan ako ng pansin kapag mag-isa lang ako.
Tiningnan ko ang mga duffel bag na nasa tabi ko. Isa-isa kong tiningnan iyon at napako ang atensyon ko sa kulay asul na duffel bag. Nakasulat sa strap n'on ang pangalang 'Yael'.
Yael Gomez.
Alam kong maliit ang posibilidad na may kinalaman siya sa pagpapakamatay ni Ate Deanna pero hindi ko pwedeng balewalain ang bawat detalyeng nakikita ko maliit man 'yan o malaki. Hindi ako manghihinayang sa oras ko basta para kay Ate Deanna.
Naghintay ako roon at inilabas ko pa ang paborito kong libro na may paranormal genre. I have to pretend I'm reading something to not look suspicious. Mahirap na.
"Water break muna!"
Nang marinig ko ang yabag ng mga players papunta sa kinaroroonan ko, hindi ako nag-angat ng tingin. Pinakiramdaman ko ang paglapit ng mga players sa mga gamit nila.
"Did you hear the news? Deanna is dead. Kaya pala hindi siya nakapasok kahapon."
I had to stop myself from looking at the guy who brought up the topic about my sister.
"Kahapon ko pa alam. Sayang nga, eh. I like her a lot but her boyfriend punched me. Saklap, bro."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa libro nang marinig ang nakakairitang boses ni Yael. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya nang malapitan ay alam kong siya ang nagsalita.
"I heard she killed herself. Bakit niya kaya ginawa 'yon?" tanong ulit ng kausap niya.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Yael na umupo sa tabi ko, isang metro ang layo mula sa akin. Nagpupunas na siya ng pawis sa leeg.
"Bakit niya nagawa 'yon? Nasarapan yata sa halik ko," tumatawang sagot niya.
"You mean you kissed her again?!"
"Yeah, after her boyfriend punched me. Just to annoy that bastard for hurting my face."
Rage dwelled inside my chest. Mas humigpit pa yata ang pagkakahawak ko sa libro ko.
"Ang sabi mo, sinubukan mo siyang halikan noong isang araw sa loob ng room n'yo. Nang suntukin ka ng boyfriend niya, hinalikan mo ulit? Kailan? Nauulol ka na ba?" sunod-sunod na tanong ng kausap ni Yael.
Gustong-gusto kong marinig ang sagot ni Yael pero abot-langit na ang pagpipigil ko na huwag mag-react. Masisira ang plano ko kapag nagkataon.
"Nagkita kami ni Deanna noong Linggo. I kissed her. That's it. Hindi ko naman alam na magpapakamatay siya kinabukasan."
Lumikha ng tunog ang pagbagsak ng libro ko sa sahig. Natulala ako saglit bago ako yumuko para pulutin iyon.
"Aray!"
"Ouch!"
Nakangiwing hinimas ko ang noo ko nang magkauntugan kami ni Yael nang subukan niya ring pulutin ang libro ko. Napatitig siya sa mukha ko nang tatlong segundo bago pinulot ang libro ko at inabot sa akin.
He has a nice looks that could make every woman swoon over him. Maputi siya, brown ang buhok at toned ang pangangatawan. Typical looks for a heartrob.
"I'm sorry, Miss." He gave me a flirty smile; the kind of smile every playboy would show to capture every woman's heart.
I'm not the type of a girl who gets easily deceived by looks, but I have to go with the flow.
"No." I chuckled a bit. "I'm sorry. Nasaktan ka tuloy."
Cringey. Parang gusto kong masuka sa pag-iiba ng boses ko.
"I'm okay. You like reading paranormal books, huh?" He pointed the book I was holding.
"This?" Tinaas ko ang libro para ipakita sa kaniya ang cover. "Oo. I like reading books about demons. You find it weird, 'no?"
"Weird." He let out an amused laugh. "But interesting."
I doubt that. You're not interested in the book I am reading but you found me gorgeous. Kanina ka pa nakatingin sa mga mata ko. Hindi ka umiiwas ng tingin. Palagi mong kinakagat ang bottom lip mo tapos ngingisi ka.
"Nursing student ka?" He asked the obvious. He probably noticed the uniform I was wearing.
Tumango na lang ako at ngumiti nang matamis. Hindi ko nilulubayan ang mga mata niya para mahalata niya na interesado rin ako sa kaniya.
"Napadaan lang ako rito. Walang prof, eh. By the way, I saw your nice moves earlier." I stepped forward and I just realized that he was towering over me. Hanggang leeg lang niya siguro ako. However, I extended my hand to touch his forehead. "Masakit pa ba?"
Nangibabaw ang panunukso ng mga teammates niya nang makita ang ginawa ko.
Tumaas ang sulok ng labi ko nang makitang bumaba ang mga mata ni Yael sa labi ko. Mukhang iniisa-isa niya ang bawat parte ng mukha ko ngayong isang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
Nakangising hinawakan niya ang kamay ko para alisin sa noo niya. Hindi niya iyon binitawan.
"Are you flirting with me?" tanong niya.
"What do you think?" tanong ko pabalik, nakangisi.
Hindi siya nakasagot dahil tinawag ulit sila ng coach nila mula sa kabilang side ng court.
Most of the guys like chasing. Kaya naman, nilampasan ko na siya at nagsimulang maglakad palayo.
In five seconds, you'll ask about my free time later.
"Anong oras ka free mamaya?" tanong niya.
Napatigil ako sa paglalakad at napangisi. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at nakita ko sa itsura niya ang pananabik na malaman ang sagot ko.
I attended my three classes for today but my mind kept on thinking about what I heard from Yael earlier. Wala namang problema sa pag-aaral ko. Matataas naman ang nakukuha kong grades kahit anti-social ako.
Hindi ako mahilig makisalamuha sa mga blockmates ko at wala rin akong kaibigan sa kanila. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa mga taong hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko ba.
"Miss Serrano, are you okay?" Sir Yuri, our Art App professor, asked me. Nahalata niya siguro na nakatulala lang ako sa white board.
"I'm okay, Sir." Umupo ako nang maayos.
Hindi nila alam na namatayan ako ng kapatid. Una sa lahat, hindi nila alam na kapatid ko si Ate Deanna. Kahit magkapareho kasi kami ng school ay hindi ko siya kinakausap kapag nagkikita kami.
"Nagkita kami ni Deanna noong Linggo. I kissed her. That's it. Hindi ko naman alam na magpapakamatay siya kinabukasan."
Paulit-ulit iyon na nag-play sa utak ko. Hindi ko maiwasang hindi mapatanong sa sinabing iyon ni Yael.
Umalis ako noong Linggo ng hapon dahil pumunta ako ng mall at bumili ng mga gamit ko kasama si Kuya Gab, kaya hindi ko nakitang umalis ng bahay si Ate Deanna.
Ang pinagtataka ko lang ay bakit sila nagkita ni Yael? Kaya ba mukha siyang may problema noong gabing 'yon dahil hinarass siya ni Yael? Natakot ba siya na magsalita kaya naisip niyang magpakamatay na lang?
Ang daming tanong sa utak ko. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng condo unit ni Yael.
He clearly wanted to get in my pants so I decided to let him take me to his place. Alam kong delikado pero desperado na akong ma-solo siya.
Tumama ang likod ko sa malambot niyang kama. Naramdaman ko ang bigat niya nang pumatong siya sa akin nang wala nang suot pang-itaas.
"Stop staring at me," he whispered before claiming my lips.
For the sake of my mission, I kissed him back which made him groaned. He started unzipping my white pencil skirt but I stopped his hand.
"Easy. Masyado kang mabilis."
Kumunot ang noo niya nang tingnan ako. "I didn't bring you here to pray."
Tumawa ako at tinulak ang dibdib niya para paalisin siya sa ibabaw ko. Nagsalubong ang mga kilay niya at umupo na lang sa tabi ko.
"What?" iritadong tanong niya.
Bumangon ako at lumuhod sa kama sabay tulak sa kaniya pahiga. Nanlaki ang mga mata niya nang umupo ako sa ibabaw niya, dahilan para lumihis pataas ang suot kong skirt at ma-expose ang kaunting parte ng hita ko.
Kinagat ko ang hairtie ko habang inaayos ang buhok ko pa-bun. Nang matapos ay itinali ko na iyon nang maayos. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko iyon. Lust and aggressiveness were visible on his eyes.
"You can have my body pero hinay-hinay lang," dahan-dahang wika ko sa nang-aakit na tinig.
Sumunod ang mga mata niya sa mga kamay ko nang umpisahan kong buksan ang mga botones ng suot kong white blouse.
"Do you mind if you tell me about the girl you were talking about earlier?"
"S-Si Deanna?" tanong niya, nasa dibdib ko ang mga mata.
Sige lang. Magsawa ka sa kakatingin sa katawan ko.
"Bakit kayo nagkita noong Linggo?" tanong ko ulit. Binuksan ko ang huling botones ng suot kong blouse at tuluyang hinubad, exposing my white tank top.
"I asked her for lunch. Hindi naman siya tumanggi." Bumangon siya mula sa pagkakahiga at hinawakan ang bewang ko. "You know what? I don't wanna talk about her anymore. Let's just have fun."
Walang pasabi niyang hinalikan ang leeg ko pababa sa dibdib ko na ngayon ay exposed na ang cleavage. Gusto ko siyang itulak palayo dahil sa tuwing nararamdaman ko ang labi at dila niya sa balat ko ay nandidiri ako. Pero hindi pa ito ang tamang oras.
"Anong ginawa n'yo noong Linggo na 'yon?" tanong ko ulit.
I wonder kung alam 'to ni Kuya Jason.
Tumigil siya sa ginagawa at tumingala sa akin. "May pinag-usapan kaming importante. Why are we talking about her now? You seem interested in her."
Nang hindi ako sumagot ay pinagpatuloy niya ang ginagawa niya, pero hindi katulad kanina ay lumalayo na ako.
My breath hitched when he pulled down my bra.
"Stop it!" I pushed him away.
"What?!" Iritation filled his eyes. "What's wrong with you?!"
Inayos ko kaagad ang suot ko bago ko siya binigyan ng matalim na tingin.
"Ang sabi ko hinay-hinay lang, 'di ba?"
Hindi ako makapaniwala na nagawa kong makipaghalikan sa lalakeng katulad niya para lang alamin ang katotohanan. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko na ngayon.
Muntik na akong mapasigaw nang hawakan niya nang mahigpit ang braso ko. Nang tumingin ako sa mga mata niya ay nanlilisik na ang mga 'yon.
"You think I don't know you...Devon Serrano?"
Sa pagkakataong iyon ay alam kong lumabas na ang tunay niyang pagkatao.
[Devon Serrano]"I know..."Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko.Umangat ang sulok ng labi ko at tuluyang inalis ang braso ko mula sa pagkakahawak niya."Alam kong alam mo na ako si Devon Serrano, na kapatid ni Deanna Serrano na nagpakamatay dahil sa 'yo," matigas na wika ko.Umawang ang labi niya at mabilis akong tinulak. Bumaba siya mula sa kama at tiningan ako nang masama. Akala niya siguro ay siya ang panalo sa aming dalawa. "I saw you staring at my ID before we got here." Bumaba rin ako mula sa kama at isinuot ulit ang blouse ko. "Actually, I did it on purpose. I want you to show your true color to me kapag tayo na lang dalawa.""Ang lakas ng loob mo," wika niya sabay ngisi. "Anong ginagawa mo? Gusto mo bang malaman kung ako ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid mo? Hindi mo naman kailangan na gawin 'to para malaman ang totoo." Humakbang siya palapit sa akin at yumuko sa mukha ko kaya halos magdikit ang mga mukha namin. "Dahil papatunayan ko sa 'yo n
[Damon Cahill]"Ang dapat mong itanong: Ano ang kaya naming gawin?"Gusto kong makita ang takot sa mukha ni Devon pero wala akong ibang nakita sa mga mata niya kundi ang matinding determinasyon na malaman kung anong klase akong nilalang.Ibang klaseng babae 'to. Marunong ba 'tong matakot? Sabagay, pa'no ba 'to matatakot kung pogi ang kaharap niya? Tss.Walang paalam na naglaho na lang ako bigla sa harap niya. Natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng condo ng kaibigan ko na palagi namang wala kaya halos ako na lang ang nakatira.Hinubad ko ang hood at mask ko at saka pinagpagan ang medyo mahaba kong buhok. Para 'kong may kuto, nangangati pati anit ko. Tagal ko ba naman nakasuot ng hood. Kung 'di ko lang talaga kailangang itago ang gwapo kong mukha, eh. Kaso 'di pwede."Hay, ako na naman mag-isa rito." Nag-inat ako ng katawan bago sumalampak sa couch."Where have you been?" "Ay, tangina mo!" Tinaas ko ang mga paa ko sa couch at niyakap ang mga tuhod ko nang lumitaw sa harap ko ang kaibiga
Nang makabalik kami ng kaibigan ko sa condo, inutusan niya kaagad ako na magpalit ng suot dahil 'yon daw ang suot ko noong patayin ko ang kapatid ni Leon."Iniimbestigahan siya ng mga pulis," nakatulalang sabi ng kaibigan ko habang nakaharap sa laptop niya.Isinuot ko ang dilaw kong t-shirt at umupo sa tabi niya para sumilip sa laptop.Kumunot ang noo ko dahil Plants vs Zombies pala 'yon. Akala ko nagtatrabaho si gago."Stupid. Nasa diwa ako ni Devon," sabi niya nang tingnan ko siya nang masama. "The police officers were asking her about Yael's suicide case." Napatalon ako sa gulat nang suntukin niya ako sa braso. "Kasalanan mo 'to, eh. Hindi sana iimbestigahan si Devon kung hindi mo pinakialaman 'yong Yael na 'yon.""Talagang iiimbestigahan siya dahil nasa loob siya ng condo unit ng Yael na 'yon bago nagpakamatay. Saka huwag mo nga akong sisihin. Nabasa ko ang emosyon ni Yael. Puno ng pagsisisi ang puso niya dahil sa nangyari sa kapatid niya kaya inutusan ko siya na tapusin na lang a
[Devon Serrano]Bakit kasi siya pa ang nawala, eh! Bakit hindi na lang ikaw?! Bakit hindi na lang ikaw?!"Parang sirang plaka, paulit-ulit kong narinig ang masakit na salitang binitawan ni Mama sa akin kanina lang.Lumingon ako sa gilid kung saan nakapatong ang isang gunting sa side table. Gusto kong kunin 'yon at gamitin para saktan ang sarili ko, but somehow...my mind was telling me not to do it.Pero sana nga. Sana ako na lang ang nawala, para hindi ko nararamdaman 'to. Pakiramdam ko ay wala akong karapatan na mabuhay dahil sa sinabi niya, na mas deserve ko ang mamatay.Dapat hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil wala naman siyang ibang itinuturing na anak kundi si Ate Deanna. Pero masakit pa rin talagang marinig. Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko at iniwasan ng tingin ang gunting. Iiyak lang ako pero hindi ko gagawin ang ginawa ni Ate Deanna. Hindi ko sasaktan ang sarili ko. Hindi ako mahina. I won't let my emotions control me.Ilang ulit akong bumuntong-hininga para ma
[Devon Serrano]"Tell me what the fuck are you?!" I hissed out of frustration.He couldn't even talk. He was just looking at me with his lips parted a bit."Miss Serrano...I don't know what you're talking about." He let out a short laugh like I asked him a ridiculous question. "What am I? Hindi ba ako mukhang tao sa paningin mo?"Dumaan ang dalawang estudyante sa gilid namin at napatingin pa sila sa akin. Iniisip nila na inaaway ko si Sir Yuri pero wala akong pakialam. "Napapaligiran ka ng itim na usok..." nanlalaki ang mga matang sambit ko. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang timpla ng mukha niya. Binitawan niya ako at umatras palayo sa akin."I-Itim na usok?" tanong niya, parang naniniguro."What the hell are you?" I asked again, almost a whisper this time. He blinked twice. "M-Miss Serrano, calm down. I don't know what you're talking about."Lie.I could see fear in his eyes right now. He was swallowing hard like I caught him in the act of crime."What's happening here?" I w
[Damon Cahill]Mainipin akong tao pero para sa isang partikular na tao na sobrang importante sa akin, kaya kong maghintay nang matagal."Five-hundred six anak ng tupa, five-hundred seven anak ng tupa—Hay, salamat!" Umalis ako mula sa pagkakasandig sa gilid ng main gate ng Anderson University nang makita ko si Dylan na lumabas doon, sukbit sa isang balikat ang bag at may hawak na isang plastik ng potato chips.Inalis ko ang hood sa ulo ko at pumaswit para kunin ang atensyon niya. Napatigil siya sa pagsubo ng potato chips at luminga sa paligid, hinahanap ako.Para pa rin siyang bata na nawawala. Napailing ako sa naisip ko."Totoy!" tawag ko.Nang magtama ang paningin naming dalawa ay awtomatikong nangasim ang kaniyang mukha. Naglakad siya palapit sa akin at sumubo ng ilang pirasong potato chips."Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" tanong niya, puno pa ang bibig habang ngumunguya.Tiningnan ko nang masama ang hawak niyang potato chips. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akin na nga 'yan."
[Devon Serrano]Bago pa lumingon sa direksyon namin si Sir Yuri ay hinatak ko na ang braso ni Kuya Jason para isama siya sa paglabas sa locker room."Miss Serrano!" habol ni Sir Yuri. Dire-diretso lang ang paglalakad namin ni Kuya Jason hanggang sa humarang siya sa dinaraanan namin. "Anong nakita n'yo?" Iyon kaagad ang tinanong niya. I tried so hard not to yell at him. "Frankly speaking, I saw you talking with that demon-like creature, Sir Yuri."He blinked. "Y-You saw...him?""And the black smokes around you," I added. "Ngayon, sigurado na ako na hindi ka tao. Sigurado rin ako na hindi ka dapat pagkatiwalaan.""Devon," he called my name for the first time. "I know it's hard to believe but I don't mean any harm...lalo na sa 'yo.""Kung totoo 'yan, bakit isa sa inyo ang pumatay sa girlfriend ko?" Kuya Jason joined the conversation. I turned my head to Kuya Jason, giving him a questioning look. Paano niya nasabing may kinalaman ang mga katulad ni Sir Yuri sa pagpapakamatay ni Ate De
[Devon Serrano]Ilang segundo na ang lumipas pero walang nagsasalita sa aming lima. Nakaupo kami sa harap ng mahabang mesa. Nasa pinakadulo si Wayne, ang sinasabing lider ng grupo. Nasa kaliwang bahagi si Dylan at ang babaeng naka-crop top habang kami naman ni Kuya Jason sa kanang bahagi. May dalawang tasa ng kape ang nakalagay sa harap namin. "Why don't you introduce yourselves to us first?" Wayne broke the silence. He put his fingers together while he was staring at us."I'm—""Siya si Devon, 'yong nakakita ng mga Nayagi sa totoong anyo nila," sabad ni Dylan sa sasabihin ko. Muntik na tuloy akong mapairap. "Tapos si Kuya Jason naman 'yang kasama niya. Hindi nga ako makapaniwala na naniwala kaagad siya sa akin."Tss. Bakit ba siya ang sumasagot? Sinamaan ko siya nang tingin at nakita niya iyon kaya kinagat niya ang pang-ibabang labi, naghahamon."Bakit ba ikaw ang sumasagot? Ikaw ba ang kausap ni Wayne?" asik ng babaeng katabi niya."Inunahan ko na! Kilala ko 'yang si Devon, eh! M