“True to his words, my father helped us pay the bills in the hospital. He had already prepared the money for the incoming operation. The operation was already scheduled, too. I was so happy back then because finally, my mother would be saved from her liver cancer. But that was just my thought.” “Anak, masaya ka ba na ma-ooperahan na sa wakas ang mama mo?” tanong ni mama sa akin habang sinusuklay niya ang aking bagong gupit na buhok. Ipinalibot ko ang aking mga braso sa baywang ni mama at saka siya tinanguan. “Sobrang saya ko po, mama!” masiglang sagot ko. Natawa si mama sa aking reaksyon. Pinaharap niya ako sa kaniya. “Kaso pasensya ka na, anak. Hindi makakadalo si mama sa graduation mo bukas,” malungkot na paghingi ng tawad ni mama. Tama siya. Graduation ko na bukas. At bukas na rin ang kaniyang operasyon. Pero wala akong naramdamang lungkot o tampo. S
Magbasa pa