Aviona's POV Napahinga siya nang malalim. “Eh kasi ganito po ‘yon. Nawalan po kasi ng anak si Manang Eba, limang taon na po ang nakakaraan. May depression po kasi iyong anak niya noon. Hindi ko po alam kung bakit. Pero ang sabi ni Manang Eba, dalawang taon na daw simula noong tinamaan ng depression iyong anak niya na iyon. Tapos hindi na po siguro kinaya kaya nagpakamatay po,” pagsiwalat niya. Natulala ako sa ikinwento niya. “Ang pinakamalala po doon, nakita mismo ni Manang Eba kung paano tumalon ang anak niya mula sa bubong ng bahay nila. Namatay po ang anak niya sa harapan niya mismo. Sising-sisi daw po siya dahil wala siyang nagawa para iligtas ang anak niya. Nag-iisang anak pa naman po niya iyon. Tapos ay matagal na po silang iniwan ng napangasawa niya. Siguro po kung nabubuhay pa ang anak niyang iyon, baka kasing edad niyo na rin po siya.” Saglit siyang tumigil. “
Read more