"Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta
Read more