Aviona’s POV“Kain lang nang kain, iha.” Natapos nang gamutin at balutin ng benda ni Manang Eba ang aking sugat. Kaagad niya akong pinakain nang matapos. Nagpresinta akong kumain nang mag-isa ngunit nagpumilit siyang subuan ako. Ang katwiran niya ay hindi raw ako makakakain nang maayos dahil sa aking sugat. “Lagi kitang hinihintay na bumaba upang mabantayan ka naming kumain. Ang kaso naman ay madalang ka lamang na lumabas sa kwarto mong ito.” Muli siyang sumalok ng pagkain gamit ang kutsara saka isinubo sa akin. Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig bago nagsalita. “Pasensya na po kayo. Hindi po kasi ako sanay na humarap sa mga tao,” pag-amin ko.“Naiintindihan ko naman. Ang sa akin lang, kung may problema ka, magsabi ka sa amin. At kung wala man kaming maibigay na adbays, kahit papaano naman ay may napagsabihan ka. May nakinig sa iyo. Tulad nga ng napanood ko sa tibi, malaking gaan sa pakiramdam ang paglalabas at pagsas
Magbasa pa