Home / All / Running Away from the Villainous CEO / Chapter 131 - Chapter 140

All Chapters of Running Away from the Villainous CEO : Chapter 131 - Chapter 140

229 Chapters

131

Masakit na masakit ang kanyang katawan nang muli siyang magkamalay. Iminulat niya ang mga mata. Isang hindi pamilyar at maduming kisame na may ilang mga sapot ng mga gagamba ang bumungad sa kanya.Mahamog pa ang kanyang isipan, at kahit na paghinga lang ang kanyang ginagawa nang mga oras na iyon ay ramdam pa rin niya ang tila pumipintig na kirot sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan. Hindi pa lubusang humihilom ang mga pasa na natamo niya sa pambubugbog sa kanya ng mga batang katulad niya, pero heto siya at nadagdagan na naman ang sakit na iniinda. Ngunit mas matindi ang mga natamo niyang pinsala sa Naalala niya bigla ang rason kung bakit siya humantong sa ganoong sitwasyon. Napabalikwas siya ng bangon. Sandaling naglaho ang kanyang mga nararamdaman sa katawan. Tila naging isa siyang mabangis na
last updateLast Updated : 2022-03-21
Read more

132

Halata ng lahat ng kanyang mga kasamahan na tila walang mapagsidlan ng galak si Manong matapos nitong ibaba ang ikalawang tawag nito para humingi ng update tungkol sa mga hinihingi nila sa magulang ng kanilang kasalukuyang bihag. Kung walang mangyayaring aberya, ang makukuha nilang pera ang siyang pinakamalaking halaga na mapapasakanila. Noong una ay isang milyong piso lang talaga ang balak niyang hingin mula kay Mr. Randall, ngunit nang mabanggit niya ang tungkol dito sa contact niya sa sindikato ay binigyan siya nito ng ilan pang impormasyon tungkol sa pagkatao nito. Nang malaman niya ang background nito ay medyo nag-alinlangan siya kung kaya ba ng kanilang grupo na banggain ang isang katulad nito ngunit nahikayat siya ng kanyang contact.Sinabi nito na huli na para magsisi pa siya gayong nasa kamay na niya ang anak nito. Ang tanging magagawa na lang ni
last updateLast Updated : 2022-03-22
Read more

133

“Seven million… is a fairly big sum.” hindi maiwasang maikomento ni Ellaine. She had been a hard worker in her previous life– she had to in order to live comfortably– but all her worldly possessions and bank account savings in that life had not amounted to that sum. Tinitigan niya si Garreth nang diretso sa mga mata. “Thank you.”“Hindi mo kailangang magpasalamat. Cas is also my son.” seryosong sagot ni Garreth.He’s right. Pero hindi kasi naisip ni Ellaine na handa itong maglabas ng ganoong kalaking halaga para iligtas ang buhay ng anak nila gayong hindi pa naman ito nakakasama ni Garreth nang matagal. Siguro medyo may pagka-cynical lang siyang talaga, pero hindi lubos ang tiwala ni Ellaine sa mga tao at sa bigkis na gawa ng parehong dugo na dumadaloy sa kanilang mga ugat. 
last updateLast Updated : 2022-03-23
Read more

134

Tahimik ang lugar. Madilim ang buong paligid sa kalagitnaan ng gabi. Unang beses pa lamang ni Garreth na makapunta sa lugar na iyon pero pamilyar pa rin ito sa kanya. Kasama kasi iyon sa listahan ng mga prime real estate location na siyang napupusuang bilihin ng kanilang kumpanya para i-develop. It was an old private Catholic boarding school that had already closed a few years ago. Sa tagal ng pagkakatatag sa lugar ay maituturing na nga itong isang historic site. Ilang henerasyon galing sa iisang pamilya ang siyang nagmamay-ari sa eskwelahang iyon dati ngunit hindi lahat ng mga taong humawak sa pamunuan nito ay naging maayos ang pamamalakad sa institusyon. Kaya naman pagkatapos ng mahaba nitong kasaysayan ay kinailangan na rin itong ipasara.Dahil sa laki ng naging utang nito sa bangko– nasangkot kasi ang pinaka-recent nitong presidente sa isang emb
last updateLast Updated : 2022-03-24
Read more

135

Nagkita sila sa isang malawak at madamong bakanteng lote na siyang dating soccer field ng eskwelahang iyon. Sa ilang taon nang inanbandona ang lugar, nakapagtatakang hindi pa ganoon kataas ang mga damong tumubo roon. Sa pinakagitna pa nga ng loteng iyon ay tila mas malinis ang lupa at wala masyadong mga ligaw na halaman.It’s because the abandoned lot had been the venue of a few wild parties and activities for some young adults who run on the wild side. The gloomy place had unconsciously invited groups of friends and schoolmates who want to participate in dares and courage tests and celebrating afterwards.Ang espasyo na iyon ang siyang paglalapagan ng helicopter.Pagkatapos ng pagpapalitan ng pera at kanilang mga bihag ay ang tauhan niyang dating miyembro ng isang crime syndicate sa abroad at isang dating mil
last updateLast Updated : 2022-03-25
Read more

136

Napaaray ang isa sa mga bodyguard ni Garreth. Isang bagay rin ang narinig niyang nalaglag sa lupa.The bullet came from somewhere to their left. Base sa trajectory niyon, tantiya ni Garreth ay sa fourth floor iyon ng  school building na siyang pinakamalapit sa kanilang kinaroroonan. Mukhang hindi nagustuhan ng bumaril ang ginawang pasimpleng pagdukot sa bulsa ng bodyguard na kasama ni Garreth. Pasimple niyang sinulyapan ang eksaktong lokasyon kung saan sa tingin niya ay nagmula ang bala. Kung sino man ang bumaril na iyon, ito ay isang malaking alas ng kalaban at malaking hadlang naman para sa kanila.Matatagalan ang mga tao niya bago makarating sa kinaroroonan nito. Ibayong pag-iingat ang kailangan niyang gawin.Nilingon niya ang bodyguard na nabaril. Nakasapo
last updateLast Updated : 2022-03-26
Read more

137

Nakatutok kina Garreth ang mga baril ng mga kidnapper. Isang maling galaw lamang niya at  alam niyang hindi mag-aatubili ang mga ito na paulanan siya ng bala. Sa puntong iyon, ang tanging mahalaga lamang sa kanya ay ang mailigtas ang anak niya.“Double time, double time.” Narinig ni Garrreth na wika ni Manong upang pagmadaliin siya. Kinuha ni Garreth ang briefcase na naglalaman ng pera mula sa isa niyang bodyguard na may hawak niyon. Makahulugan ang naging palitan nila ng tingin sa mabilis na saglit na iyon. Pagharap niya muli sa mga kidnapper ay nakahanda na siya.Bago natuloy ang kanilang palita ay bahagyang lumipat ng mga puwesto ang mga ito palapit sa helicopter na wala nang sakay. Iyon ay para mas mabilis silang makatakbo papunta roon pa
last updateLast Updated : 2022-03-27
Read more

138

Humahangos si Ellaine na bumaba ng kotse pagkaparada pa lamang nito sa parking lot ng ospital. Tila bumara ang kanyang puso sa kanyang lalamunan sa matinding pag-aalala.Hindi pa siya tinatawagan ni Garreth upang ipaalam kung ano na ang kinalabasan ng pakikipagnegosasyon nito sa mga kidnappers. Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip masyado kung may masama bang nangyari o kaya naging bigo itong tuparin ang pakay. Ang iilang nalaman niya mula sa isa sa mga tauhan nito ay hindi sapat upang mapanatag ang kanyang kalooban. Nakarating din sa kanyang pagkakaalam ang tungkol sa naganap na palitan ng putok. Ang totoo niya’y nakaramdam siya ng anxiety nang malamang nakipagpalitan pa ng putok sina Garreth at ang mga kidnappers. Mas lalo siyang nag-alala at kinabahan doon.
last updateLast Updated : 2022-03-28
Read more

139

Pahapyaw lamang na inilahad ni Garreth ang lahat ng nangyari sa pakikipagnegosasyon niya sa mga kidnappers na dumukot sa kanilang anak at sa kaibigan nito. Binanggit lamang ni Garreth ang ilang mga impormasyon na makakapagpabawas sa kanyang pagkabalisa dahil sa buong pangyayaring iyon. Wala rin naman si Ellaine sa tamang wisyo nang mga oras na iyon. Nahahati ang kanyang atensyon sa sinasabi ni Garreth at sa kalagayan ng dalawang bata. Maybe later, when they’re at home and well rested after the whole ordeal, she’ll demand the whole story and not the edited version of it. Later.Kahit na alam ni Ellaine na ligtas na si Cas, hindi pa rin sila kaagad na makakauwi. Nag-aalangan din siyang iwan ang batang lalaking kaibigan ni Cas na mag-isa at walang kasama habang napaliligiran ng mga hindi nito ki
last updateLast Updated : 2022-03-29
Read more

140

Kumikirot ang bandang kaliwa niyang balikat. Hindi pa siya lubusang nakakaahon mula sa malalim na kadiliman ng kawalan ng malay-tao ngunit ang sakit ng sugat na iyon ang agad niyang naramdaman at unti-unting nagpapagising sa kanya.Sugat? Saan nanggaling ang sugat na iyon?Nabugbog na naman ba siya dahil bigo siyang makaabot sa kota ng dapat kitain sa araw na iyon? O, pinagtulungan na naman siya ng iba pang mga batang katulad niya para makuha ng mga ito at mapaghatian ang kanyang kinita?Kung nasugatan siya, ibig sabihin ay mas malupit at mas marahas ang ginamit sa kanyang pamamaraan.Kumunot ang kanyang noo. Subalit hindi iyon maaari. Hindi na ganoon kalaki ang tanda sa kanya ng mga pinakamatataas ang edad na mga batan
last updateLast Updated : 2022-03-30
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
23
DMCA.com Protection Status