Nagkita sila sa isang malawak at madamong bakanteng lote na siyang dating soccer field ng eskwelahang iyon. Sa ilang taon nang inanbandona ang lugar, nakapagtatakang hindi pa ganoon kataas ang mga damong tumubo roon. Sa pinakagitna pa nga ng loteng iyon ay tila mas malinis ang lupa at wala masyadong mga ligaw na halaman.
It’s because the abandoned lot had been the venue of a few wild parties and activities for some young adults who run on the wild side. The gloomy place had unconsciously invited groups of friends and schoolmates who want to participate in dares and courage tests and celebrating afterwards.
Ang espasyo na iyon ang siyang paglalapagan ng helicopter.
Pagkatapos ng pagpapalitan ng pera at kanilang mga bihag ay ang tauhan niyang dating miyembro ng isang crime syndicate sa abroad at isang dating mil
Napaaray ang isa sa mga bodyguard ni Garreth. Isang bagay rin ang narinig niyang nalaglag sa lupa.The bullet came from somewhere to their left. Base sa trajectory niyon, tantiya ni Garreth ay sa fourth floor iyon ng school building na siyang pinakamalapit sa kanilang kinaroroonan. Mukhang hindi nagustuhan ng bumaril ang ginawang pasimpleng pagdukot sa bulsa ng bodyguard na kasama ni Garreth.Pasimple niyang sinulyapan ang eksaktong lokasyon kung saan sa tingin niya ay nagmula ang bala. Kung sino man ang bumaril na iyon, ito ay isang malaking alas ng kalaban at malaking hadlang naman para sa kanila.Matatagalan ang mga tao niya bago makarating sa kinaroroonan nito. Ibayong pag-iingat ang kailangan niyang gawin.Nilingon niya ang bodyguard na nabaril. Nakasapo
Nakatutok kina Garreth ang mga baril ng mga kidnapper. Isang maling galaw lamang niya at alam niyang hindi mag-aatubili ang mga ito na paulanan siya ng bala. Sa puntong iyon, ang tanging mahalaga lamang sa kanya ay ang mailigtas ang anak niya.“Double time, double time.” Narinig ni Garrreth na wika ni Manong upang pagmadaliin siya.Kinuha ni Garreth ang briefcase na naglalaman ng pera mula sa isa niyang bodyguard na may hawak niyon. Makahulugan ang naging palitan nila ng tingin sa mabilis na saglit na iyon.Pagharap niya muli sa mga kidnapper ay nakahanda na siya.Bago natuloy ang kanilang palita ay bahagyang lumipat ng mga puwesto ang mga ito palapit sa helicopter na wala nang sakay. Iyon ay para mas mabilis silang makatakbo papunta roon pa
Humahangos si Ellaine na bumaba ng kotse pagkaparada pa lamang nito sa parking lot ng ospital. Tila bumara ang kanyang puso sa kanyang lalamunan sa matinding pag-aalala.Hindi pa siya tinatawagan ni Garreth upang ipaalam kung ano na ang kinalabasan ng pakikipagnegosasyon nito sa mga kidnappers. Hindi tuloy niya maiwasang mag-isip masyado kung may masama bang nangyari o kaya naging bigo itong tuparin ang pakay.Ang iilang nalaman niya mula sa isa sa mga tauhan nito ay hindi sapat upang mapanatag ang kanyang kalooban. Nakarating din sa kanyang pagkakaalam ang tungkol sa naganap na palitan ng putok. Ang totoo niya’y nakaramdam siya ng anxiety nang malamang nakipagpalitan pa ng putok sina Garreth at ang mga kidnappers.Mas lalo siyang nag-alala at kinabahan doon.
Pahapyaw lamang na inilahad ni Garreth ang lahat ng nangyari sa pakikipagnegosasyon niya sa mga kidnappers na dumukot sa kanilang anak at sa kaibigan nito. Binanggit lamang ni Garreth ang ilang mga impormasyon na makakapagpabawas sa kanyang pagkabalisa dahil sa buong pangyayaring iyon.Wala rin naman si Ellaine sa tamang wisyo nang mga oras na iyon. Nahahati ang kanyang atensyon sa sinasabi ni Garreth at sa kalagayan ng dalawang bata.Maybe later, when they’re at home and well rested after the whole ordeal, she’ll demand the whole story and not the edited version of it. Later.Kahit na alam ni Ellaine na ligtas na si Cas, hindi pa rin sila kaagad na makakauwi. Nag-aalangan din siyang iwan ang batang lalaking kaibigan ni Cas na mag-isa at walang kasama habang napaliligiran ng mga hindi nito ki
Kumikirot ang bandang kaliwa niyang balikat. Hindi pa siya lubusang nakakaahon mula sa malalim na kadiliman ng kawalan ng malay-tao ngunit ang sakit ng sugat na iyon ang agad niyang naramdaman at unti-unting nagpapagising sa kanya.Sugat? Saan nanggaling ang sugat na iyon?Nabugbog na naman ba siya dahil bigo siyang makaabot sa kota ng dapat kitain sa araw na iyon? O, pinagtulungan na naman siya ng iba pang mga batang katulad niya para makuha ng mga ito at mapaghatian ang kanyang kinita?Kung nasugatan siya, ibig sabihin ay mas malupit at mas marahas ang ginamit sa kanyang pamamaraan.Kumunot ang kanyang noo. Subalit hindi iyon maaari.Hindi na ganoon kalaki ang tanda sa kanya ng mga pinakamatataas ang edad na mga batan
Ngumiti si Ellaine upang mapanatag ang loob ng batang lalaki. Medyo awkward nga lang na tinitigan lamang siya nito nang walang emosyon sa mukha.To have an expression like that on someone as young as he is… It's discomfiting and a little bit saddening."Hello," masigasig ngunit malumanay na pakilala ni Ellaine sa katamtamang lakas ng boses upang hindi magising si Cas na natutulog sa isa pang hospital bed sa silid na iyon. "Ako nga pala ang Mommy ni Cas. Nandito ako para bantayan at alagaan kayo hanggang sa tuluyan na kayong gumaling. Nagkita na tayo ng isang beses, hindi ba? Sa labas ng isang fastfood? Naaalala mo pa ba?"Ilang segundo ang lumipas bago ito tumango.Lihim na nakahinga nang maluwag si Ellaine dahil sa naaalala pa siya ng bata. At least, hindi nito a
Lumaki siyang walang magulang. Dati pa lang ay alam na niyang wala siyang pamilya. Noong mas bata pa siya, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang sitwasyon niya. Bakit ang ibang batang nasa paligid niya ay may mga nanay at tatay, pero siya, kahit isa sa mga iyon, ay wala.Isang lola ang nagpalaki sa kanya. Mag-isa lang ito at walang kasama sa buhay dahil iniwan na ito ng mga anak. Nagtitinda ito ng gulay sa palengke, pati na rin mga murang tradisyonal na meryenda na tulad ng turon at ilang klase ng kakanin. Maliit lamang ang kita nito ngunit sapat naman para sa kanilang dalawa.“Totoy” o kaya ay “Utoy” ang madalas na itawag sa kanya ng kanyang lola kaya iyon ang kinagisnan niyang pangalan. Pero hindi niya gusto ang pangalan na iyon. Kaso wala naman siyang maisip na gusto niyang pangalan kaya hinayaan na lamang rin niya.
Pinakamalaking headline sa bansa ang tungkol sa grupo ng child trafficking ring na pinagkakakitaan ng isang sindikato. Lumabas pa ang maraming krimen na kinasangkutan ng mga miyembro nito.Mas lalo pang gumimbal sa marami na ang grupo pala nito ang siyang sangkot sa balitang kamakailan lang ay laman ng mga pahayagan at mga balita sa telebisyon. Sila ang dumukot sa anak na babae ng isang negosyante at nag-demand ng malaking halaga bilang ransom, ngunit nagkaroon ng aberya sa kalagitnaan ng negosasyon na siyang ikinamatay ng batang babae.Matindi ang naging reaksyon ng madla sa pangyayaring ito kaya naman naging mainit ang pagsubaybay nila sa kasong nabanggit. Lalo lamang iyon nadagdagan nang tuluyan na silang mapasakamay ng mga awtoridad.Nang mabunyag ang lahat ng ilegal na gawaing kinasangkutan ng grupo