Kumikirot ang bandang kaliwa niyang balikat. Hindi pa siya lubusang nakakaahon mula sa malalim na kadiliman ng kawalan ng malay-tao ngunit ang sakit ng sugat na iyon ang agad niyang naramdaman at unti-unting nagpapagising sa kanya.
Sugat? Saan nanggaling ang sugat na iyon?
Nabugbog na naman ba siya dahil bigo siyang makaabot sa kota ng dapat kitain sa araw na iyon? O, pinagtulungan na naman siya ng iba pang mga batang katulad niya para makuha ng mga ito at mapaghatian ang kanyang kinita?
Kung nasugatan siya, ibig sabihin ay mas malupit at mas marahas ang ginamit sa kanyang pamamaraan.
Kumunot ang kanyang noo. Subalit hindi iyon maaari.
Hindi na ganoon kalaki ang tanda sa kanya ng mga pinakamatataas ang edad na mga batan
Ngumiti si Ellaine upang mapanatag ang loob ng batang lalaki. Medyo awkward nga lang na tinitigan lamang siya nito nang walang emosyon sa mukha.To have an expression like that on someone as young as he is… It's discomfiting and a little bit saddening."Hello," masigasig ngunit malumanay na pakilala ni Ellaine sa katamtamang lakas ng boses upang hindi magising si Cas na natutulog sa isa pang hospital bed sa silid na iyon. "Ako nga pala ang Mommy ni Cas. Nandito ako para bantayan at alagaan kayo hanggang sa tuluyan na kayong gumaling. Nagkita na tayo ng isang beses, hindi ba? Sa labas ng isang fastfood? Naaalala mo pa ba?"Ilang segundo ang lumipas bago ito tumango.Lihim na nakahinga nang maluwag si Ellaine dahil sa naaalala pa siya ng bata. At least, hindi nito a
Lumaki siyang walang magulang. Dati pa lang ay alam na niyang wala siyang pamilya. Noong mas bata pa siya, hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang sitwasyon niya. Bakit ang ibang batang nasa paligid niya ay may mga nanay at tatay, pero siya, kahit isa sa mga iyon, ay wala.Isang lola ang nagpalaki sa kanya. Mag-isa lang ito at walang kasama sa buhay dahil iniwan na ito ng mga anak. Nagtitinda ito ng gulay sa palengke, pati na rin mga murang tradisyonal na meryenda na tulad ng turon at ilang klase ng kakanin. Maliit lamang ang kita nito ngunit sapat naman para sa kanilang dalawa.“Totoy” o kaya ay “Utoy” ang madalas na itawag sa kanya ng kanyang lola kaya iyon ang kinagisnan niyang pangalan. Pero hindi niya gusto ang pangalan na iyon. Kaso wala naman siyang maisip na gusto niyang pangalan kaya hinayaan na lamang rin niya.
Pinakamalaking headline sa bansa ang tungkol sa grupo ng child trafficking ring na pinagkakakitaan ng isang sindikato. Lumabas pa ang maraming krimen na kinasangkutan ng mga miyembro nito.Mas lalo pang gumimbal sa marami na ang grupo pala nito ang siyang sangkot sa balitang kamakailan lang ay laman ng mga pahayagan at mga balita sa telebisyon. Sila ang dumukot sa anak na babae ng isang negosyante at nag-demand ng malaking halaga bilang ransom, ngunit nagkaroon ng aberya sa kalagitnaan ng negosasyon na siyang ikinamatay ng batang babae.Matindi ang naging reaksyon ng madla sa pangyayaring ito kaya naman naging mainit ang pagsubaybay nila sa kasong nabanggit. Lalo lamang iyon nadagdagan nang tuluyan na silang mapasakamay ng mga awtoridad.Nang mabunyag ang lahat ng ilegal na gawaing kinasangkutan ng grupo
“Welcome to the family, Uri~”Masigabo ang naging pagtanggap ng lahat sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.Lihim na nakahinga si Ellaine nang malalim habang pinagmamasdan ang triplets na sinalubong si Uri. Ang tatlong bata ang siyang nakaisip at nagbigay ng suhestiyon na magsagawa sila ng isang munting salu-salo– isang simpleng welcome party na sila-sila lamang ang naghanda– para ipagdiwang ang pagkaka-discharge nito sa ospital, pati na rin ang pagiging parte nito ng kanilang pamilya.Dalawang linggo rin itong naka-confine sa ospital para magpagaling. Bukod kasi sa naging tama nito ng bala, may iba rin itong health issues, katulad na lamang ng pagiging severely malnourished nito. They hired a certified nutritionist and dietitian who will work on the menu para mag-formulate ng d
“Chicken soup for the soul?” ulit ni Garreth. “Sa tingin ko hindi siya ang tipo ng bata na magpapadala sa mga ganoong salita. He’s different. Malaki ang pagkakaiba niya sa mga bata. That’s because he didn’t have a normal childhood. He’s a fighter and survivor. Iyon ang kanyang nakagisnan. Ang mga magagarang pananalita ay mas lalo lamang magpapataas ng level ng kanyang pagka-alerto sa ibang tao. He didn’t have someone like you to guide him in most of his formative years. Isang malaking himala na lumaki siyang malinaw pa rin sa kanyang isipan ang pagkakaiba ng tama at mali.”Ellaine found himself getting lost in Garreth’s words. Mataman siyang nakikinig sa mga sinasabi nito nang hindi namamalayang unti-unti siyang natutulala sa mapupulang labi habang patuloy pa rin nitong ipinapaliwanag sa kanya ang punto nito.
“Fiona!”Lumingon si Fiona sa direksyon ng tumawag sa kanyang pangalan.Humahangos na lumapit sa kanya ang kanyang talent manager na si Cleo, isang trans woman na nasa ilalim ng Evermore Star Studio na isang maliit na artist studio kung saan siya kasalukuyang naka-sign. “Good work today. Nagustuhan ng Director ang performance mo. Malaki ang tsansa na kuhanin ka ulit niya sa iba pa niyang proyekto.”Hindi napagaan ng papuring iyon ng kanyang talent manager ang nararamdaman niyang bigat ng kalooban. “Do I have any more work lined up?”“Of course! Marami! I’ll give the list to you later and you can choose one or two yourself.”“Any good script?”
“Malaking kawalan sa’tin ang mga resources na galing kay Mr. Randall,” hindi maiwasang maikomento ni Cleo. Marami silang benepisyo na nakuha noong si Fiona ay nasa loob pa ng isang kontrata bilang kinakasama ng mayamang pinakabatang business tycoon sa Pilipinas. Hindi lang siya Fiona ang nakinabang doon kundi siya bilang talent manager nito. Maging ang iba pa niyang mga talent na hawak niya ay naambunan din ng biyaya dahil sa kasunduang iyon sa pagitan nina Fiona at Garreth Randall.Nakaramdam ng inis si Fiona. “Alam ko. Hindi mo na kailangang ulit-ulitn pa iyan.”Sandaling tinitigan ni Cleo ang kaharap. Ilang taon na rin silang magkakilala. Kabisado na niya ang ugali nito. Batid niyang kung may mas nanghihinayang sa pagtatapos ng kontrata ni Fiona at Mr. Randall, si Fiona na iyon.
Nagsindi ng sigarilyo si Cleo at humithit nang malalim bago ibinuga ang usok. Fiona almost gave in to the urge to light one herself, but she knew giving in to the craving would only make way for the addiction to start over again. Vices like it don’t bode well for someone whose physiognomy is part of the portfolio that needs to be submitted to gain more work.Malaki ang nagagastos niya para mapanatili ang youthful quality ng kanyang balat kaya noong una pa lang na na-realize niyang masama ang magiging epekto sa kanya ng paninigarilyo ay tinigilan na niya ito agad. Subalit dinadalaw pa rin siya minsan ng matinding pagke-crave na humithit ng kahit isa lang. Napapadalas ang atake nito dahil labis sa sobrang stress niya nitong mga nakaraang araw.Humithit-buga pa ulit si Cleo bago siya binalingan at tiningnan nang diretso sa mata. “Tatapatin na kit