“Chicken soup for the soul?” ulit ni Garreth. “Sa tingin ko hindi siya ang tipo ng bata na magpapadala sa mga ganoong salita. He’s different. Malaki ang pagkakaiba niya sa mga bata. That’s because he didn’t have a normal childhood. He’s a fighter and survivor. Iyon ang kanyang nakagisnan. Ang mga magagarang pananalita ay mas lalo lamang magpapataas ng level ng kanyang pagka-alerto sa ibang tao. He didn’t have someone like you to guide him in most of his formative years. Isang malaking himala na lumaki siyang malinaw pa rin sa kanyang isipan ang pagkakaiba ng tama at mali.”
Ellaine found himself getting lost in Garreth’s words. Mataman siyang nakikinig sa mga sinasabi nito nang hindi namamalayang unti-unti siyang natutulala sa mapupulang labi habang patuloy pa rin nitong ipinapaliwanag sa kanya ang punto nito.
“Fiona!”Lumingon si Fiona sa direksyon ng tumawag sa kanyang pangalan.Humahangos na lumapit sa kanya ang kanyang talent manager na si Cleo, isang trans woman na nasa ilalim ng Evermore Star Studio na isang maliit na artist studio kung saan siya kasalukuyang naka-sign. “Good work today. Nagustuhan ng Director ang performance mo. Malaki ang tsansa na kuhanin ka ulit niya sa iba pa niyang proyekto.”Hindi napagaan ng papuring iyon ng kanyang talent manager ang nararamdaman niyang bigat ng kalooban. “Do I have any more work lined up?”“Of course! Marami! I’ll give the list to you later and you can choose one or two yourself.”“Any good script?”
“Malaking kawalan sa’tin ang mga resources na galing kay Mr. Randall,” hindi maiwasang maikomento ni Cleo. Marami silang benepisyo na nakuha noong si Fiona ay nasa loob pa ng isang kontrata bilang kinakasama ng mayamang pinakabatang business tycoon sa Pilipinas. Hindi lang siya Fiona ang nakinabang doon kundi siya bilang talent manager nito. Maging ang iba pa niyang mga talent na hawak niya ay naambunan din ng biyaya dahil sa kasunduang iyon sa pagitan nina Fiona at Garreth Randall.Nakaramdam ng inis si Fiona. “Alam ko. Hindi mo na kailangang ulit-ulitn pa iyan.”Sandaling tinitigan ni Cleo ang kaharap. Ilang taon na rin silang magkakilala. Kabisado na niya ang ugali nito. Batid niyang kung may mas nanghihinayang sa pagtatapos ng kontrata ni Fiona at Mr. Randall, si Fiona na iyon.
Nagsindi ng sigarilyo si Cleo at humithit nang malalim bago ibinuga ang usok. Fiona almost gave in to the urge to light one herself, but she knew giving in to the craving would only make way for the addiction to start over again. Vices like it don’t bode well for someone whose physiognomy is part of the portfolio that needs to be submitted to gain more work.Malaki ang nagagastos niya para mapanatili ang youthful quality ng kanyang balat kaya noong una pa lang na na-realize niyang masama ang magiging epekto sa kanya ng paninigarilyo ay tinigilan na niya ito agad. Subalit dinadalaw pa rin siya minsan ng matinding pagke-crave na humithit ng kahit isa lang. Napapadalas ang atake nito dahil labis sa sobrang stress niya nitong mga nakaraang araw.Humithit-buga pa ulit si Cleo bago siya binalingan at tiningnan nang diretso sa mata. “Tatapatin na kit
Malalim ang buntong-hiningang pinakawalan ni Garreth pagkatapos mabasa ang isang manipis na file ng printed documents na ang laman ay ang impormasyon tungkol kay Uri. He might’ve consented to Ellaine’s decision to add another member to their family but that didn’t mean that he was lessening his vigilance against others. He was puzzled by the reason behind Ellaine’s insistence to let the kid close to them.He doesn’t believe the kid capable, or cruel enough, to harm their family but being alert will not be a disadvantage to them. Isa pa, hindi pa rin niya naiwawalaglit sa isipan ang posibilidad na may taong salungat sa kanya na siyang nagpadala sa bata. Ellaine’s aware of what he was thinking but other than the sidelong glances she threw at him from time to time, she didn’t
Hindi maiwasan ni Ellaine na humanga sa predictive ability ni Garreth. Noong isang araw lang nito nasabi sa kanya ang tungkol sa pagdating ng ama at half-brother nito sa bansa at heto nga at nasa front gate na nila ito para bumisita.Unang kita pa lang niya sa kanyang father-in-law, malinaw na agad sa kanya kung saan namana ni Garreth ang kanyang outward personality.That indifferent, domineering, and forbidding aura…Garreth might’ve inherited his mother’s softer features but the coldness in him he definitely got from his father. But compared with Garreth who still shows warmth and tenderness to the people close to him from time to time, his father seemed all steel and impassiveness, like some higher being who is disdainful of who he considers are jus
Ellaine could feel his father-in-laws heavy gaze focused on her. Batid niyang tinitimbang siya nito– kung gaano siya nababagay, o malamang sa malamang sa opinyon nito, ay hindi nababagay para kay Garreth.Hindi siya kumportable sa malamig na titig nito. Para siyang nilublob sa napakalamig na tubig. Ibayong pagpipigil sa sarili ang ginawa niya upang hindi mangatog ang buo niyang katawan. Ayaw niyang ipakitang natatakot siya rito.Kaunti lang ang impormasyong nakalagay sa nobela tungkol sa kanyang father-in-law. Nakatuon ang main perspective sa Heroine at sa kanyang harem at sa kung paano nila mag-agawan ang mga miyembro ng kanyang harem para sa kanyang puso. Ang ibang hindi masyadong pasok sa romance na genre ng nobela ay madalas na naka-summarized o pinasadahan lang ng ilang detalye para hindi masyadong maguluhan ang mga readers. Karaniwan na ang ko
“What do you know about Garreth’s family, particularly, our side of the family?” Her father-in-law was watching her every reaction.Medyo naiilang si Ellaine dahil sa mapanuri nitong tingin. Sandali siyang napaisip kung anong klaseng opinyon mayroon ito sa kanya. She has no delusions that it was something positive. Alam niyang hindi kanais-nais ang unang impresyon nito sa kanya.Sumagi sa isip ni Ellaine ang kanyang mother-in-law na hindi rin pabor sa kanya bilang kabiyak ni Garreth.At least, this will not be the first time to receive a parent-in-law’s disgust of her background and pedigree.Hindi agad nakasagot si Ellaine sa tanong na iyon ni Umberto. Hindi siya sigurado kung ano ang mas tama, o mas naaayong, isagot. Unang-una, naguguluhan
Dahil sa biglang pagsagi ng kanyang mother-in-law sa kanyang isipan, hindi niya maiwasang maalala ito. Sa pagkakataong ito ay ang kanyang mga mata naman ang mapanuring tumitig sa kanyang father-in-law.Paano kaya nagkagustuhan ang mga magulang ni Garreth? Ang ina nito ay isang spoiled lady galing sa isang mayaman at kagalang-galang na pamilya, habang ang ama naman nito ay isang foreigner na may hawak ng isa sa pinakamapanganib na mafia family na may malawak na impluwensiya sa ibang bansa, kabilang na sa Pilipinas.Napakalayo ng personalidad ng dalawa at kung hindi mismo ang Tadhana ang kikilos, mukhang hindi sila magkakatagpo o magkakatuluyan man lang kahit na panandalian. Subalit kumilos nga ang tadhana at silang dalawa’y pinagtagpo— isang kumplikadong set up na siyang nagbigay-daan sa pagkakasilang ng main villain character.