Running Away from the Villainous CEO

Running Away from the Villainous CEO

last updateLast Updated : 2022-06-30
By:   Airi Snow  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
229Chapters
3.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Akala ni Ellaine ay katapusan na niya nang mabangga ng isang malaking truck ang sinasakyan niyang kotse. Laking-gulat na lamang niya nang sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa isang madilim na siyang kuwarto... sa kama ng isang hindi niya kilalang lalaki. Akala rin niya ay iyon na ang pinaka-wild na nangyari sa kanya pero hindi pa pala. Mas wild pa pala nang ma-realize niyang napunta siya sa loob ng romance novel na huli niyang nabasa bago siya namatay. Ang masaklap... ang kasalukuyan niyang katauhan ay hindi ang Female Lead, hindi rin ang kontrabidang babae, maski ang secondary character na bestfriend ng Female Lead ay hindi pa rin siya. Siya lang naman ay isang cannon fodder character na hindi man lang naabutan ang simula ng main plotline! May mas masaklap pa pala... ang lalaking nakaniig niya nang unang gabing napunta siya sa loob ng nobela ay walang iba kundi ang Main Villain– ang big boss ng mga big boss ng mga kontrabidang hadlang sa buhay ng Male at Female Lead! Ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag nalaman ng malupit na Big Villain na iyon ang nangyari sa kanila? Sigurado siyang hindi na talaga siya aabutan ng pagsisimula ng main plotline kung mananatili siya kaya napagpasyahan na lang niyang tumakas at mangibang bansa. Wala nga lang sa mga plano niya ang sorpresang iniwan sa kanya ng unang gabing iyon.

View More

Latest chapter

Free Preview

1 The First Night

Sa isang king sized bed sa loob ng madilim na silid sa isang luxury suite ng isang mamahaling 5-star hotel, isang maliit na pigura ang natatakpan ng kumot. Ang tanging nakalabas lamang ay ang isang kamay nito, na maaaninag mo sa dilim ang kaputian. Malakandila ang hugis ng bawat daliri at sa dulo nito ay ang maiikling kuko na walang bahid ng makulay na nail polish. Gumalaw ang pigura, dahilan upang bumaba ang kumot at unti-unting malantad ang gilid ng isang mamula-mulang mukha at pisngi na bahagyang natatabingan ng mahaba at alon-alon nitong itim na itim at makintab na buhok. Isang mahinang ungol ang pinakawalan nito na tila ba pilit na kumakawala sa gitna ng isang masamang panaginip....

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
229 Chapters
1 The First Night
    Sa isang king sized bed sa loob ng madilim na silid sa isang luxury suite ng isang mamahaling 5-star hotel, isang maliit na pigura ang natatakpan ng kumot. Ang tanging nakalabas lamang ay ang isang kamay nito, na maaaninag mo sa dilim ang kaputian. Malakandila ang hugis ng bawat daliri at sa dulo nito ay ang maiikling kuko na walang bahid ng makulay na nail polish.     Gumalaw ang pigura, dahilan upang bumaba ang kumot at unti-unting malantad ang gilid ng isang mamula-mulang mukha at pisngi na bahagyang natatabingan ng mahaba at alon-alon nitong itim na itim at makintab na buhok.    Isang mahinang ungol ang pinakawalan nito na tila ba pilit na kumakawala sa gitna ng isang masamang panaginip.
last updateLast Updated : 2021-11-15
Read more
2 Blazing Heat and Fire
Labis ang takot na naramdaman ni Ellaine sa mga huling sandali ng kanyang buhay nang mahagip ng kanyang mga mata ang truck na rumaragasa papalapit sa kotseng kanyang sinasakyan.Batid niyang katapusan na niya sa oras na tumama ito sa kanila. Wala siyang nagawa kundi ang ipikit ang kanyang mga mata bago niya narining ang malakas na salpukang naganap.Sumabog ang matinding sakit sa buo niyang katawan at nagdilim ang kanyang paningin bago naglaho ang lahat ng kanyang pakiramdam.Katapusan na niya. Ayaw na ayaw pa naman niya sa lahat ay physical pain. Madalas siyang tuksuhin ng mama niya noon na masyado siyang “nana” dahil kaunting tapik lang sa kanya ay naka-aray na siya agad.Ang pinapangarap pa naman niyang k
last updateLast Updated : 2021-11-17
Read more
3 Stranger on the Other Side of the Bed
Nagising si Ellaine na hapong-hapo ang katawan. Daig pa niya ang nag-marathon sa nararamdamang pananakit ng kalamnan. May kirot din ang parteng iyon sa pagitan ng kanyang mga hita. Biglang pumasok sa kanya ang mga alala ng naganap nang nakaraang gabi. Naloko na.Napabalikwas siya ng bangon ngunit agad ding napahiga nang maramdaman ang sakit ng katawan na dulot ng overexertion. “Aarghh,” mahina niyang atungal habang minamasahe ang balakang.Tila naman naistorbo niya ang katabi sa kama dahil umungol ito nang mahina na para bang maaalimpungatan ng gising.Katabi?! Nanigas siya nang maalalang hindi nga pala siya nag-iisa. Dahan-dahan niya itong nilingon.
last updateLast Updated : 2021-11-18
Read more
4 Stunning Beauty
    Hindi niya napigilan ang mga luhang bumalon sa kanyang nakapikit na mga mata. Hindi niya alam ang gagawin.    Siya ang tipo ng tao na kaya ang pumunta sa malayong lugar, magbakasyon sa ibang bansa, nang mag-isa lang. Iyon ay dahil sa alam niyang mayroon siyang mauuwian. At kaya niyang makabalik kung gugustuhin niya at kung kailan man niya gustuhin.    Taliwas sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.    Wala siyang matatakbuhang pamilya o kaibigang masasabihan ng mga alalahanin. Walang aalalay sa kanya kung kakailanganin niya ng tulong at wala siyang mapagkakatiwalaan ng katotohanan tungkol sa kanya. Mag
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more
5 Cousin Georgia
Tahimik na naghihintay si Ellaine sa pagdating ng pinsan. Nakaupo siya sa isang lounge chair sa designated waiting area sa lobby ng hotel.  Ang totoo ay medyo tensyonado na siya. Habang lumilipas ang bawat minuto na naroroon pa rin siya ay lumalaki ang tsansa na magising na ang Villain at maabutan pa siya roon. Isa pa ay hindi rin siya sigurado kung paano patutunguhan ang kanyang pinsan. Kinakabahan siya na baka makahalata ito na... Sigurado naman siya na kahit na may mahalata ito ay hindi naman mapupunta ang imahinasyon nito sa katotohanan na wala na ang kanyang tunay na pinsan at pumanaw na nang hindi niya nalalaman.  Nakaramdam ng guilt si Ellaine sa naisip na iyon. Nakuyom niya ang mga kamao na nakapatong sa kanyang kandungan. Labing-limang minuto pa la
last updateLast Updated : 2021-12-02
Read more
6 The First Move
Sa unang pagdilat pa lamang ng mga mata ni Garreth ay ramdam na niya ang pag-iisa sa masters bedroom. Malinaw sa kanyang alaala ang lahat ng naganap sa nakaraang gabi-- ang selebrasyon, ang aphrodisiac drugs na ipinainom sa kanya ng isang hindi kilalang lintik, ang mainit na tagpong nilahukan niya-- lahat ng iyon ay malinaw sa near-perfect niyang memorya. Tila may isang pumipintig na ugat sa kanyang ulo sanhi ng isang migraine, epekto ng kalasingan pati na rin ng aphrodisiac drugs na ipinainom sa kanya. Napansin din niya ang malagkit na pakiramdam sa kanyang balat dala ng matinding… ehersisyo… na ginawa niya kagabi.Hindi sadyang sumagi sa kanya ang mga huling alaalang iyon. Nawalan siya ng kontrol at hindi siya sigurado kung gusto niya ang kalalabasan niyon. It was not the first time someone had tried to get in his bed, pero iyon ang unang
last updateLast Updated : 2021-12-03
Read more
7 Surprising Changes
“This is not what I asked you to do.” kalmadong wika ni Georgia, hindi ipinapahalata ang nararamdamang pagkayamot sa taong kausap. Pero batid niyang nag-iiba na ang kanyang ekspresyon.“Georgia, you have to believe in me. I’ve been working in this business and in this company longer than you do. I’ve seen the trends and how they were repeated over the years. I know that what I’m doing is the best step we could take to improve our company’s performance.” Ang tono ng pananalita nito ay para bang isang batang paslit lamang ang kausap at hindi ang kasalukuyang President ng isa sa pinakamalaking media company sa bansa, ang New Horizons Media Inc, bagay na tila lalong nakabawas sa paubos nang pasensya ni Georgia. Ngunit kahit na ganoon na ang kanyang nararamdaman, nagawa pa rin niyang magtimpi, alang-alang man lan
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more
8 Memories
Pinigil ni Ellaine ang mahinang tawa na nais kumawala sa kanyang labi nang makita ang reaksyon ni Georgia sa binili niyang emergency contraception. Naaaliw siya sa hitsura nito pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Mula sa hawak niya ay nabaling ang mata nito sa kanya."May boyfriend ka na?" tanong nito."Wala pa." simple lang niyang sagot.Bumalik muli ang tingin ni Georgia sa hawak niya. Nagtagal ito ng ilang segundo.Hinintay ni Ellaine na may iba pang sabihin ito, muling magtanong o mang-usisa, ngunit tinitigan lamang siya nito na may komplikadong ekspresyon sa mukha at pagkatapos ay pinaandar na ang makina ng kotse.Napangiti si Ellaine. Halata sa kanya na maraming nais malaman si Georgia subalit siya ang hindi pa handa
last updateLast Updated : 2021-12-05
Read more
9 More Memories
Napangiwi si Ellaine sa nalamang iyon. Nakabalik nga ito pero hindi niya alam kung anong kamalasan ang nakuha nito dahil wala pang beinte-kuwatro oras pagkatapos nitong makabalik sa nakaraan ay namatay rin ito agad. Ayan tuloy at nagawa niyang angkinin ang walang buhay na katawan nito. Kumibot ang labi niya, pinipigalan ang mura na nais niyang pakawalan. Maliban doon ay wala siyang ibang masabi sa kamalasang iyon ng Original Owner. Anong klase naman kasi iyong ganoon, hindi ba? Sinuwerte kang mabigyan ng pangalawang pagkakataon na baguhin ang iyong buhay at tadhana pero wala pang isang araw ay namatay ka na agad. Hinagilap niya sa mga huling alaala nitong sariwa pa sa kanyang isip ang maikling detalye tungkol sa pangalawa nitong pagkabuhay.
last updateLast Updated : 2021-12-06
Read more
10 The World in the Novel
Desidido nga si Ellaine na iligtas ang sarili pero hindi ibig sabihin niyon ay alam na agad niya ang gagawin para matupad iyon.  Malay ba niya sa ganoong klase ng rich family conspiracy. Ordinaryong tao lang naman siya sa nakaraan niyang buhay, galing sa isang ordinaryong pamilya na may ordinaryo lang din na pamumuhay.  Pangunahing libangan lamang niya ang pagbabasa kung kaya't marami siyang nabasang mga nobela at iba pang klase ng akda. Isa lamang ang TPW sa mga iyon. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba talaga na napunta siya sa loob niyon. Natatandaan niyang dinusta-dusta pa niya ang nobelang iyon pagkatapos itong basahin. Nadala lang siya masyado sa mga nangyari sa kuwento nito kaya isang mahabang kritisismo ang ipinost niya sa review section niyon.&n
last updateLast Updated : 2021-12-07
Read more
DMCA.com Protection Status