Home / Romance / Running Away from the Villainous CEO / 3 Stranger on the Other Side of the Bed

Share

3 Stranger on the Other Side of the Bed

Author: Airi Snow
last update Last Updated: 2021-11-18 14:36:43

Nagising si Ellaine na hapong-hapo ang katawan. Daig pa niya ang nag-marathon sa nararamdamang pananakit ng kalamnan. May kirot din ang parteng iyon sa pagitan ng kanyang mga hita. 

Biglang pumasok sa kanya ang mga alala ng naganap nang nakaraang gabi. Naloko na.

Napabalikwas siya ng bangon ngunit agad ding napahiga nang maramdaman ang sakit ng katawan na dulot ng overexertion. 

“Aarghh,” mahina niyang atungal habang minamasahe ang balakang.

Tila naman naistorbo niya ang katabi sa kama dahil umungol ito nang mahina na para bang maaalimpungatan ng gising.

Katabi?! 

Nanigas siya nang maalalang hindi nga pala siya nag-iisa. Dahan-dahan niya itong nilingon. Nakapikit pa rin ang mga ito at banayad ang paghinga.

Laking-pasalamat niya at tulog pa rin ito.

Napasinghap siya sa nakapagpapainit na tanawing sumalubong sa kanyang mga mata. 

The sexiest man she has ever met. Oh, my. 

Kumplikado ang tinging ipinukol niya sa maamo nitong mukha habang natutulog. It was very different to the wild unconstrained behavior he had in bed. 

Naalala niyang tinawag niya itong Greek God kagabi sa kanyang isip.

Nakatagilid si Greek God paharap sa kanya. Ibabang bahagi lang nito ang nakukumutan kung kaya’t lantad na lantad ang ma-muscle nitong d****b pati na rin ang mga abs nitong dinedemonyo na naman siya.

Napalunok siya. Nyeta. Tinatamaan na naman siya. 

Umiling siya upang pawiin iyon. Saka pa lamang niya nagawang higit na mapagmasdang mabuti ang mukha ng naka-one night stand niya.

Sayang naman ang view kung hindi niya ia-appreciate. Libre pa naman.

One-night stand. Interesante siya sa konseptong iyon ngunit hindi niya akalaing sa ganoong sitwasyon niya iyo mararanasan.

    Tinitigan niya ang napakaguwapo nitong mukha. Dinaig pa ang artista sa gandang lalaki nito. Tila isang batikang iskultor pa ang sadyang lumilok at pinagtuunan ng ibayong atensyon ang lahat ng kaliit-liitang detalye ng halos perpektong muscle line ng katawan nito. 

    His skin is just that perfect shade and sheen to be defined as sun-kissed.

    Ang mga papatubong balbas nito is the cherry-on-top sa nag-uumapaw nitong alindog.

    Can the word “alindog” even be used on guys? Na-distract ang writerly side ng utak niya sa isiping iyon.

    Distracted na napadako ang kanyang tingin sa namumutok nitong abs… na puno ng bite at kiss marks niya!

    Aaaaaahhhh!

Naitago ni Ellaine ang nag-iinit na mukha sa likod ng dalawang palad. Ngayon na niya nararamdaman ang labis na hiya dahil nakabalik na siya sa tamang katinuan. 

‘Ba’t naman kasi ang sarap tingnan, e!’ Naglalaway tuloy siya.

    ‘Naku, magtigil ka nga,’ Elena! saway niya sa sarili. 

    Hinintay muna niyang humupa ang nararamdamang pag-iinit ng mukha bago inalis ang pinagtataguang mga palad. 

Huminga siya nang malalim. In. Out. Okay.

Nang tuluyang maikalma ang sarili ay muli niyang sinuri nang maigi ang personalidad na mababakas sa himbing na mukha ng nakasiping.

Mula sa noo nito, pababa sa malalantik na pilikmatang nagpaalala sa kanya ng makapatid-hiningang matalim nitong titig, sa matangos na ilong, at ang mga labi na sa galing h*****k ay halos panghinaan na siya ng tuhod, pababa sa leeg at sa adam’s apple nito-- Ahh! May bite mark na naman niya!

Kaunti na lang at masasabunutan na talaga niya ang sarili sa mga naaalalang pinaggagawa kagabi.  

Dali-dali niyang inalis ang mga iyon sa kanyang isipan upang hindi malunod sa idinudulot nitong embarrassment sa kanya. 

Pagkuway sumeryoso siya. 

    Sapat na ba ang mga detalyeng nakiki niya upang hindi na seryosohin ang namagitan sa kanila nakaraang gabi? Tutal hindi naman siya ang tunay na nagmamay-a*i ng katawang nasa kanya ngayon. Isa pa, kayang kaya siyang tirisin nito na parang isang kutong-lupa. Wala siyang laban dito.

    “This is crazy. I can’t believe this is happening to ME,” bulong niya sa sarili, “of all people.” 

    Hindi pa rin siya makapaniwalang totoo ang lahat ng nakikita at nararamdaman niya. HIndi niya akalaing si Truck-kun pala ang dumale sa kanya.

Nagagawa pa niyang magbiro sa kanyang isipan dahil sa isang banda ay iniisip niyang panaginip lamang niya ang lahat, isang hallucination na dala ng naranasan niyang aksidente. Iniisip niyang magigising siya mula sa isang coma or something at makukumpirma iyon.

    But the slight pain she could feel in her body was denouncing that belief by the minute.

    Kung wala lang ang lalaking himbing na natutulog sa kabilang side ng maluwag at napakalambot na kama ay baka tumatawa na siya na parang baliw at hysterical.

    A dr*g induced wild s*x with a stranger, she could take. But not this.

Seriously? 

Transmigration sa book world?

Gusto talaga niyang matawa dahil doon.

Hindi kapani-paniwala subalit iyon nga ang nangyari sa kanya.

She, or rather, her soul got transported into a romance novel that she read before she died. And the one sleeping beside her… is the final boss. The Final Boss. The biggest villain that the heroine and the male lead need to contend with to reach the peak of life and their happily ever after.

‘Ugh. What a joke.’

Hirap talaga siyang paniwalaan ang kasalukuyan niyang kalagayan. Bumuntong-hininga siya at pilit pang inaalala ang ilang mga detalye ng nobelang ito na nabasa na niya. 

‘The Pregnant Wife Runs Away with the Baby’, shortened as TPW, ang natatandaan niyang pamagat ng romance novel na ito. Binasa niya iyon dahil may pa-contest ang isang reading website kung saan niya balak magsulat. Romance ang main theme ng writing contest at ang TPW ang nasa top ranked sa kategoryang iyon kung kaya’t ito ang napagpasyahan niyang basahin.

Isa itong typical romance novel na nakasentro sa heroine at male lead at sa kanilang romantic development na layuning magpakalat ng kilig sa mga mambabasa nito. Mahilig siya sa mga light lang na babasahin, pampatanggal lang ng stress, kaya medyo sakto lang ang dating nito sa kanya. 

Masasabi niyang deserve ng akdang ito ang trono… sa umpisa. Kinilig din naman siya at napangiti sa mga sweet moments ng dalawang bida. Pero halos isumpa na niya ang buong nobelang iyon nang humantong na ito sa bitter moments.

Isang malaking trap ang pauna nitong pakilig at ka-sweet-an. Huli na nang malaman niyang mala-long running telenovela pala ito dahil sa ibang plot elements nitong maiiwan kang speechless dahil sa kaimposiblehan nitong mangyari.

Kidnapping, napagpalit na mga anak, poorita na naging prinsesa, madrastang nang-aapi, agawan ng boyfriend at asawa, mga babaeng kontrabida na patay na patay sa male lead, bed scene na dala ng kalasingan na nagbunga, at may amnesia pa! Ilan lang iyon sa patong-patong na kamalasan, este, pagsubok na pinagdaanan ng mga bida. 

Medyo sinusundan pa rin nito ang traditional archetype ng isang female heroine na mala-Virgin Mary sa kabaitan kaya, of course, everyone can be conquered and have a change of heart dahil sa shining angel halo of love and kindness ni heroine na siyang nakaakit, hindi lang sa male lead kundi pati na rin sa apat pang reserba. Iyong isa sa reserba, namatay pa para lang mailigtas si heroine.

Nariyan pang manganib ang buhay either ni heroine or ni male lead, pero dahil sa plot armor, ay makakaligtas pa rin sila, siyempre. Maaaring may isang magliligtas sa kanila na mahuhulog rin ang damdamin sa kanila at dadagdag pa ulit sa romantic conflict sa pagitan ng dalawang bida. Of course, in the end, mari-realize pa rin nilang ang isa’t isa ang mahal nila at walang makakapagitan sa kanila kailanman. And that’s only the tip of the iceberg.

Kalurkey. 

Sobrang speechless niya matapos itong basahin. 

Bakit kamo niya tinapos kung hindi naman na siya nag-eenjoy na basahin? Well, kabilang lang naman siya sa mga kampo ng mga mambabasa na kailangang tapusing ang nasimulang libro bago magbasa ulit ng isang panibagong libro.

Kasalanan na niya iyon. Alam niya. 

Isa pang alam niya ay ang katotohanang hindi talaga siya fan ng librong iyon. 

Kaya hindi niya talaga maintindihan kung bakit sa lahat ng librong nabasa niya, sa loob ng nobelang iyon siya napunta!

Well, okay na sana. Hindi naman siya choosy kung ang pagpipilian ay ang novel world na iyon o kamatayan. Pero iyong character na in-assign sa kaluluwa niya bakit cannon fodder lang?!

Okay lang sa kanyang hindi maging bidang babae. At mas lalong okay na okay rin sa kanya na hindi maging ang kontrabidang babae. Kahit pa sa isang sobrang minor character lang, ayos na sa kanya, kaya bakit cannon fodder pa?

Mas masaklap, isang cannon fodder pa na hindi man lang naabutan ang first chapter ng main plot dahil namatay agad bago pa man magsimula ang lahat. At ang pumatay sa kanya, indirectly man, ay ang lalaking katabi niya ngayon: The Villain, Garreth Oliver Randall.

Nagsipagtindigan ang lahat ng mga balahibo niya sa katawan nang maalala iyon.

She needed to get away from there. Fast!

Muli niyang binalingan ang katabi upang siguraduhing himbing pa rin itong natutulog. Sa kanyang isip ay nagbago na ang bansag niya rito. Hindi na “Greek God” kundi “Villain”, ang papel nito sa mundo ng librong kinapapalooban nila.

Kung tama ang kanyang memorya, nakainom din ito ng isang aphrodisiac drug na ang may pakana ay ang boss ng isang rival company na katunggali nito sa isang large real estate project. Mas matindi ang drug na pinainom dito, habang ang sa kanya naman ay isang r*pe drug. At ang may gawa nito ay ang magaling na pamangkin ng kanyang stepmother.

Ang tunay na balak nito ay gamitin ang katawan niya bilang kabayaran sa pagkakautang ng pamilya nito sa isang mayaman ngunit matandang negosyante. 

There must’ve been something wrong with the drug they gave the original owner of her current body, or maybe it’s that she’s allergic or oversensitive to the drug’s effects and she died because of it. Whatever the real reason was, it’s clear that the Original Owner had been murdered.

At siya lamang ang nakakaalam no’n. Labis ang lungkot na naramdaman niya sa sinapit nito. 

Ayon sa mga kaparehong novel na nabasa niya, may causality na sa pagitan nilang dalawa dahil sa ginawa niyang pag-angkin sa katawan nito.

Tungkulin niyang ipaghiganti ang naging kamatayan nito at alagaan ang mga naiwan nitong mahal sa buhay. Ngunit hindi pa niya magagawa ang mga iyon. Wala pa siyang laban sa mga ito dahil hindi pa siya pamilyar sa bagong mundo kung saan siya napunta. Hindi pa rin niyang nada-digest ng buo ang mga alaala na iniwan nito sa kanya kaya wala pa siyang kamalay-malay sa tunay niyang kalagayan sa mga oras na iyon.

Sa ngayon, ang kailangan muna niyang gawin ay ang makaalis sa lugar na iyon bago tuluyang magising ang Villain. Hindi niya alam ang magiging reaksyon nito kung sakaling makita siya nito pagkagising.

Hirap man ay pinilit niyang tumayo. Ayon sa orasan sa side-table ay malapit nang mag-alas siyete ng umaga. May nakasilip na isang linya ng liwanag galing sa araw sa isang kurtinang bahagyang nakabukas.

Tiniis niya ang nararamdamang kirot sa pagitan ng mga hita, pati na rin ang tila pagpintig ng overexercised niyang mga kalamnan, para pulutin ang isang eleganteng silver cocktail dress na nakakalat sa sahig. Hinanap rin niya ang kanyang underwear. Iyon lang ang tangi niyang masusuot dahil wala naman siyang ibang damit sa silid na iyon ng Villain. May nakita rin siyang pares ng stiletto heels na kakulay ng suot niyang dress.

Wala namang ibang puwedeng magmamay-a*i noon sa silid na iyon na dadalawa lang sila kundi siya. Binitbit niya iyon. Pagkalabas na lamang niya ng kuwartong iyon niya susuutin para hindi makalikha ng ingay.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras na pumunta sa toilet para ayusan ang sarili. Kapag nagising ang Villain at hindi pa siya nakakaalis, siguradong malaki ang magiging consequence nito sa kanya. Baka isipin pa nitong kasabwat siya ng mga kalaban nito. Saang kangkungan na lang siya hahantong?

Isa pa, hindi muna niya nais na maka-engkwentro ang mga pangunahing tauhan habang hindi pa siya nakaka-adapt sa kasalukuyan niyang sitwasyon.

Kailangan muna niyang makalayo.

Tahimik at maingat ang kanyang mga hakbang. Carpeted ang master bedroom, ganoon din ang living room area. 

Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyan nang makalabas sa kuwartong iyon. Dumiretso siya sa elevator at agad na pinindot ang buton na magdadala sa kanya sa lobby ng hotel. Mag-isa lamang siya roon.

Napasandal siya sa likod ng elevator nang magsimula na itong umandar. Pumikit siya.

Grabe. Pagod na pagod siya. Halos hindi na nga niya mahawakang maigi ang bitbit na mga heels. 

    Masyado nang mahaba ang oras na gising siya para paniwalain pa ang sarili niyang nasa panaginip nga siya. 

    Totoo nga ang lahat. 

    Nasa mundo na nga siya sa loob ng isang nobela. Sandali siyang napaisip kung maaaring makabalik pa siya sa tunay niyang mundo kagaya ni Miyaka sa anime na Fushigi Yuugi na nakae-experience din ng parehong sitwasyon.

    Pero pagkaraan ay napagtanto niya sa sarili na imposible na iyong mangyari pa dahil sa tunay na mundo ay namatay na siya. Sa tindi ng aksidenteng kinasangkutan niya, maliit lamang ang porsyento na mabuhay pa siya, kaya kahit na magkaroon pa ng pagkakataong makabalik ang kaluluwa niya doon ay wala na itong katawang mababalikan dahil maaaring na-cremate na ito na naaayon sa kanyang will.

    Matinding lungkot ang bumalot sa kanya dahil higit na niyang nauunawaan ang tunay niyang sitwasyon. Patay na siya… o ang siya na nabubuhay sa mundong Earth. At ngayon ay nabubuhay siya sa isang panibagong mundo gamit ang ibang katauhan.

    Hindi na niya muli pang makikita ang kanyang pamilya, mga kaibigan, ang mga alaga niyang hayop, at ang iba pang mga mahal niya sa buhay.

    Sa pagkakataong iyon ay napaiyak na siya.

   

*******

Related chapters

  • Running Away from the Villainous CEO    4 Stunning Beauty

    Hindi niya napigilan ang mga luhang bumalon sa kanyang nakapikit na mga mata. Hindi niya alam ang gagawin. Siya ang tipo ng tao na kaya ang pumunta sa malayong lugar, magbakasyon sa ibang bansa, nang mag-isa lang. Iyon ay dahil sa alam niyang mayroon siyang mauuwian. At kaya niyang makabalik kung gugustuhin niya at kung kailan man niya gustuhin. Taliwas sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Wala siyang matatakbuhang pamilya o kaibigang masasabihan ng mga alalahanin. Walang aalalay sa kanya kung kakailanganin niya ng tulong at wala siyang mapagkakatiwalaan ng katotohanan tungkol sa kanya. Mag

    Last Updated : 2021-12-01
  • Running Away from the Villainous CEO    5 Cousin Georgia

    Tahimik na naghihintay si Ellaine sa pagdating ng pinsan. Nakaupo siya sa isang lounge chair sa designated waiting area sa lobby ng hotel. Ang totoo ay medyo tensyonado na siya. Habang lumilipas ang bawat minuto na naroroon pa rin siya ay lumalaki ang tsansa na magising na ang Villain at maabutan pa siya roon. Isa pa ay hindi rin siya sigurado kung paano patutunguhan ang kanyang pinsan. Kinakabahan siya na baka makahalata ito na... Sigurado naman siya na kahit na may mahalata ito ay hindi naman mapupunta ang imahinasyon nito sa katotohanan na wala na ang kanyang tunay na pinsan at pumanaw na nang hindi niya nalalaman. Nakaramdam ng guilt si Ellaine sa naisip na iyon. Nakuyom niya ang mga kamao na nakapatong sa kanyang kandungan. Labing-limang minuto pa la

    Last Updated : 2021-12-02
  • Running Away from the Villainous CEO    6 The First Move

    Sa unang pagdilat pa lamang ng mga mata ni Garreth ay ramdam na niya ang pag-iisa sa masters bedroom. Malinaw sa kanyang alaala ang lahat ng naganap sa nakaraang gabi-- ang selebrasyon, ang aphrodisiac drugs na ipinainom sa kanya ng isang hindi kilalang lintik, ang mainit na tagpong nilahukan niya-- lahat ng iyon ay malinaw sa near-perfect niyang memorya.Tila may isang pumipintig na ugat sa kanyang ulo sanhi ng isang migraine, epekto ng kalasingan pati na rin ng aphrodisiac drugs na ipinainom sa kanya. Napansin din niya ang malagkit na pakiramdam sa kanyang balat dala ng matinding… ehersisyo… na ginawa niya kagabi.Hindi sadyang sumagi sa kanya ang mga huling alaalang iyon. Nawalan siya ng kontrol at hindi siya sigurado kung gusto niya ang kalalabasan niyon. It was not the first time someone had tried to get in his bed, pero iyon ang unang

    Last Updated : 2021-12-03
  • Running Away from the Villainous CEO    7 Surprising Changes

    “This is not what I asked you to do.” kalmadong wika ni Georgia, hindi ipinapahalata ang nararamdamang pagkayamot sa taong kausap. Pero batid niyang nag-iiba na ang kanyang ekspresyon.“Georgia, you have to believe in me. I’ve been working in this business and in this company longer than you do. I’ve seen the trends and how they were repeated over the years. I know that what I’m doing is the best step we could take to improve our company’s performance.”Ang tono ng pananalita nito ay para bang isang batang paslit lamang ang kausap at hindi ang kasalukuyang President ng isa sa pinakamalaking media company sa bansa, ang New Horizons Media Inc, bagay na tila lalong nakabawas sa paubos nang pasensya ni Georgia. Ngunit kahit na ganoon na ang kanyang nararamdaman, nagawa pa rin niyang magtimpi, alang-alang man lan

    Last Updated : 2021-12-04
  • Running Away from the Villainous CEO    8 Memories

    Pinigil ni Ellaine ang mahinang tawa na nais kumawala sa kanyang labi nang makita ang reaksyon ni Georgia sa binili niyang emergency contraception. Naaaliw siya sa hitsura nito pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Mula sa hawak niya ay nabaling ang mata nito sa kanya."May boyfriend ka na?" tanong nito."Wala pa." simple lang niyang sagot.Bumalik muli ang tingin ni Georgia sa hawak niya. Nagtagal ito ng ilang segundo.Hinintay ni Ellaine na may iba pang sabihin ito, muling magtanong o mang-usisa, ngunit tinitigan lamang siya nito na may komplikadong ekspresyon sa mukha at pagkatapos ay pinaandar na ang makina ng kotse.Napangiti si Ellaine. Halata sa kanya na maraming nais malaman si Georgia subalit siya ang hindi pa handa

    Last Updated : 2021-12-05
  • Running Away from the Villainous CEO    9 More Memories

    Napangiwi si Ellaine sa nalamang iyon. Nakabalik nga ito pero hindi niya alam kung anong kamalasan ang nakuha nito dahil wala pang beinte-kuwatro oras pagkatapos nitong makabalik sa nakaraan ay namatay rin ito agad. Ayan tuloy at nagawa niyang angkinin ang walang buhay na katawan nito. Kumibot ang labi niya, pinipigalan ang mura na nais niyang pakawalan. Maliban doon ay wala siyang ibang masabi sa kamalasang iyon ng Original Owner. Anong klase naman kasi iyong ganoon, hindi ba? Sinuwerte kang mabigyan ng pangalawang pagkakataon na baguhin ang iyong buhay at tadhana pero wala pang isang araw ay namatay ka na agad. Hinagilap niya sa mga huling alaala nitong sariwa pa sa kanyang isip ang maikling detalye tungkol sa pangalawa nitong pagkabuhay.

    Last Updated : 2021-12-06
  • Running Away from the Villainous CEO    10 The World in the Novel

    Desidido nga si Ellaine na iligtas ang sarili pero hindi ibig sabihin niyon ay alam na agad niya ang gagawin para matupad iyon. Malay ba niya sa ganoong klase ng rich family conspiracy. Ordinaryong tao lang naman siya sa nakaraan niyang buhay, galing sa isang ordinaryong pamilya na may ordinaryo lang din na pamumuhay. Pangunahing libangan lamang niya ang pagbabasa kung kaya't marami siyang nabasang mga nobela at iba pang klase ng akda. Isa lamang ang TPW sa mga iyon. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba talaga na napunta siya sa loob niyon. Natatandaan niyang dinusta-dusta pa niya ang nobelang iyon pagkatapos itong basahin. Nadala lang siya masyado sa mga nangyari sa kuwento nito kaya isang mahabang kritisismo ang ipinost niya sa review section niyon.&n

    Last Updated : 2021-12-07
  • Running Away from the Villainous CEO    11 The Pull of the Plot

    “Whoops.” Tsk! Ito na nga ba ang sinasabi niya. Sabi na at hindi puwedeng habang buhay lang siyang maging palamunin at makisampid sa bahay ng may bahay. Tapos na ang mga araw na sitting pretty na lang siya. It’s here– ang ikinababahala niyang death flag ay dumating na rin sa wakas. Hindi sinasadya ni Ellaine na ibagsak ang tawag. Reflex action lang iyon dahil na-trigger ng pangalan nito ang mga tinatakbuhan niyang problema. Komplikado ang kanyang nararamdaman dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang paghila ng isa hindi nakikitang puwersa para maibalik ang mga naliligaw na plot points sa orihinal na landas nito. Hindi siya sigurado pero ang hinala niya ay desidido pa rin ang mga ito na ibugaw siya kapalit ng benefits na makukuha nila sa transaksyon na iyon. Tulad n

    Last Updated : 2021-12-08

Latest chapter

  • Running Away from the Villainous CEO    229

    Malabo ang mga alaala ni Ellaine ng mga nangyari nang makaraang gabi pagkatapos niyang ikulong ang sarili sa loob ng banyo. But when she opened her eyes, she wasn't surprised when she saw Garreth's face beside hers on the pillow. Getting almost assaulted was not a pleasant experience. She hated how she allowed herself to get in that kind of situation where she's completely helpless and dependent on somebody else to save her. Not a good feeling at all. Ang nakakainis pa ay hindi man lang niya nagamit ang mga self-defense techniques na pinag-aralan niya. Catherine was able to gain the upper hand on her because she wasn't that wary of her yet.At isa pa, mayroon itong System na siyang nagsisilbing cheat slash goldfinger nito.Sandaling natigilan si Ellaine nang maalala si Catherine at ang System. Ilang segundo bago bumalik sa kanyang memorya ang nagyari sa CR kung saan ay kinuryente siya ni Catherine. Sigurado si Ellaine na dahil iyon sa kakayahan ng System. Marahil ay may iba itong

  • Running Away from the Villainous CEO    228

    R18//Some scenes are not suitable for minors. ***Halos mabaliw si Garreth sa kakahanap kay Ellaine nang malaman nyang nawawala ito. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng ganoon katinding emosyon dahil lamang sa pag-aalala na baka may kung ano nang nangyari ditong masama. Ginamit niya ang kanyang impluwensiya, koneksyon, at kapangyarihan para ipasarado ang buong venue upang masigurong walang makakalabas sa lugar. Ang sabi ng staff na nagbabantay sa lobby at parking kot ay wala pang umaalis na bisita kaya ang ibig lang nitong sabihin ay basa paligid lamang si Ellaine. Kinapalan na niya ang mukha at nanghiram ng tauhan mula sa mga kakilala niyang naroroon para halughugin maging ang kasuluk-sulukan ng buong lugar. Marami ang nainis at nayamot dahil sa abalang idinulot niya.Pagkatapos ng masinsinan at mabilisang imbestigasyon ay nakakuha rin sila ng impormasyon na nakapagturo sa kanila ng kinalalagyan ni Ellaine.Isang cleaner ang nakapagsabi na kakaiba ang ikinikilos ng isa sa mga

  • Running Away from the Villainous CEO    227

    Nagising na lamang si Ellaine na nakahiga na siya sa isang malambot na kama sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Dama pa niya ang panghihina ng kanyang kalamnan dahil sa pagkuryente sa kanya ni Catherine– ang pekeng heroine! “Letsugas ka, Catherine! Lintik lang ang walang ganti!” inis na pinaghahampas ni Ellaine ang unan sa tabi niya. Natigilan siya. Catherine wouldn’t cause her to faint just so she could let her sleep in a soft bed. May balak ang bruhilda! Naalerto si Ellaine. Kung hindi siya nahanap ng kanyang mga bodyguard, maaaring si Catherine ang nagdala sa kanya sa silid na iyon. Sa tingin niya ay wala itong magandang balalk para sa kanya. Ang silid na kasalukuyan niyang kinalalagyan… hindi maganda ang kutob niya. Pinilit niyang bumangon kahit na hinang-hina siya. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. She was able to get out of bed but the moment her feet landed on the floor, it was like all her strength was sucked out of her. She fell to her knees by the side of t

  • Running Away from the Villainous CEO    226

    Nasa isang charity function si Ellaine. Wala sana siyang bapak na daluhan ang event na iyon subalit nakiusap sa kanya ang organizer na kahit magpakita lang daw siya kahit na kalahating oras lang sa mismong venue at magpakuha ng ilang litrato sa press ay sapat na. Malaki na ang maitutulong ng kanyang pangalan para makahakot ng atensyon mula sa media at sa mga possible donors.Pumayag si Ellaine dahil nagpasabi rin sa kanya ang assistant ni Garreth na dadalo rin ito sa nasabing event.Si Garreth agad ang unang hinagilap ng mga mata ni Ellaine nang makarating siya sa venue. Hindi niya ito nakita sa ballroom area, gayundin ang assistant nito. She looked for a comfort room so she can have some time to herself.Mag-isa lang siya sa comfort room. Tatawagan niya dapat si Garreth para tanungin kung nasaan ito subalit nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Catherine.Kumunot ang noo ni Ellaine nang makita ito. What a small world. Hindi niya inaasahang makikita niya it

  • Running Away from the Villainous CEO    225

    “Bakit kailangan kong maparusahan gayong wala naman akong kasalanan? Sila mismo ang lumapit sa’kin. At isa pa, bayad ang transaksyong iyon. Mas mahal pa nga iyon kaysa sa mga dati kong pinupuntahang lugar na may ganoon ring serbisyo. Nakuha namin pareho ang gusto namin. Masuwerte pa nga sila sa akin at medyo normal ang s*xual appetites ko kaysa sa iba na mas extreme ang gusto.”Napangiwi ang karamihan nang marinig ang walang kuwentang pahayag na ito ng pangalawang Tito ni Garreth. Mababakas ni Garreth mula sa mukha ng kanyang pinsan na nagpigil lamang ito nang sobra upang hindi nito maibulalas ang pandidiri sa kamag-anak nilang ito. Nakakasuka na related sila ganitong klase ng tao. Sa huli ay hindi rin ito nakatiis at nagkomento ng, “Tito, Your s*xual appetite isn’t exactly “normal”. You like f*cking teens, barely legal college students. Bukod sa labag sa batas, napaka-immoral pa.”Ngumisi ito. “Kung immoral lang din ang pag-uusapan, sa tingin ko ay mas pasok doon ang isang katulad m

  • Running Away from the Villainous CEO    224

    Tahimik ang ancestral house ng Randall Family. Bahagyang nanibago si Garreth sa katahimikan niyon dahill nasanay siyang umuuwi roon sa tuwing may espesyal na okasyon kung kailan madalas ay nagre-reunion ang kanilang angkan. Walang anumang okasyon nang araw na iyon. His grandfather had contacted Garreth and asked him to go back to their ancestral house so he could visit him. Batid ni Garreth na hindi tatanggapin ng kanyang lolo ang isang negatibong sagot kaya nanatili siyang tahimik hanggang sa ipahayag nitong hihintayin siya nito.May ideya na si Garreth kung bakit siya pinauuwi ng kanyang lolo. May kinalaman iyon sa mga kasong kinasasangkutan ng kanyang mga kamag-anak– ng kanyang Tito at pinsan. Mapang-uyam ang ekspresyon ni Garreth. When he was a child, Garret used to look up to his grandfather. The old Randall patriarch was a force to be reckoned with in the business world. Everybody in their caste both look up to him in fear and admiration. He made a formidable figure to his op

  • Running Away from the Villainous CEO    223

    Inis na inis si Catherine. She had revealed herself to the Villain! Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. She was trying her best to let him fall under her spell pero tulad ng naunang dalawang beses ay pumalpak na naman ang produkto ng System.Si Garreth…She hates him! Ang lakas ng loob nitong pagsalitaan siya. Akala ba nito ay makakaligtas ito? Matteo and Janes have already decided. They wanted his seat. Hindi ito mananalo laban sa kanila, lalo pa at pati si Arturo ay nangakong tutulungan silang makuha ang RanCorp.[Mission to conquer World's Villain… Result: Failed.]Hindi makapaniwala si Catherine sa narinig na announcement na iyon mula sa System. "System! Anong ibig sabihin nito?!" taranta niyang tanong.[Ayon sa analysis ng Main System, wala nang pag-asa na makuha mo ang favorability points galing sa Villain dahil naunos mo na ang tatlong pagkakataon na puwede mong gawin iyon.]"Tatlong pagkakataon? Anong ibig mong sabihing tatlong pagkakataon? Wala namang ganoon sa mga na

  • Running Away from the Villainous CEO    222

    “Garreth!” Hindi napigilan ni Garreth ang pagkunot ng kanyang noo nang marinign ang tinig na iyon na tumawag sa kanya. Aakto sana siyang hindi iyon narinig at magpapatuloy sa paglalakad. Subalit hindi agad bumukas ang pinto ng elevator kaya naabutan din siya nito.“Garreth,” malamyos ang tinig na tawag sa kanya ni Catherine Alavarado.Halos mapangiwi siya sa sobrang tamis ng boses nito sa pagtawag sa kanyang pangalan. Kahit ang Assistant niya ay napatingin na sa kanya nang may pagdududa sa mukha nito. Alam naman ng lahat na may asawa at anak na siya subalit heto at may isang babae pa ang naghahabol sa kanya. Tila nakaligtaan ng mga ito na ang babaeng ito na “humahabol” sa kanya ay may asawa na rin at matagal nang kasal.“Please call me “Mr. Randall” since our relationship is purely business,” matiim na wika ni Garreth kay Catherine nang wala na siyang magawa kundi ang lingunin ito at kausapin. Nilakasan pa niya ang pagbigkas sa mga salitang “purely business” para marinig ng kanyang

  • Running Away from the Villainous CEO    221

    “It’s Daddy again~” Masayang itinuro ni Raze ang screen ng TV kung saan nakabalandra ang mukha at pangalan at posisyon ni Garreth. Ang mukha nito ang laman ng headlines sa karamihan ng mga locak channels. Nagsipaglapitan ang iba pang mga kapatid nito para makita nang masinsinan ang ama na ilang araw na rin nilang hindi nakikita o nakakausap sa personal maliban na lamang sa ilang maiikling tawag nito para magsabi ng “Good night” sa mga bata. Ramdam ni Ellaine kung gaano nami-miss ng mga ito ang kanilang ama. Ilang beses nila itong hinahanap sa isang araw. Napabuntong-hininga siya bago malumanay na sinaway ang mga bata, “Huwag masyadong lumapit sa TV. Your eyesight’s going to get bad.” “Okay, Mommy~” Simula ng mga suliraning kinakaharap ng RanCorp ay mas lalong dumalang ang pagkikita nila sa personal ni Garreth gayundin ng mga bata. Kung ano namang idinalang nilang makita ito sa personal ay ganoon naman nila kadalas makita ito na laman ng mga balita sa TV at pahayagan. Pagkatapos

DMCA.com Protection Status