Share

4 Stunning Beauty

Author: Airi Snow
last update Last Updated: 2021-12-01 18:45:31

    Hindi niya napigilan ang mga luhang bumalon sa kanyang nakapikit na mga mata. Hindi niya alam ang gagawin.

    Siya ang tipo ng tao na kaya ang pumunta sa malayong lugar, magbakasyon sa ibang bansa, nang mag-isa lang. Iyon ay dahil sa alam niyang mayroon siyang mauuwian. At kaya niyang makabalik kung gugustuhin niya at kung kailan man niya gustuhin.

    Taliwas sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.

    Wala siyang matatakbuhang pamilya o kaibigang masasabihan ng mga alalahanin. Walang aalalay sa kanya kung kakailanganin niya ng tulong at wala siyang mapagkakatiwalaan ng katotohanan tungkol sa kanya. Mag-isa siya sa mundong iyon. 

    ‘Mag-isa.’

    Umiling siya nang umiling na para bang sa paraang iyon ay mapapasubalian nito ang katotohanan.

    She feels so helpless, so pathetic, and so, so alone.

    Kaso wala na nga siyang magagawa pa. Pinigilan niyang muling pumatak ang mga luha. Hindi siya iyong tipo ng tao na madaling maiyak sa mga problema at pagsubok na kinakaharap. Mas madalas pa nga siyang umiyak sa mga sad at tragic movies at novels, sa mga fictional stories lang, kaysa sa mga nakakalungkot na pangyayari sa buhay niya. Sadya lang na na-overwhelm na siya sa kanyang sitwasyon kaya hindi na rin niya napigilan pa. Pero panandalian lang iyon.

    Mas gusto niya kasing maghanap na lang agad ng solusyon kaysa ang malugmok sa pag-iyak at kaka-self pity. 

    Sa pagkakataong iyon ay napagpasyahan niyang ganoon din ang gagawin niya.

    Iminulat niya ang mga mata at papahirin na sana ang mga basang bakas ng luha sa kanyang pisngi nang masulyapan niya ang malasalaming pinto ng elevator. Natigilan siya at nanlaki ang mga mata, hindi makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata.

Nakikipagtitigan siya sa pinakamagandang diyosang nakita niya sa tanan ng buhay niya!

    Nalaglag ang bitbit niyang heels. Dahan-dahan siyang lumapit sa napakagandang babae sa harapan niya. Damm…

    Sino itong diyosang nakikita niya?! 

    Nanlaki pang lalo ang kanyang mga mata nang makitang ginagaya ng babae ang bawat reaksyon niya. Hindi siya ganoon ka-slow para hindi makilala kung sino ang nakikita niya.

    OMG. SIYA BA IYON?!

    Hindi makapaniwalang hinawakan ng dalawa niyang kamay ang repleksyong nakikita sa makinis na pinto ng elevator.

    Ang ganda niya.

    “Ang ganda ko,” tila nananaginip niyang naulit nang malakas. 

    Noong kadarating pa lamang niya sa mundong ito ay nakita na niya ang ilan sa mga alaala ng Original Owner ng kanyang katawan, subalit dahil matindi ang sakit ng kanyang ulo at nasa ilalim pa siya ng epekto ng aphrodisiac drug ay hindi niya ito natitigan nang malinaw. Hindi niya tuloy napansin ang taglay nitong ganda.

    Wala sa sariling napaluhod siya sa pagkabighani, hanggang sa tuluyan na siyang mapaupo sa malamig na sahig ng elevator. Labis siyang nahahalina sa sarili.

Isang hindi-makabasag pinggang mukha, malaanghel at nalalapit sa itsura ng isang mahabaging diyosa na kagaya ng mga nakita niyang ipininta ng mga klasistang pintor noong unang panahon-- isang natatanging musa para sa artistikong puso.

    Ang mga matang mamasa pa ng luha ay tila nangungusap. Ang mga pisngi ay bahagyang mamula-mula, gayundin ang mga labi nitong parang ang sarap dampian ng isang h***k. Ang graceful na leeg na mayroon palang isang gold na kwintas na may letter “E” na pendant at ang defined collarbones na parang ang sarap kagatin…

    Hindi niya namalayang unti-unti na pala niyang inilalapit ang mukha sa repleksyon upang gawin ang huling naisip ngunit nauntog lang siya sa pinto. Pero hindi niya iyon inalintana. Bumaba pang muli ang kanyang tingin sa parteng d****b ng repleksyon.

    Muling nanlaki ang kanyang mga mata.

    Napatingin siya sa sariling d****b at wala sa sariling hinawakan ng mga kamay ang magkabilang umbok na mga iyon… at saka pinisil.

    “Ang lambooot!” naibulalas niya, manghang-mangha. 

    Napatayo siya habang hindi pa rin bumibitaw sa mga iyon. Tinitigan niyang muli ang sarili sa pinto ng elevator. Nagpabalik-balik ang kanyang tingin sa sariling katawan at sa repleksiyon, tila sinisigurong totoo ang kanyang nakikita at nahahawakan.

    “Wow! This is real!”

    Nang masigurong totoo nga iyon at walang bahid ng pandodoktor ay napatili siya sa labis na kasiyahan, parang isang paslit na nakatanggap ng pinakamagandang regalo kaya nalimutan na na kanina lang ay umiiyak ito dahil may nang-away.

    Bumababa ang mga kamay niya sa maliit na baywang at tinitigan ang kanyang mapuputi at pang-model na long legs. Puwedeng-puwede rumampa sa catwalk!

    Malapad ang ngiting ibinigay niya sa kanyang repleksyon habang ilang mga pose ang kanyang ginawa sa harap nito, tila ba may isang hindi nakikitang photographer na kumukuha ng kanyang litrato.

    Saying that she’s satisfied with her new body is an understatement.

    Hindi niya maiwasang maalala ang hitsura niya sa nakaraan niyang buhay. Hindi naman siya pangit, pero pang-ordinaryong mamamayan lang ang ganda niya at hindi bebenta kung sakaling mag-artista siya. Kuntento na siya roon dahil iyon na ang ipinagkaloob sa kanya ng Maykapal, pero hindi ibig sabihin noon na hindi niya pinangarap na mabago ang ilan sa mga hindi niya gusto sa kanyang sarili. 

Oo, na. Mababaw siya. Aminado naman siya roon.

Kumpara sa kasalukuyan niyang tangkad na tantiya niya ay nasa 5”7, walang sinabi ang dati niyang 5”3. At ang bust size ng bago niyang katawan, satisfied na satisfied siya sa extra biyaya na iyon. 

    Hindi niya maiwasang kiligin habang tinititigan ang sarili.

    Ito na ba ang compensation ng novel gods sa kanya?

    Okay. She gladly accepts it!

    Ipagpapaliban muna niya ang pagmamaktol at pagsusumpa sa kung sino man ang nagdala sa kanya sa kasalukuyan niyang kinalalagyan. Sa ngayon ay ay e-enjoy-in na muna niya ang pagiging diyosa.

    Isinuot niya ang heels na nalaglag at masayang nag-hum habang hinihintay ang pagbukas ng pinto ng elevator. Nang tuluyan itong huminto ay lumabas siya doon at dumiretso sa front desk ng lobby.

    “Can I borrow your phone?” magiliw niyang tanong sa isa sa dalawang babaeng receptionist na naroroon.

    “Go ahead, Miss,” propesyunal ang ngiti nitong sagot sa kanya.

    Isang huling ngiti pa ang ipinukol niya rito bago kinuha ang telepono at idinayal ang numerong natatandaan niya na kokonekta sa kanya sa office phone sa home office ng ama ng Original Owner. Unti-unting nabawasan ang kanyang magandang mood.

    Ama niya.

    Kailangan niyang tandaan na siya at ang Original Owner ay iisa na ngayon. Kaya ang ama nito ay ama niya.

    Kumunot ang kanyang noo. Sino ba ang gustong tawaging tatay ang isang taong hindi naman niya kilala. 

    Tsk!

    Isa pa, base sa mga alaala ng Original Owner, hindi naman ito naging isang mabuting ama, kahit pa noong nabubuhay ang una nitong asawa, na siyang ina ng Original Owner. Lalo lamang ito nawalan ng pakialam sa kanya simula nang ikinasal ito sa pangalawang asawa at madagdag sa kanilang bahay ang dalawang anak ng bagong madrasta. Mula noon ay tila siya sabit na lamang sa pamilyang iyon.

    Ibinigay ng mga ito ang lahat ng pangunahing pangangailangan ng Original Owner ngunit ipinagkait dito ang pinakaimportante sa lahat, ang aruga at pagmamahal ng isang pamilya. 

‘Samakatuwid, wala itong kuwentang ama.’ sa isip-isip ni Ellaine patungkol sa tinatawagan.

    Nag-ring sa kabilang linya ngunit wala agad sumagot. Lalong kumunot ang kanyang noo.

    Napasulyap siya sa elevator na sinakyan. Sarado pa rin ito. Hindi niya alam kung bakit biglang pumasok sa isip niya ang isang ilusyon na bigla itong bumukas at iniluwa ang Villain na galit-galit ang tingin sa kanya.

    Nakaramdam siya bigla ng kaba. Hindi malabong mangyari iyon. 

    Napalunok siya. Mabuti na lamang at may sumagot na sa tawag kung kaya’t nabaling sa iba ang kanyang atensyon.

    “Hello.” 

    “D-Dad.”

Nakagat ni Ellaine ang dila. Masama pa talaga sa loob niya na tawagin iyon ng ganoon.

“Saan ka na naman naglakwatsa?”

Mula sa kabilang linya ay naramdaman niya ang pag-iiba ng mood nito. Ang una nitong propesyunal na sagot na parang naghihintay ng tawag ng tawag ng isang kasosyo sa negosyo ay napalitan ng tono na parang gamit nito sa mga mabababang empleyado.

    Nabigla si Ellaine dahil dito kaya hindi siya agad nakasagot. Inakala tuloy ng kausap na dahil iyon sa guilty siya at nahuli siya nito.

    “Nagparty ka na naman sa club? Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na importante ang selebrasyong inihanda ni Mr. Jones? Bakit hindi ka man lang nagpakita kahit na sandali? Wala ka talagang pakisama at malasakit sa pamilyang ito! Panganay ka pa man din!”

    Hindi na naman ulit nakasagot si Ellaine. Paano siya makakasagot, e, sunud-sunod ang rat-tat-tat ng tanong nito. Sanay na sanay. 

    Kumplikado ang kanyang emosyon sa tono nito ng pananalita, na para bang siguradong-sigurado ito at walang kahit na ano mang duda na totoo ang lahat ng kanyang sinasabi. 

May mga ligaw na alaala ang muling pumasok sa kanyang isip. Sa mga iyon ay nakita niyang normal lamang iyon na pakikipag-usap ng ama sa Original Owner. 

    Hindi mawari ni Ellaine kung saan nito nakuha ang mga ganoong impormasyon gayong taliwas naman ang personalidad ng Original Owner sa mga ipinapahiwatig nito sa kanyang mga salita.. 

    Pihado siyang may kinalaman doon ang magaling nitong bagong asawa.

    “Ano na naman ang kailangan mo? Pera na naman? Akala mo ba ay pinupulot lang namin ng mama mo ang perang ibinibigay sa’yo at nilulustay mo lang sa mga pa-club-club mo?”

    “Dad. Puwedeng ipasundo niyo ako kay Mang Danny?” sa wakas ay nakasingit rin siya. Para kasing kaya pa nitong magtuloy-tuloy nang ilang oras kung hahayaan lang niya. Si Mang Danny ay isa sa dalawa nilang hired drivers.

    “Bakit naman kailanga ka pang sunduin? Bakit hindi ka na lang mag-taxi pauwi?”

    “Wala po sa’kin ang wallet ko kaya wala akong pera pambayad ng taxi.”

    Narinig niyang umismid ito. “Nagpaparinig ka bang wala ka nang pera? Sinasabi na nga ba at pera na naman ang kailangan mo. Naaalala mo lang naman tumawag kapag manghihingi ka ng pera. Hindi porket mabait ang Mama mo ay sasamantalahin mo na ang kabaitan niya-- “

    Inilayo ni Ellaine ang telepono sa kanyang tainga at saka ito naguguluhang tinitigan. ‘Sinasabi nito?’ 

    Ano’ng klaseng mahika kaya ang ginamit nito para ganoon ang mapagtagpi sa sinabi niyang magpapasundo siya?

    Pagkuway muli rin niyang inilapit iyon sa kanyang tainga.

    “-- kakakunsinti sa iyo. Hindi mo man lang ginagantihan nang mabuti. Ibinibigay namin lahat ng luho mo pero kung anu-ano lang ang pinaggagagawa mo sa buhay mo. Ang bata-bata mo pa pero ang dati mo na agad naging lalaki!” Nagdilim ang mukha ni Ellaine sa narinig. “Bakit hindi ka tumulad kay Alice? Dalawang taon ang agwat ng edad niyo pero mas malayo na ang nararating niya kaysa sa iyo. Ikaw? Ano na ba ang narating mo? Puro ka na lang lak--”

    “Dad. Puwede niyo ba akong ipasundo kay Mang Danny?” ulit niya sa orihinal na pakay ng kanyang tawag. Sa pagkakataong iyon ay mas matigas na ang kanyang tinig.

    Na hindi nagustuhan ng kanyang ama.

    Umismid itong muli. “Nakarating ka d’yan nang mag-isa, makakauwi ka rin nang mag-isa.” wika nito at pagkatapos ay tuluyang ibinaba ang tawag.

    Halos sumakit ang ulo ni Ellaine sa nangyari. Anak ng-- 

    Okay. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. At least alam na niya kung ano’ng klaseng relasyon mayroon ang mag-ama. 

    Halata sa mga sinabi nito na hindi nito lubusang kilala ang Original Owner. Ano’ng pinagsasabi nitong club-club? Isang beses pa lang nakatapak ang Original Owner sa isang matatawag na club, at iyon ay dahil inimbitahan siya ni Alice, ang kanyang stepsister, sa isang blowout ng isa nilang common friend. Pumunta siya dahil sa pamimilit nito pero kung sino pa iyong namilit ay siya pang hindi nakarating.

    ‘Ah.’ Nakuha ni Ellaine ang orihinal na layunin ng pag-iimbitang ito ng stepsister. Umikot ang kanyang mga mata. So isa lang palang pakana ang pag-iimbita nito sa kanya para masiraan siya sa ama. Hindi niya napigilang muling umikot ng kanyang mga mata.

Nagmamaganda, e, pareho lang naman silang cannon fodder.

    Pero at least, iyong stepsister niyang iyon, nakaabot pa ng ten chapters bago nag-exit stage. 

    Napabuntong-hininga si Ellaine at sinulyapan ang receptionist na kanina pa niya nahahalatang lihim na nakikinig sa kanyang tawag. Napabuntong-hininga ulit siya. 

    Nginitian niya ito nang magtama ang kanilang mga mata. “Patawag ulit ng isa, ha?” sweet niyang sabi rito.

    “Sige, lang, Ma’am. Go ahead.” kunyari ay propesyunal nitong sabi.

    ‘Hay, ate. Bistado ka nang isa kang tsismosa.’ sa isip niya bago inisa-isa ang ilang mga alaala ng Original Owner upang maghanap ng kung sino pang puwedeng tawagan. Mas malungkot pa ang bilang ng mga kakilala nito kaysa sa contacts niya sa dati niyang cellphone. Nang makahanap ay agad niya idinayal at muli na namang naghintay ng sasagot.

    Hindi man lang ito nakatatlong ring bago agad na may sumagot dito.

    “Hello?” Sa pagkakataong iyon ay isang tinig na babae na higit na mas bata sa kanyang ama ang sumagot.

    “Ate Georgia? Si Ellaine ito.”

    Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya.

    “Ellaine?” hindi makapaniwalang ulit nito. “Bakit ka napatawag? May problema ba?”

    Narinig ni Ellaine ang pag-aalala sa boses nito. “Ate Georgia…p-puwede mo ba akong ipasundo sa driver mo?”

“Yes, of course. Tell me the address and I’ll go there and pick you up myself.”

“No need to go personally, Ate. Just send your driver.”

“No, I insist.”

Walang nagawa si Ellaine sa pagpupumilit nito kung kaya’t ibinigay na niya ang lokasyon kung nasaan siya at pagkatapos ay pinutol na ang tawag.

Nakahinga siya nang maluwag pagkatapos.

Hindi niya akalain ang gagawin nito. Si Georgia Miller ay pinsang buo ng Original Owner sa mother’s side. Close sila noong sila ay mga bata pa subalit ilang taon na rin silang hindi nagkikita simula nang mamatay ang ina ng Original Owner. The fact that the Original Owner could still remember Georgia’s number is proof enough of how much she trusted this estranged cousin. Pero hindi rin inakala ni Ellaine na may malasakit pa rin si Georgia sa pinsan niyang matagal niyang hindi nakita o nakausap man lang para mag-abala pang sunduin siya.

For now, she can use Georgia as temporary backing.

In terms of character importance and ranking, malayong-malayo ang agwat nilang dalawa. Sa nobela kasing ‘The Pregnant Wife Runs Away with the Baby’, si Georgia ang main kontrabidang babae.

*******

   

Related chapters

  • Running Away from the Villainous CEO    5 Cousin Georgia

    Tahimik na naghihintay si Ellaine sa pagdating ng pinsan. Nakaupo siya sa isang lounge chair sa designated waiting area sa lobby ng hotel. Ang totoo ay medyo tensyonado na siya. Habang lumilipas ang bawat minuto na naroroon pa rin siya ay lumalaki ang tsansa na magising na ang Villain at maabutan pa siya roon. Isa pa ay hindi rin siya sigurado kung paano patutunguhan ang kanyang pinsan. Kinakabahan siya na baka makahalata ito na... Sigurado naman siya na kahit na may mahalata ito ay hindi naman mapupunta ang imahinasyon nito sa katotohanan na wala na ang kanyang tunay na pinsan at pumanaw na nang hindi niya nalalaman. Nakaramdam ng guilt si Ellaine sa naisip na iyon. Nakuyom niya ang mga kamao na nakapatong sa kanyang kandungan. Labing-limang minuto pa la

    Last Updated : 2021-12-02
  • Running Away from the Villainous CEO    6 The First Move

    Sa unang pagdilat pa lamang ng mga mata ni Garreth ay ramdam na niya ang pag-iisa sa masters bedroom. Malinaw sa kanyang alaala ang lahat ng naganap sa nakaraang gabi-- ang selebrasyon, ang aphrodisiac drugs na ipinainom sa kanya ng isang hindi kilalang lintik, ang mainit na tagpong nilahukan niya-- lahat ng iyon ay malinaw sa near-perfect niyang memorya.Tila may isang pumipintig na ugat sa kanyang ulo sanhi ng isang migraine, epekto ng kalasingan pati na rin ng aphrodisiac drugs na ipinainom sa kanya. Napansin din niya ang malagkit na pakiramdam sa kanyang balat dala ng matinding… ehersisyo… na ginawa niya kagabi.Hindi sadyang sumagi sa kanya ang mga huling alaalang iyon. Nawalan siya ng kontrol at hindi siya sigurado kung gusto niya ang kalalabasan niyon. It was not the first time someone had tried to get in his bed, pero iyon ang unang

    Last Updated : 2021-12-03
  • Running Away from the Villainous CEO    7 Surprising Changes

    “This is not what I asked you to do.” kalmadong wika ni Georgia, hindi ipinapahalata ang nararamdamang pagkayamot sa taong kausap. Pero batid niyang nag-iiba na ang kanyang ekspresyon.“Georgia, you have to believe in me. I’ve been working in this business and in this company longer than you do. I’ve seen the trends and how they were repeated over the years. I know that what I’m doing is the best step we could take to improve our company’s performance.”Ang tono ng pananalita nito ay para bang isang batang paslit lamang ang kausap at hindi ang kasalukuyang President ng isa sa pinakamalaking media company sa bansa, ang New Horizons Media Inc, bagay na tila lalong nakabawas sa paubos nang pasensya ni Georgia. Ngunit kahit na ganoon na ang kanyang nararamdaman, nagawa pa rin niyang magtimpi, alang-alang man lan

    Last Updated : 2021-12-04
  • Running Away from the Villainous CEO    8 Memories

    Pinigil ni Ellaine ang mahinang tawa na nais kumawala sa kanyang labi nang makita ang reaksyon ni Georgia sa binili niyang emergency contraception. Naaaliw siya sa hitsura nito pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Mula sa hawak niya ay nabaling ang mata nito sa kanya."May boyfriend ka na?" tanong nito."Wala pa." simple lang niyang sagot.Bumalik muli ang tingin ni Georgia sa hawak niya. Nagtagal ito ng ilang segundo.Hinintay ni Ellaine na may iba pang sabihin ito, muling magtanong o mang-usisa, ngunit tinitigan lamang siya nito na may komplikadong ekspresyon sa mukha at pagkatapos ay pinaandar na ang makina ng kotse.Napangiti si Ellaine. Halata sa kanya na maraming nais malaman si Georgia subalit siya ang hindi pa handa

    Last Updated : 2021-12-05
  • Running Away from the Villainous CEO    9 More Memories

    Napangiwi si Ellaine sa nalamang iyon. Nakabalik nga ito pero hindi niya alam kung anong kamalasan ang nakuha nito dahil wala pang beinte-kuwatro oras pagkatapos nitong makabalik sa nakaraan ay namatay rin ito agad. Ayan tuloy at nagawa niyang angkinin ang walang buhay na katawan nito. Kumibot ang labi niya, pinipigalan ang mura na nais niyang pakawalan. Maliban doon ay wala siyang ibang masabi sa kamalasang iyon ng Original Owner. Anong klase naman kasi iyong ganoon, hindi ba? Sinuwerte kang mabigyan ng pangalawang pagkakataon na baguhin ang iyong buhay at tadhana pero wala pang isang araw ay namatay ka na agad. Hinagilap niya sa mga huling alaala nitong sariwa pa sa kanyang isip ang maikling detalye tungkol sa pangalawa nitong pagkabuhay.

    Last Updated : 2021-12-06
  • Running Away from the Villainous CEO    10 The World in the Novel

    Desidido nga si Ellaine na iligtas ang sarili pero hindi ibig sabihin niyon ay alam na agad niya ang gagawin para matupad iyon. Malay ba niya sa ganoong klase ng rich family conspiracy. Ordinaryong tao lang naman siya sa nakaraan niyang buhay, galing sa isang ordinaryong pamilya na may ordinaryo lang din na pamumuhay. Pangunahing libangan lamang niya ang pagbabasa kung kaya't marami siyang nabasang mga nobela at iba pang klase ng akda. Isa lamang ang TPW sa mga iyon. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba talaga na napunta siya sa loob niyon. Natatandaan niyang dinusta-dusta pa niya ang nobelang iyon pagkatapos itong basahin. Nadala lang siya masyado sa mga nangyari sa kuwento nito kaya isang mahabang kritisismo ang ipinost niya sa review section niyon.&n

    Last Updated : 2021-12-07
  • Running Away from the Villainous CEO    11 The Pull of the Plot

    “Whoops.” Tsk! Ito na nga ba ang sinasabi niya. Sabi na at hindi puwedeng habang buhay lang siyang maging palamunin at makisampid sa bahay ng may bahay. Tapos na ang mga araw na sitting pretty na lang siya. It’s here– ang ikinababahala niyang death flag ay dumating na rin sa wakas. Hindi sinasadya ni Ellaine na ibagsak ang tawag. Reflex action lang iyon dahil na-trigger ng pangalan nito ang mga tinatakbuhan niyang problema. Komplikado ang kanyang nararamdaman dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang paghila ng isa hindi nakikitang puwersa para maibalik ang mga naliligaw na plot points sa orihinal na landas nito. Hindi siya sigurado pero ang hinala niya ay desidido pa rin ang mga ito na ibugaw siya kapalit ng benefits na makukuha nila sa transaksyon na iyon. Tulad n

    Last Updated : 2021-12-08
  • Running Away from the Villainous CEO    12 Glimpses of Shadows

    Malalim na ang gabi. Tahimik na pumasok si Garreth sa loob ng isa sa mga sikreto nilang warehouse kasunod ang kanyang assistant na si Martin. Madilim sa kabuuan ng malawak na espasyo sa loob niyon at hindi sapat ang mga ilaw upang maliwanagan ang buong lugar. Karamihan pa sa mga ito ay nakasentro sa gitna kung saan ay may isang walang malay na may katabaang lalaki na nakagapos sa poste. May mga punit at bahid ng dugo ang suot nitong business suit. May isang malaking black eye rin sa mukha nito. Sa bawat sulok ng warehouse ay may ilang mga kalalakihan ang nakapaligid, nakaantabay para sa mga susunod na iuutos sa kanila. Nasa anino sila at hindi ipinapakita ang kanilang mukha sa kanilang bihag upang hindi sila makilala nito. Si Kevin Conrad ang siyang pinakapinuno nila

    Last Updated : 2021-12-10

Latest chapter

  • Running Away from the Villainous CEO    229

    Malabo ang mga alaala ni Ellaine ng mga nangyari nang makaraang gabi pagkatapos niyang ikulong ang sarili sa loob ng banyo. But when she opened her eyes, she wasn't surprised when she saw Garreth's face beside hers on the pillow. Getting almost assaulted was not a pleasant experience. She hated how she allowed herself to get in that kind of situation where she's completely helpless and dependent on somebody else to save her. Not a good feeling at all. Ang nakakainis pa ay hindi man lang niya nagamit ang mga self-defense techniques na pinag-aralan niya. Catherine was able to gain the upper hand on her because she wasn't that wary of her yet.At isa pa, mayroon itong System na siyang nagsisilbing cheat slash goldfinger nito.Sandaling natigilan si Ellaine nang maalala si Catherine at ang System. Ilang segundo bago bumalik sa kanyang memorya ang nagyari sa CR kung saan ay kinuryente siya ni Catherine. Sigurado si Ellaine na dahil iyon sa kakayahan ng System. Marahil ay may iba itong

  • Running Away from the Villainous CEO    228

    R18//Some scenes are not suitable for minors. ***Halos mabaliw si Garreth sa kakahanap kay Ellaine nang malaman nyang nawawala ito. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng ganoon katinding emosyon dahil lamang sa pag-aalala na baka may kung ano nang nangyari ditong masama. Ginamit niya ang kanyang impluwensiya, koneksyon, at kapangyarihan para ipasarado ang buong venue upang masigurong walang makakalabas sa lugar. Ang sabi ng staff na nagbabantay sa lobby at parking kot ay wala pang umaalis na bisita kaya ang ibig lang nitong sabihin ay basa paligid lamang si Ellaine. Kinapalan na niya ang mukha at nanghiram ng tauhan mula sa mga kakilala niyang naroroon para halughugin maging ang kasuluk-sulukan ng buong lugar. Marami ang nainis at nayamot dahil sa abalang idinulot niya.Pagkatapos ng masinsinan at mabilisang imbestigasyon ay nakakuha rin sila ng impormasyon na nakapagturo sa kanila ng kinalalagyan ni Ellaine.Isang cleaner ang nakapagsabi na kakaiba ang ikinikilos ng isa sa mga

  • Running Away from the Villainous CEO    227

    Nagising na lamang si Ellaine na nakahiga na siya sa isang malambot na kama sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Dama pa niya ang panghihina ng kanyang kalamnan dahil sa pagkuryente sa kanya ni Catherine– ang pekeng heroine! “Letsugas ka, Catherine! Lintik lang ang walang ganti!” inis na pinaghahampas ni Ellaine ang unan sa tabi niya. Natigilan siya. Catherine wouldn’t cause her to faint just so she could let her sleep in a soft bed. May balak ang bruhilda! Naalerto si Ellaine. Kung hindi siya nahanap ng kanyang mga bodyguard, maaaring si Catherine ang nagdala sa kanya sa silid na iyon. Sa tingin niya ay wala itong magandang balalk para sa kanya. Ang silid na kasalukuyan niyang kinalalagyan… hindi maganda ang kutob niya. Pinilit niyang bumangon kahit na hinang-hina siya. Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. She was able to get out of bed but the moment her feet landed on the floor, it was like all her strength was sucked out of her. She fell to her knees by the side of t

  • Running Away from the Villainous CEO    226

    Nasa isang charity function si Ellaine. Wala sana siyang bapak na daluhan ang event na iyon subalit nakiusap sa kanya ang organizer na kahit magpakita lang daw siya kahit na kalahating oras lang sa mismong venue at magpakuha ng ilang litrato sa press ay sapat na. Malaki na ang maitutulong ng kanyang pangalan para makahakot ng atensyon mula sa media at sa mga possible donors.Pumayag si Ellaine dahil nagpasabi rin sa kanya ang assistant ni Garreth na dadalo rin ito sa nasabing event.Si Garreth agad ang unang hinagilap ng mga mata ni Ellaine nang makarating siya sa venue. Hindi niya ito nakita sa ballroom area, gayundin ang assistant nito. She looked for a comfort room so she can have some time to herself.Mag-isa lang siya sa comfort room. Tatawagan niya dapat si Garreth para tanungin kung nasaan ito subalit nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Catherine.Kumunot ang noo ni Ellaine nang makita ito. What a small world. Hindi niya inaasahang makikita niya it

  • Running Away from the Villainous CEO    225

    “Bakit kailangan kong maparusahan gayong wala naman akong kasalanan? Sila mismo ang lumapit sa’kin. At isa pa, bayad ang transaksyong iyon. Mas mahal pa nga iyon kaysa sa mga dati kong pinupuntahang lugar na may ganoon ring serbisyo. Nakuha namin pareho ang gusto namin. Masuwerte pa nga sila sa akin at medyo normal ang s*xual appetites ko kaysa sa iba na mas extreme ang gusto.”Napangiwi ang karamihan nang marinig ang walang kuwentang pahayag na ito ng pangalawang Tito ni Garreth. Mababakas ni Garreth mula sa mukha ng kanyang pinsan na nagpigil lamang ito nang sobra upang hindi nito maibulalas ang pandidiri sa kamag-anak nilang ito. Nakakasuka na related sila ganitong klase ng tao. Sa huli ay hindi rin ito nakatiis at nagkomento ng, “Tito, Your s*xual appetite isn’t exactly “normal”. You like f*cking teens, barely legal college students. Bukod sa labag sa batas, napaka-immoral pa.”Ngumisi ito. “Kung immoral lang din ang pag-uusapan, sa tingin ko ay mas pasok doon ang isang katulad m

  • Running Away from the Villainous CEO    224

    Tahimik ang ancestral house ng Randall Family. Bahagyang nanibago si Garreth sa katahimikan niyon dahill nasanay siyang umuuwi roon sa tuwing may espesyal na okasyon kung kailan madalas ay nagre-reunion ang kanilang angkan. Walang anumang okasyon nang araw na iyon. His grandfather had contacted Garreth and asked him to go back to their ancestral house so he could visit him. Batid ni Garreth na hindi tatanggapin ng kanyang lolo ang isang negatibong sagot kaya nanatili siyang tahimik hanggang sa ipahayag nitong hihintayin siya nito.May ideya na si Garreth kung bakit siya pinauuwi ng kanyang lolo. May kinalaman iyon sa mga kasong kinasasangkutan ng kanyang mga kamag-anak– ng kanyang Tito at pinsan. Mapang-uyam ang ekspresyon ni Garreth. When he was a child, Garret used to look up to his grandfather. The old Randall patriarch was a force to be reckoned with in the business world. Everybody in their caste both look up to him in fear and admiration. He made a formidable figure to his op

  • Running Away from the Villainous CEO    223

    Inis na inis si Catherine. She had revealed herself to the Villain! Hindi niya alam kung paano nangyari iyon. She was trying her best to let him fall under her spell pero tulad ng naunang dalawang beses ay pumalpak na naman ang produkto ng System.Si Garreth…She hates him! Ang lakas ng loob nitong pagsalitaan siya. Akala ba nito ay makakaligtas ito? Matteo and Janes have already decided. They wanted his seat. Hindi ito mananalo laban sa kanila, lalo pa at pati si Arturo ay nangakong tutulungan silang makuha ang RanCorp.[Mission to conquer World's Villain… Result: Failed.]Hindi makapaniwala si Catherine sa narinig na announcement na iyon mula sa System. "System! Anong ibig sabihin nito?!" taranta niyang tanong.[Ayon sa analysis ng Main System, wala nang pag-asa na makuha mo ang favorability points galing sa Villain dahil naunos mo na ang tatlong pagkakataon na puwede mong gawin iyon.]"Tatlong pagkakataon? Anong ibig mong sabihing tatlong pagkakataon? Wala namang ganoon sa mga na

  • Running Away from the Villainous CEO    222

    “Garreth!” Hindi napigilan ni Garreth ang pagkunot ng kanyang noo nang marinign ang tinig na iyon na tumawag sa kanya. Aakto sana siyang hindi iyon narinig at magpapatuloy sa paglalakad. Subalit hindi agad bumukas ang pinto ng elevator kaya naabutan din siya nito.“Garreth,” malamyos ang tinig na tawag sa kanya ni Catherine Alavarado.Halos mapangiwi siya sa sobrang tamis ng boses nito sa pagtawag sa kanyang pangalan. Kahit ang Assistant niya ay napatingin na sa kanya nang may pagdududa sa mukha nito. Alam naman ng lahat na may asawa at anak na siya subalit heto at may isang babae pa ang naghahabol sa kanya. Tila nakaligtaan ng mga ito na ang babaeng ito na “humahabol” sa kanya ay may asawa na rin at matagal nang kasal.“Please call me “Mr. Randall” since our relationship is purely business,” matiim na wika ni Garreth kay Catherine nang wala na siyang magawa kundi ang lingunin ito at kausapin. Nilakasan pa niya ang pagbigkas sa mga salitang “purely business” para marinig ng kanyang

  • Running Away from the Villainous CEO    221

    “It’s Daddy again~” Masayang itinuro ni Raze ang screen ng TV kung saan nakabalandra ang mukha at pangalan at posisyon ni Garreth. Ang mukha nito ang laman ng headlines sa karamihan ng mga locak channels. Nagsipaglapitan ang iba pang mga kapatid nito para makita nang masinsinan ang ama na ilang araw na rin nilang hindi nakikita o nakakausap sa personal maliban na lamang sa ilang maiikling tawag nito para magsabi ng “Good night” sa mga bata. Ramdam ni Ellaine kung gaano nami-miss ng mga ito ang kanilang ama. Ilang beses nila itong hinahanap sa isang araw. Napabuntong-hininga siya bago malumanay na sinaway ang mga bata, “Huwag masyadong lumapit sa TV. Your eyesight’s going to get bad.” “Okay, Mommy~” Simula ng mga suliraning kinakaharap ng RanCorp ay mas lalong dumalang ang pagkikita nila sa personal ni Garreth gayundin ng mga bata. Kung ano namang idinalang nilang makita ito sa personal ay ganoon naman nila kadalas makita ito na laman ng mga balita sa TV at pahayagan. Pagkatapos

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status